walang isip

Mahal, pipiliin kita. Pipiliin kita nang paulit ulit. Kahit maranasan ulit ang sakit. Pipiliin kita nang walang pag aalinlangan, nang walang pag dadalawang isip, nang walang tigil. Pipiliin kita sa bawat pag tibok ng aking puso. Sa bawat pag ikot ng oras at pag lipas ng ilang segundo. Pipiliin kita dahil ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa aking huling pag hinga.

7

Ayun nga, Eto yung last birthday ko medyo late na ako nakapag post kasi walang napasok palagi sa isip ko.
Akala ko konti lang kame talaga tapos biglang sobrang dami palang mag iinom sa bahay namen, Hindi ko alam na andame ko palang kaibigan na nag mamahal sakin, First time ko kasi mag papunta ng mga kaibigan at birthday ko sa bahay, nabigla ako kasi andame nila puno yung bahay iba yung nagiinom sa loob at sa labas. At naging part time yaya ako, taga asikaso nilang lahat super pagod ang birthday girl, nalasing pa sila nag kanda away away kasi yung isang lalake, Sinasabi niya na may gusto daw siya sakin at manliligaw daw siya tapos kinikilatis ata ng mga kaibigan at kababata ko, though sinabi ko naman agad to set his expectations na wala akong plano mag jowa, Hinila ba naman ako ng malakas sa harap ng mga kaibigan ko at kababata, Ayun eh mga lasing narin, kaya nag ka hamunan ng suntukan, at hindi nakakaganda yon, Birthday ko dapat masaya ako at walang ganon. Sinabi ko nalang na ipaubaya na saken at wag na mag away, magintindihan nalang kasi nga mga lasing narin. Over all masaya naman ako at pagod. Naramdaman ko na andiyan silang lahat para sakin at ayun 23 na ako, ang tanda ko na. 😅

kagaya mo natatakot na din ako pero handa akong tumaya sayo ng walang halong pagdadalawalang isip, walang halong pagdududa. maaasahan ko ba ang pagkapit mo?

Naiinggit ako sa mga kaklase ko. Hindi dahil may iphone sila, or dahil 250 a day ang baon nila. Hindi din dahil may syota silang ka-holding hands palagi, or dahil may mga sariling motor sila. Hindi din dahil weekly sila nakakakain sa mamahaling restaurant, or dahil afford nilang mag-clubbing. Naiinggit ako kasi at their age, pare-parehas lang naman kaming legal na, mas matanda lang ng kaunti ‘yung iba, pero nakaka-decide na sila on their own. Kapag sinabing, 'oy tara star city’, go agad sila. Kapag sinabing, 'ano, tagaytay tayo sa weekend?’, walang isip-isip, oo agad. Samantalang ako, palagi nalang, 'wait, 'di ko sure, paalam muna ako kay mama’, 'ay teka, baka 'di ako payagan, strikto kasi parents’. Palagi nalang akong pending. Palaging nasa unsure lists. At my age, feeling ko dapat, kung ganitong usapang gala, dapat nakaka-decide na ako, e. Kaso hindi ko magawa kasi kahit mag-decide ako, hindi rin naman ako papayagan. Kaya imbes na magmukhang talkshit sa kanila, uunahan ko na agad na hindi makakasama, hindi sigurado, or 50-50 pa. Naiinggit ako kasi sana gan'un din ako. Sana makagala ako ng biglaan, 'yung wala ng paalam-paalam, te-text nalang sila Mama para i-inform na nasa ganito akong lugar kahit wala ng permission. Kailan kaya mangyayari 'yun?

parang feeling ko ang tanda ko na tas wala pa kong savings? haha kaka-18 ko palang naman pero alam mo yun, may bank account ako pero malungkot siya kasi wala sya ganap ih haha tas withdraw pa ko nang withdraw dahil sa mga kalandian ko in life ganern haha de pero ang goal ko sa life ay maging masaya at walang isiping pera kasi di ba money is the root of all evils :–)

Hi, hindi man tayo ganun magkakilala, pero hayaan mong sabihin ko ang mga salitang to, na sana gumaan yung pakiramdam mo.

Wag mong sabihin na wala kang kwenta, kasi espesyal ka. Wag mong sabihin na wala ka ng nagawang tama sa mundong ‘to, kasi para sa pamilya at kaibigan mo, isa ka sa naging magandang pangyayari sa buhay nila, yung makasama at makilala nila ang isang tulad mo. Alam kong nanghihina ka ngayon, pero di nakikita ng iba yun. Alam kong pasuko ka na, pero piliin mong magpahinga, hindi sagot yung susuko ka na lang sa buhay. Kung pagod ka na dahil sa hirap ng nararanasan mo, acads man yan, pagod sa pag-ibig dahil lagi ka na lang nasasaktan, o kaya mismong pamilya mo pa ang dahilan kung bat ka nahihirapan. I tell you, pahinga lang, pero wag susuko. Madapa man, bumangon ka. Laban sa buhay! Payakap nga. Wag mong isiping walang nagmamahal sayo. Mahal ka ng Diyos, Mahal din kita. Yiiiii. Walang susuko. Lavaaaaaarn.

