uloool

Sabi nila, anumang sumosobra ay nakasasama. Sobra sa pagkain, tataba ka. Sobra sa tawa, kakabagin ka. Eh kapag sobrang sakit na ng nararamdaman mo, ano magiging epekto? Ako, hindi ko alam, marami sa totoo lang. At tanging alam ko ngayon eh, sobra na, quota na ika nga nila. Dapat ng itigil, dapat ng magpaalam. Ang kaso, kung ano alin ang nakakasakit sa’tin ay sya ring nagbibigay sa’tin ng lakas. Nakakabuwang. Tingin ko, sapat na ang natutunan ko para itigil na ang sakit na dinadala ko. Kung naging malakas ako sa paglaban sa sakit na ito, mas magiging malakas siguro ako para ito’y bitawan.

Sabi ko dati magsusulat ako kahit anong mangyari.

Eh ayun, kinalimutan ko muna ang pagsusulat ng ilang buwan. Naging busy sa school, binura ko pa tumblr ko, pati journal ko inamag na sa drawer. Pero iba pa rin eh, kahit ang dami kong ginagawa feeling ko wala akong natatapos, feeling ko walang nangyayari. Yung ilang buwan na lumipas pakiramdam ko may kulang sa'kin, hinahanap-hanap ko pa rin magsulat ng kahit ano lang. Kaya eto ako, nagbabalik sa kung saan ako masaya. 

Tulad ng sinabi ko dati, magsusulat ako kahit walang magbabasa pero sana meron. Bahala na kung saan o kanino ako dalhin ng mga sinusulat ko, basta ang alam ko dito ako masaya at ipagpapatuloy ko ‘to.