wag kang mag alala

39th monthsary sana natin today. Kamusta ka na? Eto na naman ako. Hys. Mahal pa din kita. Pero proud ako sa sarili ko kasi hindi na kita hinahanap hanap. Nasanay na din siguro akong wala ka. Wag kang mag-alala, di naman kita gagambalaain. I’ll always be your #1 fan sa soccer, sa studies mo at #1 supporter mo sa pagdodoctor. Sana sa future if magkita man tayo sa ospital wala na sanang awkwardan ah? By that time tatanggapin ko na yung friendshi na inooffer mo noon. Pasensya ka na kung tinanggihan ko yun ah? Hindi ko kasi talaga kaya. Anyways, salamat sa everything. Kung di dahil sayo di ko maaabot kung nasaan ako ngayon. 

Wag kang mag alala.

May isang tao din na napapagod na kakahanap sayo.

Wag kang mainip.

Dahil sa totoo lang, inip na inip na din s'ya kaka antay sayo.

Malay mo nakatabi mo na sya sa jeep. O kali sineen mo nung unang naglakas loob syang ipiem ka sa facebook account mo. Or nakasabay mo mamili nang kanin at ulam dyan sa karinderya ni Aling Chonay. O kali nakasalubong mo na s'ya at nagtama na yung mga mata ninyo pero hindi mo masyadong binigyan ng pansin dahil masyado kang busy sa pag mamaganda mo habang binabaybay mo yung daan papuntsa sa bahay nyo.

Yung hangin naman na pumapasok sa sistema mo e syang hangin din na binuga nya at naglakbay din sa buing pagkatao n'ya. Iisa kayo ng mundong ginagalawan. Hirap ka mang hanapin sya. Pagod ka man kakatakbo at kaka soul searching mo para sa kanya. Bali man ang leeg mo kaka lingon kung nasa likod mo sya, wag kang mag alala.

Dadating sya.

Sa pinakapangit mo o sa pinakamagandang aspeto at bahagi ng buhay mo. Yung tipong konti nalang bibigay ka na. Dahil latang lata kana kaka try sa ibang tao dahil akala mo s'ya na yung hinahanap mo.

Dadating sya.

Sa panahon na malapit mo nang sabihin sa sarili mong, “Tanginang mga lalaki yan. Di na nagsawang lokohin ako.” O kaya “Shoot. Tatanda na nga ata akong dalaga.”

Syempre di mangyayari yon. Tanga.

Masyado ka pang bata para maumay kakatry, tumakbo,lumingon at maghanap nang nagiisang tao na magmamahal sa'yo ng totoo.

Yung taong magbibigay sayo ng rason para bumuo at tuparin ang mga pangarap mo. Yung taong magpapaiyak sayo pero hinding hindi mawawala sa tabi mo. Yung taong ayaw mo nang mahalin pero hindi mo kayang itigil dahil di mo maiimqgine ang sarili mo na wala yung katulad nya sa buhay mo. Yung taong magmamahal sayo ng tataa.

Wag kang mag alala.

Dahil sa pitung bilyong taong narito sa mundo.
May isang tao din na naghahanap at nangangarap na maging isa ang mundo nyo.

Mahal kong Kim,

Pagpasensyahan mo na ko pag di agad naglo-load sa utak ko kapag nagtatampo ka o kapag merong selos moments sa atin. Pero pangako, hindi ako magbabago kahi pabago bago ang mood mo. Pasensya narin po kungnagtatampo ka ha, wala naman akong ginagawng iba at basta ako, mahal na mahal kita.

Wag kang mag-alala, kahit ganun, di naman nabawasan ang pagmamahal ko sayo, nakaka chinito nga eh, nakakakilig yung tampo mo pag minsan. Ang cute cute mo rin naman kasi. Sarap ng feeling kapag nararamdaman ko yung pagmamahal mo, sana lang mas maging open ka pa at wag mong solohin ha. Kasi di ba hindi mo lang ako bf o asawa, bestfriend mo pa?

Dito lang ako ha? Mahal na mahal kita.

Nagmamahal,

Z

Kaya ko naman sigurong ipagpatuloy ang buhay ko na wala ka. Kahit ako na lang mag isa. Pero syempre mahirap yun, kasi sanay akong naandyan ka. Ngayong wala, ano pa ba ang aking magagawa?

Kakayanin ko na lang ‘to, hindi ako magpapatalo sa sakit, lungkot, at pagkamiss ko sayo. Pero masaya ako na nagkakilala tayo.

