tinigngplaridel.net
Higit 1,000 mag-aaral sa UPD, walang libreng matrikula – Tinig ng Plaridel
Lagpas 8 porsiyento ng mga di-gradwadong mag-aaral sa UP Diliman (UPD) ang hindi nakatamasa ng libreng matrikula nitong semestre dala ng mga kondisyong itinala sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o RA 10931. Sa 13,167 na nakatalang di-gradwadong mag-aaral, 1,143 o 8.44% ang nagbabayad ng matrikula ayon sa datos na nakalap mula sa Office of the University Registrar (OUR).