waht

May mga bagay na mahirap ipaglaban, mahirap makuha. Pero kapag ikaw ang ipapaglaban ko, handa akong gawin ang lahat, para sayo. At para lang makuha kita kasi mahal mo ko, mahal kita. Parehas tayong mahalaga sa isa’t-isa, parehas tayong hindi kayang iwan ang isa’t-isa. Hindi makukumpleto buhay ko kapag wala ka. Paninindigan ko kung anong meron satin, kung anong pwedeng mangyari. Kahit maraming kumontra, hindi ko sila hahayaang buwagin tayo. Hindi ko hahayaang, paghiwalayin tayo. basta lagi mong tatandaan, ipaglalaban kita hanggang sa makakaya ko, hanggat alam kong mahalaga pa ko sayo at hindi ako mapapagod na mahalin ka.