twitter:picture

First christmas on tumblr ko to, hindi ko na itTA isa isa or FM dito ko nalang ilalagay lahat ng gusto kong sabihin. 

Syempre nung first time ko talagang magtumblr medyo naaddict ako yung dapat araw araw may long post yung ganun ba, kase natutuwa ako pag may nakaka appreciate ng mga sinulat ko pero ngayon medyo hindi na ko nag focus sa pagtutumblr kaya ayun umunti na yung mga kakilala or close ko dito kase naifocus ko nga yung sarili ko sa ibang bagay.

Eto na hahahaha dami kong sinasabi :) salamat sa inyo ha? sa mga kaibigan ko dito yung mga nagbibigay ng payo pag may problema ako. Hindi lang naman to’ para dun sa mga nakakausap ko para to’ sa lahat ng pinafollow ko kase hindi naman ako yung tipo ng blogger na pinipili yung ipafollow eh basta matripan ko ipafollow ko siya. Yun nga salamat sa mga post nyo marami din akong natutunan sa inyo sa mga simpleng storya ng buhay nyo, marami akong natututunan, sa mga nirereblog nyo na may mga inspirational msg, minsan kase may mababasa ko dito tapos magogood vibes, salamat din dun sa mga blogger na pinapatatag ako pag nagdradrama ko dito. Salamat talaga :) 

Ayun, Advance Merry Christmas sa lahat ng magbabasa nito!!!