zefutaa

10

Second round ng appreciation post ko to, 11 bloggers lang nagawan ko ng banner, ngayong araw lang kase to ginawa lahat. Nakakapagod din pala kahit same lang yung style nila.

adeeongtawco: Si Adee, di pa kami gaanong katagal na magkaibigan nito, parang last month nya lang ako nafollow. Haha. Pero mabait to, moody nga lang. Peace Adee! :)

ellargasm: Si Ella naman ang unang tumblrista na naka-appreciate sa mga posts ko, at siya rin ata yung unang tao na nagpost ng Tumblr Crushes na included ako. Nang dahil dun ginanahan akong magTumblr kahit papano. Hi Ella! :)

piyer: Silingan namo, haha. Ang pinakainiidolo kong Tumblrista na Dabawenyo, maganda ang mga litratong kuha nya at nakakatawa yung ibang text posts sa blog nya. Masasabi kong mabait din siya kahit di kami masyadong nag-uusap. 

justicefreedom: Si Rhean, ang 100th follower ko. Haha. Mabait din to tapos hubadero, always present sa TTH. Hahaha. Yung durian di talaga pwedeng iship, sorry naman. 

zefutaa: Misteryoso, haha, wala kase syang pinopost ni isang picture nya sa blog nya tapos nakalimutan ko na nga rin pangalan nya. Haha. Pero mabait to at ang lambing magTA. Hi Virgin! :)

iamklienzh: Idol ko to, ang galing nyang magPhotoshop, sorry eto lang nakayanan ko talaga para sayo. Walang panama mga banners ko sa mga gawa nya. Hehe

kaloysotero: Si Kaloy, magdadalawang buwan pa daw siya sa Tumblr pero ang dami na nya fans. Hehe. Talented to at nanghahakot ng awards sa ibat-ibang mga contest, galing din magdrawing at mabait din. Oh wala na akong masabi Kaloy, ikaw na.

pedrongkomiks: Si Peterpandesal to dati, nauntog guro ang ulo kaya nagpalit ng URL. Hehe. Okay, irrelevant yung comment ko sa pagpapalit nya ng URL, patawad ulit. Pambawi ko to dun sa ginawa mong banner para sa akin nong isang gabi, salamat ulit dun. :)

sansuperb: Magaling din na blogger to mapatext-post man o typo. Kahit di kami masyadong nag-uusap nito ay ginawan pa rin nya ako ng banner dati kaya parang pambawi ko na rin to. Hehe, salamat ulit doon.

randooomed: Isa sa mga nasabihan ko dati na gagawan ko ng banner bago magtapos ang taong to, finally nagawan ko din siya matapos ng mahabang paghihintay. Magaling ding blogger to, ganda ng mga text posts nya. :)

So yun ang eleven bloggers na nakasalamuha at nagpasaya sa Dash ko ngayong taong ito. Sa iba kong mga nakaTA or nakakasalamuha dito sa Tumblr na di ko nagawang ng banner, sorry kung di ko kayo nagawan kung di lang ako busy eh nagawan ko na kayong lahat. Gusto ko lang ding sabihin na na-appreciate ko kayong lahat at sana ay di kayo magsawa sa blog ko.

Ayun, makakaligo na rin ako pampaswerte, ng di ako maging gusgusing sa pagsalubong sa taong 2012. Happy New Year Guys! Ingat sa pagpapaputok.

Another chapter of my life. Ngayon 19 na ako madaming nangyari noong 18 years old ako nakakilala ng mga bagong tao sa buhay ko, nakadama ng lungkot, saya at kilig. Maraming salamat sa mga taong naging parte ng 18th ko. Ngayon sana kasama ko pa rin kayo sa aking paglalakbay sa aking buhay at sa pag harap sa bawat problema ng may ngiti sa labi. 

Woahkada, matagal na tayong hindi nagkita kita. Kakaunti lang ang nakita ko kanina pero masaya akong nakita ko sila. 

Mumul kids, haha tae hindi rin tayo kumpleto pero salamat dahil kasama ko kayong mag celebrate kanina. Thank you sobra <3 

To my parents, hahaha naks kumpleto tayo ngayong tatlo. Pero tulog na kayo kaya hindi niyo ako mababati. haha. 

Sa nag regalo sa akin kanina Dave and Ina thank you~! Hindi ko ineexpect na may ibibigay kayo yieee :“> I love you both~!! 

Salamat!

Ngayon ay naliwanagan na kami ng kaibigan ko :)

Ung tanong ko na un ay para narin sa mga lalakeng nahihiyang manligaw sa mga babaeng nagugustuhan nila sa kadahilanang magiging problema  ang pagiging kapos sa buhay para mahalin din ng sila ng mga babaeng nagugustuhan nila.

Mas importante talaga ang pagmamahalan kesa sa mga materyal na bagay.

