yun na yun!

Guys. Ingatan niyo yung mga taong dumadating sa buhay niyo. Grab the opportunity na makasama sila as much as possible. We will never know ano ang mga susunod na mangyayari. It’s either bigla silang mag-iba. O kaya naman eh may makilala siyang iba. Kaya it’s important na makita yung worth ng tao na yun. Lam mo yun? Ano man ang mangyari masasabi mo sa huli na kahit papano naging parte ka sa buhay ng tao na ‘yun. As long na naging masaya ka? Feel ko count it as a blessing na lang. Kahit na sa huli. Mas pinili nila ang saktan ka. Ganun naman ang tao eh. Sarili lang lagi nila ang iniisip nila.

Pero etong mga tunay na nagmamahal. Handa nilang ibigay lahat. Mapasaya lang yung taong mahalaga sa buhay nila. That’s unconditional love right there. Huwag kang susuko, marami na ang dating malungkot na sumaya na. Kayanin mo palagi.

Kung iniwan ka ng taong mahal mo.Kailangan mo ang 4P’s na inimbento ko lang. Kailangan mong gawin ang Pagtanggap, Pagkalimot ,Pagmamahal at syempre Pagdadasal.

Pagtanggap - ito ang una sa lahat. Ito ang patuloy na nagpapahina sayo ang hindi pag tanggap sa mga bagay bagay, kumbaga wala na eh, yun na yun, nangyari na, may magagawa ka pa ba? Ito ang kailangan mong gawin, tanggapin ang mga pangyayari, ipagpalagay lahat ng nangyari na isang magandang alaala, mga pangyayari na masasabi mong sa susunod mong relasyon eh may matututunan ka na. Basta nga magawa mo tong una kung tutuusin di mo na kakailanganin yung dalawa pang susunod eh.

Pagkalimot - kalimutan ang mga mapapait na alaala, kalimutan ang namumuong galit sa kanya, tandaan mo na ginawa mo na ang pagtanggap, wag mo lokohin ang sarili mo na sasabihin mo natanggap mo na pero hindi mo pa rin malimutan ang mga nangyari. Pero sabagay, maaring matanggap mo ulit yung tao bilang kaibigan, pero hindi mo na makakalimutan ang mga ginawa nito. Pero kailangan mong makalimutan para guminhawa ang iyong pakiramdam, pagkalimot na ang tangi mong naalala eh mahal mo ang sarili mo.

Pagmamahal - mahalin mo ang sarili mo, mahalin mo yung mga taong handang dumamay sayo, wag mo sila i taken for granted. Tandaan mong bihira na lang ngayon ang taong handang dumamay sayo, halos lahat formality lang. Yung mga magsasabing ”Andito lang ako” pero wala na sa oras na kailangan mo sila eh ang mga madalas na nangyayari ngayon. Kaya swerte ka, may pagmamahal pang natira sa kanila para masamahan ka. Mahalin mo sila, mahalin mo sarili mo. Bago mo mahalin ang iba, pag-aralan mo munang mahalin ang sarili mo. Dito wala kang lugi, ito dapat ang minamahal mo ng sobrang lubos, at hindi ang ibang tao.

Pagdadasal - Yes, iba yung may faith ka sa kanya. Iba yung kapag hindi mo na kaya ay kakausapin mo lang siya. Iba yung anytime ay may mapagsasabihan ka at handa agad makinig. Kailangan siya dahil kailangan mo mapakinggan at kailangan mo maintindihan na hindi lahat ng taong ipinakilala sa ‘yo ay sa 'yo mapupunta. Magtiwala ka lang sa kanya. Mas maganda yung nag aabang. May nawala man sa 'yo? May natutunan ka naman.

Bilang dumarami na rin ang bilang ng mga tumblrista, maraming baguhan sa kung ano nga ba ang tumblr at kung ano ang nangyayari sa tumblr. Anong ibig sabihin ng ganito, ganyan. Kaya this post is for you bloggers :>

Tumblrista. Collective term para sa mga Pinoy Tumbloggers. Nasa iba’to ibang sulok ng Pilipinas, maging ng mundo. Basta isa kang Pinoy at may tumblr ka, tumblrista ka na!

URL. Ang URL ang isa sa hindi mawawala sa blog mo. Syempre, hindi ka makakagawa nito kung wala kang URL. Sa URL mo maeexpress ang parte ng sarili mo kasi jan ka halos makikilala. Yan yung itataype sa address bar para makapunta sa blog mo, yan din yung makikita nila sa dashboard bilang username mo, at yan din yung makikita nila kapag nakikipag-usap kaya via TA/FM.

