yan na anon:)

anonymous asked:

Suggest blogs please? 😊

@airapunzel @findingcassiopeia @kailanganngclosure @tangangnagmamahal @rflbasa @leavemealoneokaybye @kidnats @keiapooo @sikolohistang-baliw @antukingpogi @daaamnpaolo @paolopalanca @dakilang-option @babaengplywood @dakilanggerlpren @hahahagago @shemsampu @theilustrado @vegaaskies @the-bakitlist @the-lois-mags @foureyedmonsteryeah-x @clearlysillysalad @sunflewor @hindi-ko-birthday @sisangbuhayniya @hindichinita @hugoterongmakata @hindiakowitty @klershampoo @misskhae @shiningtwinkletoes @memoirsxaly @anonyymiss @inosentekuno @batangsuplado @nostalgiaragingmyveins @buhaybabae @bbarican @faithhopelovecamille @hayley-ngbuhaymo @vonquaint @kuriseru @seoulmate-moto @awesomebella @rantsandwords @chescarriffic @nawawalannguurl

The moment I knew I need some improvement

I think this anon arrived at my account last year. Naalala ko pa noong una ko tong binasa sabi ko “tangina neto, ginagawa akong tanga porket tama grammar ng pinagsasabi niyang kshitan” tapos nasa isip ko wala akong pake kung mali grammar ko, basta nailalabas ko ang nadarama kong hinanakit sa damdamin. Until bigla akong nadepressed, to the thought na baka sa una pa lang pinagtatawanan na nila ako, na yung ibang mga blogs na nagpopost about wrong grammar poet ay ako, feeling ko lahat ng bagay na kapintas pintas sa blog ko ay totoo. Suddenly my blogging confidence just went from 100 to 0. Nawala na parang bula ang confidence ko para magsulat, pakiramdam ko bawat sulat ko ay ijujudge ng iba, baka may makita silang maling grammar at kung ano-ano pa kaya tumigil muna ako ng ilang buwan, though nagpopost ako minsan pero binubura ko kapag hindi ako satisfied sa mga words na nakasulat dito. Eto din ang dahilan kung bakit nainsecure ako sa utak ko, the way I think, the times where I forget some basic words at dumating din sa point sa kung saan nagtatanong ako ng kung anong english neto which I dont usually or ive never done before. Halos mabaliw din ata ako, pero slight lang dahil akala ko imbis na tumalino ako every year, mas bumobobo yata ako, kasabay na rin sa pressure ng mga kaklase ko sa school, mga taong nagsasabi na akala nila nung una nila akong nakikilala ay matalino daw ako pero weird lang dawa pala. Hanggang sa sunod-sunod ko ng nareralize na ang baba na yata ng tingin saakin ng mga taong nasa paligid ko, they’ve treated me as someone na walang kwenta, hindi nila kailangan when it comes to academic matters, or basta related sa mga smart stuffs kuno. Doon ako bumaba ng bumaba hanggang sa wala na akong tiwala sa sarili ko.

Pero hindi ako sumuko, oo corny ang linya na yan pero putangina dahil sa iba kong kaibigan dito sa tumblr, kilala niyo na kung sino kayo, sila yung tumulong sakin para maencounter ko ang insecurities ko. Sinabi nila sakin na natural lang sa isang baguhang manunulat ang makakuha ng ganyang criticism, though I took it way too serious on my side dahil first time ko lang ang mapansin ang grammar ko sa pagsusulat, Tangina natatawa ako sa drama ko dahil diyan sa anon na yan, pakyu kang anon ka kahit na good criticism mo yan nainsecure ako ng pagkatagal tagal at hanggang ngayon meron pa rin epekto sakin.

Eto lang ang conclusion ko sa long post na ito:

Sa dinami rami ng sinabi ko, ang gusto ko lang iparating ay dadating tayong lahat sa point na kung saan akala natin wala tayong insecurities, pero meron pala at sobra ang magiging epekto nito sa pagka tao natin. The best way to conquer it is try to embrace it, sa paraan ko dahil nga sa nainsecure ako sa pagiisip ko or the way I write, umino ako ng memo plus gold at hindi po ito sponsored pero kung balak po ako isponsor ng memo plus gold hihi contact me po, charot lang. Ayun nga, I tried to exercise my brain, nagbasa ako lalo para maexpand ko pa ang vocabulary ko at I tried my best to write a poem na galing talaga sa puso ko at hindi para sa sake ng blog na ito.

anonymous asked:

bloggers na masarap kausap?

