walang tiwala

anonymous asked:

mahal niya ako pero di niya ako kayang pagtiwalaan what to do?

Good morning, Anon!

Nag e-exist talaga yang ganyan relationship, meron pa ngang nagtatagal eh. For me, yung ganyang uri ng guys, yung tipong mahal ka naman pero walang tiwala sayo, are the idealistic ones.

For example: Mahal na mahal ka naman ng boyfriend mo, pero the moment na may kasama ka nang ibang guys, nagiging vulnerable ka na.

  • Pwede mo din i-consider yun na kahit love na love ka niya, wala na siyang tiwala sayo kapag napapalibutan ka na ng ibang guys, or may new guy sa environment niyo. Feeling niya anytime pwede kang makuha ng iba from him.
  • There is also a possibility na nagkaroon siya ng trust issues way back tapos nadala niya sa relationship. Mga ganoong scenario.

So, all I could say is try to open a forum between the two of you and discuss ano bang pwedeng gawin. Ano bang gusto niya to at least, mabuo ang tiwala niya sayo kase in reality, kahit na sabihin nating mahal na mahal mo ang isang tao pero wala kang tiwala sakanya is not love parin. Kase trust is the fuel of a the relationship. Without it, there will be no progress at all. So try to communicate in a deeper way of understanding each other, kase kayo lang din naman ang mag eend up sa isa’t isa. Try to solve things kase that’s serious.

Thank you.

Long Distance Relationship
Distansya, tukso, oras at ang mga nakapaligid sa kanya ang kalaban mo. Mahirap pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan kung seryoso ba o lokohan lang. Yung sa monitor mo lang nakikita. Minsan hindi pa, puro chat puro text lang. Kapag nasa ganyan na relationship ka, tiwala lang ang panghahawakan mo.

Tiwala na dadating ang araw na hindi na sa chat o text mo masasabi mga gusto mo sabihin kundi sa personal na, harap harapan mo babangitin sa kanya yung mga katagang “Mahal na mahal kita.” With kiss pa.

Tiwala na imbis sa monitor mo lang sya nakikita o picture nya e, dadating yung araw na mahahawakan mo na yung pisngi nya. Matitigan mo na ng totoo yun mata nya, mararamdaman mo na ang presensya nya.

Tiwala na dadating din yun panahon na lahat stable na. Lahat maayos na, wala ng sagabal. Wala ng tutol. Lahat ba sangayon sa inyo. Pati oras mahihiya na paghiwalayin kayo.

Pero kung mahina loob mo, tapos mahinalang tao ka at walang tiwala wag mo na asahan na pumasok pa sa ganyan na relationship. Tapos dagdag mo pa na mainiping tao ka. Sa tingin mo? Tatagal ka? Hindi diba? Naglokohan lang kayo. Niloko mo lang sarili mo. Nakapanakit ka pa ng tao.

Bilib ako sa mga taong ganyan ang relasyon ngayon, yung sobrang layo nila sa isa’t isa pero loyal naman sila sa bawat isa. Kasi sa panahon ngayon, kahit ba nasa tabi mo na nahahawakan mo araw-araw. Nakakasama mo, nakakausap mo nagagawa ka pa ding lokohin i-timer.

Onting tiis lang. Magkakasama din kayo. Tiwala lang.

