wasak na wasak!

Holdaper With VICE GANDA!!!! XD
  • Holdaper: Holdap 'to!!
  • Vice: And so? Walang nagtatanong!
  • Holdaper: Holdap nga 'to!
  • Vice: Kelangan bang pagsigawan? Proud ba?
  • Holdaper: Sinabi ngang holdap 'to! Holdap nga holdap!!
  • Vice: Paulit-ulit? Unli tayo teh?
  • Holdaper: Pag 'di ka tumigil, Papatayin kita!
  • Vice: Weh? Holdapan tapos naging Patayan? Ano 'to 2in1?
  • Holdaper: Kainis! Makaalis na nga!
  • Vice: Ay! Walk-Out? Best Actor, Antaray! XD
  • -BASAAAG!!! XD
The YES DIARIES Experience

Listen To These Links:

PART 1: http://youtu.be/AfKqy0A_2qs

PART 2: http://youtu.be/Kc63nnkVR4Y

(Dec. 3, 2012)

“Hello, This Is Yes Diaries! Good Evening, Sino po sila??”

…..Ayan ang Pabungad na sinabi sa akin Pagkatapos kong tumawag ng Ilang Beses sa Kanila mula pa noong Biyernes (Nov. 30, 2012).

Kala ko nga kung sino ang kumakausap sa akin na Technical Staff nila, Kasi dati sa ibang Radio station na dadaan muna sa Staff nila bago ka kausapin live ON-AIR.

OwwMayGad!!!! Si CHiCO LOCO na pala ‘to!!! PACKING TAPE!!!! 

So Ayun, Tinanong niya ang Basic Info ko, Telephone Number kung sakaling Mawala sa linya, Short Briefing sa Kalakaran ng Buong Show, at ang mga DO’S and DON'TS sa Program proper.. 

“Meron pang Last 4 Commercials Kaya Standby ka lang ahh, By The Way Maririnig mo naman kami dyan ok??”


Hala ka!!!! YOU MADER FADER YOU!!!! Bumibilis ang mga Pangyayari, Nilalamig na ko!! At Inuubo-ubo pa!!! Ganito talaga ako pag Kinakabahan!!!

 

“Welcome….. YES DIARIES.”

Nag-start na ang Program niya!!! Sabay may pang-aasar pa sa intro niya!!! At sa hinaba-haba ng mga Greetings mula sa Mga Nakikinig sa kanya na BAOG na BAOG na sa kakapakinig sa kanya sa Pangalawang Bugso ng Programa, ETO NA!!!!

“Sige! Kausapin na natin 1st Caller natin for Tonight…. MAGANDANG GABI PO!" 

"Magandang Gabi din po! :D”

Ayan na, Tumatakbo na ang Buong Programa. At Siyempre Tanong-tanong ulit ng Mga Basic Information tungkol sa akin, At Kulitan To The MAXX! Partida Nilalamig pa ko niyan sa Kaba, Nakapatay na Aircon namin niyan ahh??!!

Natawag ko pa palang Kuya Jack si Papa Jack!!! PACKING TAPE!!! Kasi nga yung Video nila ni Kuya Chico nung Sumayaw sila nung Birthday ni Nicole Hyala.. Sabi ko I-Upload nila sa YouDIYES!!! XD

At Siyempre Ayan na Ang Pagsalat sa Guhit ng Kapalaran. At ang Resulta…

Oras ng Kapanganakan: Alas-Otso Y Medya Kwarenta ng Tanghali ng Gabi

Zodiac Sign: ADIDAS?!!!

Expected ko na nga yung Pagpapalit niya sa Zodiac Sign ko na Leo ehh!! Kasalanan yan ni Not-Not at ng TACHI-SCREEN niya!!! XD

At Ang Sumalat naman sa akin…. Siyempre Si NOT-NOT!!! Kotang-kota nga siya kagabi sa Lahat ng Callers ehh!!! Hinintay ko pa kung lalabas si KOYANG o si CHIKLET…… Napuyat lang ako!!!! 

 

At Pagkatapos ng Salatan, Ayan naaaaaa!!!!! Ishe-Share na ang Gustong Ikwento.. Ikukwento ko sana yung Tungkol sa Pudel na Prof namin… Pero wag na!!! Walang Kwenta naman yun!!! Kaya ayun shinare ko na lang yung Napapansin ko sa Espren ko na Ayun nga, Medyo nawiwirdohan ako lalo na nung Nag-usap kami nung Tanghali nung mga araw na yun dahil Depressed na naman siya. Ayun nga Pinayuhan ko siya sa abot ng aking makakaya pero ayun parang naisip ko wala pa rin.. Kaya Buti na lang nakatawag ako para Humingi ng Konting Advice para naman makatulong pa ako ng konti..

