umart

Huy TSAMU na 2 weeks nalang. g g na tayo mga bes, tag mo na mga bessy mo at kuda na sa GC ng KADA.

Yung iba nag aalinlangan na ayoko pumunta kasi O.p ako nyan tiyak, pero im telling you, lahat ng bloggers friendly at bat ka mao.Op e lahat ng andun bloggers. Wala kang friends? Kaya nga pupunta kang meet up to meet some e.

Gowla na tayo bes! Haha Save the date, wag ng mag inarte pa. Umarte ng naayon sa ….Basta GG na!

How many times Andreau called Zades 'Scheherazade'?

[8] That Awkward Moment
Just before the elevator closed, he shouted something.
“Scheherazade, right?”

[9] 72 Seconds With You
“Kanino ‘tong cupcakes?” tanong ko.
“Mine,” sabi ni Andreau. He turned off his iPad and looked at me smiling. “Hi, Scheherazade.”

[9] 72 Seconds With You
“Scheherazade!”

[11] Zades, Meet Heisenberg
“Scheherazade!”
That voice brought me back in a jolt. Nakatingin pala sakin yung magpinsan. “What?”
“Yun ang name mo, Ate Zade?” tanong sakin ni Tristan. “Ba’t ang hirap i-pronounce?”

[11] Zades, Meet Heisenberg
“Relax, it’s me.”
Shit. Shit. Eyes still firmly closed, I spoked. “I-I don’t kno-”
“Scheherazade, it’s me.”

[11] Zades, Meet Heisenberg
“Good night, Scheherazade.” I heard him whisper from the other end.

[13] Another Day in Paradise
“That’s just a little thing. Wag na wag mong ibabalik sa'kin yan okay?” He flashed his mysterious smile again. “Gotta go! See you soon and Happy New Year, Scheherazade.”

[14] Drinking Games
“Kailangan pa ba nating pumila dito?” Bulong ko kay Kesh. “Sponsor naman kayo diba? Can we just tell the guards that or w-”
“Whoa, Scheherazade is that you?”

[16] Late Night Conversations
“Kuya Andreau.. sabi ni Ate Zade nakikita lang daw yung germs pag titingnan sa microscope.. tsaka raw wala raw malalaking germs na kasing laki ng tao.”
Triple shit I’m doomed. Manood ka na lang ng T.V. Pascual. Walang sinabi si Tristan. Nananaginip ka lang. Manood ka lang ng T.V. -
“Scheherazade.”

[18] That is Such a Cortez Move
Kinuha ko ang maliit kong notepad kung saan ko sinulat ang points ko. “First of all, nagtataka ako kung bakit naka-dos ka dito sa script na ‘to. Siguro may crusj sayo yung pr–”
“Scheherazade, go straight to the point.”

[22] Chismis Squad Item #4025
“Don’t change the subject. Alam kong.. nabasa mo na yung blind item. Kesh told me.”
Ah the ever good friend! “Ang bilis naman nun. Alam mo bang pangarap talaga ni Ke–”
“Scheherazade, talk to me.”

[25] Green-eyed Monster
Hah, maasar nga ‘to lalo.
“Eh sa private nanonood ka?”
Naging pula ang kaninang pink na pisngi niya. “Scheherazade Pascual!” Andreau hissed, eyes probing around us.

[28] The Big O
He unfastened his seatbelt and rested his back against the car door, facing me. “I could guess here all night.”
“Wala lang mapapala sa –”
“Scheherazade, talk to me.”

[28] The Big O
“Wow, how dramatic of you! Magkanong talent fee ang binayad nila sayo para umarte sa harap ko ha!?”
“Scheherazade Pascual, for once, shut up!”

[28] The Big O
Hia gaze softened and a tiny smile formed in his lips. He looked somewhat relieved now. Thank God, iiyak ako kung galit parin siya sa'kin kahit nagpaliwana na ako.
“Scheherazade, look at me.”

[30] Belle of the Ball
“Scheherazade Pascual! How many times do I have to tell you it’s called interpe –”
“Yeah right. Orgasm, sex.. parehas lang naman yun.”

