wag sayangin

  • some guy: hi puwede ka bang makilala?
  • me: uhm okay po.
  • also me: (on the inside) PUTANGINA WAG NA KILALANIN. ALAM KO NA YAN E. KIKILALANIN TAPOS IF EVER MAGKASPARKS, MAGIGING MASAYA? TANGINA TAPOS MAGTATAGAL TAPOS MAGDEDATE TAPOS LILIGAWAN NA TAPOS SASAGUTIN TAPOS LALONG MAGIGING MASAYA? TAPOS KAPAG NAGSAWA NA? ANO NA? OR BAKA MAG IWANAN LANG SA ERE. KIKILALANIN MO KOYA? WAG NA PO. DUROG NA DUROG PA PO AKO NGAYON KAYA WAG NA PO. MAGING MASAYA KA PO SA BUHAY MO. WAG MO NA SAYANGIN ORAS MO SAKIN HAHA HUHU BYE.

‘Wag mong sayangin ang oras at panahon na magpaliwanag sa taong hindi ka naman pinapakinggan. Dahil habang tumatagal nagmumukha ka lang tanga. 'Wag na.

Darating yung araw na ikaw nalang yung madalas magtetext. Darating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sayo, ngayon hindi na umaabot ng 3words. Malay mo isang araw, hindi na siya singsweet nung dati. Yung 10x na pag-a-iloveyou niya sayo sa isang araw ngayon isang beses nalang, minsan nga hindi na. Yung pag-aalala niya na, “kumain ka na ba?” o kaya naman, “Okay ka lang ba?” Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun. Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait. Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas puro away nalang kayo. Darating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya. Yung bang dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi, ikaw nalang yung nag eeffort, ikaw nalang ang umaako ng lahat. Dumarating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit habang siya bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka pa nya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo syang dedmahin kapag nag eeffort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya. Iappreciate mo lahat dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon nyo. Dahil kung hindi mo papansinin baka isang araw mawala nalang siya at magsawa na.

Tagalog Quotes

Tagalog Quotes

Nauuna ang “I” kaysa sa “YOU” sa word na “I LOVE YOU”.
That means unahin mo munang mahalin sarili mo bago ibang tao.

Ilang taon ka ng nabubuhay sa mundo bago mo pa siya nakilala. Kaya, wag mong idadahilan na hindi mo kayang mabuhay ng wala sya.

Kung pagod ka na, BITAWAN mo na, hindi ung nagpapakatanga ka eh madami pa namang ibang mas BETTER sa kanya

Minsan yung inakala mong masaya sayo, mas sasaya pala pag pinalaya mo.

Ang tao hindi yan piso na kapag nagkulang ka sa pamasahe, tsaka mo lang papahalagahan.

Bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw at sa gusto mo.

Ni minsan hindi ako naniniwala na kapag ang tanga daw eh natuto eh humanda ka. Kalokohan, eh sa mga nakikita ko… kapag ang tanga natuto, pahinga lang ng konti maya maya tanga nanaman ulit.

Tagalog Quotes

Minsan mas ok pang sabihin mo na ayos ka lang kesa sabihin mo yung totoong nararamdaman mo.

Love hurts? Hindi siguro. Yung masakit ay yung ma-reject, mapaglaruan, magamit at yung maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love.

Minsan hindi talaga mapipigilang tumulo ang luha natin kapag masyado na tayong naaapektuhan sa isang sitwasyon.

Nakakadepress lang minsan kapag nakikita mong hindi pinapahalagahan yung mga effort na ginagawa mo para mapasaya siya.

Masarap kapag sinasabihan ka niya na mahal ka niya pero mas masarap kapag pinapatunayan niya sayong mahal ka talaga niya.

Wag mong sayangin ang pagmamahal na ibinibigay sayo. Dahil kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao kapag napagod yan, kusa rin yan susuko.

Follow us for more Tagalog Quotes

anonymous asked:

kuya, pano maging peymus? haha

My top 10 list to be Tumblr Famous.