  • Boy: Ano?! Bakit ka ba nagagalit?!!
  • Girl: Hindi ako nagagalit. Nagtatampo lang ako. Iba 'yun.
  • Boy: Bakit nga?!
  • Girl: Hindi na tayo nagkakasabay umuwi, kumain. Hindi na tayo nakakapag-text kahit isang oras lang. Nawawalan ka na ng oras sa'kin.
  • Boy: 'Yan na naman 'yang self-pity mo. Ano ba?! Alam mo naman na busy ako, eh!
  • Girl: Alam ko naman 'yun. Ang akin lang...
  • Boy: Ano?! Iniisip mo na dahil wala akong oras sa'yo eh baka iwan kita? Ano ba!
  • Girl: You want the truth, then? Oo. Nagseselos, nagtatampo, nagagalit, at natatakot ako all at the same time. Nagseselos ako kasi buti pa sa kanila, may oras ka. Nagtatampo ako kasi konting minuto lang naman yung hiling ko, madalas ayaw mo pa. Bakit? Kasi nga busy ka sa kanila. Nagagalit ako kasi alam kong nagagalit ka rin. Hindi sa gusto kong sabayan ang galit mo para hindi tayo magkasundo, I just can't help it. Natatakot ako kasi nanggaling na mismo sa'yo, baka iwan mo ako.
  • Boy: Alam mong malabo yan. Akala ko ba may tiwala ka sa'kin? Where is this trust now?
  • Girl: Maniwala ka man o hindi, oo may tiwala ako sa'yo. Pero sa mga babaeng makikita at makikilala mo habang wala ako, sa kanila ako walang tiwala. Habang tumatagal 'yung mga oras na magkahiwalay tayo, 'yung lamat ng relasyon natin palaki din ng palaki. Lumalawak 'yung posibilidad na isang araw magising ka na lang na hindi mo na pala ako kailangan. May tiwala ako sa bawat desisyon na gagawin mo. Pero hindi mo ako pwedeng sisihin sa nararamdaman kong 'to. Sorry ha? Sorry kung sobrang attached ako sa'yo. Sorry kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa'kin. Sorry kung nakakasakal na. Sorry sobrang mahal kita.
  • Yung babaeng maganda. Magandang mukha, matangkad, mabait, yung gusto ng lahat. Kung ako lang sana yung babaeng ganun, hindi ko na kailangan pang magtago pa sa likod ng blog ko, buong tapang kong haharapin yung mundo kasi alam ko na wala silang masasabi sa akin. Hindi ko na kailangang mahiya at hindi ko na kailangang i-down yung sarili ko. Hindi na siguro ako mare-reject. Sila na mismo yung lalapit sa akin. Siguro masaya yun.
  • Yung paboritong anak. Sana ako nalang yung anak na paborito ng magulang ko kasi masunurin, mabait at hindi marunong magsinungaling. Magaling ako sa school kaya hindi na nila ako ikukumpara sa mga kapatid ko o sa ibang bata. Walang pressure kasi may tiwala naman sila sa akin na kaya ko kasi responsable ako. Tsaka ssinusuportahan nila ako sa mga gusto ko kasi alam nila na kaya ko namang abutin yung mga pangarap ko. 
  • Yung magaling na estudante. Sana ako nalang yung estudante na magaling sa lahat ng bagay. Sa Math, sa Science, sa English, salahat ng subjects. Hindi lang dun, magaling din ako sa mga extra curricular activities, kapag may mga program sa school ako yung nilalapitan. Hindi lang naman ako yung makakabenefit pero pati na yung mga magulang ko. Magiging proud sila sa mga nakukuha ko na achievement at hindi mapupunta sa wala yung mga sakripisyo nila para sa akin.
  • Yung babaeng matapang. Sana ako nalang yung babaeng matapang. Yung babaeng Hindi natatakot masaktan, hindi nanatakot mahusgahan,  hindi basta bastang sumusuko at yung babaeng hindi natatakot maiwan. Yung matatag, para kahit anong problema ang dumating sa akin kaya ko itong harapin. Hindi ko na kailangang magpanggap na okay, hindi ko na kailangang mag fake-smile, hindi ko na din kailangan pang umiyak gabi-gabi.
  • Yung babaeng mahal mo. Sana ako nalang yung babaeng mahal mo. Yung palaging sinasabihan mo ng “I love you”, yung palaging niyayakap mo, yung pinagmamalaki mo sa mga barkada mo, yung hinahatid-sundo mo, yung binibigyan mo ng effort, yung babaeng tinuturing mong prinsesa. Sana ako nalang yung dahilan ng mga ngiti mo, sana din ako yung babaeng kailangan mo sa buhay mo.