[31] You Kissed by the Book
(Text convo)
From: Andreau
Are you asleep? Can we talk now?
Zades? 20 minutes ka na nandyan. Are you okay?
Scheherazade Pascual. Talk to me.

[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
Mas humigpit ang hawak ni Andreau sa manibela. Pinandilatan niya ko pero hah, sorry na lang siya. “Zades.. not funny.”
“Five.. Six.. Grab your crucif –”
“Scheherazade Pascual, stop it right now!” He shouted angrily, much to my surprise.

[33] Everything is Better in your Arms
“Matulog ka na rin, okay?” He clutched his blanket to his chest and slowly closed his eyes. “Good night, Scheherazade. Matulog ka. Wag na makulit. We’ll talk about this again tomorrow, okay?”

[34] Bedtime Stories
“Baliw. And we’re calling her that now?” He asked, referring to that silly nickname I said earlier.
“Or maybe him.”
Andreau glared at me. “Scheherazade Pascual, that’s not funny.” He muttered in mock annoyance.

[40] Fight. Flirt. Talk. Protect.
As if on cue, his mysterious smile appeared, melting last strains of frustration inside me. “You’re Scheherazade Pascual, the brightest and smartest woman I know. Napaganda mo nga ang script ko, tapos sa isang RRL ng favorite author mo susuko ka? Please, woman up. You can do it, Zades.”

[43] Every Time the Bell Rings (And Other Christmas Stories)
Chuckling good naturedly, Andreau reached for my hand again and traced little circles on my palm.
“Merry Christmas, Scheherazade.”

[44] Of Hospitals and Traditions
“Wow, ang arte mo ha. Pwede naman akong tumalikod o lumabas man lang ng kwart–”
Andreau’s eyes widened, totally embarrassed.
“Scheherazade Pascual for the love of god alalayan mo na lang ako, okay?”

[45] My Favorite Book
“Zades.” Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa paghahanap ng T-shirt. I heard him sigh deeply and said, “Scheherazade Pascual, go back to bed and sleep.”

[48] Like Real People Do
“Hehehe ang gwapo mo today, Andreau. Hiyang na hiyang ka sa bundok, promise.”
Andreau raised a warning eyebrow at me, but I waved a dismissive hand. “Scheherazade Pascual… answer me,” he said, tome stern.

[50] The One With The Confession
I know he could have kept going but instead, he stopped and took a step forward, his breathing agitated, his eyes practically burning. “Those all make the list, Scheherazade, but flowers do not. And to quote you, ayaw mong binibigyan ka ng mga bagay na maganda lang sa mata at di nagtatagal.”

[53] Many The Miles
“Wait quick question: is there really a nat geo secret folder? Binibiro lang ba a –”
He let out a loud frustrated groan. “SCHEHERAZADE PASCUAL! LIVING ROOM. NOW!”

[54] THe Right Partner

“Scheherazade Pascual,” he said, barely audible. Andreau let out a deep breath and then he smiled at me again, broader and clearer than maybe I’ve ever seen him smile. “I love you.”

[55] The One With Andreau’s Speech

“I really love saying your name, Scheherazade. Bagay sa’yo. Strange yet beautiful.”

[55]  The One With Andreau’s Speech

“Scheherazade. Scheherazade. Scheheraz –” The boyish smile on his face nearly undid me. He’s definitely enjoying himself right now.

[Epilogue]

(Instagram post. Photo caption: andreaucortez: Maligayang kaarawan, Scheherazade. Mahal kita.)

[Epilogue]

“Congratulations to us, Scheherazade Pascual,” he said, clinking his beer mug to my glass.

[Epilogue]

(When they won at cinemalaya.)

“And most importantly, thank you, to my partner, Scheherazade Pascual,” he said soflty, staring right back at me. “Thank you for making my dreams come true.”

[Epilogue]

“And you never cease to amaze me, Scheherazade Pascual.”

°°°

EDITED. ALL IN ALL, 34 TIMES. YEY!