Ika nga ni CHiCO LOCO ayan ang Job Description natin As a Friend na alalayan sila at suportahan sila sa mga oras na may problema sila… NAAAAAAHKS!!!! XD

At ayun After ng Pag-uusap ehh Kinongratulate ko na rin yung mga Sumali sa MBC National Chorale Competition… At Inaaya pa ako ni Kuya Chico!! Eh Walang Pera, Sorry!! PAUTANG LIMA MO!!!! Bayaran ko Bukas!!! XD

At First time ko rin makarinig na may Pari na Idol si KAPITAN TUTAN!! Ewan ko lang. Ganyan talaga ang Buhay…. Hehehehehe 

At siyempre natapos din ang Pag-uusap namin. Medyo may Kaba pa rin pero May Ngiting HAYAHAY naman.. Sabay Nagkulitan pa sila ni Kuya Chris Tsuper oh!!! 'San Ka Pa??!! (Teka? Yung Isang Istasyon yun ahhh??!!! XD)

 

 

Maraming Salamat Talaga kay CHiCO LOCO, sa YES DIARIES, at sa 101.1 YES FM sa Paggawa ng Ganitong klaseng Programa sa radyo… Sa Totoo lang, Bumalik ako sa pakikinig ng Radyo dahil sa Programa niya.. Naging Daily ritual ko na nga ito ehh. Tagal na talaga akong hindi nakakapakinig araw-araw sa Radyo, Noong mga 2006 pa ata noon noong Nakikinig ako ng araw-araw sa radyo.

Haisxt… At Bago ko nga pala Makalimutan, May Tumblr. din si CHiCO LOCO, Follow niyo siya ahh?? You MADER FADER YOU!!! BAGO KA!!! XD (http://isipangmagaslaw.tumblr.com/)

Sa Loob Ng Classroom......
  • PROF: Ok Class.... Kung Sino ang Unang Makakasagot sa Tanong Ko ay siya ang Unang Makakauwi.
  • STUDENT: (Nag-iisip Ng gagawin.... Nang Biglang Binato ang Bag sa Labas)
  • PROF: O? Kaninong Bag yung nasa Labas???
  • STUDENT: SIR!!! SAKIN PO!!!!! BYE BYE!!!!!! XD
  • -PANIS! XD (From The Video "My Nerdy Valentine" By JAMICH)

>>It’s More Fun In The Philippines…. TALAGA!!!! XD<<

Boracay, You Sexy Beach! 

- Haller, Baler

Bohol: Go To Hill! 

- Be Cool, Bicol

- Thank you, Camiguin

- Hanap Mo Bay Maluwag? Halina Sa Laoag

- Maliit Navotas, Lumalaki! 

- We Fly High In Capiz

- Go Gaga In Naga

- Kaibigan, Punta Na Sa Vigan

Virac, You Rock! 

Kamuning Get Me! 

- Better Leyte Than Never! 

- Whee! Tawi-Tawi

- Walang Aayaw Sa Apayao

- Maraming Gig Sa Taguig

- Bongga Ka Day, Sa Norzagaray

- I wanna dance with Zambales, I wanna feel the heat with Zambales!

Eto Pa Mga Dinagdag Ko!!!! XD

- Gumala Na Sa Manila!

- Laklak Na Sa Tarlac!

- Maglokokohan Tayo sa Caloocan!

- Gas Up At Batangas!

- Magpalago Sa Laguna!

- Magpakabit Ka Sa Cavite!

At Eto Ang Mas Malala!!!!! XD

- Maging Tatay Sa Tagaytay!

- Paspas Capas! (Yan Talaga Nakita ko Dun!!) XD

San ka pa? Sa Pinas Ka Na :D

youtube

>>Eto Ang Nagpapatunay na Walang Pinipiling Istasyon ang Lahat ng Artista…. Kahit anong Channels Pinapanood nila!!!<<

Kaya Lang Naman nagkakaroon ng Network Wars Dahil Sa mga Manonood na May Paboritong Istasyon….

Kaya Sana Kung Paborito niyo ang Isang Istasyon… Sana Hanggang Doon Na Lang… Kaysa Sa Nakikipag-away pa kayo para masabi lang Na Ang Paborito mo ay Number One!!!!

>>ILovePhilippineTV!! XD<<

youtube

Siya ang ‘yong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali..

 

-Hesus by Aegis