Ang hirap naman kapag yung boyfriend mo lagi kang nasasabihan ng masasakit sa salita dahil sa mga bagay na dati mong nagawa na hanggang ngayong eh pilit niyang binabalik para magkaroon kayo ng issue sa relationship niyo. Kumbaga, wala naman talagang issue eh. Nag-iisip kasi siya na meron.. ibinabalik niya yung mga dating pang-yayari para ma-justify na may “something” pero ang totoo, sa isip niya lang naman talaga yun.

Naiintindihan ko yung selos. Normal yun sa relationship. Pero as long as wala namang ginagawang mali partner mo, dapat you have to think also. Kaso kaya lang naman ako nagre-react kasi sa tuwing may pinagseselosan siya kahit minsan hindi naman talaga DAPAT magselos lagi nalang niya kong pinagsasalitaan ng mga masasakit na bagay. Minsan nakakainsulto na nga at nakakababa ng pagkababae eh. Alam mo yung feeling na sarili mong boyfriend tapos sasabihan ka na “malandi ka kasi, ilang lalake ang nilandi mo dati?” etc.ect.ect.. Ano daw? Sa totoo lang, siya lang yung kaisa-isang taong nagsabi sakin na malandi ako. Tsk tsk. Ewan ko ba. Masakit talaga siya magsalita. 

Isa pa, yung mas masakit, kulang nalang ingudngod niya sa mukha ko na wala talaga siyang tiwala saken. Sana wag nalang niya akong kumprontahin kung hindi rin naman niya paniniwalaan mga sasabihin ko.

Ah basta di ko alam anong dapat maramdaman.. Parang di ko lang maiwasan sobrang malungkot ngayon… Hindi ko kasi alam kung kelan niya marerealize na loyal akong girllfirend at siya lang naman ang mahal ko para kahit konti, kahit konting konti lang, maramdaman ko yung trust na walang bahid ng alinlangan galing sa kanya.

“Tapusin niyo na yung relasyon niyo kung..”