@lengwritesstuff

TAKE ME HOME

“Good morning ate!” bati ng mga kapatid niya nang makababa siya para saluhan sila sa hapag.

“Good morning!” bati niya rin.

Umupo na siya sa tabi ng kapatid niyang si JM saka na sila nagsimulang mag-almusal.

“Anak, anong oras kita ihahatid sa GMA?” tanong ni Tito Jonathan habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

“Hm. Mga 5 po ang start ng tech reh, papa eh. Maybe 3:30 po alis na tayo?” sagot niya.

“Osige.” sabi ng papa niya.

Matapos nilang mag-almusal ay bumalik na lang sa kwarto si Julie para magpahinga muna.

Nakangiti siyang mag-isa habang may kausap siya sa viber. Iiling-iling siya habang nagpipigil ng tawa.

Elmo Magalona:

Hey! 14 days before your birthday! I miss you! 😁

“Aba’t pinanindigan niya ang countdown ha?” sabi niya sa sarili.

Me:

I told you. I have a calendar, Elmo.

Natatawa siya dahil sa way ng pagreply niya. Naimagine na kasi niya ang pag-aalburoto nanaman nito dahil wala nanaman siyang ginagamit na emojis.

Elmo Magalona:

I’m talking to a robot again. 😕

Lumapad ang ngiti ni Julie at saka niya naisipang wag itong replyan.

Elmo Magalona:

Hey, you still there?

Agad siyang nagreply dito.

Me:

Talk to the wall

Hindi niya namalayang kanina pa pala may nagmamasid sa kanya kung hindi pa siya pinuna nito.

“Ate, baliw ka na ba?” puna nito. Napapitlag siya at saka napatingin sa kapatid.

“Kanina ka pa, JM?” tanong niya. Tumawa lang ang kapatid saka umiling.

“Hindi naman. Kakain na daw sabi ni mama.” ani JM saka na lumabas ng kwarto niya.

“Kakain nanaman? Kakatapos lang ng breakfast diba?” tanong niya sa sarili niya.

Chineck niya ang oras sa phone niya at nagulat pa dahil oras na nga ng tanghalian.

“Ganun? Ang tagal ko na palang pinagttripan si Elmo. Haha.” aniya. Nagulat siya nang magvibrate nanaman ang phone niya at nakita ang message ng binata sa kanya.

Elmo Magalona:

I’m going back to Manila later. I wanna see you.

“Weh! If I know sabay naman kayong uuwi niyang lovelife kuno mo.” irap niya sa ere.

Bumaba na siya ulit at saka na sila nananghalian. Pagkatapos nun ay umakyat na siya para maghanda sa pag-alis niya.

*****

“Ts. Hindi na nagreply.” angal niya habang nakatitig sa phone niya.

“Sino?” tanong ng kaibigan niya.

“Ha? Yung pader.” ani Elmo.

“Pader? Ang weird mo ha. You’re talking to the wall?” pigil-tawang tanong nito.

“Goodluck kung sumagot nga yan.” sabi naman ng isa pang kaibigan nila.

“Psh.” iritang sabi niya. Napangiti naman siya nang makatanggap ng message.

Julie San Jose:

You’re going back alone?

“How I wish.” sabi niya bago mabilis na nagtype ng reply.

Me:

How I wish I’ll be going alone. Why? You miss me? Haha. 😁

Malapad ang ngiti niya habang inaantay ang reply nito sa kanya.

Julie San Jose:

Wow! Ang confident ha?

“Ts. Pakipot pa.” sabi niya.

“Dude, you’re getting weirder by the minute.” sabi ni Dan sa kanya.

“Eh kasi naman eh.” ang tanging nasabi na lang niya saka nagtype uli ng reply.

Me:

Hey, I wanna see you when I get there. Please?

Mabilis naman siyang nakatanggap ng reply.

Julie San Jose:

Can’t. Tech reh. Busy.

“Ugh. Robot talaga!” angal niya kaya napatingin na ang mga kaibigan niya sa kanya. “What?” pagtataka niya.

