visayas trip

Huling Hirit?

Di ko alam kung huling hirit ko na yun sa Visayas. Medyo maugong na sa aking team ang binabalak kong pagreresign. Baka magsumite na ako ng sulat, tapusin ko lang ang natitirang lakad sa Albay at Cebu bago matapos ang buwan.

Kung may isang bagay akong natutuhan sa pagbisita sa Visayas, yun ay ang kahalagahan ng kultura nating mga Pilipino. Natutunan ko na pag sinabi ng isang tao na “Nakalibot ako ng Pilipinas, at sobrang ganda nito” ay alam kong may basehan ang kanyang sinasabi. Sobrang ganda ng Pilipinas at sobrang diverse ng kultura natin. Pero sa kabila ng yun, alam kong kaya nating umunlad ng sama sama kasi may potensyal tayo.

Masyado na atang pang It’s More Fun in the Philippines yung nasabi ko sa taas. Pero ang masasabi ko lang, sobrang ganda ng Visayas at sobrang sarap magbyahe. Gawin niyo ito habang bata pa kayo.

Balik sa tanong kung huling hirit ko na ba yun sa Visayas, sa tingin ko oo, sa karera kong ito. Di ko alam kung makakahataw pa ako ng ganun sa Visayas sa trabaho kong ito. Pero siguradong babalik ako ng Visayas, pero maaaring hindi na sa trabaho kong ito. Malay mo diba, bumalik ako bilang researcher na sa malabay na mga bakawan ng Camotes Island. Malay natin kung sa susunod eh hindi na para sa trabaho.