KAYA KO TO. MATAPANG AKO EH.

Tingin nila sakin palaging masaya, palaging okay, palaging positive mag-isip, walang kinatatakutan, walang problema, walang hini-hindian at sinusukuan. Pero hindi nila alam, mahina talaga ako. Hindi nila alam na nagkukunwari lang akong matapang kasi ayokong kaawaan nila ako. Ayokong makita nila ako bilang mahinang tao. Pinipilit ko lang maging masaya palagi kasi ayokong isipin nila na napaka-miserable ng buhay ko. Oo, nagkukunwari ako. Kilala nila ako sa katauhang hindi naman talaga ako.

Gusto ko sanang ipakita na may mga oras rin naman na natatakot ako. Katulad nila napapagod rin naman ako. Hindi naman ako perpektong tao. Hindi ako nilikhang maayos talaga ang buhay. Katulad nila marami rin akong kahinaan. Marami rin akong gustong gawin na hindi ko magawa. Natatalo rin ako. Pinanghihinaan rin ako ng loob. Nawawalan rin ako ng pag-asa.

Mahirap pa lang magpanggap. Ang hirap kasi hindi nila alam yung totoong nararamdaman mo. Walang dadamay sayo sa mga panahong hindi ka talaga okay. Sa mga panahong kailangan mo ng makakausap at hihingian ng payo. Walang yayakap sayo kasi akala nila hindi mo na kailangan. Walang makikinig sayo kasi akala nila wala ka namang ikukwentong kadramahan sa buhay.

Gusto kong isigaw sa lahat na PAGOD NA PAGOD NA AKONG MAGPANGGAP. Hindi talaga ako matapang at malakas. Lahat ng yun, pagkukunwari lang. Gusto ko ng tanggalin yung maskara ko. Gusto ko ng ipakita kung sino talaga ako.

Hindi ako kilalang Blogger. Hindi ako hakot notes gaya ng iba. Hindi ako kasing galing nila mag-isip. Minsan walang kakwenta kwenta mga pinagsasasabi ko. Pero nandito ako sa tumblr para mailabas at maipahayag ko ang bawat nararamdaman ko.

Hindi madali ang pagmo-move on dahil kailangan mong sanayin muli ang sarili mo sa sistema na kung saan ay walang siya. Na kung saan gigising ka sa umaga na hindi siya ang bukangbibig at unang iniisip, maghapong hindi hahanapin at aalalahanin at matutulog sa gabi ng walang siya sa isip man o tabi. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, hindi ka talaga makaka-move on. Samahan mo ng pagkukusa dahil hindi ka makakausad kung hindi ka magsisimula. Walang mangyayari sa buhay mo kung magmumukmok ka sa loob ng bahay. Bumangon ka mula sa pinagkabaksakan mo, huwag mong madaliin, dahan-dahanin mo hanggang sa tuluyang makabalik sa pagkakatayo. Kung gugustuhin mo, maghihilom ang bawat sugat. Lahat ng bagay ay dumaraan sa proseso. Walang nadarapang hindi nakakatayo. Walang sugat na hindi natutuyo. Mapapawi rin ang sakit na nararamdaman mo. Matututunan mo ulit ngumiti at magtiwala sa tao. Kailangan mo lang ng oras at pagkukusa para gumaling ang puso.

“Nagseselos ako kapag..”

i. may kausap kang iba. Oo alam ko napakababaw nito pero minsan talaga hindi ko maiwasang magselos kapag may kausap kang iba. Alam ko naman na usap lang yun pero sana hangga’t maaari kung hindi naman kailangan o importante wag ka ng makipag-usap, lalo na ng matagal.

ii. may kasama kang iba. Ang sakit sa mata kapag nakikita kitang may kasamang iba. Iniisip ko na bakit kayo magkasama? Tsaka bakit kayong dalawa lang? Alam ko namang walang dapat isiping masama pero hindi ko mapigilan.

iii. may katawanan kang iba. Natatakot kasi ako na baka makalimutan mo na ako kapag nagiging masaya ka na sa iba. Baka kasi yun ang maging dahilan para ma-inlove ka sa kanila. Mahirap na. Gusto ko ako lang nakakapagpasaya sayo. Ayokong makita na nagiging masaya ka ng dahil sa iba. Nakakatakot.

