up ang galing mo!

MEMORIES #3

Naalala mo pa ba to?Ito yung una natin pagkikita. Tinuro ka saken ni Aikie sabi nya isa ka daw sa magiging ka group ko sa sayaw. Aminin ko una palang nagandahan na ako sayo. Ang Cute kasi ng ngiti mo e. Tapos nagulat ako kase sumayaw ka. Laglag panga ko nung pinapanood kita. Syet lang ang galing mo sumayaw. Dapat hindi ka back up dancer e. Dapat kaw nalang yung pinaka performer. HAHAHA! (Sorry po aikie friend! Magaling ka naman pong performer).

So ayun alam mo ba na 1st kpop event na napuntahan ko to. Dapat nga di nako pupunta dahil umulan nun e. Kaso ewan ko ba parang ang hyper ko that day,  kaya after tumila ng konti yung ulan pumunta agad ako. Wala ako kakilala nung nagpunta ako sa venue nakipag sapalaran talaga ako. Hahaha. Kase ang mabuting si Aikie e late as always. Binigay pa nya number saken ng bff nyang si Yhel kaya ayun si Yhel ang nakasama ko maglibot libot.

Kaasar nga e kase nung time na pinakilala ka na saken ng personal hindi ko narinig yung pangalan mo, hayup kase yung lakas ng music sa venue. Pero sa lahat naman ng pinakilala saken IKAW lang yung tumatak sa isip ko. Yung mga mata mong sumisingkit lalo kapag ngumingiti ka. Yung kamay mo na napaka lambot nang mahawakan ko ng mag shakehand tayo. Yung boses mong parang musika sa tenga ko habang kausap mo si aikie na katabi ko. Tapos bigla nalang ako may naramdaman na saya o kilig na ata yun? nung sinabi mo na “Sandali lang ha?maya ulit. Panoorin mo kame ah?Enjoy ka.” (OO SINABI MO YAN SABAY HATAK DUN SA KA GROUP MONG MAKAPAL ANG MAKEUP. HAHA) natulala ako mga 20sec. hanggang sa pinanood kitang papalayo na saken habang papunta ka ng backstage. Infairnes ganda ng outfit mo nun. Ang sexy! Haha. Bagay sayo ang black talaga. Pero mas bagay ka saken. Hehehe. Sayang nga e wala tayo naging picture nun. Papapicture sana ako sayo kaso dina kita nakita after ng performance nyo ni aikie. (Oo na Fanboy here).
At OO NA AAMIN NA AKO UNA PALANG NAGING CRUSH NA KITA “MY CHINITA GIRL”. (Oh wag ka na pumalag alam kong sound korny yung My Chinita girl, Haha! malay ko ba di ko kase nalaman name mo.)

Ayan kahiya nalaman mo na ikaw si “My Chinita girl”. HAHAHA! Korny ko putek. Bigti na self. Tska alam ko di mo na ako masyado matatandaan or nakalimutan mona ata ako nung araw na ito, dahil sa sobrang busy mo at sa dami ba naman na taong nakipagkilala sayo.Tapos ang panget ko pa nun mukha akong Kabute na kalaban ni super mario o para akong si Dora sa gupit kong Straight Bangs. Hayuf na yan! HAHAHA. pftttt! pero umaasa ako na sa susunod na pagkikita natin malalaman ko na pangalan mo.