Marami akong nalaman, marami akong natutunan, marami akong napagdaanan, at lahat ng ito ay gagamitin ko para ako ay maging mas matapang.

Kaya salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Salamat sa pagmamahal, sa pag aalaga, sa pagpapasaya, wag kang mag-alala, kaya ko ‘to, kakayanin kong mag-isa.

para sa susunod na babaeng mamahalin ko,

panigurado, mababasa mo. mababasa mo lahat ng to. mababasa mo kung gaano ako kabaliw sakanya. mababasa mo kung gaano ako nasasaktan nang dahil sakanya. pero wag kang mag-alala, sa mga oras na makilala kita, at mapagpasyahang gustuhin ka, sa mga oras na ‘yun, paniguradong wala na. wala nang sya, sa buhay ko. dahil merong nang ikaw, na muling bubuo sa pagkatao ko.

Wag mo siyang itext. Wag mo na rin siyang ichat. Sige, pwede mong tingnan ang Facebook profile niya. Titigan mo na lang ang picture niya sa facebook. Titigan mo ang mga mata niyang dating nakangiti sa'yo. Ipaalala mo sa sarili mo na okay ang lahat ngayon pero hindi na. Ipaalala mo lahat nang nangyari. Okay lang. Umiyak ka lang. Ganun talaga eh. Tapos na. Wag kang mag-alala. Di mo naman kasalanan ang lahat eh. Nagkataon lang talagang wrong timing tapos medyo tanga kayong dalawa kaya ayan. Nauwi sa wala. Sige lang. Iyak ka pa. Walang mawawala sayo kung iiyakan mo siya ngayon. Mababawasan pa nga ang sakit eh. Tapos mapapagod ka pa. At least kapag napagod ka, maiisipan mo naring subukan na kalimutan mo siya. Subok lang naman eh. Alam ko namang di mo pa kaya nang ganun na lang. At alam ko namang kahit anong sakit yang nararamdaman mo, umaasa ka parin pero, friend, tama na. Maawa ka na sa sarili mo. Kung babalik siya, matagal na siyang bumalik. Pero wala parin eh. Diba? Tama na. Wag mo na siyang itext kasi magsisisi ka lang kapag nireplyan ka niya na tama na dahil tapos na kayo.
—  Sorry pero hindi ka na niya talaga mahal
Kapag nagmamahal tayo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong maging matatag. Matatag sa paraang kahit anong dumating sa’tin na pagsubok, kakayanin natin ito sa ngalan ng pagmamahal natin para sa taong ‘yun. Na kahit mahirapan na tayo at kahit pa dumating tayo sa puntong hindi na natin kaya, gagawin pa rin natin ang lahat para lang sa pagmamahal, para mapatunayan natin na karapat-dapat tayo sa pagmamahal na ‘yun. Hindi naman natin maiiwasan na kung minsan, talagang may mga pagsubok na ibabato sa’tin ang panahon. Ang kailangan mo lang gawin ay harapin mo ‘yun nang nakatayo, at kung madapa ka man, ‘wag kang mag-alala kasi may isang taong aalalay sa’yo para muling makabangon ka ulit. Maging matatag ka hindi lang para sa sarili mo kundi para sa inyong dalawa at sa pagmamahalan niyo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong umintindi. Isa na siguro sa masasabi kong susi para sa isang   matatag na pagsasama ay ang pag-intindi sa isa’t isa. Kaya mo siya minahal kasi naiintindihan mo siya at kaya ka rin niya minahal, kasi naiintindihan ka niya. Minsan, ginagawa na lang natin ito para hindi na magkagulo. Iintindihin mo na lang siya kasi nga mahal mo siya. Magbibigay ka na lang, magpaparaya, ‘wag lang siyang mawala. Pero hanggang kailan mo nga ba dapat intindihin siya? Palagi? Sa isang relasyon kailangan give and take kayo. Magbigayan. Makinig sa bawat isa. Kung may mga bagay kayong hindi maintindihan, pag-usapan niyo. Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan hindi ba? Pero sana hindi naman kayo dumating sa puntong sobra na, na palaging iniintindi mo siya o ikaw na lang ang palaging iniintindi niya.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong magpakumbaba. Pagpapakumbaba sa paraang hindi pagmamataas. Hindi pagmamatigas. Ang pag-kain sa sarili niyang ‘pride’ para lang sa minamahal niya. Sa kadahilanang ayaw mo nga siyang mawala, minsan ginagawa natin na kahit siya ang may kasalanan, ikaw na lang ang hihingi ng tawad hindi ba? Aakuin ang kasalanan, lalamunin ang ‘pride’ at magpapakumbaba. Pero dapat nga bang palaging ikaw na lang? Pagpapakumbaba, isang mahalagang ugali para sa dalawang taong nagmamahalan. Nagpapatibay, nagpapahaba, at nagpapatagal ng pagsasama. Isang kasiguraduhan ng pagmamahal mo hindi lang para sa kanya, kundi para sa inyong dalawa.