Theme. Ang theme ng iyong blog. Sa simula, nandiyan yung default theme ng Tumblr, Optica ata yun. Choice mo na yun kung papaltan mo. Kapag nagpalit ka ng theme, pwede kang makahanap sa /theme o kaya sa google. Sa pag-eedit nito, tiyaga-tiyaga lang kasi may ibang theme makers na sobrang user-friendly, at may iba naman na kailangan mo pang mag-Edit HTML para lang may mabagong part sa theme.

BGM. Choice mo naman kung maglalagay ka ng BGM. Kadalasan, sa scmusicplayer.net yung player na ginagamit. May iba naman na nakalagay lang sa sidebar or somewhere sa blog. Nakakatulong ito para sa viewers ng blog kasi may music, nakakadagdag ng ambiance at atmosphere.

Sidebar. Ang sidebar naman sa blog mo yung, syempre, nasa side. Ilagay mo kung anong gusto mong ilagay. Online counter, description, links, picture, kahit na ano. Syempre, optional lang naman ito.

Avatar. Ang avatar naman yung parang icon mo sa Twitter at display picture mo sa Facebook.

Header. Ang header ay katulad lang din ng cover photo sa Facebook at sa Twitter.

TA/FM. TA stands for Tumblr Ask. Ito yung mga pwedeng i-publish at i-answer privately. Ito yung kadalasang ginagamit ng mga bloggers para makipag-usap sa iba. Madali lang din kasi ito hanapin tsaka tipong magdadagdag ka lang sa URL ng /ask. Pwede ring naka-anonymous ka sa pagtatanong, depende sa gusto mo. May limit ito na 10 questions per hour. FM naman stands for Fan Mail. Bale, if you want longer conversations, ito ang gagamitin. Na-iistore ito sa inbox. Kaso kailangan mo munang i-follow ang isang tao for 48 hours bago ka makapag-FM. May limit din ito na 500 per day kaso bihira naman yun mangyari. Sa FM, nababago mo yung font, pwedeng monospace, arial, tsaka cursive. Nababago mo din yung texture, pwedeng notebook or paper.

Anonymous. Hiding behind the grey shadow. Pwede kang mag-anonymous sa TA depende sa blogger. May iba kasing ang gusto ay walang anon na matanggap. Be careful lang sa anon messages, wag sana maging hate messges yung sinesend mo. Be good! Pwede rin naming maging anonymous blogger ka. Walang pinapakitang mukha. Pili lang sa information na ibabahagi.

Submit. People want to submit something sa’yo. Kapag in-open mo ito, may makakapag—submit ang mga bloggers sayo. Ikaw din ang bahala kung ipa-publish mo or hindi.

Reblog. Parang retweet lang or share. Kapag may nagustuhan kang i-post na nakita mo na sa iba, ireblog mo na lang. Wag kana mag-copy paste at angkinin yun bilang iyo. Plagiarism nay un. Nasa terms and conditions pati yun. Lahat naman ng post, pwede mo i-reblog, pwera lang yung sa’yo, unless you use XKit.

Like. Same lang to sa like sa Facebook at favorite sa Twitter. All you need to do is like the heart button and ayun. May trick dito, kapag may keyboard kang gamit, pumindot ka ng ilang keyboard shortcuts, J-for next post, K-for previous post, tapos L-for like. If you press L a little longer, may makikita kang heart animation.

Mention. Kapareho lang ito sa Twitter. You type someone’s URL after the @ sign. Manonotify yung blogger na minention mo. Bagong feature lang din ito.

Follow. Kapag sinabi nating follow, edi follow. Parang sa twitter. Pwede kang i-follow, pwede kang mag-follow. Nakikita naman yun sa account mo.

Followback. Binibigay lang ito kapag nauna kang ifollow. Hindi rin hinihingi. Depende na ito sa blogger kung ibibigay niya sa’yo. Kapag hindi binigay, wag naman sanang magalit. You came here to express, not for having more followers.

Tags. You use the tags para organized yung blog mo. Ikaw bahala sa tags na gagamitin mo. Kadalasang mga tags, personal, random, lovelife, long post, etc. Minsan, nasa tags din yung nararamdaman nung blogger. Maliit lang naman kasi ito kaya hindi gaano napapansin.

