walang joke

Ano nga ba ang tunay na lalake?

(Oy, walang kokontra, feel na feel kong magblog ngayon.)

Sarap na sara ako sa pakikinig nung kanta ni Nadine Lustre at James Reid na “Hanap-Hanap” at hindi pa talaga ako nakuntento at ginawa kong mic yung pwet ng baso. Yung feeling na parang nakaka duet ko si Nadine Lustre at sa akin nya dinededicate yung song. Di ko nga alam kung bakit ako na e-LLS dun sa kantang yun eh. Relate na relate kasi ako dun sa kanta. Yung umaasa parin kahit na nasaktan na sila ay sila parin sa isa’t-isa. Shet lang diba? Lakas maka sapol lang eh. 

Pero habang kumakanta ako ay hindi ko namalayan na dumating pala yung kabarkada ng kapatid ko at bumalik ako sa katinuann ng marinig ko yung ipit yang boses na may halong pagiinsulto.

And he said like…..

“Kuya bat ganyan yang mga kinakanta mo? Dapat mga hard metallic hardcore songs! Don’t tell me na bakla ka?”

Yung totoo, yan ba ang batayan ng isang tunay na lalake? Pagkanta ng mga love songs? Edi kung ganyan lang pala, marami na akong pinaghihinalaan na tumagilid na lalake dito sa mundong ito! Nasa tao naman kasi yan eh. May sari-sarili tayong taste of music. Pero ang tanong, ano ba kuya ang tunay na lalake para sayo.

Kasi sa point of view ko ganito ang tunay na lalake:

  • May isang salita.
  • Hindi bumabali sa mga pangako nya.
  • May prinsipyo
  • Alam kung anong dapat gawin at hindi dumedepende sa iba.
  • Hindi nagpapa-iyak ng babae.
  • Alam kung ano ang kahalagahan ng babae.
  • Gagawin ang lahat para mapaligaya ang taong mahal nya
  • at marunong maglaba.

Yan. Yan yung sa point of view ko lang naman. Libre lait. Libre kantsyaw. Kayo ng humusga. Hindi lang naman kasi sa pagkanta ng love songs makikita kung sino ang tunay na lalake, kung marunong maglaba din. :)