iv. kapag may nagtetext sayo. Lalo na kapag hindi naman emergency o mahalagang bagay. Kung pwede nga lang sana ayoko ng may number ka nila eh. Ayokong may kahati ako sayo, kahit na simpleng pakikipagtext lang. Hindi naman sa walang tiwala pero dumaan kasi tayo dyan. Alam kong hindi imposibeng may magtext sayo para agawin ka.

v. kapag pakiramdam ko close ka na sa kanila. Lalo na kapag magkasama tayo tapos hindi mo sila magawang hindi pansinin. Bawat pagtawag nila sa pangalan mo, bawat pag-“hi” nila sayo pinapansin mo. Samantalang ako nababalewala sa mga pinaggagagawa mo. Kaya nasasaktan ako minsan kapag mas inuuna mo sila kaysa sakin.

—  5 things you should know why I’m jealous.

Naaalala ko pa yung mga panahong nagsisimula pa lamang tayo. Nangangarap pa tayong dalawa noon na magkaroon ng maraming pictures dahil pareho tayong makulit sa harap ng kamera. Yung mga panahong nag-eedit pa sa photoshop ng picture mo at ilalagay sa picture ko para lang magkasama tayo. Yung mga panahong sa skype pa lang natin nakikita ang bawat isa at iniisip na magkatabi lang tayo habang nagpapalitan ng kwento at saya. Yung mga panahong gustong gusto na nating nating makita ang bawat isa dahil bawat bahagi ng katawan natin ay sabik para sa totoong presensya, gustong mayakap, mahagkan ng sobrang higpit at maipagsigawan na lahat na.. Sa wakas, magkasama na tayo. Sa wakas, kapiling na kita. Na sa kabila ng distansya, nandito tayo at magkasama. Naaalala ko pa..

Yun yung mga panahong wala pa tayong magawa kung hindi mangarap, tumingin sa langit at sisihin ang buong mundo dahil sa distansyang nagpapahirap sating mga puso at isipin na sana mangyari na sa lalong madaling panahon sapagkat bawat gabi na lumilipas ay mas lalong bumibigat at mas humihirap. Na sana bumilis ang mga pangyayari at huminto na lamang sa araw na gusto natin. Na sana hindi na natin maramdaman ulit yung hirap, sakit pagluha dahil sa pagiging malayo natin sa isa’t isa

Nakakatuwang isipin na.. nalagpasan natin ang lahat. Na yung mga pinangarap nating dalawa ay nagkatotoo na. Sa wakas. Nagkapaglaro na tayo sa harap ng kamera at nagkaroon ng sangdamakmak na litrato. Hindi na lamang sa skype ang ating tagpuan kung hindi sa totoong mundo. Nakapunta na sa mga lugar nating nais puntahan, nagkasama narin pagkatapos ng mahabang paghihintay. Sa wakas, numipis na ang distansyang sa atin ay namamagitan. At lahat na ng nanaisin natin gawin ay malaya na nating magagawa ng magkasama. Nakakatuwang alalahanin ang mga sandaling pinapangarap pa lamang natin ang mga bagay na natatamasa na natin ngayon. At lalong mas masarap balikan ito sapagkat sa kabila ng lahat ng nangyari, walang nag-isip na bumitaw o huminto.

Long distance relationship

Noon, akala ko madali lang ang LDR. Madali in a way na magagawa mo yung mga bagay na gusto mo, tipong malaya ka kasi walang siya na nakatingin sayo, walang masyadong gastos para sa date o pagkikita, wala masyadong problema at madali lang talaga. Iba parin pala talaga kapag naranasan mo na yung isang bagay no? Yung mga akala mo noon, nagbabago at nag-iiba. Yung totoo? Mahirap talaga ang LDR. Hindi siya biro, kailangang matatag ka, malawak ang pag-unawa at walang puwang ang pagiging isip-bata. Oo, magagawa mo yung mga bagay na gustuhin mo, malaya ka pero at the end of the day, hahanap hanapin mo parin yung presensya niya, hihiling ka na sana kasama mo siya habang ginagawa ang mga bagay na malaya mong natatamasa. Oo, wala masyadong gastos at makakapag-ipon ka ngunit para saan ba ang pag-iipon ng pera kung hindi mo naman siya makakasama sa tuwing gagasta ka? Mahirap, sobrang hirap. Yung mga bagay na inaakala kong madali noon, sila yung mga nagpapahirap sa akin ngayon. Pero ayos lang, kinakaya ko. Para sa relasyon namin. sa pagmamahalan at sa kinabukasan naming dalawa. Kakayanin naming malagpasan ‘to at darating din ang panahon na araw-araw na kaming magkasama at walang kasing ligaya.