  • Kung hindi na kayo parehong masaya sa sitwasyon. Hindi na katulad ng dati. Wala ng sparks, wala ng magic, wala ng love. Unti-unt na kayong nawawalan ng gana sa isa’t isa, yung sweetness niyo nakadepende nalang sa mood niyo. Wala na ding nag-eeffort sa inyong dalawa. Para bang hinahayaan niyo nalang kung hanggan saan kayo dadalhin ng panahon. Mahirap din kasing ibalik yung dati, lalo na kung hindi mo rin alam kung saan kayo nagkamali.
  • Kung wala na yung tiwala. Kapag walang tiwala sa partner, puro duda at pag-aaway nalang kayo. Isa din kasi ang tiwala sa pinakamahirap ibalik, ito kasi yung pundasyon ng relasyon niyo. Pinagkatiwalaan mo siya na hindi ka niya sasaktan dahil nagmamahalan kayo pero hindi niya natupad yung pangako niya sayo. Kahit sobrang mahal mo pa yung taong yun, kung nasaktan ka na niya noon, pwede niya ulit gawin ito sayo ngayon. Tsaka kapag nawala ang tiwala, eventually mawawala na rin ang love. 
  • Hindi na ito nakakabuti sayo. Naaapektuhan na studies mo, hindi na kayo nagkakasundo ng mga kaibigan mo, nakakapagsinungaling ka na sa mga magulang mo at nakakagawa ka na ng mga bagay na hindi mo naman usually na ginagawa, tinulak ka lang ng “love” para gawin yung mga bagay na yun. Naging ibang tao kana ng dahil sa pagmamahal mo sa kanya, imbis na makabuti siya sayo, siya pa yung nagtutulak sayo para gumawa ng mga maling desisyon o mga bagay na makakasakit ng kapwa mo.
  • Kung ikaw nalang yung nag-eeffort o lumalaban. Nag-eeffort para magkita kayo, nag-eeffort para maging okay kayo, nag-eeffort para magpatuloy pa yung relasyon niyo. Yun bang ramdam mo na may mali talaga sa relasyon niyo pero yung partner mo walang sinasabi sayo. Hindi ka niya tinatanong kung okay ka lang ba, kung may problema ba kayo. Wala na talaga siyang pakialam sayo. Mas inuuna pa niya yung ibang bagay kesa sayo. Palagi ka lang din niyang option, hindi ikaw yung priority niya.
kapag ang lalake nagselos...
  • GIRL: Ano?! Bakit ka ba nagagalit?!!
  • BOY: Hindi ako nagagalit. Nagtatampo lang ako. Iba 'yun.
  • GIRL: Bakit nga?!
  • BOY: Hindi na tayo nagkakasabay umuwi, kumain. Hindi na tayo nakakapag-text kahit isang oras lang. Nawawalan ka na ng oras sa'kin.
  • GIRL: 'Yan na naman 'yang self-pity mo. Ano ba?! Alam mo naman na busy ako, eh!
  • BOY: Alam ko naman 'yun. Ang akin lang...
  • GIRL: Ano?! Iniisip mo na dahil wala akong oras sa'yo eh baka iwan kita? Ano ba!
  • BOY: You want the truth, then? Oo. Nagseselos, nagtatampo, nagagalit, at natatakot ako all at the same time. Nagseselos ako kasi buti pa sa kanila, may oras ka. Nagtatampo ako kasi konting minuto lang naman yung hiling ko, madalas ayaw mo pa. Bakit? Kasi nga busy ka sa kanila. Nagagalit ako kasi alam kong nagagalit ka rin. Hindi sa gusto kong sabayan ang galit mo para hindi tayo magkasundo, I just can't help it. Natatakot ako kasi nanggaling na mismo sa'yo, baka iwan mo ako.
  • GIRL: Alam mong malabo yan. Akala ko ba may tiwala ka sa'kin? Where is this trust now?
  • BOY: Maniwala ka man o hindi, oo may tiwala ako sa'yo. Pero sa mga babaeng makikita at makikilala mo habang wala ako, sa kanila ako walang tiwala. Habang tumatagal 'yung mga oras na magkahiwalay tayo, 'yung lamat ng relasyon natin palaki din ng palaki. Lumalawak 'yung posibilidad na isang araw magising ka na lang na hindi mo na pala ako kailangan. May tiwala ako sa bawat desisyon na gagawin mo. Pero hindi mo ako pwedeng sisihin sa nararamdaman kong 'to. Sorry ha? Sorry kung sobrang attached ako sa'yo. Sorry kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa'kin. Sorry kung nakakasakal na. Sorry sobrang mahal kita.
Mga rason kung bakit nauuwi sa break-up
  • Pride
  • Pagseselos
  • Pagsasawa
  • Walang tiwala
  • Paghahanap ng iba
  • Hindi pagkakaintindihan
  • Immaturity/Being childish
  • Pagganti tuwing nagseselos
  • Kulang sa paglalaan ng oras
  • Nawawalan ng komunikasyon
  • Hindi pagseryoso sa relasyon
  • Kulang sa pag-effort at panunuyo
  • Sumuko dahil lamang sa distansya

Para sa girlfriend ni Ely (minsanpog/madalastangasapagibighays)

Girl, sana naman mabasa mo to at sana intindihin mo dyan sa kaibuturan ng utak mo tong bawat salitang sasabihin ko dito sa makabuluhang post ko na to na inalay ko para sayo at para sa tanga kong kaibigan, siguro naman sa apat na libo’t higit kong followers e makakarating to sayo, di kita matag kasi nakalimutan ko url mo kasi sa totoo lang wala na akong pake dapat sayo pero ginagawa ko to para kay Ely.