  1. The Basher - Gumawa ka ng blog na binabash ang lahat ng mga tao mas lalo mga sikat. bentang benta yan sa lahat. Lahat aawayin ka! o diba! Insant famous ka! Kaaway n g bayan! 
  2. The Face - Kung maganda ang lahi mo wag mo na sayangin yan! Post ng post lang ng muka gang magpakamatay na kami sa kakatitig sa gandang lahi mong pinagkait samin! 
  3. The Quotes -  Tumblr ito so uso ang mga typo na punong puno ng kadramahan sa buhay. Gumawa ka niyan pero ibahin mo lang GAWIN MONG WRONG GRAMMAR. Masbebenta yan! Daming manglalait sa grammar mong palpak! mas lalo kang mapapansin ng taong bayan! Kaya Go na! Bonus pa kung jejemon pa ang pakasulat! 
  4. The Naked Truth - Sa title palang alam na! MAGHUBAD KA! Pakita mo na yan lahat! Bebenta yan katawan mo! Kung hindi man kagandahan lahi ka wag mo lang pakita muka mo. Bebenta parin yan! Trust me isa ako sa magiging follower mo! 
  5. The Ugly Truth - Kung tangap mo nang pangit ka post mo na face mo teh! Bebenta ka nyan! Ikaw ang new meme ng bayan! Labyou!
  6. The Social Climber - Madali lang ito. Follow mo, Like mo, Tumblr Ask mo! Ganyan lang gagawin mo! Mapapansin ka nyan ng mga fmaous at magiging new BFF ka na nila! at dahil umuulan sila ng kasikatan aambunan ka na din! O diba! 
  7. The Love Adviser - Ramon Bautista o kaya Papa Jack ang peg natin ngayon! Ibigay mo na lahat ng nalalaman mo sa pagibig! Dahil dito sa tumblr marmaing sawing malalnding kabataan at feeling kabataan! Kaya go lang ng go! love! love! love!
  8. The Joker - Madaming depress dito sa tumblr kaya naghahanap sila ng nagpapatawa. Kaya Go lang gumaw ang mga gif na gumagawa ka ng mga katarantaduhan sa buhay. Bebenta yan! Marmaing magkakagusto sayo! Dahil super funny ka! 
  9. The Experience - Ito ung ikwekwento mo buong buhay mo! Dahil maraming nakakarelate sa buhay mo! Kwento mo ung natulog at kumain ka makakarelate kami diyan dahil kumakain at natutulog din kami! Benta ka niyan! Pati ung Pinagagawa mo sa kama kwento mo rin. Naniniwala akong marmaing malibog dyan na matutuwang basahin pinagagawa mo sa kama. Kaya go! Relate much! 
  10. The Geek - Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na ang may maraming alam! Post mo mga artworks mo! Mga scores mo sa exams! At lahat kami sasamba sayo sa mga pinagagawa mo! Post ka ng mga tutorials kasi nga maraming gusto din matuto niyan! Pero kung hindi ka naman magaling pwede parin gumawa. Gawa ka tutorial ng how to open the computer. Bebenta yan daming matutuo diyan. 

Tandaan this is all for fun. Ang magalit edi ikaw na ang famous na natamaan. Ikaw na talaga! penge load! sakto thursday ngayon! 

Dear Girls,

Mahirap makahanap ng lalaking kayang intindihin ang moodswings mo, ng lalaking sasakyan lahat ng trip mo sa buhay, ng lalaking takot na mawala ka pang muli sa kanya, ng lalaking papasayahin ka sa paraang kaya niya, ng lalaking mag-eeffort nang bongga kasi gusto niyang makita ang kayganda mong ngiti at ng lalaking mamahalin ka sa kabila ng iyong pagkakamali. Ang sarap kapag nakita mo na ‘yung lalaking ganyan. 'Yun bang kahit na nag-aaway kayo, hindi ka niya iiwanan kasi mas okay na sa kanyang matapakan ang pride niya kaysa mawala ka sa buhay niya. kaya kapag nakita mo na yung lalaking ganyan, Wag mo na lang sayangin bihira nalang yung ganyan.

Ilang taon mo na nga siyang minamahal? Tagal na no? Ilang palit na ng girlfriend ang nagawa niya, ilang manliligaw na ang dumaan sayo, ilang bagyo na ang naminsala sa kapuluan ng Pilipinas, ilang pangako na ang napako ng taga lingkod bayan, nakailang anak na ang kapitbahay niyo, at nakailang alagang baboy na ang Papa mo pero minamahal mo pa rin siya. Aba matindi. Nakailang 11:11 wishes ka na kaya? Nakailang alas kwatro ng umaga na kaya ang iniyak mo’t pangalan pa rin niya ang dahilan? Ilang move on na ba yung nasabi mo? Di mo na mabilang ano? Tapos until now going strong ka pa rin sa kakamahal sa kanya.

