walang magawa

Saysay.

 Tinatamad ako.

                                         Wala akong magawa.

                                         Nabubuhay ng walang dahilan.

                                         Humihinga nang walang saysay.

                                         Bumabangon para sa wala.

                                         Nahihimlay nang walang nagagawa.

              Pakiot-ikot     lang

      hindi        pala.             na

  pero                                 parang

 ganito       Nakakasawa             bola

  ang                     na.             ang

    masaya                         buhay

            ko                     ko

                  akala    at

                                                                Nagsasayaw na naman sila sa

                                                                isip ko at bahagyang naguguluhan

                                                                na ako dahil di ko alam kung

                                                                may patutunguhan pa ba ito.

                       Ako

                  ay lubusang

             tinatamad na para

        isipin na maaari akong maging

    piramide na hindi maitutumba ng kahit

 na sino man at kahit ano mang bagay pa iyan.

                                                                         Paalam na muna sa ngayon.

A Half naked man at his mid-20s staring at the mirror while crying. ( Fiction )

Hindi malaman ng lalake ang gagawin niya sa sarili niya. Tulala siya at hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung ano ang unang salita na dapat sabihin niya. Patuloy siyang nakatitig sa salamin. Patuloy na tinitignan ang itsura niya pati na rin ang hubog ng katawan niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, kung ano ang unang dapat gawin. Nalilito kasi siya, dahil nahihirapan siya mag desisyon.

Nahihirapan siya ng husto dahil hindi na niya alam ang takbo ng buhay niya. Isang lalake na hubad sa harap ng salamin. Isang lalake na bagsak sa eskwelahan, iniwan ng barkada dahil nakipagsuntukan, iniwan ng karelasyon dahil sa kapreskuhan.

Habang hinahawakan ang sugat, ramdam niya ang sakit at ang lahat ng pangyayari kung bakit niya natamo iyon. Pakiramdam niya, iniwan siya ng mundo niya. Mahigit kalahating minuto na nakatayo ang binata. Hindi pa rin alam ang bibigkasin na salita. Nakatitig, hindi alam ang gagawin, sa madaling salita walang patutunguhan ang buhay. 

Iyak siya ng iyak. Nakikita niya ang produkto ng isang lalakeng hindi maisalba ang sarili. Pakiramdam niya huling huli na siya sa oras. Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit dahil wala yung mga taong tutulong sa kanya sa pagkakadapa. Napatingin siya sa katawan niya.. Sa rami ng tattoo niya sa katawan at hikaw sa kanyang tenga, ilong at dalawang utong. Nakikita niya sa sarili niyang astig siya. Pero sa kaloob looban niya eh sobrang nanghihina siya. Isang musmos na bata na walang landas na tinatahak.. Inuna ang sarap bago ang hirap. Kaya sa huli? Iyak ng iyak..

Huminga siya ng malalim, ngumiti.. At sa huli ay sinabing..

“Kaya ko to.. Magbabago na ko.”

Sana may matatawag naman akong “Princess and I” at magmahalan na kami hanggang sa dulo ng “Walang Hanggan” yung bang wala kaming susukuan “Dahil sa Pag-ibig” ipapangako ko sa kanya na hindi ko siya “PBByaan” at sabay naming aabutin ang aming “Dream High”.

youtube

Vlog shit #4 watch me eat some pepe.