GPOY. Gratuitous Picture of Yourself. Kadalasan, mga selfie na yung nandito. Pero eto kasi yung picture na proud kang ipangalandakan sa iba.

Longpost. Mahabang post. Hindi ganon ka-defined kung gaano kahaba ang mga long post. Basta mahaba, long post. Kadalasan, mga readables ang makikita dito. Masarap magbasa. Opposite nya yung oneliners.

Oneliners. Mga post na sakto lang sa isang line. Or isang sentence.

Hugot. Mga post na kung makapagrelate sa pag-ibig ay wagas. Sisisirin mo pa ang kailaliman ng lupa para lang malaman kung nasaan ang hugot ng blogger na iyon. Mga kadramahan lang ganon. Haha.

TTH. Titillating Thursday. Mga nakaka-shock na pictures ang nandito, kaso ngayon, puro mga nude selfies na lang. Kung tigang ka at naghahanap ka ng mapaglalabasan, pumunta ka na sa tag na ito!

TBT. Throwback Thursday. Kadalasang napapagkakamalang TTH. Mga picture mo dati ang nandito sa TBT. Kaya nga throwback eh.

Promote. Magpapapromote ka sa isang blogger para makagain ng followers/following.

Sabaw. State of mind ito ng isang blogger kung saan wala na siyang maisip na ipost kaya magrereblog na lang ng kung anu-ano. Nangyayari to sa lahat.

Tigang. Mga taong sobrang malibugan. Lumalabas sa tuwing porn hour. Mga nagrereblog ng porn, kasi gusto may ka-sex. Masasanay ka din sa kanila kasi halos gabi-gabi silang nandiyan. Minsan nga lang, meron sa tanghali at sa hapon.

Tumblr crush. Pwedeng ito yung crush mo sa tumblr or yung 9 mong most-liked and reblogged blogs. Para makita yung 9 na yun, punt aka lang sa following tapos, makikita mo na sa right side yung mga tumblr crushes mo.

Viber/Line/WeChat/Skype. Dahil nakakatamad lumabas ng bahay at magpaload, dito na lang sa mga free chat apps umaasa ang ilan. Instant pa ang dating ng messages.

Kada. Kapag sinabing kada, barkada mo yun. Maraming mga kada jan. Marami kang makakaclose sa isang kada, sumali ka lang, boom, hello close friends na. Masaya magkaroon ng kada, dami mong makakausap. Baka nandon din si The One.

DB. Describe Blog. Base sa name, idedescribe ng isang blogger ang blog mo. May iba’to ibang paraan to describe blogs. Pwedeng may picture, mahaba, may message. Simpleng promote na din kapag maganda yung sinabi ng blogger tungkol sa blog mo.

BR. Blog Rate. Para naman siyang DB kaso ang gamit lang ay numbers. Irerate ng isang blogger ang blog mo depende sa categories na sinet nya.

XKit. Isang google chrome/Mozilla firefox/opera extension. Extension of extensions. Madaming mga extension ang makakatulong sa pagbablog mo. Kagaya na lang nung reblog yourself atsaka one-click reblog.

TC. Tinychat. Isang website para sa pakikipag-chat ng bloggers. Maraming nakikipag-TC. Makakaclose mo kasi ung isang blogger, tapos, may chance din na makita mo yung mukha niya. Enjoy makipag-TC.

Audio greeting. Pag sinabing audio greeting, babatiin ka ng isang blogger. Promote na din ito sa sarili mo kapag nabati ka ng blogger na yun.

Meet ups. Hinding hindi mawawala sa bloggers ang meet ups. Nagsusulputan ang mga meet ups lalo na kapag bakasyon. May ibang meet ups na ilang cycle na din kasi sobrang sumikat. Kagaya na lang nung TSAMU, TSEMU, TAEMU. Isang worth it experience ang pagpunta sa mga Meet ups. You’ll get to know the blogger behind their blogs.

FS. Fan sign. Hinding hindi mawawala sa isang meet up ang mga fan sign. At least kahit hindi ka dun nakapunta, nandon naman ang URL mo. May picture pa kasama ng iba’t ibang mga bloggers. Ang saya diba?

Sana natuto kayo. Or sana nag-enjoy kayo magbasa. Keep blogging. :>

Bigyan kitang 4000 kawal

Okay, baka hindi tayo umabot sa 4000, pero napakarami natin. I do believe. 

Okay so I saw this in Jerrold’s tumblr. THANK YOU NGA PO PALA SA NAKAHANAP. U R AMAZEBALLS. 