Come on! Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa ganyang setup? Palihim na nagmamahal, paulit ulit na nasasaktan, at minsan pa’y pumupuslit ka pa ng pagdadasal para sa pansariling kaligayahan. Ang ano? Sana maghiwalay na sila ng girlfriend niya o sana ikaw naman ang makita niya? Girl, move on. Alam ko naman na kailangan mo munang pumasok sa kabaong bago mo maappreciate yang pariralang yan pero di ka ba naaawa sa sarili mo? Ang move on ay para rin lang naman sayo. Exercise it. Laklak ka din minsan ng realidad. Hinahambalos na nga sa pagmumukha mo, pablind blind ka pa. Ilang anesthesia ba ang tinira mo’t ganyan ka na kamanhid?

Tigilan mo yan. Hindi na healthy yang ginagawa mong torture sa sarili mo. Ilang buto na ba ang nabali mo sa tuwing nakikita mo siyang may kasamang iba? Ilang beses ka na bang nanlumo dahil sweet sila ng girlfriend niya? Ilang beses ka na bang nagmura dahil sa kakamahal sa kanya? Ilang beses ka na bang umiyak sa kwarto mo ng sobrang mahina para lang di marinig ng mga kasama mo sa bahay? Saksi ang unan mo’t kama sa mga ginagawa mo sa sarili mo. Saksi ang kinailalimang parte ng puso mo dyan sa kakaibig mo sa kanya tapos ang idinulot lang sayo ay pawang sakit at hinagpis.

Isipin mo sanang mabuti na hindi ka inire ng nanay mo para umiyak ng paulit ulit para sa isang walang kwentang tao. Bakit? Sa tuwing nag-ggm ba siya sayo ng quotes tapos agad agad kang nagpapaload para lang mareplyan siya, naaappreciate niya? Girl, wala yang pake. Parang ulam lang yan eh, nakakaumay kapag palagi, nakakasama pag sumobra. Try mong kainin yung ulam na move on tapos inom ka ng isang litrong acceptance at magtoothbrush ka ng panibagong mindset na hindi siya worth it. May halaga ka, wag mong sayangin yun sa kanya. Aanhin mo yang pagmamahal mong yan kung nakakalimutan mo naman ang halaga mo? Girl, iluwa mo na yang katangahang yan, di yan nakakabusog.

—  Dahil Tanga Ka #1, “Kaytagal Na Kitang Minamahal”

Take note: Pahalagahan niyo naman yung mga taong gusto mag stay sa buhay niyo kahit gaano pa kayo ka gulo at hirap intindihin. Minsan lang kayo makahanap ng ganyang tao, wag niyo ng sayangin. 

Pakipot. Gusto niyan nilalambing, kaya madalas nang-aaway o di kaya'y nagpapapansin. Ang mga babae kasi, sila yung mahirap i-pinta. Para kasi silang abstract, yun bang magulong tignan pero maganda pa rin.

Mabilis mainis. Ayaw ng binababaan ng phone bigla. Ayaw ng nire-replyan ng “?” o ng “K.” Ayaw n'yan ng tinitinipid sila, ‘pag ganun kasi iisipin n'yan na ayaw siyang kausap. 'Pag sinabi niyan sayo na “Sige, ituloy mo nalang 'yang ginagawa mo”, ibig sabihin nun ihinto mo muna 'yang ginagawa mo at kausapin mo siya. 

Maalalahanin. Kapag alam niyang galit ka o naiinis ka, automatic na kakausapin ka n'yan. Hindi 'yan titigil hangga’t hindi kayo nagkakaayos. Kaya huwag mong iooff 'yung phone mo, tatawag 'yan dahil nag-aalala siya.

Gusto sinusuyo. Kapag galit siya, suyuin mo. Kailangan mong babaan ang pride mo dahil malamang, magkakaroon ng World War III kung hahayaan mo lang na gan'yan lang ang mangyari sa inyo. Kapag nagtanong ka kung ano ang problema niya at sinabi niyang “wala”, huwag kang magsasabi ng “okay”. Tanungin mo siya ulit, dahil ayaw nila ng madaling kausap, mas gusto nila 'yung kinukulit sila.

Matampuhin. Kapag binabaan ka n'yan ng phone, gumawa ka ng  paraan para makausap mo siya, 'wag mong papaabutin ng umaga 'yan na wala kang ginagawa, dahil iisipin niyan na she’s not worth your time. 

Kapag binigyan ka niyan ng oras, 'wag mo sayangin.

