yan-ang-sigaw-ng-puso-ko

Chapter 1 (Draft)

“Si Joseph yan?!!!!!!” sigaw ni Tony. 

“Si Joseph nga!!!” sigaw pabalik ni Lea. 

Si Joseph nga. Si Joseph na naging boyfriend ko noong college. Si Joseph ang unang lalaki nagpatibok ng puso ko. Si Joseph na minahal ko ang buong buo. Si Joseph ang unang lalaki na kinuha ang puso ko at tinapon na parang basahan. 

“Wow, ang sikat na talaga siya. Ang lalaki na pobre noon, ngayon ang yaman2x na. Kristen, masmayaman pa ata siya kesa sa pamilya niyo ah,” sabi ni Tony.

“Hoy, Tony! Huwag ka ngang ganyan! Oo,mayaman na nga siya ngayon. Pero siya pa rin ang Joseph na kilala ko na ulol pa kesa mga ulol kilala ko,” sabi ni Lea. 

“Ulol nga siya! Pero tingnan mo, nakikita na lang natin siya sa TV. Isang successful na businessman. Gwapo. Feel ko madami na tong chicks. Asus, siguro each day, iba’t ibang girlaloo ang kinakasama,” patawang sabi ni Tony.

“Bayot ka talaga noh?! Eh, ano naman? Kilala natin siya. Kilala natin kung ano ugali nia,” sabi ni Lea.

“Lea, tama na. I’m happy for him. Kilala natin si Joe na masipag mag-aral. At alam natin kung bakit gusto nia makapagtapos at maihaon ang kanyang pamilya,” sabi ko.

Why am I defending that man?! The man who broke heart into pieces. SHIT!!! Pero part of me, masaya para sa kanya. Masaya nga ba?!

“See, oh! Buti naman, friend, nakapagmove on ka na,” ani ni Tony.

Wala si Tony noong nangyari yung breakup namin ni Joseph. Tony is my gay bestfriend. Kami ni Lea at Tony lumaki na may kaya ang pamilya. Our families are close enough both in business and in private. Lea and I are cousins. Her mom died when she was 7 years old. So my mom and her mom are siblings. My parents decided to let her and her dad to move in with us. Her dad, Uncle Leo, is the President of our company, Pearl Hotels and Resorts. Si Tony naman, kapitbahay namin. Ang mommy niya ay isang sikat na designer. Noong bata pa kami, alam na namin na isang bakla si Tony. His mom was not even bother at all. Minsan nga iniisip ko na sana naging nanay ko na lang si Tita Mariel. My mom and I are not even close. I do have an older brother. Pero it is obvious that my parents have favorite. And it is my brother not me. My parents are strict. 

Noong naging kami ni Joseph, they were mad at me. My mom hated me so much. Pero mahal na mahal ko si Joseph na kaya ko siyang ipaglaban. Siyempre, tanga ako ng sobra dahil all those sacrifices that I did for him…for us, wala rin pala. 

Si Joseph lumaking di gaya sa amin na…alam mo na, may pera. Siya yung panganay ng walong magkakapatid. Meron xang kalog na parents. Kahit di man nila kalevel ako, tinanggap pa rin nila ako bilang isang anak nila. Naging close ko rin mga kapatid nia. Isang scholar si Joseph ng university namin. Tangkad siya. Gwapo. May chance na maging artista. Isang smile niya lang, lahat ng babae noon sa school napapatili. Pero kung ano meron ako, yun ang wala siya… PERA. 

(to be continued…)