wasak

I know we’ve reached the end already. The path that we chose to take together when our days were colorful and sometimes pale and dull. But as we’ve parted ways now, I understand that the day will come when you could no longer remember how you loved me. By then, I only wish that you will never forget at least my name. Why? Because it might flicker in your mind how we once shared a love that you wished would never end.
—  Thoughts of Dessa // A Wish in the End

Mahal, ano bang nagawa ko para gaguhin mo ako?
Di ko lubos maisip na aabot tayo sa puntong yung saya na nararamdaman ko ay mapapalitan ng galit at pagkalito.

Hindi kita ginago. Kinailangan ko lang dumistansya sayo kasi pati ako nalilito. Akala ko kasi kaya ko nang magmahal ulit, pero hindi pa pala. Hindi pa pala buo ang puso kong sumubok ulit. Kaya patawad, mahal. Patawad kung sa pagka hulog mo, umiwas ako.

Kahit pagbaliktarin man natin ang mundo,mahal pinaasa mo parin ako. Mga salitang binitawan mo'y tumagos saking puso kahit puro kasinungalingan lamang ito. Sinubukan kitang buohin kaso sa pagbuo ko sayo, di ko namalayang sarili ko na pala ang winasak ko.

Patawad kung gayun man, mahal. Ngunit may mga bagay talagang mas maiging wag ituloy. May mga bagay na mas mainam na tuldukan nalang. Kasi alam mo sa sarili mong kung patuloy mo pa itong panghahawakan, mas lalo lang itong masisira. Ganun din ang “Tayo”, mahal. Pinili kong tapusin ang kung ano man ang meron tayo, dahil bukod sa wala itong patutunguhan, natatakot akong mas lalo ka lang mawasak.

Sobrang handa na sana akong tumalon, mahal kaso pinigilan ako ng mga kaibigan ko at sinabihang wag na akong tumalon dahil ang balon ay walang tubig at masasaktan lang ako.Siguro nga tama ang desisyon mong tuldukan ito kesa patuloy akong maghintay sa'yo kahit alam ko naman na hindi ka dadating para saluhin ako. Inuna mo kasi ang takot mahal kesa isiping ang wasak na ako ay pwede pa naman ulit mabuo sa pagmamahal mo.

Tinalo ng takot yung pagnanais kong magmahal at maging masaya ulit. Tinalo ng takot yung sana'y pagkakataon para sa'ting dalawa. Patawarin mo ako, mahal. Patawad pero hindi ko kaya. Masyado akong naging duwag kaya hindi kita magawang mahalin.

Pasensya ka na rin mahal pero pagaantay koy wala ng saysay kaya tama ka, tigilan na natin ‘tong kabaliwang pinasok nating dalawa. Tama na, mahal. Hanggang dito nalang talaga ang storyang pinangarap nating magwakas ng masaya. Paalam at salamat, mahal.

Paalam. Paalam sa mga alaala na minsa'y pinagsaluhan natin. Paalam sa mga pangakong binitawan natin sa isa’t isa. Paalam sa pagmamahalang di na nabigyan pa ng katuparan. Paalam sa mga ngiti, at tawang ipinabaon mo sakin. Paalam sa mga matatamis na mga salitang ngayo'y naging mapait na. Mahal, ipagdadasal ko na sana ay matagpuan mo ang tunay na pag-ibig na pinagkait kong ibigay sayo. Hanggang sa muli, mahal ko. Paalam.

A collaboration by @xbabaengprogrammer(italic) x @not-your-typical-guy(bold).

A LETTER FROM HER.