Anon, eto na suggest blogs

alexaphobia
kryptonet
binatilyongrhun
masterpaker
marcelosantosiii
matabangutak
pilosopogyno
hyka0810
tamdren
lleblahblahgger
ordinaryongprinsesa
seleeniuuum
prinsepengrakista
engrjuan
donyaina
dakilanggerlpren
dakilangboyyfriend
jaea-lous
ecodistractor
ecamazing
ginniemouse
kapeprince
walangutakperomaypuso
gellibeee
simplengbaliwww
chadlazaro
buhaybabae
wellyemonster
sarcasticlester
sergeantninja
chasemoso
princess-charm-ing
sharknamaybraces
oxyjai
goodboykunwari
mikmikolodeon
dbqueenofqueens
queenryryy
foreverbatugan
dalagangtatangatanga
rjzsalazar
mistercapslock
judehahaha
pinaasalangnaman
iheartyoulaine
poofannystars
annerossse
gods-nerdfightingdaughter
segwayking
andreithestars
sumesegwayy
nicademonyita
miss-adviser
misteristupido
misternourl
trinabelsungbels
pilyonghari
alittlebitofangel
chinitongnakangiti
jhellovesyou
onewordenglish
juankulot
beben-eleben
boypowder
imrenceee
baekebyan
iamtheoceanprincess
papapapapapapransis
paparhodspeaks
denicecornetto
sinaktangprinsesa
babaengbinebespren
idiotblogista
potayeto
lalakinghindiparasayo
walapanglovelife
maliitnasingkit
blackmanxd
prinsipeng-bugnutin
prinsipengilokano
yourboynexttothetoiletdoor
boydashbored
boykeso
missmineli

Yan nalang muna. Haytszxsz yan lang kaya ng utak ko hahaha. I follow mo lahat, hahaha wag mo sayangin effort ko char hahahaha

“Past is a good way to visit but certainly not a good place to stay.”
Bagong taon, bagong buhay. Panahon na para kalimutan lahat ng sakit na naranasan mo noon. Pero huwag na huwag mong kalimutan ang mga natutunan mo. Gumawa ka ng bagong masasayang alala sa taong ito at huwag mo nang ibalik ang nakaraan. Tapos na yun. Huwag mo nang balikan ang sakit na naramdaman mo. Burahin mo na lahat ng masasamang nangyari sayo at gawin itong munting alaala na magbibigay sayo ng mga aral. At kung ano man ang masasama mong gawain noon, sikapin mong mawala na ngayon. 
Kung nasaktan ka man sa pag ibig noon, huwag mo itong gawing dahilan upang hindi na magmahal ngayon. Let your past make you better, not bitter.
Lahat ng sakit ng kahapon magiging masayang alalaa nalang pagdating ng panahon. Maikli lang ang ating buhay kaya wag natin itong sayangin sa pagbalik ng sakit ng nakaraan.  New year, new book to write. 365 pages, lets write a good one! :)

Para sa mga nag babasa nito,

Wag kang mag papalunod sa kalungkutan dito, wag kang mag focus sa mga tao na nakikilala mo sa loob ng Tumblr, wag mo sayangin ang oras mo dito, wag ka agad magtitiwala sa mga nakakausap mo. Pansamantala lang ang lahat ng ito, kailangan mong buksan ang isip mo sa mga nangyayari sa buhay mo hangga’t maaga pa, dahil ang mga oras na ibinibigay mo dito ay nasasayang lang. 

Palagi na lang bang sorry?

ilang beses mo ba kailangang marinig ang sorry?. ilang beses ba dapat magpatawad? at ilang beses ba dapat masaktan?

“Sorry” limang letra, isang salita. isang katagang nangangahulugan ng pagsisisi. isang katagang nangangahulugan ng paghingi ng tawad. pero paano kung ilang beses ka ng nasaktan, handa ka pa din bang magpatawad. handa ka bang masaktan pang muli sa isa pang pagkakataon at handa ka bang muling magtiwala sa isang tao.

sabi nila ang “sorry” daw ay panis na, para daw nawala na ang sense ng katagang iyan. sa paulit-ulit na paggamit, paulit-ulit din na binabalewala. Para ka lang ginawang tanga, ilang beses ka ng naloko… nagpapatawad ka pa din. hindi na nga daw uso ngayon ang “second chances”… dahil sa sobrang dami ng chances na ibinigay sumobra na ata sa “tenth chance” pero binalewala pa din.

isa lang ang masasabe ko, kung sawa ka na tigilan mo na. wag mong sayangin ang puso mo sa isang taong patuloy na sisirain at susugatan ito. WAG KANG TANGA!!! gumising na sa katotohanan, kung mahal mo sarili mo palayain mo!

