yang kang mo

anonymous asked:

hindi ka magiging gwapo puta ka nung una si coohpal ngayon si thytraversty naman ano plano mo ha

KINDLY ASK THEM IF THEY KNOW ME, IF NAG UUSAP BA KAMI PALAGI, IF NILALANDI KO SILA. SO KUNG HINDI, PLEASE SHUT YOUR  FUCKING MOUTH! WALA AKONG PAKE KUNG SINO KA. PERO PAKI AYOS NA MUNA YANG SARILI MO ESPECIALLY YANG UTAK MO. TUMATANDA KANG PAURONG BESHY WAG NAMAN GANON MAS MAKITID PA SA ESKINITA YANG UTAK MO

Pag nagTumblr ung mga Nanay:
  • Anak! bakit hindi mo nilalike ung mga posts ko?!
  • Anak! Bakit hindi moko finallow back?
  • Hoy! sino yang nangaaway na kalbo na yan sa anak ko?! pinalaki ko ng maayos ung anak ko! wala kang karapatan!
  • Anak! may pinagdadaanan ka ba? ano tong nababasa ko na mahal mahal na yan?! umayos ka!
  • Ay! ano ba yang gumagalaw na picture na yan? bakit hubo’t hubad sila? jusmiyo.
  • Ano ba ung TTH anak?
  • Palitan mo yang DP mo para kang tanga jan!
  • Hoy! hindi ka namin pinagaral ng tatay mo para magmura jan!

Tingin ko one of the main reason na malungkot at problemado ang karamihan sa kabataan ngayon e yung mga batang gustong napi please lahat, e di naman pwede yun. Tapos kadalasan pang nangyayari e yung natatakot silang sumubok sa bagay na gusto nila pero di nila magawa dahil takot sila sa sasabihin ng iba.

In the first place mga ineng at utoy. Wala ka dapat pakealam sa mga taong pinipilit ka ibaba. kapag may gumagawa sayo nun mas pagbutihin mo yang ginagawa mo. Wag kang iisip ng mga bagay para lang magantihan mo sila.

Ang pinaka mainam na ganting magagawa mo e ipagpatuloy ang ginagawa mo at maging succesful sa bagay na ‘yon. Pake mo sa mga taong yun 'di ba? Karamihan ng mga tao ngayon e wala sa hulog at wala talaga sa lugar. Sobrang ewan na yung henerasyon ngayon. They really need a break.

Rebound? Yan yung ginawa kang panakip butas, napkin, elasto seal, at kahit ano pang panakip yan. Ito yung mga taong akala mahal sila pero hindi pala, ginagamit lang sila dahil hindi makamove on, pinagseselos ang iba okaya trip lang. May iba’t ibang klase ng rebound eh.

  • Rebound na hindi alam - Ito yung akala mo mahal ka nya, akala mo masaya sya sa relasyon nyo, akala mo siya na yung para sayo, pero isang kalokohan lang pala lahat. Malalaman mo nalang na hindi ka naman nya minahal, dahil may iba syang gusto, pinipilit ka lang nyang mahalin dahil ayaw ka nyang masaktan, pero sa huli iiwan ka din niya dahil hindi naman sya masaya.
  • Rebound kasi tanga - Ito yung alam mo na ngang galing lang sa break up, mahal pa ang ex, eeksena ka para tulungan syang mag move on, magpapagamit ka para makalimot siya. Kasi ano? Umaasa kang ikaw ang matututunan nyang mahalin? Gumising ka nga. Pano kung hindi yan sayo magkagusto at iba ang mahalin nyan? Eh di ang ending ikaw ang kawawa? Pwede ka namang tumulong eh, pero sana hindi yung isusugal mo yung nararamdaman mo.
  • Rebound after break up - Kung may taong kakagaling lang sa break up at sinabing mahal ka, magingat ka na. Malaki ang chansa na gagamitin ka lang nyan para makapag move on siya, para makalimot siya. Yung tipong kaya ka lang nya mahal kasi kelangan nyang makalimot, mahal ka nya kasi kelangan hindi dahil gusto nya. Ito yung pinakamasakit sa lahat, dahil pano kung sobrang mahal mo na sya, tapos iiwan ka nya sa dahilang mahal nya pa yung nakaraan nya, at di na nya kaya pang magpanggap na ikaw ang mahal nya?
  • Rebound para sa selos - Ito yung porket may bago na agad yung ex mo, hahanap ka din ng sayo, masabi lang na nakahanap ka na din, masabi lang na di ka talunan, masabi lang na hindi ka apektado kasi may bago na. Yung sweet sweet-an kayo sa public para maipamukha mo sa ex mo na masaya ka na at wala kang pake sakanya, pero ang totoo ginagamit mo lang yung tao, hindi mo naman talaga mahal, hindi mo gusto, panakip butas lang.
  • Rebound sa pagkakaibigan - Nawalan siya ng best friend kaya ikaw yung palagi niyang nilalapitan, ikaw na tinuring nyang best friend, palagi kayong magkasama, palagi kayong masaya, pero nung dumating na yung panahon na naging okay na sila ng best friend niya, unti unti na syang nawala sayo, at bumalik sa best friend nya. Akala nyo ba sa relasyon lang may rebound? Madalas nga sa pagkakaibigan eh. Yung wala syang kasama kaya sayo sya sasama, pero pag meron na ulit, iiwan ka na bigla.

