tuwang tuwa

“ang gago kong boss”

so ayun nga, after lunch kanina sabi niya sa amin mag site source daw kami kasi nga marami yung kelangan namin. edi ayun na, bale pinag-aayos na niya kami para nga daw may maabutan kami. mga bandang 2pm umalis na kami sa office tapos papunta kaming moa. nakarating ata kami doon mga 3. edi sige panay bigay ng fliers, kausap doon, kausap dyan. aba pota pagdating ng mga 3:30 sabi ba naman niya “oh sige pwede na kayo umuwi alam ko gusto niyo rin yan” tapos tawa kami ng tawa ng kasama ko kasi pota parang ginawang excuse lang kami ng hayop kasi nga may lakad pala siya doon. tapos may pahabol pa siya na “hindi naman sa kinukunsinte ko kayo ah? napagdaanan ko na rin yan noon”. siyempre tuwang tuwa kami yay sarap buhay kasi pati bukas mag s-site source ulit kami edi alam na this. maloko rin talaga tong boss ko eh pero nice nice, magkakasundo tayo lalo niyan sir.

Jollibee Fun Catcher

Since college, mahilig ako mag arcade. Batang quantum at Batang Fun House ako, especially kapag mahaba yung vacant. Mahilig ako maglaro dun sa mga machine na nanalo din ng tokens, then kapag nanalo na ako yung napanalunan kong token ilalaro ko naman sa toy crane. Yung mga nakukuha kong stuff toys, binibigay kong laruan sa aso. :)

Tuwang tuwa ako dito sa bagong laruan ko, galing kay jollibee. haha. Jollibee Fun Catcher yung tawag, para kasi siyang toy crane. Pero dahil masyadong maliit, mga candy lang inilagay ko.

Pagkabukas, nilagyan ko agad ng battery. Tapos pagkalagay ko ng batt. umilaw yung led light tapos sinubukan ko yung controls. Working naman lahat kaya lang after mga ilang minutes, nawala yung ilaw ng led light and hindi na din gumagana yung controls. Sinubukan kong ayusin ang battery, pero wala pa din. Sinubukan ko pang buksan yung pinaka circuit, buti na lang hindi natuloy kasi di ko magkasya yung screw ko. Tinitigan ko at pinagisipan kong mabuti. Tapos yun, antanga ko lang kasi….

Ayun, may coin slot nga pala. Nalimutan ko na kailangan pala maghulog muna ng coin bago makalaro. haha. Edi okay na working na siya, Ganito yung controls niya:

Yun.. Practice ng onti, tapos sobrang aliw na aliw na ko sa paglalaro. haha. Favorite ko nga kasi talaga ang toy crane. 

Sobrang saya lang talaga laruin ng toy na to. Hahaha

Yan lang ginawa ko maghapon eh. hahaha. wala nakwento ko lang naman. Ge. :)

Good Morning :)

Bakit ganon. Yung mga lovers sa facebook nakakaumay. Pero yung mga lovers dito na Tumblr tuwang-tuwa ako. Ahahha ang cute lang kasi! Sana dumami pa sila. Kahit di na ko kasali. Ahaha more powers sa mga nag mamahalan! Isang mapagmahal na umaga sa inyong lahat ♥

Bakit kaya, mga bes?

Bakit kaya kapag may bumabatikos kay Duterte, yellowtard na agad? Dalawa lang ba ang partido sa Pilipinas?
Bakit kaya kapag may bumatos kay Duterte, bobo na agad? Close minded na agad? Hindi daw nagiisip?
Bakit kaya kapag may bumatikos kay Duterte, bayaran lang daw yon?
Bakit kaya kapag may negatibong balita sa tv tungkol kay Duterte, biased agad? Pero kapag magandang bagay ang balita na patungkol kay Duterte, tuwang tuwa naman sila?
At higit sa lahat, bakit kaya ang tatalino ng mga fans ni Duterte?

Bakit kaya?

3AM. Naalala ko lang bigla

Do you still remember the day na sinamahan kita sa book signing event ng all time fave mong writer. Actually, nung mga oras na yun di talaga kita maintindihan kung bakit pagka-announce na pagka-announce palang na magkakaron sya ng book signing event dito, tuwang tuwa ka na. Kung bakit ganon ka nalang ka-excited makuha yung pirma nung taong yun. Never pa kasi ako naging fan ng kahit sino that time. Di rin naman pa ako bookworm nun para sobrang matuwa kapag nagkaroon ng signed by the author na book. Pero sinamahan parin kita kasi boyfriend mo ako at girlfriend kita nung mga panahong yun. Bago palang kita niligawan, sinabi ko na sa sarili ko na susuportahan kita sa kahit anong bagay at sasamahan kita sa kahit saan.