Dadating yung araw na ikaw nalang yung madalas magtetext. Dadating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sayo, ngayon hindi na umaabot ng 3 words. Malay mo isang araw, hindi na siya singsweet nung dati. Yung 10x na pagi-iloveyou niya sayo sa isang araw ngayon isang beses na lang, minsan nga hindi na. Yung pagaalala niya na, “Kumain ka na ba?” o kaya naman, “Okay ka lang ba?” Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun. Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait. Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away nalang kayo. Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya. Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi, ikaw nalang yung nage-effort, ikaw nalang yung umaako ng lahat. Dumadating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit, habang siya, bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka niya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo siyang dedmahin kapag nageeffort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya. Iappreciate mo lahat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo. Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang. Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala nalang siya at magsawa na.

No. Ayoko nang ganito. Ayoko yung nandyan ka lang kasi boring tapos wala kang makausap tapos ako naman yung magpapangiti sayo. Tapos mawawala ka lang ulit. Ayoko na yung special lang ako kapag convenient sayo tapos kapag ako ang may kailangan sayo, wala ka. Kung magkaibigan tayo eh di okay, kund hindi, eh di hindi. Walang namimilit. Ayoko lang kasing maging palipas oras. At ayoko ring pinagpapraktisan mo ko ng mga moves mong kalandian. Wag mong sayangin ang oras ko dahil wala kong mapapala sayo kung ganun. At wala ka ring mapapala sa akin.

Dadating yung araw na ikaw nalang yung madalas magtetext. Dadating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sayo, ngayon hindi na umaabot ng 3 words. Malay mo isang araw, hindi na siya singsweet nung dati. Yung 10x na pagi-iloveyou niya sayo sa isang araw ngayon isang beses na lang, minsan nga hindi na. Yung pagaalala niya na, “Kumain ka na ba?” o kaya naman, “Okay ka lang ba?” Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun. Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait. Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away nalang kayo. Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya. Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi, ikaw nalang yung nage-effort, ikaw nalang yung umaako ng lahat. Dumadating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit, habang siya, bumibitaw na.
Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka niya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo siyang dedmahin kapag nageeffort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya. Iappreciate mo lahat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo. Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang. Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala nalang siya at magsawa na.

Kinakalaban nanaman ng isip ko kung ano yung huwag dapat maramdaman ng puso ko.

Napalapit nanaman kasi ako sa’yo. Alam kong dapat nung umpisa pa lang lumayo na ako sa’yo kasi sa huli, alam kong masasaktan mo pa rin ako. Pero alam mo yung mas nakakainis? Yung paulit-ulit ka pa ring tinatanggap ng puso ko kahit na alam kong ilang beses mo na akong iniwan at sinaktan. Hanggang kailan ba ako ganito? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Pero kasi, mali na eh; sobra na yung ibinibigay ko. Sana alam mo na lahat ng bagay ay may limitasyon. Sana maisip mo na kapag dumating yung araw na tumigil na ako ay wala na akong maibibigay sa’yo dahil pagod na ako at wala ng natira sa sarili ko. Isa na lang naman ang hinihintay ko. Yun ay ang mapagod ako sa paulit-ulit na ginagawa mo. Pero sana wag mong sayangin yung mga oras at panahon na nasa’yo pa ang atensyon ko kasi, kapag may iba na akong pinagbigyan nito ay malabo ng maibalik ko pa sa’yo ito. Kaya sana naman, wag mong sayangin yung pagmamahal at pag-unawa na ibinibigay ko.

Sana maisip mo na napakaraming dahilan para iwan kita pero pilit ko pa ring pinanghahawakan yung nag-iisang dahilan kung bakit ayaw kitang pabayaan—- Mahal kita, at ayaw kong isuko ka. // (-l.m.l.b)

Ang sarap sa pakiramdam na yung taong mahal mo, mas mahal na mahal ka. At hindi lang basta sinasabi na mahal na mahal ka, pinapakita at pinaparamdam pa niya. Ginagawa niya ang lahat para maiparamdam niya sa’yo na ikaw na ang babae na gusto niya makasama habang buhay. Ginagawa niya ang lahat ‘wag ka lang mawala sa kanya.

You’re too lucky if you already met this kind of guy. The one who would make you feel you’re the best he has ever had.

Kaya wag mo sayangin ang pagkakataon na makasama siya at maiparamdam rin sa kanya na siya rin yun pinakamamahal mo.

Always make the best of every moment you spend with him. :)