Hi. I’m not good at words pero kinakailangan ko talaga tong gawin para sayo at para sa inyo. So yun, hi In case you didn’t know me, Isa ako sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nagsusulat at ako narin ang dahilan kung bakit sobra ka niyang hinihintay. Walang anuman jk. Game seryoso na. Ako nga pala yung babaeng sabi niya na parang siya lang din, napakahilig mang-asar and at the same time, sobrang sarap din asarin. Ako yung nikwekwentuhan niya tungkol sa nanay ni Roberto at Emman. Yung tungkol sa powers ng mommy niya. Ako rin yung korni. Ako rin yung pag nagtampo kailangan pang i-flood. Ako rin yung sobrang hilig makipaglaro sa mga bata. Ako yung babaeng pinahiram lang ni Papa God sa kanya, para magbago. Sa kabilang banda, Ako rin yung sobrang nag wasak sa kanya. Ako rin yung dahilan kung bakit siya sinisipon kasi pina-iyak ko daw siya. Sorry, sorry kung sinaktan ko siya. Ang mahalaga nahanap ka na niya ngayon. Wait. Okay ka lang ba? Kasi sobrang isip na isip siya sayo eh. Madami na ba siya nakwento sayo? Hulaan ko, may kamanyakan parin ba? Siguro wala na goodboy na yan syempre dahil sayo. Hahahaha. Dapat pala noon ka pa niya nakilala para naman wala na yung kamanyakan niyang part, yung katamadan, at kapilyuhan. Ngayon, alam ko. Sobrang deserving na talaga siya sayo kahit noon naman eh, kasi alam mo sobra siyang nagsisikap na mag bago para lang sayo. Siguro nga sobrag dami ng babae ang nireto ng mga kaibigan niya sa kanyan pero ayaw niya kasi sobra siyang naghihintay sayo. Hindi ka pa nga niya kilala sobrang mahal ka na niya. Ikaw pala yung babaeng titingnan palang niya matatakot na siyang ligawan ka kasi may ganon daw na babae eh isang tingin niya palang alam na niya na mataas na yung gusto sa tao so para sa kanya wala na siya pero no, nag try siya. Hindi siya natakot. Sobrang mahal ka niya, Swear. Saksi ako sa mga sacrifices at paghahanda niya sa pagdating mo. Gaya na lang ng letter na ito. Matagal pa lang pero gusto niya ready na. Para if ever na masilip mo yung past niya masasabi niya talaga na okay na siya sakin. Okay na ako sa kanya. Okay na kami. Gaya niya, ayoko rin na mag-alala ka, ayokong isipin mo na hindi pa ako okay pero sa totoo lang sobrang excited rin ako para sayo at para sa inyo. Wag mong iisipin na from time to time na mag kausap kayo, bini-braidan ka niya, inaalagaan ka niya, pinapasaya ka niya eh may part na ako parin. Wag ganon okay? Alam kong bago ka matulog nag-ooverthink ka about sakin or samin. Wag ganyan ha? Wag kang mag-iisip ng mga ganyan okay? kaya nga niya ako pinagawan ng ganito para hindi ka ma-bother. Nagmomove-on na siya or ngayon na nababasa mo na to for sure nakamove on talaga siya. Ganon rin ako. Actually, sabay pa kami syempre para sayo. So ikaw na nga, yung pagdating sayo handa siyang sumugal. Ikaw na nga yung gagawin niya lahat para lang sa ikabubuti mo. Kaya please kung sino ka mang prinsesa snow white man or cinderella, wag na mag-iisip ng kung ano-ano okay? Promise? Good. Sige na. Enjoy okay? Glad you guys made it. Godbless for both of you. -Irina Angela Lising de Guzman.

WAG NA. Kung alam ko lang kung paano pigilan to, hindi na sana ako nagsasayang ng oras para isipin kung ano ang dapat gawin. Alam ko na sana kung paano ko dadalhin at kung ano ang dapat kong maramdaman. Sana, dumating ang kumplikasyon bago pa man mangyari ang lahat. Sana ganoon nalang kadali para hindi pa man nag-uumpisa, nawawala na. Dahil kung ganun mas magiging madali sana. Hindi ganito kasakit o kahirap. Wala sana mga luhang pumapatak. Wala sanang di matiyak na pagdaramdam. Hindi sana naghihintay sa malinaw na kawalan o sa pagsuyong walang katotohanan. Hindi aasa sa “TAYO” o “IKAW AT AKO”. Wala ng kalungkutang nagkukubli sa isang matamis at payak na hiling na kung pwede lang, kung posible lang sana. Utak na natatakot ngunit nagsusumigaw ng mga katagang, “BAKIT HINDI? BAKIT NGA BA?”. Pusong nais na magmahal. Mahalin ka ng lubusan. Yung buo. yung kumpleto. Ngunit puso rin na nangangamba na baka mabasag ulit. Pusong naduduwag. Pusong takot. 