@tangangnagmamahal @babaengplywood @dakilang-option @kailanganngclosure @klershampoo @the-bakitlist @araykomasakit @hachieko @batang-kalog @hahahagago @paolopalanca @foureyedmonsteryeah-x @kolengforyourattention @extraterencetrial @airapunzel @hindiakomahiligsaboobs @rabagocpa-soon @nostalgiaragingmyveins @kidnats @susunuginkobahaynyo @rflbasa @leavemealoneokaybye @nagiintayngsparkss @boytetano @babaengloyal @hansporkandbeanss @sxlxniuuum @thebinchycode 

and ayon hehe tamad na ko magtag sige yan na anon pero di sila pagkain ah.

Different kinds of Tumblr Blogs :

Writer/Author : Ito yung mga blog talaga nang isang manunulat na tipong feel na feel mo yung post niya, makakarelate ka tapos karamihan sa post niya long posts, readable, and etc na talagang mag-eenjoy ka kababasa at talagang may matututunan ka. Sila yung open to advice anyone na mag-a-anon sa kanila kahit ano pa man yang problema mo. ✍🏻☺️

Personal Blog: Ito yung mga bloggers na more on kwentong buhay ang laman nang blog, sila yung tumatawag sa tumblr nila as diary nila kasi dito nila pinopost lahat lahat as in LAHAT nang mga hindi nila kayang ishare/ikwento to someone na kakilala nila kaya dito sila naglalakas loob na ipost yung mga hinaing nila sa pang-araw araw nila.🗣🙍🏻

Photographer : Syempre as a photographer syempre puro scenery laman nang blog nila na sila yung mismong nagcapture at sila yung nagpakahirap makuha yung best view and angle para sa pictures na pinopost nila. 📸💁🏻

Magaganda/Poging Blogger : Sila yung mga blogger na pag nagpost nang selfie or kahit anong picture nila ay talagang ang dinadagsa nang anon/s and admirer/s. Hakot din sila sa mga friendships dahil karamihan naman sa kanila friendly. 👸🏻

Unknown Blogger : Sila yung mga bloggers na mystery at malihim sa buhay. They don’t post selfie picture kaya hindi mo talaga sila kilala at hindi mo alam yung itsura nila. Sila yung mga blogger na parang personal post din pero mas maingat sa words and names na gagamitin. Sila yung blogger na hindi nagpapakilala kasi they want to secure their privacy. 😶🙈🙊


Friendly Blogger: Sila yung mga blogger dito na hakot friends at sabog talaga ang inbox sa dami nang kausap. Sila yung makikita mong may ‘good morning’ , ‘happy birthday’ ‘hello/hi’ 'miss you’ greetings palagi sa dashboard , minsan may kamurahan pa pero 'Bes’ naman ang tawagan. At mostly laman nang blog niya puro pag-uusap nila nang someone na kaibigan niya na dito.👯

Reblogger : Sila yung mga blogs na puro reblog lang yung laman nang blog kasi nakakarelate sila sa post. They don’t usually post kasi mas trip nila na magscroll lang nang dashboard then reblog. 🙃🙂🔁

Painter/Illustrator/Artist: Isa sila sa mga blogger na nakakainspire yung blog kasi puro artworks , drawings na nakakamangha at nakakainggit kasi nabiyayaan nang magandang writings at mahiwagang kamay. 🎨

Singer : Sila naman yung talagang nakakabighani yung boses, karamihan sa laman nang blog nila or kilala sila dahil sa mga cover na kinakanta nila. 🎶🙇🏻

Reader/Bookworm : Sila yung mga blogger na puro feedback and ratings about sa isang libro yung blog nila mostly nagsa-suggest sila nang mga book na nabasa nila na maganda at talagang nakakahook basahin. 🤓📖

Joker : Sila naman yung mga blogger na talagang nakakagoodvibes yung blog nila tipong karamihan sa laman nang blog nila puro may sense of humor, may corny man minsan pero havey naman ang karamihan, sila yung mga blog na magandang dalawin before matulog kasi makakatulog ka talaga na masaya. 😂😝😜

TTH King/Queen: Sila yung mga blogger na dapat lamang dalawin nang mga edad 18+ kasi puro adult content yung laman nang blog nila, sila yung nga blogger na proud sa mga body nila na talaga namang nakakaproud din talaga. Lol. Sila yung nagpapakilala nang nudity in art 😅. At dahil rin sa kanila no awkward moments ang makakita nang porn sa dashboard. 😁

And Others, karamihan naman sa mga bloggers na yan tumatanggap nang anon or someone na need nang advice, open naman sila for your stories that you would like to share or someone to talk to about something or anything , so don’t hesitate to TA or message them. 😊😅