znjkeith

Fvck.Fvck.Fvck.Fvck
Galing kami sa DLSU-D kanina para kumuha ng Application Form para sa Incoming Freshmen. Pero shet, ang KUPS nung babae dun sa Gate 2 ata yung naka violet. Ayaw kami papasukin. “Nag-eerror po kasi yung form pag online ee.” Sabi namin. Sabi niya ba’t daw yun mage-error andami na daw pumunta dun kanina nakapagpa-print nga. Eh, potek paulit ulit lang ung pinaguusapan namin. Di nalang kami papasukan ang Epal ee. Ang kapal naman ng eyeshadow niya color Violet din tapos negra. Panget ng blending. Huhuhahaha. Racist ano po? Hahahaha sakanya lang! Bad siya ee. -.-
Pero atleast naka-pasok at nakakuha padin kami ng form kasi ambait ni kuya dun sa gate 3 ee. Pati yung classmate namin na walang ID pinayagan niya. :)

Pumunta kami ng Walter Mart pagkatapos kasi 12 o’clock na din yun pasado. Pagkatapos namin kumain sa jolibee umalis yung 2 naming classmate tapos nagyaya ako bumili ng ice cream sa Mcdo. Biglang sinabi ni Joanne na “si Tipsy D yon oh!” edi matic na yon nagpa-picture agad kami. Buti nalang nasakin yung tab ni yel voila instant picture with Tipsy D! Grabi di kami maka-move on nun. Hahahahahaha xD as in nagpa-pound yung puso ko nung inakbayan niya ako nung nagpa-picture ako. Opo, fangirl akez! Hahaha xD

Uhm. Hello po kuya Tipsy!!! Thank you po sa picture

Joanne Keith.

  • Madaldal, maingay at makulet (katulad ko)
  • Martyr (SUPER!)
  • Nakakatakot magalit
  • Pero magaling ‘to mag-advice
  • Friendly at sobrang approachable

Etong si Jowaaaan, sya yung tipong akalain mong suplada pero hindi talaga. Promise. Peksman. Super daling lapitan pag may problema ka. Sya din yung takbuhan ko pag mag-papaayos ako ng buhok, nakakatuwa :“) Nakakuha na'ko ng instant personal hairdresser. ODIBAAAA? Tapos madalas kami magpalitan ng shoes, kasi … wala lang:) Kasundo ko din 'to sa mga biruan, pano kase … pinapatulan ba naman 'yung mga ka-cornyhan ng lola mo. Gaga ano? Mehehe~ Ay saka pala sa kadaldalan, chismisan at ka-hyperan, yan ang number1 twin sister ko. Hahaha! Nung minsan nga eh, napagalitan kami ng teacher namin sa English, pina-report kami nung lesson dahil nahuli kaming nagkkwentuhan at tumatawa. Okay. An'sayaaa! Ambait naming bata ;) 

Saka pala, nag-away kami nung first year eh, pero di ko na matandaan kung bakit. Tapos ang codename ko pa sa kanya, "Tarsier”. Kase grabiii kamo sya umirap, eh an'laki pa naman ng mata nya. Kaya yun. HAHAHAHA! Oo inaamin ko, mejo pasaway ako nung mga panahong yun. Sareeeeh neeeh~

Ayun, thank youuuu Joanne ah. Sa lahat-lahat. Sa memories, sa pagaayos mo ng buhok ko, sa mga advices, sa mga kwentong pag-ibig, basta super salamat ah :“) Sorry na din, kung may di tayo pagkakaunawaan dati. Lalim 'teh. HAHAHAXD saka SUPER SORRY KASI NASIRA KO 'YUNG G-TECH MO. Okay lang yan, cute naman eh. Mehehe~ Yun lang naman, mahal na mahal kita 'te, di lang halata. Mwah mwah chop chop :*

Ms/Mrs. Shit -.-

Nanaginip ako kagabe, first day of school daw tas sila sila padin classmate ko ang cool \m/ yung temperance padin kami hanggang college. That would be nice but life is an asshole hahaha as if naman lahat kami iisa lang course diba?

Nasa third row kami nakaupo nila louise, meryll at sam. Di ko alam kung nasan sila abegail, lani,loise at ung iba ee. Tapos kwento kwento sila but I’m just pretending that I’m listening to them. Lutang ako ng mga panahon na yon tas pumunta ako ng CR (meron sa room namin parang nung 3rd year kami hihi kamiss) “Hi tongue tied” sabi ni megs edi nag-hello din ako tas nag hug kami. Pagkabalik ko wala na un seat ko fuck yung natitirang empty seat is beside squiddy. “I want to sit if you don’t mind” Sabi ko kay joanne hahaha di ko ma-imagine na sasabihin ko yon sakanya sensitive pa naman yon! “don ka nalang muna umupo cy!” Sabi ni louise tas ngumisi sila ni meryll. Tiningnan ko si squiddy “dito ka na muna umupo pero mas okay siguro kung dito ka na talaga uupo forever” wtf forever? Wala kayang forever hahaha bitter pala. Jusko landi mo talaga -.- di ko siya pinansin instead umupo nalang ako sa floor at nakipag kwentuhan nalang kila joanne, louise at meryll. Kaso biglang dumating ung prof at di padin umaalis si joanne :( at ang saklap kasi nakita ako nung prof na nakaupo sa floor. “Please take a seat, Ms..?” Magsasalita na sana ako ng… “Mrs. Eguia po!” joanne blurted out haayjusko tong mga to. Gulat yung prof hahahaha “so, you’re married?” Umiling ako at lalong naguluhan ung prof. “Eh bakit Mrs. Eguia ka?” Tawanan silang lahat except kay squiddy harujusko baka galit -.- Tas biglang tumayo wtf anong gagawin niya? “She’s my fiancee” sabay tingin sakin at ngumisi jusq kupal ka talaga forevs. “Bakit Mrs. Eguia agad?” Tumawa nanaman sila habang ako eto nahihirapan sa sahig tss. “She’s just excited y'know Tall, Hot Dark and Handsome” tangina nung time na yon sarap niyang tirisin yabang potek Hot Dark Chocolate? Hahahaha “If that’s the case, Ms/Mrs. Whatever go and seat beside your future husband” edi umupo na ko mga epal amp kainis. Nag-aattendance na ako na sunod kaso ginisng na ko ni papa badtrip di ko tuloy na-defend ung sarili ko -.- Nung monday ko pa dapat to ipopost kaso nakalimutan ko :/ tapos nanaginip ulit ako kagabe at andon nanaman siya juice colored kelan ba to matatapos? :(