Nang kita ay masilayan sa unang pagkakataon, ako ay napaisip. Ang puso ako ay napahinto. Isang mukha na bagamat hindi pamilyar ngunit tila ba ay kilala ng aking puso. Isang mukhang bago sa aking paningin ngunit pagkatao ay para bang iniibig ng aking damdamin.Sa unang pagkakataong nakita ko ang iyong ngiti,mula noon ay hindi na nawaglit sa aking diwa ang mga ngiting iyon. Isang imaheng pilit mang kalimutan ay nagpupumilit na bumalik sa aking kaisipan. At kahit sa kalaliman ng aking pagkahimbing ay iyon ka parin. Tila ba ako'y nahihibang. At sa buong araw ako'y naghihintay na maalala mo. Isang paghihintay na hindi ko ginugusto. At sa totoo lang ay nais kong maglaho. Pero paano nga ba tigilan to? Kung araw-araw ay binubuhay mo ang damdamin na pinapatay ko. Nais kong sabihin mo na gusto mo din ako. Ang baliw na ilusyon na iyon. Gusto talaga kita. Sobra. Nagawa mong i-ahon ako mula sa kawalan. Binura mo ang pagdududang baka hindi ko na magawang magtiwala pa. 

Nag-iisa ako noon. Umiiyak. Umaasa. Puso ay duguan. Wasak. Iniwan. Galit. Takot. Nangangamba. DUMATING KA. DUMATIN KA AT INAYOS MO AKO. Dumating ka at lumambot ang puso ko. Dumating ka a ipininta muli ang ngiti sa aking labi. Pinaramdam muli sa akin ang mga emosyong sinukuan ko ng maramdaman. SELOS. INIS. PANGUNGULILA. SAYA. TAMPO. IYAK. PAGMAMAHAL. Pagmamahal na akala ko hindi ko na muli pang mararamdaman. Dumating ka at umigi akong muli. DUMATING KA BA PARA LUMINSAN? Lumisan at mag-wan din ng mga bakas na patuloy akong sinasaktan. WAG NA. Wag na naman. Pakiusap lang. Ayoko ng umasa. Ayoko na. Tama na. Pakiusap. WAG NA.

Para sa mga taong sukong suko nang magmahal, PERO KINAKAYA PA.

Saludo ako sa inyo. Napakalakas ng loob niyong magpatuloy pa sa digmaan na ito. 

Saludo ako sa inyo, kasi nagagawa niyong hindi umalis at mahalin pa din iyan tao na iyan na pilit mo nang sinusukuan pero ano, pumi-pirme ka pa din at mahal mo pa din siya sa kabila ng lahat.

Saludo ako sa inyo, kasi ang tapang niyo na umusad, at mahalin pa din yan, sa kabila ng lahat ng pagsubok, sa kabila ng lahat ng problema na pinagdadaanan mo sa kanya. 

Huwag kang magalala, hindi ka man namin mapapatayo ng rebulto para sa iyong katapangan, saludo naman kami sa katulad mo, dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, ng pwedeng mahalin, eh mas pinili mo yan tao na yan, na kahit sinasaktan ka na, na kahit tinataboy ka na, eh andiyan ka pa din.

Kung sa tingin mo ay may maidudulot pa din yan na maganda sa buhay mo, sige lang, ipagpatuloy mo yan. kung sa tingin mo magkakaron ng magandang bunga yan, sige lang huwag ka sumuko. Maaaring masakit. maaaring mahirap, pero alam mo sa sarili mo na may magandang kahihinatnan iyan. 

Kaya mo yan. tatagan mo lang ang loob mo. 

Kung nalulungkot ka, sige umiyak ka.
Kung naiiyak ka, sige humagulgol ka. 
Kung mapapahagulgol ka, sige ipunas mo lang ang mga luha mo.
Kung nahihirapan ka, huwag kang magalala, sa dulo, kahit wasak ka na, mabubuo ka pa din sa kasiyahan na maidudulot ng ginagawa mo. 