“Weird. Fucking weirdo.” kumento ng mga to saka na siya nilayuan.

“Hoy!” tawag niya sa mga kaibigan pero di na siya nilingon at umarte pang di siya kilala ng mga to.

“Tignan mo mga yun. Tsk.” iiling-iling na sabi niya saka na lang naisipang bumalik sa hotel room niya para ayusin ang mga gamit niya.

*****

Dumating siya sa studio ng medyo maaga at ang tanging nadatnan lang niya ay sina Max at Sarah na nagkkwentuhan habang nakaupo sa bleachers.

“Hi.” bati niya sa mga ito.

“Uy! Hi, Julie!” bati naman ng dalawa sa kanya tsaka na sila nagbeso.

“Tayong tatlo pa lang?” pagtataka niya habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng studio.

“Yup. Early birds.” sagot ni Sarah. Tumango na lang siya at saka na sila nagkwentuhan na tatlo.

Nang makarating ang iba pa ay sinimulan na rin nila ang rehearsal.

“Opening lang ang irerehearse since konti lang tayo today.” sabi ng staff sa kanila.

Nagsimula na nga sila mag-ensayo para sa opening ng SAS bukas. They rehearsed the songs and the dance numbers included in the opening at nang matapos ang ilang oras ay nagwaterbreak sila.

“Jules, tara dun.” anyaya ni Sarah sa kanya. Sumunod siya rito saka sila umupo sa isang tabi ng stage.

“Bakit, Sam?” tanong niya.

“Namiss kita babae ka! Haha. Di pa tayo nakakapagkwentuhan ng maayos mula nung bumalik ako.”

“Haha. Oo nga eh. Namiss din kita.” sabi niya naman.

“Anyway, what happened to you and you-know-who?” Sarah asked.

Hindi naman agad umimik si Julie.

“Oh. Why? Wala na ba kayo?” tanong ni Sarah.

“Huh? I don’t know. You could say na magulo right now? Ewan ko. Haha.” naguguluhang sabi niya.

“Ts. I’ve been gone for a year tapos ganyan pa nangyari sa inyo.” nanghihinayang na sabi ni Sarah. “Is it because of his new loveteam?”

Kibit-balikat lang naman si Julie.

“Julie…”

“It’s weird, Sarah. Sobrang weird. Basta ang gulo. I know I’m not supposed to be affected kasi diba nga, alam naman nating lahat kung anong totoo diba? Pero kasi…”

“Hahaha. Jelly ka?” Sarah asked her. Yumuko lang naman si Julie kaya natawa si Sarah. “Haha. It’s normal. Ikaw ang legal eh. Hahaha. Pero don’t worry. Ako bahala kapag niloko ka niyang lalaking yan.” nakangiting sabi niya sabay kindat pa sa kanya.

“Julie Anne?” tawag ng staff.

“Po?”

“Kakanta kayo ni Elmo bukas ha? Masasabihan mo ba siya?”

“K-kami po?” tanong niya sabay turo pa sa sarili niya.

“Hindi Julie. Kami. Kami ni Elmo. Hahahaha.” tawa ni Sarah.

“Ts. Adik!” sabi niya. Nagbalik siya ng tingin sa staff saka ngumiti at tumango. “Try ko po sabihin sa kanya.” sabi niya.

“Okay sige. Kailangan niyo ipractice yun ha.”

“O-opo.”

“Call him call him call him!” pangungulit ni Sarah sa kanya habang hinahampas pa siya nito. “Come on, Jules! Call him!”

“Hahahaha. Wait wait!” pigil niya. “I’ll message him first.”

“Wag na! Tawagan mo na agad!” pangungulit nanaman nito.

Wala nang nagawa si Julie kundi ang i-dial ang number ng binata.

“Busy eh.” aniya.

“Ano ba yan!” angal ni Sarah. “Try mo ulit!”

“Teka lalabas ako.” sabi niya saka na siya lumabas ng studio.

*****

“Elmo! Elmo! Picture!” di magkandaugagang sabi ng mga fans niya.

