Halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino.
It still bothers me kapag naaalala ko yung dating redflag ng current jowa ko. 3 years ago nagtampo/nagalit ata sya kasi di ko sya ni bj. But now, hindi na sya ganun gets nya na na kapag no is no talaga.
what do u think kuya? bothered talaga ako sa redflag nya dati, eh kasi ngayon ko lang narealize.
As for your late realization, maybe not just for that thing you mentioned, but for all the things about him, sana marealize mo rin how he’s changed. May mga jowa kasi na hinahalungkat ang nakaraan kahit resolved naman na, kaya ang ending, pinag aawayan pa.
If it really bothers you, I think it’s best to tell him para mapag usapan nyo. Wag mo sana sya awayin. Express mo lang na hindi mo nagustuhan yung naging reaction nya nung di mo ginawa yung gusto nya that time. Don’t have it against him, let him know na naaapreciate mong nirerespeto na nya ngayon kapag hindi mo gusto. Character development kay jowa mo yun. Hehe
EDSA Carousel
Hindi niya sinasadyang maisandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Dala siguro ng pagod mula sa maghapong trabaho kaya’t hindi na niya nagagawang labanan pa ang antok.
Hindi ko alintana ang pangangalay ng aking balikat. Handa ako maging panandaliang pahinga nya sa nakakaburat na byaheng aming tinatahak.
Ang pasakit na dulot ng matinding trapiko ay hindi ko na itinuturing na problema, para sa akin, bahagi na lamang ito ng pang-araw-araw na kalbaro sa buhay. Pero sa mga oras na ito — habang siya’y sa aking tabi, kanyang ulo sa aking balikat, ang matinding trapiko ay ikinagagalak ko.
Inaantok din ako, subalit ayaw kong matulog dahil nais kong sulitin ang sandaling ito.
“Sorry.” Kaniyang pagpaumanhin sa akala niyang abalang idinudulot sa akin.
“Okay lang.” Ikinalulugod kong maging unan niya.
Muli ay isinasandal niya sa balikat ko ang kanyang ulo, at sa pagkakataong ito, alam kong nananatili na siyang gising. At sa tuwing nagdidikit ang aming mga buhok, nakakaramdam ako ng mumunting dagitab na tumutusok sa aking puso.
Minsan lang ako makaramdam ng ganito. Hindi ko namamalayan ang mabilis na takbo ng oras. Hindi ko namamalayan ang mabagal na takbo ng bus. Hindi ko namamalayan na pagdating sa dulo ng byaheng ito ay maghihiwalay kami ng landas nang hindi ko man lang naitatanong ang kanyang pangalan.
Elevator
Wala ka pang kinain sa buong araw. Malakas na kulog ang dumagundong sa iyong tiyan na tila isang sigaw ng pagmamakaawang lagyan mo na ng laman.
Alas dose nang hatinggabi no’ng bumangon ka upang maghanap ng pagkain. Binuksan mo ang maliit na pridyider ngunit wala kang nakitang pagkain. Dismayado kang isinara ito. Muli mong binuksan ang pridyider at sa pagkakataong iyon ay umasa kang mayroon nang makikitang pagkain. Bahagya kang natawa sa sarili mong katangahan.
Nagdesisyon kang sa labas na lang kumain. May Jollibee naman sa ibaba ng iyong condo.
Habang naghihintay ng elevator, inisip mo na kung ano ang iyong kakainin. Two-piece chicken joy. Leg at thigh part. Large coke. At extra rice. Dalawa.
Bumukas ang pintuan ng elevator at agad mong napansin ang magandang binibining nakapwesto sa sulok nito. Inalayan mo s’ya ng isang matamis na ngiti pagpasok mo sa elevator ngunit binalewala n’ya ito.
Habang bumabyahe pababa ang elavator, pilit mong inaninag sa metal na dingding ang repleksyon ng binibini sa iyong likuran, subalit malabong imahe lamang ang iyong nasilayan.
No’ng makarating sa ground floor ang elevator ay dahandahang bumukas ang pintuan nito. Pinili mong maghintay upang paunahing makalabas ang binibini, subalit sa iyong paglingon ay natuklasan mong ikaw lang at walang ibang tao sa elevator.
Date Questions
1. What is the best way to confess your true feelings to someone?
2. What is the best way to ask someone out?
3. What are red flags on a first date?
4. Is sex on the first date okay? Why or why not?
5. Describe is your ideal date.
1. “Things might get awkward between us after I tell you this, but I hope we could still be friends. I don’t know exactly when and how I got this feeling. I think I’m falling in love with you.” Or Idk, just be sincere maybe? Hehe
2.
3. Trying hard to impress you.
4. Getting intimate is the best way to know someone, so I think it’s okay.
5. With the person I love.
Miss mo parin ba yung kawork mong minahal mo dati kahit may gf ka?
Hindi. And sa truth lang, sometimes napapaisip ako kung minahal ko nga ba talaga o hindi yung kawork ko dati. 😅
I appreciate you asking this, the fact na you remember this detail about me, I think we could be good friends. PM me. I’d like to know you. Hehe
So on your own perspective, how do you differ the fuck buddies and friends with benefits.
I think it’s the connection between the two people involved. (or more kung hardcore kayo.)