“HINDI TAYO SI POPOY AT BASHA”

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dalawang tao lamang tayo na pinagtagpo ng kasaysayan at pagkakataon.
Panandalian.
Pansamantala.
Na kailanma’y hindi na muli magkukrus ang mga landas.
Dahil hindi tayo tauhan sa gawa gawang pelikula na naniniwalang may happy ending.
Na may pagtatagpo matapos ang mahabang prusisyon.
Na umaasa sa mga bagay na kailanman hindi naman na maibabalik pa.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Narito na tayo sa bagong yugto,
Na kung saan may kanya-kanya na tayong kabanata at pag-iral.
Na kung saan kailangan na nating tuldukan ang napakahabang pangungusap.
Dahil salungat na ang kwento ng buhay nating dalawa.
Ikaw, patungong paglimot at paghilom.
Ako, naiwan dito na wasak at miserable.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Tapos na akong umasa na sana ako nalang.
Sana ako nalang ulit.
Lunod na ako sa kamandag ng serbesang naging kaibigan ko sa malulungkot na mga gabi;
Puwing na sa hindi pagkurap sa kaka-antay ng mensahe na kailanma’y hindi naman muling dumating;
Pagod na.
Parang isang lumang orasan na naubusan ng baterya sa kahahabol ng bawat segundo.
Manhid na sa sakit;
Wala nang maramdaman.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil tuloy pa din ang buhay matapos man ang credits ng pelikula.
Tuloy pa din ang mahaba at masalimuot na proseso ng paglimot matapos rumolyo ang mga kamera.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil ang kwento natin,
Hindi pang happy ending.
Hindi pang-blockbuster.
Hindi pang one more chance.

Kung kaya’t ibabaon na lamang sa limot ang istorya nilang dalawa.
Itatapon na ang kakarampot na upos ng pag-asa na ibinahagi nila.
Bibitawan na ang mga pangakong napako at mga salitang nalusaw ng paghihintay.
Dahil ang kwento nila ay hindi natin magiging kwento.
Dahil sa bersyon natin,
Wala nang magaganap na ikalawang pagkakataon.
Salamat sa masasayang alaala.
Mahal na mahal kita.
At ang sakit sakit na.

(some) ‘bayanis as your friends’ headcanons

pepe/ute:

  • comes from a well-to-do family. every summer, he visits a foreign country (mostly alone, as much as his mother doesn’t like that) and enrolls in a university that offers summer courses/lectures on whatever piques his interest.  
  • takes v nice photos but is absolutely clueless when it comes to social media. juan created an instagram account for him and is also the one handling it. he has to change the password every two or three weeks because tonio always finds out about it and sabotages pepe’s feed with close-up selfies of him and rusca.
  • he’s quiet and really humble!!! he also has this habit of asking first if you want to hear a travel anecdote. like, “gusto mo bang ikwento ko sa’yo yung one time hinabol ako ng aso sa brussels?”  
  • unintentionally ruins catchy songs. sings “boom clap i’m in me mum’s car” under his breath (w h y).
  • types like a middle-aged dad who has a doctorate degree in english.
  • he genuinely thinks ‘rarest pepe’ is just an affectionate nickname given to him by rusca & fwends.  
  • tuwing long weekends, he invites classmates to come with him to calamba. it’s a lively home filled with laughter and his mother is insistent with ‘pabaons.’

poli/pole/pule:

  • intimidating af. like, you always get the impression that he’s looking down on everyone — but not really! it’s just something that has to do with his eyes. they’re ‘mapungay’ most of the time, but in a way that it looks like he’s annoyed with the clamor in the classroom (tropang back row ni tonio hahaha). and also the fact that he’s an intellectual giant. so yeah, mapapa-WOOOW ka na lang from the distance.
  • total silence when he recites. he’s so confident when he speaks, and sometimes he even sounds surer than the teacher/professor. there’s a slight lilt to his voice and it’s pleasant to the ears. like listening to a nice song. an academic song. about the united nations convention on the law of the sea.
  • one time you got partnered with him in a project, and you felt like throwing up on the morning of your first meeting. ditching him was a big no-no because in the end, you’d just guilt trip yourself. so you showed up…and it turned out well. you also learned that he actually likes indie music. here’s how it happened: you were highlighting when he started whistling the opening from peter, bjorn & john’s ‘young folks.’ BOOM WASAK.  
  • he doesn’t like being touched. even the rowdy artikulo uno boys make sure na hindi nila siya mababangga when they feel like chasing one another inside the room.  
  • miong’s his BEST FRIEND FOREVER AND EVER TO INFINITY AND BEYOND pass it on.
  • he found out that you didn’t do well in your philosophy essay, so he offered to tutor you. also he let you borrow some of his books that can be of help.
  • HE’S A NICE BOY!!! meron lang talaga siyang naka-set na boundary.