Ang pagiging rebound ay isa sa pinakamasakit na pwede nating maranasan, magamit, magmukhang tanga, utuin, at kung anu ano pa. Kung ako sayo at isa kang rebound, wag kang tanga wag mong hahayaan na gagamitin ka nalang ng kung sinu sino dahil malungkot sila, dahil nawalan sila, dahil may pride silang napakataas at ayaw nilang nagpapatalo. Wag mo namang ibaba ang self worth mo, hindi ka pinanganak para ganyanin lang, matuto kang pahalagahan ang sarili mo. You’re more than that dear. Kung ikaw ay may balak na maghanap ng rebound, makonsensya ka naman brad, makakasakit ka ng damdamin, niloloko mo na nga sarili mo, idadamay mo pa ibang tao at mananakit ka pa. Bakit hindi mo nalang tanggapin na sandaling to magiging magisa ka? Ibaba mo yang pride mo, wag kang mangdamay ng tao dahil miserable ka, hindi ibang tao ang makakatulong sayo, kundi ikaw, ang sarili mo. Okay?

Sa Tumblr, walang pakialamanan sa ipopost, right? Kasi blog mo yan. Blog mo at hindi ng kahit sino man. Sayo ang email address na pinang sign up, ikaw ang lumikha ng password, sinaulo mo, ni log in mo, at pooof may account ka kaya sayo yan. Sayong sayo yan at walang pakialam ang kahit sinuman sa gagawin mo sa Tumblr account mo. Sa Tumblr, hindi mo kailangang maging matalino o maganda para makapagblog. Kahit nagtatumbling na yang grammar mo, kahit maski ikaw eh di mo naintindihan pinagsasabi mo eh wala pa din kaming karapatang magreklamo dahil nga blog mo yan, meron tayong iba’t ibang pinaglalaban. Pero please lang naman, kapag nagpost ka, mapa walang kwenta man yan, may sense, punong puno ng hugot at hinanakit, o kahit selfie mo man lang yan, meron kaming readers at followers mo na karapatang maglike, magcomment, at magreblog niyan kasi bilang follower mo, may karapatan kaming iexercise yang tatlong features na yan sa Tumblr kaya wala din sanang pakialamanan. Wag kang supalpal! Kung nireblog ko man yang post mo, wala kang karapatang magalit sa akin at sabihin sa aking burahin ko dahil blog ko din to. I have all the rights to like, to comment, or to reblog whatever post na meron ang finofollow ko. Hindi kita pinapakialaman sa mga pinagpopost mo dyan kaya wala ka ding pakialam sa gagawin ko sa blog ko. Katanggap tanggap naman kung mali mali grammar mo pero yung kokontrolin mo ko kung paano ko ihahandle blog ko? Aba hoy. Umayos ka. Blog ko to. Blog ko at hindi sayo!