 Una sa lahat wag na wag na wag na waag mong isisi kay Ely tong mga nangyari sa inyong dalawa kasi ginusto mo to. Wag na wag mo ding isusumbat kay Ely na hindi ka niya mahal kasi, bulag ka ba para di makita na mahal ka talaga ni Ely? Ginusto mo kasi to girl e, ginusto mo to! Sana nung gumagawa ka pa lang ng stories dyan sa utak mo naisip mo na, matatalino tao dito sa tumblr, na wala kang maloloko dito, kasi jusq ilang taon na nagdaan, halos lahat ng poser na huli, halos lahat ng amalayer na huli. Issue ba hanap mo para sa attensyon? Pucha eto na, lahat pinansin ka na. Masaya ka na? Sasabihin mo nagkaron ka ng heart transplant or whatever na sakit sa puso na kelangan ng major operation tapos nakakapagtext ka pa bago ka operahan? Nakapasok ka pa next day after operation? Nasampal ka pa ng nanay mo? Pumunta ka sa America ng 8hrs lang byahe mo? Pumunta ka ng America ng ganun ganun lang, walang pag aasikaso ng visa and everything nice? Alam mo ba kung gaano kahirap pumunta ng America ng walang nagpepetition sayo? Artista ka ba? Super rich ka ba talaga? Tapos uuwi na ng Pinas after isang buwan kasi miss mo na pinas? Ganun ganun lang uuwi ka na e for good ka dun? wtf? Tinawagan ni Case phone mo na SMART, sinagot mo? Wow baka pwede tawagan yun dyan sa America? Lamig dyan no girl? Sana kasi nag wattpad ka lang para naman sulit yang ginawa mong kwento. Kainis.

Di naman kasi kami magagalit sayo ng wala lang. Pake ko sayo kahit gumawa ka pa ng story dyan, pero pre, GIRLFRIEND KA NG TROPA KO EH! Tropa ko yung ginagago mo! Kilalang kilala ko yan si Ely, at masakit man aminin minahal ka niya! Mahal ka niya kahit na puros ka kasinungalingan! Tinangap ka pa din naman niya diba? Sana naging honest ka na lang sa sarili mo. Kasi ang labo mo e, naghahanap ka ba ng attensyon? Di naman siguro nagkulang s atime sayo si Ely. Alam naman niya matagal na yang mga kalokohan mo, may narinig ka ba sa kanya? Wala naman diba? Pinipilit namin syang iconfront ka na, alam mo sabi niya? ‘Di ko kaya, di ko alam kung pano. Naisip ko na din yan kaso baka mag away lang kami’ see? Hinahayaan na lang niya kasi ayaw niyang mag away kayo. Sa tingin ko girl, ikaw yung walang tiwala kay Ely, kasi di mo nga masabi sa kanya yung totoo e.

ah ewan bullshit. gusto na kitang murahin ng sagaod pero nakakahiya naman kay ely kaya wag na lang.

“Nagseselos ako kapag..”

i. may kausap kang iba. Oo alam ko napakababaw nito pero minsan talaga hindi ko maiwasang magselos kapag may kausap kang iba. Alam ko naman na usap lang yun pero sana hangga’t maaari kung hindi naman kailangan o importante wag ka ng makipag-usap, lalo na ng matagal.

ii. may kasama kang iba. Ang sakit sa mata kapag nakikita kitang may kasamang iba. Iniisip ko na bakit kayo magkasama? Tsaka bakit kayong dalawa lang? Alam ko namang walang dapat isiping masama pero hindi ko mapigilan.

iii. may katawanan kang iba. Natatakot kasi ako na baka makalimutan mo na ako kapag nagiging masaya ka na sa iba. Baka kasi yun ang maging dahilan para ma-inlove ka sa kanila. Mahirap na. Gusto ko ako lang nakakapagpasaya sayo. Ayokong makita na nagiging masaya ka ng dahil sa iba. Nakakatakot.

iv. kapag may nagtetext sayo. Lalo na kapag hindi naman emergency o mahalagang bagay. Kung pwede nga lang sana ayoko ng may number ka nila eh. Ayokong may kahati ako sayo, kahit na simpleng pakikipagtext lang. Hindi naman sa walang tiwala pero dumaan kasi tayo dyan. Alam kong hindi imposibeng may magtext sayo para agawin ka.

v. kapag pakiramdam ko close ka na sa kanila. Lalo na kapag magkasama tayo tapos hindi mo sila magawang hindi pansinin. Bawat pagtawag nila sa pangalan mo, bawat pag-“hi” nila sayo pinapansin mo. Samantalang ako nababalewala sa mga pinaggagagawa mo. Kaya nasasaktan ako minsan kapag mas inuuna mo sila kaysa sakin.

—  5 things you should know why I’m jealous.