Nasa Manila na uli siya at mula airport ay nagdiretso siya sa isang restaurant para naman sa birthday party na inihanda ng mga fans para sa kanya.

“Moe, picture tayo!” sabi nanaman ng mga to.

“Okay okay!” nakangiting sabi niya. Maghahanda na sana sila sa pagkuha ng picture nang magring ang phone niya. “Wait lang guys!” pigil niya saka na sinagot ang tawag. “Hello?”

“Hello.” sabi ng kaibigan.

“Hey. Bakit napatawag ka?”

“Moe picture tayo!” sabi pa rin ng makulit na fan.

“Ssshhhhh! May kausap sa phone.” pigil naman ng isa.

“Hey, I’m still in Bora. How can I accompany you for SAS tomorrow?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Uhm. It’s okay. There are other stylists naman tsaka you can just tell me kung ano ang dadalin kong damit then I’ll just ask help from the others.” sabi niya.

“Okay. I’ll just message you.” sagot naman ni Adrianne saka na natapos ang call.

“Uhm. Picture na ulit?” sabi niya sa mga fans kaya naman nagsilapit na sila para sa group picture nila.

Nang matapos ang picture taking at pagbabatian ay nagpaalam na rin siya sa mga fans na uuwi na dahil pagod siya mula sa biyahe.

Palabas na siya ng venue nang magvibrate ang phone niya.

Julie San Jose:

Been calling you pero busy ka. We have a duet tomorrow.

Nabuhay ang dugo niya dahil sa nabasa niya at hindi alam kung anong gagawin niya. Is he gonna call her or magrereply na lang siya?

“Shit. Calm down, Elmo!” paalala niya sa sarili. Nagtype siya ng message kay Julie at agad itong sinend.

Me:

Where are you?

Agad naman siyang nireplyan nito.

Julie San Jose:

Studio. Waiting for papa.

Tumingin siya sa watch niya at napansing maaga pa kaya may naisip siyang ideya.

Me:

I wanna see you. Can I go to your place? Let’s rehearse the song. 😊

Kinabahan siya bigla dahil hindi nagreply si Julie pero laking tuwa niya nang lumitaw ang chat bubble nito at may nakalagay na…

Julie San Jose:

Okay.

“Yes!” napasigaw siya. “Kuya, Novaliches po tayo.”

*****

“Oh. May hinihintay ka?” tanong ng mama niya. Nasa labas pa kasi siya ng bahay at nakaupo sa bench sa may garden nila.

“Po? Ah eh…” sakto naman at may nagdoorbell na sa kanila.

“Sino naman kaya yun? Anong oras na may bisita pa.” sabi ni Tita Marivic saka na binuksan ang gate.

“Good evening po.” bati ng bisita.

“Oh! Napadalaw ka parekoy?” masiglang bati nito. “Kaya pala naghihintay ang anak ko sa labas eh. Pasok ka.”

“Ah… Hehe. Thank you po.” sabi ng bisita.

Pinapasok na siya ni Tita Marivic at namula pa si Julie dahil sa sinabi sa kanya ng mama niya.

“Oh. Manliligaw mo, nandito na.” asar ng mama niya sabay kindat pa. “Wag masyadong papagabi parekoy ha? Maaga pa kayo bukas.” dagdag pa niya.

“O-opo tita.” sambit ng binata saka na ito ngumiti at kumaway sa kanya. “Hi, Julie.”

Hindi naman niya pinansin ang pagbati nito.

“Uy.” tawag niya.

“Ay lumulutang na damit!” bulalas ni Julie. Nakita niya kung paano kumunot ang noo ni Elmo tsaka pa ito ngumuso.

“Sama mo.”

“Hahahaha. Ang itim mo!” asar pa rin niya.

“Psh. Galing kasi sa Bora eh. Alangan maputi ako diba? If only you came with me edi maitim ka din sana.”

“Ano? Anong sabi mo?” kunyari ay di niya narinig.