miong/agui:

  • the other side of the coin. chill af. like, the grantaire to poli’s enjolras. “sino yun?” oh, poli. he has read and annotated thomas paine’s ‘the rights of man’ but doesn’t know the characters in les mis.
  • he’s the national bookstore of the class; has a shitton of brand new school supplies in his herschel backpack but just gives them all away. suki niya sina juan at andoy sa yellow pad.
  • yearbook quote: LAKOMPAKE (“…joke lang. joven, can you please change that? baka mabasa ni ma.”)
  • he likes to eat at carinderias. also cooks like a nanay at laging may TLC (tender loving care) ang gawa. poli absolutely loves his pinakbet recipe.
  • big fan of *dun dun dunudundun dunudundun dunudundun dunu—* game of thrones. he identifies with tommen.
  • has a lorde trash blog and an ALLCAPSPUREHEROINE twitter account. his personal twitter bio reads: ‘i’m sitting pretty on the throne. there’s nothing more i want except to be alone.’  

tonio/toñito/tonying:

  • first day of school/uni: he’s the one who spilt your own drink (thank god it’s tepid chocolate) on your uniform because he was barreling towards an unsuspecting paco. he awkwardly apologized for his carelessness (was forced by his older brother, tbh) and bought you jollibee spaghetti as compensation.
  • “Tonio, Stannis o Dany?” “OURS IS THE FURY, PUNYETA.” sus, he actually teared up at the ending of 3x10.
  • he enjoys giving snarky remarks whenever mascardo recites in class. it’s hilarious, yeah, but sometimes you just feel really bad for the caviteño so you try to distract tonio with small talk.
  • projects a ‘siga’ image so people wouldn’t even think about messing with his squad. he loves IMMENSELY and actually considers you as one of his friends even though you don’t often hang with his group.
  • “kami lang ni kuya pwede mang-asar kay pepe. the others’ll have to go through us first before they lay a finger on his hair.”
  • has a 1x1 pic of pepe in his i.d. case. idk man they just have a lot of inside jokes.
  • one time there was a poetry reading activity in class and he just…declaimed the lyrics from the breeze liquid detergent commercial (“siya ang aking kaibigan lagi tayong tutulungan” “mr. luna, sto—” “PARA SIYANG MAGICIAN PERO LAGING NAMAMANTSAHAN”)

andoy/anding:

  • currently saving up for les mis by selling pastries in class. pinapakyaw ni rusca yung ensaymada even when he’s full because he’s that supportive of his classmates (aww).  
  • has mastered the pasikot-sikot in binondo, divisoria, quiapo, and tondo!!! seriously, it’s like embarking on a fantasy journey when he takes you with him. also if you need someone to haggle for you, andoy’s the man.
  • actually watches dzmm teleradyo and that other show where an old man gives his political commentaries through satirical songs.  
  • your parents absolutely adore him. how’d that happen? you were once groupmates with tonio, poli, and him. during dinner at your house let’s just say that luna was too loud, bini too distant and a bit highbrow, and then there’s andoy — also known as the dream kuya you never had.
  • he and juan often exchange origami (that’s what the yellow pad is for; hay miong just buy them art paper).  
  • his phone password is ‘rizal’ and the entire class knows except the meme who has that surname.

goyong/goyo/goryo:

  • he’s popular but not a snob!!!
  • has the habit of suddenly carrying pepe (with the help of rusca and the formidable bernal duo) and presenting the startled calamban to the class like he’s simba.
  • well-versed in memes. has an album in his phone solely for jaden smith tweets. also once felt threatened when half of the class started mimicking rusca’s catchphrase (siya lang daw dapat ang ‘meme overlord’).
  • a thronie like miong and tonio; senpai niya si littlefinger (“huy in terms of manipulation ha…”)
  • president of the ‘aldub binge-watch club.’ other members include: rusca, manuel, and jose. they actually went to the big event held at the philippine arena.
  • is knowledgeable of various modus operandi (and how these work wtf). you’re torn between amazement and caution because he’s really charming and has dexterous hands. but he’s a good kid and never fails to remind you to be careful, especially when commuting alone.