uletter

FAMOUS LINES KAPAG MAY FOODTRIP ANG TROPA

#1 

Yung biglang magyayaya yung tropa mo na magfoofoodtrip daw tapos kapag tinanong kung saan masarap kumain,

“Dun tayo sa hindi pa natin nakakainan!”

( *books a flight to Tawi-tawi.)

#2 

Pero dahi may kaibigan kang #Foody at perstaym ninyong lahat sa place,

“Huy! Iba-ibahin natin yung order para matikman natin lahat sa menu.”


#3

“Wait langggg!!!! Picturan ko muna yung foods!”

Tapos mega-sampa pa sa upuan para magmukhang “artsy” yung shot habang nagwewelga na yung mga sikmura nila sa sobrang gutom. 

Tapos kapag ready na ang lahat para kumain,

“Uy ulett!! may shadow!!”


#4.

“Sir. can I take your order?”

“Ok wait…. Eto…Uhh.. .Kung ano na lang yung best-seller!”

Kasi walang picture yung nasa menu kaya wala kang basehan kung nakakain ba talaga yun o ano. Pangalawa, pangmayaman ang menu at hanggang “tapsilog” ang kayang i-pronounce ng vocabulary mo.


#5.

“Kung ano na lang yung order mo ganun din sa’kin.”

Para kunware sweet. Para kunware meant-to-be kayo kasi pareho yung isinisigaw ng mga taste-buds niyo. Sus, wag niyo ng i-push. Hindi magwowork-out yan. Kapag tropa, tropa lang. Walang landi-landi.


#6

“Kaw na lang yung magunli-rice ha. Hingi na lang kami.”

#UltimateGalawangKuripot lalo na kapag nasa Mang-Inasal. Kaya ang ending, ang sama-sama ng titig ng mga waiter sa inyo after niyong magbill-out.

#7

“Uyy. Sarap yan? Patikim.”

Hanggang sa nauwi sa lamon yung sinasabi niyang tikim. Ikaw yung naubusan. Ikaw yung nawalan. Wala eh. Ganun talaga yata kapag nasasarapan, nakakalimutang hindi pala kanya yung tinitikman.

#8

“Guys. Diet ako eh. Pero sige dessert lang.”

Pero siya pa yung mas madaming inorder at kinain. #NasaanAngDiet

#9

"Guys tubig na lang pala yung sa’ken.” 

Pero ang totoo, nakita mong smoothies yung inorder ng friend mo kaya makikihigop ka na lang.

#10

“Uy guys. Ubusin niyo na ‘to. Sayang naman.”

Yung tipong concern na concern ka para sa food dahil maraming mga bata sa lansangan ang walang makain. Pero ang totoo, ikaw talaga yug may balak umubos ng tira. Naninigurado ka lang na walang may mag-aatim kumuha. Para may legalidad at walang panghuhusga.

500th post for you.

Oo ikaw. Miss na kita, alam mo ba? Syempre hindi kasi sino nga ba ako para sayo? Isang tumblr follower lang naman diba? haha No hindi naman ako bitter eh. Miss lang talaga kita.

I was so stunned when you ta'ed me last time. Yun bang di ko alam kung ano ang isasagot ko. Baka mali o mabored ka. Ako kasi yung tao na boring kausap at masyadong mababa ang common sense. Pero pagdating sayo grabe tinatry ko ang best ko para tumagal ang pag uusap natin. 

Pero ganun talaga siguro hanggang dun na lang tayo. Hindi rin naman ako umaasa ng kung ano ano eh. Pero miss lang talaga kita. Sana masaya ka sa lovelife mo at trabaho. Wag kang mag alala matutupad din yung mga pangarap mo. Sigurado yan dahil sobrang deserve mo yun.