ndfp.org
Mensahe ng pakikiisa sa mga kilos-protesta sa buong bansa - CPP
Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa daanlibong mamamayang nagtitipon ngayon sa Maynila at iba't ibang panig ng bansa. Madidinig sa lansangan--hindi sa talumpati ni Duterte sa pagbubukas ng kongreso--ang tunay na kalagayan ng bansa. Ang mga rali ngayong araw ay isang makapangyarihang pwersa laban sa korap, kriminal, pasista at papet na rehimeng Duterte. Patunay ito ng malawak at malalim na pagkamuhi ng bayan kay Duterte.