Kapag nagmamahal tayo, natututo tayong gawin ang iba’t ibang bagay alang-alang para sa minamahal nating tao. Ang tama ay nagiging mali at ang mali ay nagiging tama pagdating sa ‘Love’. ‘Nothing is impossible’ kumbaga. Gagawin mo ang lahat, mahirap man ito, masaktan ka man, o kahit pa mukhang imposible ito para sa’yo at para sa ibang tao. Mahal mo, kaya kahit ano, gagawin mo.

Wag kang malungkot, wag kang mag alala, may pag-asa pa.

Sa lahat ng binubully sa school, wag papatalo. Pero wag idaan sa paraan ng pagbawi o pananakit rin sa kaklase mo pero kundi sa paraan ng pagpigil sa kanila at pagpapaalam na mas mabuti pa rin kung lahat tayoy magiging magkaibigan. Kasi kung sa kanila gawin,yan, di sila matutuwa dyan.

Sa lahat ng tao na hindi nila kasama ang tunay na magulang nila o nalaman nilang ampon sila. Ayos lang yan, dapat maging masaya pa rin tayo kasi may nagmamahal sa atin kahit na di nila tayo tunay na anak o kadugo. At dapat matuto tayong magpatawad sa tunay na magulang natin kasi di naman natin alam kung anong tunay na nangyari, at sabi nga nila “lahat ng nangyayari, may dahilan”

Sa lahat ng pinaasa, sinaktan, at iniwan, wag kang mag alala, may darating na mas bagay sayo at talagang aalagaan ka, yung para sayo lang talaga.

Sa lahat ng kakagraduate lang at naghahanap ng trabaho, pagsikapan mo, may darating na pagkakataon para sayo. At kapag meron man, wag mo ng pakawalan, at pag igihan mo. Para sa sarili at sa pamilya mo.

Sa lahat ng nawawalan ng ganang mag aral, wag ganyan. Isipin mo ang iyong kinabukasan, ang iyong patutunguhan, dapat magsipag ka, wag patalo sa katamaran.

Sa lahat ng patuloy na hinuhusgahan, at nakakatanggap ng pangungutya mula sa iba, wag kang magpaapekto, wag kang makinig sa kanila. Buhay mo yan, ikaw ang kumukontrol dyan. Di mo kailangang mag adjust para sa kanila, wala ka namang ginagawang masama.

Sa lahat ng may kaaway sa office, iwasan mong makipagtalo, mas mabuti pa rin na maayos ang pakikitungo mo sa mga tao na nasa paligid mo.

Sa lahat ng medyo takot at nahihiya pa sa parents nila, dapat umpisahan mo sa sarili mo, subukan mo silang kausapin na dapat may respeto, ipakita mo sa kanila na mahal mo sila, siguradong ganito rin ang gagawin nila pabalik sayo.

Sa lahat ng nasa same sex relationship, wag kang matakot sa sasabihin ng iba, ikaw ang nagmamahal at hindi sila. Ayos lang naman yan, basta di sexual ang habol, yung talagang purong pagmamahal lang. Wala namang makakapigil dyan, pero dapat wala ka rin masasagasaang ibang tao.

Sa lahat ng nag momove-on, mahirap yan, lalo na kapag mahal mo pa. Kung sa tingin mo may chance pa, pwede mo pa namang subukan. Pero kung talagang wala ng pag-asa, tanggapin mo na lang. Kailangan mo rin unahin ang sarili mo, karapatan mong maging masaya kahit na mula sa sarili mo, at di sa ibang tao.

Sa lahat ng walang masyadong kaibigan at parang kaaway ang tingin sa lahat ng tao. Well, subukan mong iaappreciate ang nasa paligid mo. Buksan mo ang mga mata mo, sigurado masasabi mong “Ang sarap palang mabuhay sa mundong ‘to”

Sa lahat ng nagbabasa nito, maging masaya ka, mag pasalamat ka sa mga bagay na natatanggap mo mula sa Kanya. Wag kang mawalan ng pag-asa, kasi hangga’t nabubuhay ka, maraming darating na mga bagay na sadyang kay saya.