“Dedicated and lively production team.” 

“Nothing is as inspiring as seeing a large number of people honestly working together for one worthy goal.”

Naalala ko ang balak natin. Ang balak ng fandom. I swear, sana matuloy. 

@ruscano  PLS ITULOY NATIN. 

TO ANYONE WHO HAS CONNECTIONS OR KNOWS WAYS HOW TO MAKE OUR PLAN OF HENERAL LUNA FANDOM BEING A LEGITIMATE PART OF THE NEXT MOVIE, SHOW YOURSELVES. 

I mean, you know our intentions and you know what our passion is capable of. 

Being a film enthusiast and perhaps an aspiring filmmaker (feeling ko nabuhayan ulit yung pangarap ko *iyak*) I’d do anything to be a part of a production (film/theater). Especially for ones with a “worthy goal”.

P.S. Nabuhay din yung inclination ko sa history na dati ko pa napapansin, ngayon lang talaga fully nag-bloom. Thank you to Heneral Luna and the Heneral Moon fandom, and of course to my amazing Histo Prof, Jerome Ong. 

Anw, MAKE THIS HAPPEN. MAKE IT HAPPEN. P L E A S E. 

Life goals ko maging part ng isang malaking production with a great cause and an influential impact sa malaking audience. Mga pangarap na nabuo mula sa mga simple panunuod ng BTS ng mga paborito kong TV, film and theater productions. With my growing love for PH history, sana maging parte ako ng susunod na penikula si Jerrold. SANA MAGING PARTE TAYO

(read the tags)

This is a 2:58AM thought.

I am the type of person who always put limit on things. Hindi ko binibigay lahat, lagi akong nagtitira for the next time. For example, kakausapin kita pero hindi ko sayo sasabihin lahat ng gusto kong sabihin para sa next na pag-uusap natin, may masasabi pa ko. Another example is magb-blog ako ngayon pero hindi ko ilalagay lahat ng feels ko para sa next na blog ko, may mailalagay pa ko. And maybe that’s because I always think that there is always a next time. And besides, I don’t care din naman if this shit will satisfy you, if my words will satisfy you, if our conversation will somehow satisfy you. Basta may ginawa ako, yun na yun, wala akong pake kung matuwa ka sakin or hindi. Anyway, I never cared about anything naman pala kasi talaga. I am the type of person who is very much not interesado about anything. I know this might be so rude pero wala eh, ewan ko ba basta wala talaga akong pake. Wala akong pake sayo, wala akong pake sa mundo, wala akong pake kung wala ka ring pake sakin. Basta, wala akong pake kasi sobra talaga akong hindi interesado sa mga nangyayari sa mundo, ang iniisip ko lang palagi sarili ko kasi nakokornihan ako sa mga tao. Ganyan na ganyan ako dati. And then I met this person who turned me into something I never expected I will be. Hindi ko ugali yung pagbibigay ng best ko kasi tinatamad nga ako pero pagdating sakanya, damn, I really want to give everything I could give, I want to give the best I have in me. Sobra talaga akong interesado sakanya. Gusto kong malaman lahat ng bagay na pwede kong malaman about sakanya. Kahit kailan, hinding hindi ako mauubusan ng sasabihin sakanya. Sya yung tipo ng tao na kahit i-spend ko yung buong lifetime ko na kausap lang sya, alam kong kulang at kulang parin yun kasi sa huli, alam kong meron at meron pa rin akong mga bagay na gustong sabihin sakanya. Pagdating sakanya, gusto ko nalang gawin lahat ng pwede kong gawin na I know will make her satisfied and happy. Gusto ko nalang sabihin lahat ng bagay na pwede kong sabihin na alam kong ikakatuwa nya. Gusto ko nalang sabihin sakanya lahat ng salitang gustong gusto nyang sabihin sakanya. Gusto ko nalang sabihin lahat ng salitang makakapag-comfort sakanya. Wala akong pakealam kung maubusan ako, basta ang mahalaga nalang sakin is yung ma-satisfy ko sya at matuwa sya sakin. Gusto ko makita nya sakin yung worth nya. Gusto ko ipa-feel sakanya kung ano yung value nya as a person. I want her to see herself the way I see her. Gusto ko lahat ng pag-uusap namin maging memorable. Gusto ko pagdating samin, lahat good memories. Gusto ko ibigay sakanya lahat ng kaya kong ibigay, Gusto ko ibigay sakanya lahat ng deserve nyang ma-receive bilang tao, bilang babae, at bilang sya, She really deserves the best. Pag nag-aaway kami, gusto ko magkaayos agad kasi ayokong maalala nya ko someday as a person na kayang tiisin sya kasi hindi ako ganon pagdating sakanya. Pag nagj-joke ako okay lang kahit korni na basta mapatawa lang sya. Nag-bakla baklaan na nga ko lahat lahat kasi alam kong ganon yung mga trip nya. Nakapag-take na rin ako ng mga online disney personality quizzes kasi alam kong curious sya kung sinong disney prince ako at kung sang disney movie ako nanggaling kahit na sa sarili ko tangina tawang tawa nalang talaga ko kasi hindi ko na alam kung normal pa ba yung mga pinag-gagagawa kong yun.