Weeks before the event, I bought my book para makapasok rin ako at masamahan ka. We went to the event together. Lahat ng tao doon kagaya mo na excited na excited makita yung author na yun, ako lang yata ang hindi kasi first of all, di ko naman sya talaga kilala haha. While waiting, ako yung kachikahan mo nun. Pinagk-kwento mo sakin lahat ng about dun sa author na yun at about sa mga books nya. Sa pananalita mo, ramdam na ramdam kong gigil ka na ma-meet sya at magkaron ng picture kasama nya.

Finally, lumabas na sya. Nagsalita saglit at nags-start na mag-sign ng books. Yung ngiti mo nung pagkalabas nya, ayun yung ngiti na pinangarap kong makita araw araw. Sobrang nakakataba ng puso, sobra mo talagang saya nung mga oras na yun. I want to see you like that every time. Nung mga oras na yun, talagang mas na-motivate ako mag-effort lalo pasayahin ka kasi gusto rin kita mapasaya ng sobra sobra tulad nung nagawa nung favorite mong author sa’yo. At gusto ko, mas higit pa. Ang sarap mong titigan lalo na pag masaya ka, buong mundo ko talagang nagdidiwang.

After nung event na yun, sinimulan ko na basahin yung first book na binili ko. Yung book na sinulat ng favorite author mo. At simula nung mabasa ko yun, nasundan na ng nasundan, kinahiligan ko na rin magbasa ng mga libro. Simula nun, isa na ang mga nabasa nating mga libro sa mga naging topics natin. May times na sabay tayong nagbabasa ng books. May times na sabay tayong namimili ng librong babasahin next. May times naman na pag malakas trip mo uumpisahan mo makipag-exchange ng lines sakin from the book na nabasa mo na para bang sa’yo talaga nanggaling at ikaw yung leading lady tapos ako yung leading man mo, ako naman todo sakay lang sa trip mo to the point na minsan napapaisip ako pwedeng pwede na tayo sumali sa play haha. Tapos minsan, galit na galit ka pa pag sinasadya kong magpaka-spoiler para inisin ka haha. Sobra akong nag-enjoy. Ang sarap nga pala talaga magkaroon ng girlfriend na habitual reader.

I finally became that “very supportive boyfriend sa bookworm nyang girlfriend” and the “guy who became a bookworm because of his girlfriend”. You never asked me to read books rin just like what you do all the time noon pero nagkusa ako kasi gusto ko makasundo ka sa mga bagay bagay hanggat kaya ko. Gusto kong mas maging komportable ka sa akin. Gusto kong mas maka-relate sa’yo. Gusto kong maintindihan kung bakit ganon ka nalang umiyak at ma-touch ng sobra sobra nang dahil lang sa isang simpleng line from your favorite character. Gusto kong maintindihan kung bakit ganon ka nalang magpahalaga sa mga librong nababasa mo at gusto mong basahin.

Wala na tayo. It’s been years pero gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon, tandang tanda ko pa rin yun. Isa yung mga yun sa mga precious moments na meron ako sa buhay ko na kahit kailan, hindi ko makakalimutan. Hindi ako nagsisisi sa lahat ng bagay na ginawa ko para sa’yo. Yes, it’s been years. Tagal na sobra, naka-move on na talaga ako sa’yo. Hindi na kita mahal, hindi na kita gusto kagaya ng dati. I’m sure ganon na ganon ka na rin. Pero pinapahalagahan parin kita kasi ex girlfriend kita eh, niligawan kita, minahal kita. Yung halaga mo sa akin, hinding hindi magbabago yun pero kayang mahigitan ng susunod kong mamahalin. Sobrang thankful ako kasi na-in love ako sa isang bookworm na gaya mo, ang dami kong natutunan.

Bigla kitang naalala ulit kasi yung favorite youtube cover artist ko confirmed na talagang magkaka-concert dito sa Manila. Jusko, sabi ko sayo noon pag nagka-concert sila talagang pupuntahan ko tapos gusto ko ikaw kasama ko. Nakapag-rave na tayo together, naka-attend na rin ng concerts ng magkasama pero yun talaga yung pinakahinihintay kong mapuntahan ng kasama ka. Mukang brother ko pa ata makaka-concert date ko nito kasama girlfriend nya, third wheel ahuhu. Anyway, miss u ate girl.

