wyd laguna

WYD Laguna v2.0 (0727-0728)

Dumating kami sa City Plaza ng Calamba ng mga 2 PM na, nagsstart na ang registration. Tas yung mga kaklase ko nagsihanapan na ng pogi agad hahahaha. Syempre, tinutulungan ko sila haha. Enjoy naman e.

Tas after ng registration nagbigay ng orientation yung mga fasci about sa Pilgrim Walk. Tas yun nagturo sila ng onting steps sa mga kanta haha. Tas yun nagstart na kami lumakad papuntang Letran.

Sa paglalakad namin, may dumaang bus na may sakay na turistang Koreans. Tas kumaway sila samin, edi kumaway ako haha. Tas naggangnam style at gentleman sila sa loob ng bus halatang turista haha. Tas medyo nakakainis kasi patigil tigil kami tas tirik na tirik yung araw haha.

Nung makarating kami sa Letran, binigyan kami ng mga cardboard. Advertisement nung Letran ng mga courses nila. HAHA. Tas yun pumunta na kami sa pwesto namin tas latag na ng sapin tas upo haha. Sinabi saming may sharing ang ginawa namin kumain kami HAHA. Tas yung 2 kong kaibigang 4th year, nagyayang maglibot edi sumama ako. Tas yun nagpunta kami sa lugar ng mga taga-Sta. Catalina kasi may friends kami dun. Tas sa San Lorenzo, di kami masyado nagtagal pati sa Mater. Tas nilibot namin yung buong open field ng Letran. Tas sinisitsitan kami nung kasama kong babae kasi kasama ko boy at girl. Syempre hindi namin pinansin, snobber kami e. Dejoke. Dapat lilingon kami kaso etong lalaking kasama namin ang KJ. HAHA. Tas nagdecide kami na kumain na ng dinner kasi madilim na nun tsaka patapos na yung time para sa dinner. Edi bumalik na kami sa pwesto namin.

Next part, program. Bumili ako ng drinks kasi wala akong dalang tubig. Tapos nung nakabili nako, may sinigaw yung hosts tas yung mga tao pinagbabato sa ere yung mga cardboard na pinamigay. Akala ko ilaw lang e yun pala cardboard. ANG GANDA TIGNAN TALAGA. Kaso nung naglakad nako at natamaan ako ng 3 beses ng raining cardboards e hindi nako natuwa. HAHA. Tas sumayaw na mga Youth Animators. Ang ganda ng sayaw nila. Tsaka yung mga tugtugan. Sarap pang soundtrip HAHA. Tas may fireworks display. BEST PART YUN. As in. Ang saya kasi. Medyo nainis ako dun sa akala ko ordinaryong kwitis lang tas biglang naging parang christmas lights yun itsura. Nakakainis in a good way kasi ang astig.

Tas may dalawang Father na nagconcert haha. Wala ako sa field nun kasi nagCR ako. Pahirapan maghanap ng CR dahil ang haba ng pila sa girls CR. Sa dami ba naman namin. 14,000 daw kami. Tas yun hindi na muna ako bumalik sa field kasi naenjoy ko maggala. HAHA.

Tas after nun may talk na galing sa isang Brother na parang hindi Brother kasi ang galing niya magtalk. Kuha niya yung kagustuhan ng mga tao. HAHA. Tas medyo kahawig niya si Bamboo. HAHA. Basta ang galing niya. Akala ko aantukin ako sa talk, hindi pala.

Tas after ng talk, nagdecide kami ng mga kaibigan ko na magspin the bottle dahil mahirap ang truth or dare. Tas ayun, laging tumatapat sakin yung bote kaya yun. Daming aminan na naganap. HAHA.Tas after nun may sharing na naganap. Wala din ako sa field nun kasi may sinamahan ako sa CR.

Tas lowbat na phone ko edi hiram hiram din ng charger kasi di ko dala yung akin. After 2 hours pa ako nakapagcharge dahil ang tumal haha. Tas nung nagchacharge ako, yung mga kasama ko, sumilip sa loob ng isang classroom tas sinabi nila na may anino daw. HAHA. Syempre natakot ako. HAHA. Pero sumilip din ako. MERON NGA. MALIIT PARANG DWENDE NA NATAKBO DUN SA MAY WINDOW. HAHA. Gulat ako dun syempre. Nakakhiya nga kasi yung outlet kung saan ako nagchacharge ay dun sa wall nung classroom na sinilip namin tas ang katapat ay boys restroom. Nakakahiya dun sa mga lalaking nandun haha. XDD

Tas nung tapos na magcharge yung kasama ko, umalis na siya.  Kaya naiwan ako dun kasi di pa tapos yung akin. Tas biglang may dumating na grupo ng mga lalaki. Nararamdaman kong nakatingin sila sakin. Tas yung isa gustong lumapit. HAHA. Nakikiramdam na lang ako kaya tahimik ako nun. Tas may nangulit dun sa lalaking yun tas tinulak siya papalapit sa tabi ko haha. Tas yun naramdaman kong napatawa yung guy. HAHA. Natatawa ako sa kanila kasi pinagmamasdan ko nalang sila. May part pa nga na nagkatinginan kami nung guy na yun tas biglang siyang tumalikod. WAHAHAHA. Natawa nalang ako nun. Tas umalis na yung mga kasama niya, edi naiwan siya dun. Tas feel ko nahiya ata kaya umalis nadin. HAHA.

Tas dumating yung isa kong kaibigan galing sa ibang group. Tas yun nagusap kami. Tas bumalik ako ng field pagkatapos magcharge. Mga 2:30 AM na nun HAHA. Tas ang nagaganap ay sharing kaya tahimik lahat. After ng sharing, masaya na ang naganap.

Kinamusta kami nung mga hosts tas yun FIREWORKS DISPLAY NA NAMAN. Tas yun nakakatuwa talaga. Lalo na yung akala naming walang kwentang fireworks kasi maliit lang tas yun pala naging falling debris yung itsura sobrang ganda. 

Tas sumayaw ulit yung mga animator tas yung Worship na puros kantahan at sayawan na sobrang ganda Hillsong ang peg. HAHA. Pati “OUR FATHER” ginawan ng kanta pero ang title, “AS IT IS IN HEAVEN” HAHA. Ang astig talaga. Tas after nun di ko na napigilan antok ko babagsak na katawan ko kaya nagdecide akong matulog.

5:30 AM. Nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko. Pinaguusapan nila yung kaklase kong pinicturan nila habang tulog. HAHA. Tas yun nagdecide akong magCR. Syempre, hirap na naman humanap ng CR kaya pumila kami dun sa huling CR na pinuntahan namin. Tas bumalik kami sa field. Misa na. Edi nagmisa kami. HAHA. Yung katabi kong taga-ibang parish may dala-dalang payong tas sabi nung kasama niya ibaba daw. Tas tinignan nila ko. Sabi nila sabay pa, “NATATAMAAN SI ATE.” Wahaha. Natawa ako sa kanila. HAHA. Kaya umurong ako haha. 

Tas after ng misa, uwian na. Grabe ang daming basura. HAHA. 

Ang saya talaga haha.

Ang nakakainis dun, nung gabi na naglalakad ako sa mga hallway yung mga tao tingin ng tingin sakin lalo na mga lalaki. Ewan ko ba, feel ko may dumi ata ako sa mukha, or dahil dalawa ID ko. HAHA. Tas yun tinitignan din nila ID ko kasi nga, dalawa haha. XDD

Di ako nakakita ng blogger dun. HAHA. Or baka naman nakakita ako di ko lang alam haha. :D Anyways, good afternoon. :)