Sobrang ibang iba ako pagdating sakanya. Nakakapanibago man pero gustong gusto ko talaga yung sarili ko when it comes to her. Feeling ko ang bait bait ko. Feeling ko ang tino tino ko kahit papano. She made me do things I’ve never done before like this tumblr shit. I’m not that vocal, lalo namang hindi ako madrama before pero basta, gusto ko nalang talaga ipagsigawan sa buong mundo yung mga bagay na naf-feel ko sakanya. I want the whole world to know how blessed I am kasi nakakilala ako ng taong katulad nya. She brought out the best of me. And maybe that’s the reason kung bakit sya pinakilala ni God sakin: To know myself more. For me to know na kaya ko, kaya ko maging matino, kaya kong maging hindi gago even just for a while. Hindi ako sigurado pero kung ano man yung rason kung bat ko sya nakilala, gusto ko lang ipaalam na sobra talaga akong thankful sa Panginoon kasi sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ako pa yung pinili nyang makilala sya. Sa dinami rami ng tao sa mundo, yung landas pa naming dalawa yung pinag-meet nya. Every time na makakakita ako ng photos nya, hindi ko mapigilang hindi mapaisip: “Lord, bakit ako? bakit sya? bakit kami pa?”. Every night bago matulog, lagi akong nagp-pray at wala akong ibang sinabi kay Lord kundi “I only want the best for her po”. Wala na akong pakealam kung sakin ba sya mapunta kasi alam ko rin namang lugi sya sakin eh, sasakit lang ulo nya kaya ayun, bahala na, gusto ko nalang talaga yung best para sakanya. Ang tagal na tagal na at sobra talagang nakakaloko kasi sakin, wala paring nagbago. Pag nagb-backread ako sa conversation namin, kung ano yung naramdaman ko nung una ko syang nakausap, ganon at ganon parin yung naf-feel ko. Ilang beses ko nang sinabi sakanya to pero hanggang ngayon, sya parin talaga yung pinangarap kong ipakilala sa parents ko. Sya parin yung babaeng gusto kong idahilan sa mga friends ko kung bat di ako pwede manchix today kasi mab-beast mode si inday ahaha. Sya parin yung babaeng gustong gusto kong inisin tsaka galitin kasi ang cute cute talaga haha. Alam kong ang tagal narin, more than two years na nga since nung nakilala ko sya pero hanggang ngayon, natotorpe parin ako sakanya. Hindi ko na nga talaga alam kung ano gagawin ko sa feelings ko sakanya eh. Ang hirap kasi alam kong pagdating sakanya, hinding hindi ako mauubos pero wala, gusto ko na talaga magpaka-ubos. Ayoko na mag-blog pero this is the only way para maging okay. Sabi ko sa sarili ko, suko na talaga ako. Gusto ko na mawala lahat ng to. Gusto ko na mag-start ng panibago. Gusto ko pa pero ayoko na talaga, at sigurado na ko dun. Pinaka-birthday gift ko talaga sa sarili ko eh yung maging okay na ko. Malapit na, at sana, sana lang talaga mapagbigyan ko sarili ko. Hinding hindi mawawala sakin yung feelings ko para sa taong ‘to pero muli, gusto ko pa, gustong gusto pa pero ayoko na. at sigurado na ko dun.