Siguro ngayon, tuwang tuwa sila sa #HugotMarathon ko or sa akin. Natatawa sila. Cinocongratulate pa nga nila na na-post ako sa fanpage ng Filipino Dubsmash, sa Cosmo.ph at sa When In Manila…

Pero totoo talaga ‘yung mga hugot ko at hindi naman talaga ako masaya???

#SiMiriamAngSagot

Binoboto nyo si madam Miriam bilang senador. Pero hindi nyo sya magawang iboto bilang presidente. Nandyan kayo kapag sinasabon nya ang mga tiwali. Tuwang tuwa pa kayo at nagpapasalamat dahil wala syang takot harapin ang mga corrupt. Pero ayaw nyo syang gawing presidente. Bakit nga ba? Bakit ayaw nyo syang iboto? Kasi hindi nag-trending yung pagkamatay ng mga magulang nya? Kasi hindi sya sikat na action star? O baka naman kasi mamamatay na sya? Lahat tayo ay mamamatay. Una-unahan lang yan. Yung paborito nyo ngang action star, namatay habang nangangandidato sa pagkapangulo. Sinisisi pa nga ng iba si Arroyo nun, diba? Walang senyales na mamamatay sya. Pero paano kung hindi sya “dinaya” at naging presidente sya, tapos bigla syang namatay? Hindi ba’t pagsisisihan nyo din yung boto nyo? Oo, magsisisi kayo. Kasi una, bakit nyo ibinoto yung isang action star? Anong alam nya sa pulitika? At bakit nyo nga pala binoto yung namatayan ng magulang? Yung linya nyo noon na “sawang sawa na kami sa kahirapan” ay linya nyo pa din hanggang ngayon. Nadagdagan pa nga eh: “para mawala na ang masasamang mga tao”. Sa madaling salita, mahilig kayo sa TRENDING. Kung saan ang trending, nandun ang karamihan sa mga Pilipino. Wala kayong sariling pag-iisip. Basta sinabi ng kaibigan mo o ng kakilala mo, doon ka din. Kasi nga, trending. Gaano nga ba kalala ang karamihan sa mga Pinoy? Naaprubahan ang same sex marriage sa America, halos lahat nagpalit ng rainbow profile picture. Binomba ang Paris, halos lahat nagpalit din ng profile picture na may watawat ng France. Dumating ang AlDub, halos lahat kinilig. Nag-joke si Vice Ganda tungkol sa rape, halos lahat nagalit sa kanya. Bumaba ang ratings ng Showtime, halos lahat e nakilait sa programa. Dumating ang Prime Minister ng Canada sa Pinas, halos lahat kinilig sa kanya. Nag-comment si Manny regarding LGBT, halos lahat nagalit sa kanya. At noong nag-sorry na si Manny, halos lahat din e natutong mangaral ng mga bible verses. At noong nag-sorry si Manny, halos lahat e nagalit na naman kay Vice Ganda at Boy Abunda. Sumikat ang Top 20 Names, halos lahat e nakisawsaw. Sinabi lang na “type Amen”, halos lahat e nag-type nga ng “Amen”. Nag-trending si Duterte, halos lahat e gusto syang iboto. At madami pang iba. Madaming madami pa. Ganyan kabulag ang karamihan sa mga Pilipino. May mag-trending lang, magsisigaya na ang halos lahat. Parang mga robot na walang sariling utak. Tapos ngayon, sinisisi nyo ang gobyerno kung bakit ganito pa din ang Pinas? E sino ba kasi ang bumoto sa presidente natin na namatayan lang ng magulang at nag-trending lang ng ilang araw? Hindi ba’t kayo din naman? Pagbabago. Isinigaw nyo na yan noon. Isisigaw nyo pa din ba hanggang ngayon? Oo, may trending na namang kandidato ngayon. Gustong gusto nyo sya. Bakit? Kasi para mawala na yung mga masasamang tao? 3 to 6 months, yan ang pangako nya, diba? Pero isipin nyo to… Pagkatapos nyang mapatay lahat ng masasamang tao, pagkatapos nyang ubusin lahat ng pagala-galang aso, anong kasunod nun? Anong mangyayari sa Pinas kapag patay na lahat ng mga “masasamang tao” (na pwede sanang magbago)? Sya nga ba talaga ang sagot para maging disiplinado ang isang tao? O baka naman kasi kaya talaga nating magbago pero dahil may bagong trending na nangangandidato, sa kanya agad ang inyong boto? Madaming nagsasabi na wala daw mangyayari kung si Miriam ang iboboto. Mababa daw kasi sa survey. E ano naman ngayon? At least, alam ko na kung si MDS ang iboboto ko, hindi ako magsisisi, manalo man o matalo. Dahil alam ko na yung taong binoto ko ay malinis, magaling, at makatao. Alam ko na kahit may sakit na sya, kapakanan pa din ng mga Pilipinong walang may pake sa kanya ang iniisip nya. At kahit saan ako pumunta, maipagmamalaki ko sya. Dahil hindi lang milyon-milyong mga Pilipino ang natulungan nyo, kundi pati na rin ang mga banyaga. Proud ako na isa ako sa 3% na sumusuporta sa kanya. Proud ako dahil hindi nakikiuso ang 3% na yun. Proud ako dahil hindi sunud-sunuran kaming nasa 3%. Proud ako dahil alam kong hindi lang utak ang ginagamit ng sinusuportahan ko, gumagamit din sya ng puso. Maliit lang ang 3%. Pero aanhin mo ang boto ng napakaraming mga Pilipino kung hindi naman nila alam ang goal mo bilang isang Pangulo? Aanhin mo ang boto ng napakaraming mga Pilipino kung sumunod lang naman sila uso? Aanhin mo ang boto ng napakaraming Pilipino kung inutusan lang naman sila ng leader ng relihiyon nila para ikaw ay iboto? Para sa akin, mas mahalaga pa din yung ibinoto ka ng mga tao dahil naniniwala sila sayo. 6 years from now, kung hindi nanalo si MDS, asensado na kaya ang Pinas? O baka lugmok pa din tayo? Sana lang, after 6 years, kung malakas pa siya, sana hindi nya pa tayo kinalimutan. Sana hindi nya pa tayo pinagsawaan. Sana hindi nya pa tayo tinalikuran. Dahil aminin nyo man o hindi, sya pa din naman ang hinahanap at hahanapin nyo para maging maayos ang bansang ito. Sadyang ayaw nyo lang syang iboto dahil sunod kayo sa uso.

