ur lyf 2

Kwento.

Sa sobrang katamaran ko dito sa bahay, nakakadepress ang mga nakaraang linggo. Simula nung nagsialisan yung ibang incoming seniors na ka-batch ko this coming school year, na 3 dun, kakilala ko pa, puro SSC pa, tapos yung nung “namatay” si Aj. Grabe, malaking impact sakin yun, ang tagal ko ding di matanggap kahit na di ako masyadong fan noon, ngayon lang.AJEJE. Three weeks din ata yun. Pero I’m still skeptic ha, ewan ko lang kung bakit.

So nagdecide na lang akong manood ng mga lumang palabas. Marathon kung baga. Simula sa Abt Ur Luv at Abt Ur Luv: Ur Lyf 2. Well, infareness, kinilig ako dun kay Josh(AJ) at Nelle(Lauren).ahihihi.:“>

Nung matapos kong panoorin yon, napaisip ako, pano kung magkaroon ng part 3 yung series? Pano na si Nelle? Wala na si Josh? Wala na si Aj. Papalabasin ba na naghiwalay sila na parang sa Gimik 2010 kay Rico Yan? Oh well, that’s life. miserable.

Tapos, nainlove ako kay Lauren Young. Pinanuod ko yung Your Song Presents: Underage kaso hanggang episode 7 lang ako. Yung nadepress si Cecilia sa di pagtanggap ng ama nya sa kanya.HAHA. Wala akong mahagilap na episode 8 at 9. Di ko tuloy nalaman yung ending.HAHA. 

Pagkatapos, nanuod naman ako ng Mula sa Puso. AHOHO. dito ko siya minahal ng lubos. Napansin ko talaga yung paggrow ni lauren as an actress. Nagsimula sya bilang supporting actress na hirap sa pagbigkas ng ilang tagalog lines nya as Nelle pero ngayon, leading lady na siya. Di lang yon, siya pa yung bida sa naturingang primera-claseng soap opera as Via Pereira.(commercial baga?)

Ayown. sinimulan ko dun sa una.HAHA. Di talaga ako makapaniwala. Dati nung pinanuod ko yun, sila Claudine Barretto at Rico Yan pa yung bida. Tapos si Eula Valdez, Criselda pa yung rola nya dun, nanay-nanayan ni Via tapos ngayon, sya na yung pumalit na kontrabida. grabe. Si Ariel Rivera naman, yung role nya dati sa pagkakaalam ko, sa TV Show, eh bakla at sa movie version, sya yung wedding singer. ngayon siya na si Don Fernando Pereira. Wooh. Ang tagal na pala nung panahon no? Ang tanda ko naa. Halos 16 na akow. May napansin pa ako.

Yung Via Pereira dati na si Claudine Barretto at Yung Magdalena Trinidad dati na nanay ni Via na si Jacklyn Jose ay MAGKAMUKHA. Tapos yung Via Pereira ngayon na si Lauren Young at yung Magdalena Trinidad ngayon na nanay ni Via na si Dawn Zulueta ay MAGKAMUKHA DIN. 

Coincidence ba ito? O sinadya para na rin ma-feel ng mga manonood na mag-ina talaga sila? Ewan ko.HAHA. basta iyan yung hinaing ko.

Ayown, that’s ny kwento. Ang bitin no? Di kasi ako makapag-isip ng ending dahil sa lamig ng panahon (ang lalim ng sinabi.HAHA)