Business Law Reflection

Required sa school namin na every start of lesson kailangan muna mag-share ang prof ng something to reflect on. Itong napag-usapan namin kanina eh about sa irritation. Imagine na tayo raw mga tao ay oyster, minsan daw may pumapasok na sand sa loob ng oyster at yun daw yung symbol ng irritation. Syempre yung sand sa loob ay hindi comfortable para sa oyster kasi nga foreign object yun. Pero as the time goes by yung pagtitiis daw ng oyster eh magbubunga ng something fruitful. Yung end product ng na-stuck na sand ay nagiging pearl when time comes. Yung pearl na yun, yun yung parang moral of the story. Sa irritation we will learn patience and sacrifice which symbolizes the pearl sa story. Ayun lang na-share ko lang.

so TOZX ep11..
  • SorMik tandem
  • RosAli tandem
  • SorAli friendship
  • Sorey: “I like you, Alisha. “ I just love their bonds.
  • #ProtectAlisha2016
  • #ProtectSorey2016
  • #ProtectSorMik&RosAli2016
  •  2nd season on 2017
9

Salamat sa mga nagsulat sa aking Paco Birthday Book sa Cosmania! Natutuwa ako’t may mga nakakakilala kay Paco kahit nakadisplay lang ang kanyang litrato sa aming booth :))

Halo-halo ang pagkakakilala sa kanya, mula sa “kasama ni Luna mamatay sa kumbento” hanggang sa ”aNG ANAK KO TANGI KONG CINNAMON ROLL” pati na rin sa “team mom ng squad!” Nagagalak ang aking puso habang naririnig ang tinig ninyo. <3

Nakakatuwa rin na pumipirma yung mga tao nang hindi alam na bibigyan ko sila ng libreng print/poster pag pumirma sila :))

Anyway! Naubos ang mga prints at posters! Prototypes ko lang naman din sila hehe magpiprint pa ako in the future! Sana mabuo ko yug cast balang-araw :D

Maligayang Kaarawan, Paco! Makakamit din ang katarungang nararapat sayo sa takdang panahon <3

Okay, para sa taong malulungkot ngayon. Dapat maging masaya ka na. Lam mo kung bakit? Dahil nakakasawa kaya maging malungkot. Bukod sa ikaw ang lugi, wala ka pang mapapala dito. Kung ano ano lang maiisipan mong gawin. Sinasayang mo ang araw mo sa kalungkutan na nararamdaman mo. Habang maaga, mag-isip isip ka na. Wala namang magagawa ang kalungkutan sa ‘yo. Hindi naman maibabalik ng kalungkutan yung taong nawala eh.

Andoon na tayo sa parteng minahal mo siya. Pero 'yun na 'yun eh. Dumating na sa puntong ayaw na niya, ayaw mo naman siguro ng nasa tabi mo siya, pero napipilitan at naawa na lang hindi ba? Kaya ngiti na. Kaya yan. Pangsamantala lang yan. May taong darating sa 'yo na bibigyan ka ng halaga. Bukas, sa isang araw, o sa mga susunod na Linggo. Mapapangiti ka na lang at masasabing kaya mo pala at manghihinayang sa mga araw na sinayang mo dahil lang nalungkot ka sa walang katuturang bagay. Dami dami pwedeng gawin sa paligid eh. Why focus sa bagay na nasasaktan ka?

based on a true account
  • sundalos: señor there are españols dat escape da prison by swimming in da river
  • goyong: shoot whoever swims in da river
  • sundalos: ok
  • goyong: forgets
  • goyong: swims in the fukign river
  • sundalos: ?!?!?!!?!
  • sundalos: SHOOTS GOYONG
  • goyong: WTF

Modern AU where Team Artikulo Uno is a competitive Dota team. 

Cue after-school Dota 2 sessions in Mineski, where trash-talking abounds. 

Paco always makes sure that their team captain, Antonio, won’t actually kill their opponents or get themselves banned from the shop again. The last time Antonio lost his temper, he ended up breaking a monitor…with someone’s face.

Rusca spends more money on food than on computer shop fees every time they hang out at mineski.

The Bernal brothers’ formidable tag-team completes their roster. If Jose’s grades start plummeting however, Manuel makes sure that his younger brother won’t be able to set foot in a shop nor log in on Steam unless Jose gets his shit together for his acads.

If the younger Bernal is unavailable or the team is one player short, Jose Alejandrino comes to their rescue. The ‘dakilang sub’ is usually called upon by Antonio to play for them in times of need.

Artikulo Uno’s fiercest rival is Team Magdalo, led by team captain, Emilio. 

Antonio’s girlfriend, Isabel, greatly disapproves of his obsession over a video game.

“Dota ang girlfriend mo. Ako ang third-wheel.” 

[dota o ako plays in the background]