© Kenneth Aquino

4

Siya si TP.

Si TP isa sa paborito niya ang Pepper Lunch at isama mo na ang Iced Tea pero dapat less ice lang. Mahilig si TP sa bacon na halos mabubuhay siya kapag bacon lang ang kinakain niya. Pag kaming dalawa ang magkasama, palagi kaming kumakain sa kahit saan lalo na sa mga food stalls na hindi pa namin natitikman parehas. Si TP, palagi akong nililibre o di kaya minsan ako ang nanlilibre lalo na kapag may budget ako (haha) o di kaya hati kami sa babayaran, pero madalas siya talaga. Si TP ayaw niyang pinipicturan siya kapag kumakain dahil gusto niya pagka lapag ng food, kakainin na niya agad. Pero ako naman tong panay picture sakanya halata naman sa photos.

Si TP, ang ganda niya lalo na kapag nakangiti, sa kahit anong anggulo maganda siya, photogenic kumbaga. 

Si TP, kahit gaano man siya ka moody, kahit panay siya sa kaaasar sa akin, kahit na tuwang tuwa siya kapag nauurat ako, kahit na mahirap siyang suyuin kapag nagkakatampuhan kami, kahit na ano pa siya mahal na mahal ko yan.
Si TP hindi sweet, minsan lang kapag inaatake ng pagiging sweet at clingy pero madalas hindi talaga. Pero si TP ma effort, pupunta siya sa North kung nasaan ang bahay ko kahit na taga South siya. 

TP, Mahal ko, Mag kalahating taon na tayo bukas at hindi man natin inaasahan na tatagal tayo ng ganito at sana tumagal pa lalo kahit na minsan may hindi pag kakaintindihan or busy sa School, Schools works, Prods o sa kahit ano pa. Ang bilis ng panahon na parang dati malungkot ka, malungkot ako, pero kita mo naman ngayon parehas na tayong masaya dahil sa isa’t isa. Thank you dahil mahal mo ako katulad ng pagmamahal ko sayo. 

I love you so much, @rantsandwords

- Royce 

“sikolohistang-baliw”

Guys share ko lang dahil tuwang tuwa ako haha, noong nakaraang araw nag email ako sa tumblr about sa old url ko kasi di ko na makuha aba tangina naayos nila!!! nakuha ko na hala gago after 1 year mahigit nasa akin ka na rin. hays mahal talaga ako ng tumblr akala ko hindi na maaayos kasi nag reply sila agad noong isang araw tapos ayun inexplain ko kelangan pa ng mga proof something hays tuwang tuwa lang talaga ako shet.