Kakauwi ko lang from atcmu

Thanks sa lahat ng nakasama at bago kong nakilala kahit na sobrang init at hingal at pagod ako the whole day pasensya na din at haggard masyado, pasensya na din sa hindi ko napansin if meron man, at sa mga taong konting time ko lang nakausap may next time pa naman, ang init kasi talaga, I enjoyed it thanks! 

bittersileana 

  • Blog - Nung una hindi ko makita yung laman ng blog niya kasi walang lumalabas kundi yung avatar niya sa blog niya at yung theme niya kaya hindi ko alam ang laman ng blog niya pero kanina nung chineck ko ito ang laman ng kanyang blog ay more on personal posts maayos naman medyo makalat lang ng kaunti sa theme pero cute <3
  • Blogger - siguro mabait naman siya pero feeling ko masungit pero sana mali ang feeling ko. Haha :)

batopiks

  • Blog - more on personal posts and texts ang laman ng kanyang blog malinis ang theme cute yung banner maayos naman.
  • Blogger - Si inay, mommy ko to eh iba pa yung url niya dati eh ano ba yung url niya dati? nakalimutan ko na. Mabait siya at sigurado akong mamahalin mo din. I love you nay!

misskimchee

  • Blog - gusto ko ang blog niya dahil may sense ang sinasabi niya minsan din saktuhan lang. Part of growing up nga daw kaya madalas ang pinopost niya yung mga nangyayari sa buhay niya araw-araw ang everything.
  • Blogger - Lenille! Well, isa siya sa mga mabuting kaibigan ko dito sa tumblr. Naka-bonding na rin at nakausap. Masaya siya kasama at miss ko na siya. 

monkeymanwhore

  • Blog - karamihan personal meron humor at madami pang iba. Pero takte narinig ko boses nito <3 ang ganda lang sana makaduet kita. Sinasabi niya sa blog niya yung gusto niya talagang sabihin. 
  • Blogger - hindi ko siya close pero sana maging close ko siya. hmm sa tingin ko ay mabait siya at magiging isang mabuting kaibigan ko pag nag kataon. Magaling kumanta ay ang cute din. Ohlala. 

zefutaa

  • Blog - more on personal post ang madalas na nilalaman ng kanyang blog minsan mga nangyayari sa kanyang buhay at madami pang iba. 
  • Blogger - Yayks! Eto eh maganda tong babaeng to eh mabait din at alam ko sa oras na magkita na kami magiging masaya kaming dalawa :“> Minsan nakakarelate kami sa isa’t isa.

gagongaliw

  • Blog - personal posts and random texts malinis ang blog niya. 
  • Blogger - Pag sa DP niya sa tumblr akala ko lalaki siya na ano nag dadalawang isip ako eh. Pero ang cute niya. ^^

bukojuicesakalye

  • Blog - puro short text posts ang laman ng blog niya. May personal din pero madalang. Maayos naman ang blog. 
  • Blogger - Si beejay? kupal to eh haha. badtrip ako sayo kahapon pre! lalo na sa nireply mo sa gm ko tungkol sa wish lantern pero ayos lang pero masama talaga loob ko eh. HAHAHA. Nakausap ko na rin to sa phone nung panahong wala kaming internet at tinatawanan niya lang ako. Baliw to.

thematherboy

  • Blog - pwede ba wag na to? HAHAHA jk. May sense lahat ng pinopost niya at Madaming FACTs meron din word of the day and humor. Magaling! 
  • Blogger - Geeez~ si Mr. Tumu 2011 to eh "Kung magiging ulam ako, Paksiw para may asim” the best eh. Ang hirap ng kurso niya at ayokong subject yon U.P pa naaks. Masipag mag-aral at alam kong isang mabuting kaibigan pag nagkataon.

kiankweker

  • Blog - Puro TA ang laman ng blog niya medyo makalat may ilang ulit na online check at readers check meron naman din posts tulad ng short text post at syempre personal posts. 
  • Blogger - Mabait naman ito at madali lang i-approach malapit sa mga chicks at chocks. Mabuting kaibigan! 

euphoricmimi

  • Blog - personal posts ang makikita niyo sa blog niya. Sobrang cute ng theme niya simple at malinis tignan. 
  • Blogger - isa sa malalapit na babae sa aking buhay. Mabait at sweet na babae. Cute at cute hehe so fluffy like me <3 I miss you :*

crispykwago

  • Blog - saktong magulo ang unang pahina dahil napag sama ang TA sa personal post nalunod na yung ibang posts niya ng TA pero pag nagbasa ka pa makikita mo yung mga na istorya niya at kung anu-ano pang ibang may katuturan.
  • Blogger - hindi ko siya kilala pero tingin ko ay mabuting kwago naman siya haha. Sana ay maging kwago ka nalang habang buhay de joke ano sana maging malapit ka sa akin. 

ajhinator

  • Blog - personal posts at madami pang kung anu-anong magandang basahin. Maalala mo ang highschool days mo sa BGM niya at ang laki ng banner niya. Kung ikaw ay mahilig mag basa ng personal posts ayan madami sa kanya. 
  • Blogger - tangna sino ba to? kilala ba kita? hahaha joke. Isa sa mga bestfriends ko sa tumblr schoolmate ko din ito at kapag pareho kaming walang klase siya ang madalas kong kasama. Palaging bangag to eh ewan ko lang kung ano ang tinitira nito eh. Mas bangag pa sa akin. Pero mahal ko ito eh. Alam niya na yon, isa siya sa mga taong pinag kakatiwalaan ko dito. 

At ayan na tapos na ang describe blogs and bloggers. Medyo napiga yung utak ko sa pag-iisip ng sasabihin ko tungkol sa inyo. Pero ayan na pows ^^v

zefutaaa asked:

☮: Share a relationship story

Basta nanligaw ako sa isang babae noon ng dalawang taon. Sa dalawang taon na yun, “Friendzoned’ kami. Yun yung tunay na "Friendzoned”. Kasi lagi kaming magkasama kahit may boyfriend siya. Sabay manood ng movies dito sa bahay. At kung anu-ano pa. Pero wala na yun.