If they merely have intercourse, and do nothing more than sexual acts, they’re Fubu. And if I could coin a definitive filipino term for it, I’d like to call it “Parausang Kaibigan”
Friends with benefits on the other hand, involves deeper connection which is developed through time. It also respects the perks and responsibilities that come with friendship. Sex could be just one of your bonding activities. Some filipino poets refer to it as “Kaulayaw” but I’d like to call it “Katalik na Kaibigan.” Hehe.
Thanks for coming to my TED Talk.
Hello, pwede po mag-share? Sobrang bigat na kasi.
Sure. Vent it out.
Kaulayaw
Hindi ko mapigilang pagmasdan ka. Ang sarap mo lang kasi panooring uminom ng kape.
Malumanay mong iaangat ang tasang porselana palapit sa iyong bibig upang hipan ang usok na sumasayaw sa ibabaw nito. At kapag handa ka nang mapaso, dahan-dahan mong ilalapat ang iyong mga labi, tapos ay banayad mong hihigupin ang mainit at mapait na likido — ninanamnam mo pa nga muna bago mo tuluyang padaluyin sa iyong lalamunan.
“Bakit?” Tanong mo no’ng mahuli mo akong nakatitig sa iyo, “Namiss mo ‘ko, ano?”
Bakit nga ba tayo nawala? Ah. Oo nga pala, hindi nga pala tayo.
“Hindi.” Pabirong tugon ko, “Ikaw, namiss mo ba ‘ko?”
Gaano na nga ba katagal? Nalalasahan ko pa rin sa aking mga labi ang tamis ng iyong ngiti.
“Sa palagay mo,” Bigla na lang naging seryoso ang tono ng iyong boses, tono na may bahid ng pagnanasa at panghihinayang, “pwede pa rin kaya tayo maging tulad ng dati?”
Hindi ako umimik dahil pareho lang tayong hindi alam ang sagot sa tanong.
Ano nga ba ang nangyayari sa matalik na magkaibigan matapos nilang magtalik?
gustong gusto ko na ulit magsulat ng tula but wala na akong maisip na words. gusto ko sanang gumamit ng sobrang lalalim na filipino words but nawala naman sa isip ko ’yung iba. hello po! baka may maiddrop kayo na malalalim na filipino words
Silakbo - noun. sudden outburst of emotion. other term for bugso ng damdamin. “Dala ng silakbo ng kanyang puso, siya ay biglang nagtapat ng tunay na nararamdaman para sa isang tao na dapat ay kaibigan lang.”
Marahuyo - verb. to be enchanted. root word, rahuyo. synonymous to maakit, mahumaling. “Inamin niya sa kanyang kaibigan na sa una pa lamang nilang pagkikita ay pinatibok na nito ang kanyang puso nang siya’y marahuyo sa natatanging kagandahan nito.”
Salamisim - noun. reminiscence or recollection. other term for gunita or alaala. “Ang mga salamisim niya tungkol sa kaibigang inibig ay nagdudulot ng magkahalong lungkot at saya sa kaniyang puso.”
Hi. Wala na ko maisip na malalim na words. Balikan ko to kapag may naalala ako. Hehe. I suggest you read filipino poems, short stories, and or novels para makakuha ka ng mga malalalim na salita. 😅
I trick myself to have something to look forward each month so my desire to live won’t fade.
Kailan mo masasabi na it's time for break up?
Kapag hindi na masaya.
Random Questions
1. Do you believe in horoscopes? Why or why not?
2. Do you believe in MBTI? Why or why not?
3. Do you believe that dreams have deeper meaning? Why or why not?
4. Do you believe that everything is predestined and free will means nothing? Why or why not?
5. What reasons do you have to be kind towards other people?
1. I don’t think it has scientific basis, so No.
2. I have learned that it has low reliability and validity, thus inaccurate, and is regarded as pseudoscience by the scientific community, so No.
3. If “deep” refers to the level of the mind, the conscious, subconscious, and unconscious, definitely yes I believe it has deeper meaning.
4. I have read somewhere that Destiny is the opportunity that awaits us, and Freewill is the decision we make wether to take or not to take that opportunity. It’s kinda paradoxical.
5. There should be no reason to be kind. And I think it’s kinda awful if a person is kind just because they expect something in return (such as ticket to heaven).
"Give me some sunshine. Give me some rain. Give me another chance, I wanna grow up once again."
“Are you gay?”
He almost spitted the coffee he was drinking when she asked him.
“Don’t get me wrong” She continued as she reached for his hand and held it tightly to show her care and support for him, “It’s totally okay if you’re gay. You can tell me everything, ya’ know. We’re bestfriends.”
“Okay. But..” he slowly took his hand away from her and gave her a look full of confusion, “What makes you think that I’m gay?”
“Look, we’ve been friends for many years,” sounded so intriguing she explained, “I saw lots of girls, hot girls in fact, expressed their interest in you, but you never dated any of them.”
“Because I don’t like any of them.” he clarified.
“So, you like someone in particular?” she asked.
“Yes.” he answered. He then grabbed his cup of coffee and took a drink from it.
With excitement, she asked “Who?”
He was still holding the cup of coffee up near his lips, he looked at her straight into her eyes and said “You.”

