ulitin ko

2

It’s a Mens World 

by Bebang Siy

Ngayon ko lang napansin hindi pala kabasa-basa yung picture ng likod ng libro. Pero, ito ang nakasulat:

Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng “bagong” dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

Bakit? Tanong niya sa stepmother namin.

Labhan mo. Tubig lang. Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo ‘yang panty. Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.

Ito rin ay except na mula sa libro.

Binili ko itong librong ‘to sa National Bookstore dahil isang beses noong naghahanap ako ng mga akdang gawa ng mga Pilipinong manunulat (pero hindi galing sa Wattpad) ay nakita ko ito. Kaya noong nakita ko sa NBS, binili ko na kaagad sa halagang Php 195.00.

Pagkatapos ng dedication page ay may mapa at talaan ng nilalaman. Sobrang cute!

Ang librong ito ay koleksyon ng mga kwento sa buhay ng manunulat, si Ms. Bebang. 20 maiikling kuwento at karanasan sa loob ng 165 pahina (ang mga pahina 167-174 ay pasasalamat na at maikling impormasyon tungkol sa awtor). Masasalamin rin dito ang kultura at pamilyang Pilipino. At oo, It’s a Mens World talaga ang pamagat at hindi nagkaroon ng matindihang grammatical error ang may-akda. Mens, as in paikli ng menstruation. Galing ang pamagat na ito sa pamagat rin ng isa pang kuwento sa loob ng libro. Tungkol sa pagdadalaga ng kapatid ni Bebang at ng kapatid niyang si Colay.

Yung mga maiikling sanaysay rito, para kang babaliwin. Patatawanin, palulungkutin, patatawanin ulit. Ang nakakatuwa pa rito, gusto ko yung paraan ng pagsusulat ni Ms. Bebang. Kasi, seryoso ha, parang kausap ko lang talaga siya at nagkukuwentuhan lang kami. Ang kaso nga lang, sa anyo ng aklat. Sobrang light ng pagkakasulat na tipong mararamdaman mong kaibigan mo ‘yong awtor. Swak rin yung hindi masyadong pormal na pagkakasulat. Kaya talagang parang kinukuwentuhan ka lang ng isang kaibigan. Natutuwa rin ako kung paanong walang alinlangang ginamit ang mga salitang “pekpek” at “dede”. Kaya sobrang nakakaganang basahin ‘yong aklat. Di mo namamalayang nakakaraming pahina ka na pala. Hindi ako napahagalpak sa katatawa, pero hindi ko ipagkakailang maraming beses akong napangiti at napa-”hihihi” ng aklat na ‘to.Nakakaaliw. Nakakalibang. Kahit ‘yong pasasalamat ay tinapos kong basahin. Walang tapon.

Sa 20 sanaysay sa loob, ang mga ito ang mga paborito ko: 

  • Ang Lugaw, Bow. Sobrang nakakatouch.
  • Bayad-Utang. Laughtrip! 
  • Ang Aking Uncle Boy. Nakakatouch at nakakaiyak rin.
  • Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims. Ang intense ng part na ‘to. Ramdam ko rin ‘yong sakit at galit. 
  • Milk Shakes and Daddies. Nakakatouch (halata bang wala na akong maisip na ibang adjectives?).
  • First Date. Nagustuhan ko ‘to dahil sa tips na ibinigay niya. Bilang babae (at bata at wala pang karanasan sa pakikipag-date), sobrang laking tulong ng mga tips na binigay niya para sa mga gagawin sa first date.
  • Ang Piso. Na-hayblad rin ako kay Manong Konduktor! 
  • BFFx2. Naka-relate ako ng very light dahil may kaibigan rin akong nalayo sa akin. 

Maganda. Maganda ‘yong aklat. Irerecommend ko ito sa mga taong mahilig magbasa ng memoir at gustong mapa-”hihihi” rin.

At, mayroon nga pala ‘tong sequel, It’s Raining Mens. Hahalughugin ko ang mga bookstores para mabili ‘to.

brettienella  asked:

Kaya mo yaaaaan. Topics lang yan. Hahaha. Laban hanggat walang final grade bbgirl. Good morning! 😘💕

Pag napasama ako sa remedial sa Monday ayaw ko na 😭😭 sobrang ayaw ko ulitin yung topics hirap hirap nun ng bongga e. Goodmorning din bebe girl😘