umaasa parin

Wag mo siyang itext. Wag mo na rin siyang ichat. Sige, pwede mong tingnan ang Facebook profile niya. Titigan mo na lang ang picture niya sa facebook. Titigan mo ang mga mata niyang dating nakangiti sa'yo. Ipaalala mo sa sarili mo na okay ang lahat ngayon pero hindi na. Ipaalala mo lahat nang nangyari. Okay lang. Umiyak ka lang. Ganun talaga eh. Tapos na. Wag kang mag-alala. Di mo naman kasalanan ang lahat eh. Nagkataon lang talagang wrong timing tapos medyo tanga kayong dalawa kaya ayan. Nauwi sa wala. Sige lang. Iyak ka pa. Walang mawawala sayo kung iiyakan mo siya ngayon. Mababawasan pa nga ang sakit eh. Tapos mapapagod ka pa. At least kapag napagod ka, maiisipan mo naring subukan na kalimutan mo siya. Subok lang naman eh. Alam ko namang di mo pa kaya nang ganun na lang. At alam ko namang kahit anong sakit yang nararamdaman mo, umaasa ka parin pero, friend, tama na. Maawa ka na sa sarili mo. Kung babalik siya, matagal na siyang bumalik. Pero wala parin eh. Diba? Tama na. Wag mo na siyang itext kasi magsisisi ka lang kapag nireplyan ka niya na tama na dahil tapos na kayo.
—  Sorry pero hindi ka na niya talaga mahal
Ang totoo, umaasa pa.
— 

Yuyuko lang.
Iiling.
Tatanggi.
Ngingiti na tila ba'y walang silbi
Ang isang ikaw na minsan ay inibig
Ngunit pumiglas at kumawala sa aking bisig.


Ang totoo, umaasa pa.


Doon sa mga baka at sana.
Sa mga biro at laro ng tadhana.
Sa mga bagay na ipinapubaya sa bahala na.
Sa mga iyak at tawa.
Noong tayo ay magkasama… Pa.


Ang totoo, umaasa pa.


Doon sa mga pangakong sana'y hindi napako.
At kahit saan man magdako
O kung sino pang tao
Ang umako
Ang pagsinta ko ay para parin sayo.


Ang totoo, umaasa pa.


Sa mga dasal at hiling sa bituin.
Mga awiting sabay nating kakantahin.
At hahawiin
Kung ano man ang sakit o pighati sa damdamin.


Umaasa pa.


Na sasabihin sa akin ang mga katagang paulit-ulit na buod sa aking isip.
Mga senaryong likha sa panaginip.
At sa isang saglit,
Ang hangin ay iihip,
Yakapin mo ako ng mahigpit.
Sasaya katumbas ng langit
At kakapit
Sa iyong mga bisig
Iisa-isahin ang mga gusto at hilig
Sandali pa, ang mundo ay kikitid
Pipihit,
Sisikip,
At sayo ay didikit
Kasabay ng paglapat ng labi habang nakapikit.


Sasabihin ba?

“Patawad mahal, ako ay nagkulang.”
“Patawad mahal, ako ay muling balikan.”


Iniibig.
Iniibig.
Iniibig kita.
Nakakagago.
Nakakatanga.
Dahil oo, nakakainis pero oo.
Umaasa parin ako sayo.


Tangina, totoo.

LONG DISTANCE RELATIONSHIP
— 

Alam nyo yung nakakatawa? Yung kung sino pa ang nasa malayo, sya pa ang nagparamdam sayo na hindi ka mag-isa. Yung wala sa tabi mo pero laging andyan. Di mo nakakausap ng harapan pero nakikinig. Di mo nahahawakan pero nararamdaman. Minsan mas totoo pa sya sa mga tao sa paligid mo. Di mo naransan makasama pero kilalang-kilala ka na. Pinagkakatiwalaan. Pinag- lalaanan ng oras. Pagmamahal. Atensyon. Mahirap pero sa isang banda masaya na din. Walang kasiguraduhan pero sumusugal ka. Sabi nila di yan magtatagal o di kailan man magiging seryoso ang ganyang relasyon. Walang patutunguhan kundi katapusan. Madaming kumplikasyon. Oras. Panahon. Layo. At mga bagay at pagkakataon na pwedeng mangyari. Temptasyon. Pagkalito. Paghihintay. Pag-asa.

Ngunit andyan ka. Sa lugar na yan. Kung saan umiibig ka sa taong di mo kilala ng personal pero gamay na gamay mo na ang timpla ng pagkatao. Natatakot na baka bigla nalang mawala. Biglang maglaho. Lahat. Ang oras. Nararamdaman. At mismong tao. Pero anyan ka parin. Naghihintay. Umaasa. Nag-mamahal. Hinihiling araw-araw na sana makapiling mo ba sya sa wakas. Yung mahahawakan mo ang kanyang mga kamay. Masisilayan mo ang kanyang mga ngiti ng personal. Mayayakap at alam mong hindi na lamang ito isang panaginip o imahensyon na nakasanayan mong gawin. Nagtitiwala sa isang bagay na hindi mo alam kung totoo o dapat nga ba paglaanan ng oras o atensyon o pagmamahal. Nagbibigay ng parte sa sarili mo doon sa taong kung maituturing ay estranghero. Pero andyan ka. At mahal mo sya. Sabi nila pwedeng mawala. Pwedeng nililinlang ka lang ng iyong isipan. Baka kailangan mo lang ng atensyon at hindi pag-ibig ang iyong nararamdaman. Pero sino nga ba sila? Nararamdaman ba nila ang nararamdaman mo? Naranasan ba nila na matuwa sa simpleng bagay na nangyayari sa buhay mo. Ngumiti dahil sa boses nya. Madaming pwedeng mangyari. Posibleng madami din ang nangyayari na hindi mo alam. Posibleng lahat ng pinaniniwalaan mo ay kasinungalingan. Pero andyan ka. At masaya ka diba?