“Sabi ko kung sumama ka sana sa akin edi sana may moonburn ka rin.”

“Moonburn your face! Busy ako.” aniya.

“You’re always busy. Pati saken wala ka ng time.” mahinang sabi nito pero narinig pa rin iyon ni Julie.

“Haha. Umitim lang naging madrama na.”

Tinignan lang naman siya ng masama ni Elmo.

“Hahaha. Joke lang.” she said saka pa nagpeace sign. “Let’s start practing the song. Bukas na to.”

“Anong song ba yan?” tanong naman ni Elmo.

“Take Me Home.” sagot niya habang sinesearch ang lyrics ng kanta.

“Okay. Tara na. Iuuwi na kita sa condo.” anyaya ni Elmo sabay hawak pa sa kamay niya.

“Hoy! Elmo ano ba!” sigaw niya.

“Oh. You told me to take you home kaya tara na nga. Itatanan na kita! Make it fast Julie. Baka mahuli tayo nila tito at tita!” pigil-tawang sambit naman ng binata.

“Title kasi ng kanta yun diba?! Umayos ka nga!”

“Ts. Akala ko pa naman mauuwi na kita.” bulong nito.

“Ansabe mo?!”

“Wala! Sabi ko I love you!” natameme si Julie sa narinig kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

“Bahala ka na nga diyan. Papasok na ko.” sabi niya. Akmang aalis na siya nang hawakan ni Elmo ang pulso niya.

“Joke lang. Halika na dito. Practice na tayo.”

*****

They started practicing the song pero mas marami pa silang bangayan kaysa sa pag-eensayo. Paano kasi ay namiss niyang kulitin si Julie.

“Elmo kasi! Umayos ka na. Anong oras na oh!” sabi ni Julie.

“Tsk. Jules, time of the month mo ba? Ang sungit mo kasi eh!”

“Che! Wag ka na dumagdag sa stress ko okay? Delayed na nga dadagdag ka pa.” mahinang sabi ni Julie.

“Ha? Delayed ka?!” gulat na tanong niya.

“Ha? H-hindi! Ano ba!”

“You just said it! Delayed ka!”

“Hindi nga sabi! Delayed flight ako kahapon okay? Tapos kahapon din ang first day ko. So hanggang ngayon nababadtrip pa rin ako. Yun lang!”

“Wait. First day mo kahapon?! Hey, that’s two weeks late. Diba dapat–” hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinakpan na ni Julie ang bibig niya.

“Delayed ako because of stress. Okay?”

“Ts. Fine. Maybe I should really take you home.” asar niya dito at nagtaas-baba pa ng kilay.

“Magseseryoso ka o uuwi ka na? Pili!” banta ni Julie.

“Hahaha. Fine. Seryoso na po.” bumungisngis siya saka na sila nagpatuloy sa pagpractice.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na rin siya kay Julie. Hinatid pa siya nito sa gate.

“Thanks for tonight.” aniya.

“Thank you din. I’ll see you tomorrow.” nakangiting sambit ni Julie.

“Yeah. I’ll see you.” sabi niya. Pasakay na sana siya sa sasakyan nang bigla siyang pumihit at mabilis na humalik sa pisngi ni Julie. “14 days to go. 1/3 of your wall down.” kindat niya saka nagmadaling sumakay sa kotse niya para di maabutan ng paghampas ni Julie.

He rolled down his window at nakita ang nakakunot noo na dalaga.

“Hey. Don’t frown. Lalo akong naiinlove sayo. Baka di ko kayanin tibagin ko yung natitirang pader mo ngayon. Hahaha.” nakangiting sabi niya.

“Whatever wrecking ball.” belat naman ni Julie sa kanya. “Uwi na dun, Moonburn!”

“Haha. Hey, my snapback’s still with you. Ibalik mo na saken.”

“Ayoko. Arbor na yun.” tanggi naman ni Julie. “Umuwi ka na nga. Inaantok na ko!”

“Fine. Ngayon lang ako uuwi na di ka kasama coz I’m taking you home with me, Julie! Soon!”


- THE END -