tuwa

2

LAST LIGHT (2015) | RETRIBUTION (2017)

December 2553. Less than a year after the end of the Covenant War, a string of violent incidents continues to threaten the tenuous peace in human-held space, culminating in the assassination of UNSC fleet admiral Graselyn Tuwa and the abduction of her family. It is a provocation so outrageous that the Office of Naval Intelligence must retaliate swiftly and ferociously—but only after its operatives identify her killer and rescue the hostages.

This mission will be the first for homicide-detective-turned-ONI-operative Veta Lopis and her young team of Spartan-IIIs, and something feels wrong from the start.

The obvious suspect is an infamous Brute who leads the Keepers of the One Freedom, an ex-Covenant splinter group in fierce opposition to the UNSC. But Lopis and her team soon realise that the truth is much more insidious than they could ever have imagined, and with Fred-104, Kelly-087, and Linda-058 of Blue Team for combat support, they must stop a plan hatched in the bowels of the secret research station Argent Moon - a plan so sinister it could destroy all those still reeling from thirty years of intergalactic conflict…

okay, sa totoo lang, ginagamitan ko ng classical conditioning (pavlov) itong crush ko sa office. kaya i consider myself as a weird one kasi kahit anu-ano mga pinaggagagawa ko (or pwede ring i’m just being smart lol). so here it goes, trial and error lang naman talaga to kasi nga hassle gamitan ng psychology ang isang tao. sa una nag try lang ako mag dala ng breakfast na gusto niya since nag suggest siya minsan na gusto daw niya ng ganto at ganyan. edi nagdala na nga ako, tapos tuwang tuwa siya at nag thank you siya. kinabukasan nagdala ulit ako pero ibang pagkain naman, edi makikita mo talaga na natutuwa siya at naulit ng naulit (2 weeks ko to ginawa, okay?) til one day, tinigil ko, nagtataka siya bakit daw hindi na ako nagdadala ng breakfast (i stopped not because naisip ko na parang pg na siya at parang abusado na siya kasi trust me, spoiled din ako doon) gusto ko lang talaga makita yung reaction niya or yung resulta ng plano ko at doon ko naisip na, “ah okay, tumalab nga yung ginagawa ko”. kitang-kita ko yung reaction niya eh. hindi siya sanay kaya tinatawanan ko siya at inaasar. ayun, nag stop na talaga ako sa breakfast thingy at buti naman kahit papano gumana plano ko diba? though sa ibang bagay ko naman ginagawa ngayon like pag after pay day dapat automatic na yayayain ko siya para kumain and vice versa. ayun, lagi rin kami tabi kumain lalo na pag lunch kaya hindi siya sanay na hindi ko siya tinatabihan. haha ang kyot kyot lang at ang bottomline neto, ganto talaga ako mag-isip. mukha lang akong gago pero atleast, i can apply some of the learnings that i acquire from my degree or program. gege good morning :)

ps: medyo risky lang kasi psychology graduate din siya kaya pwedeng alam niya mga pinaggagagawa ko o sadyang manhid lang siya hehez

If you have a time, and interested to my college brief story, please take time to read this. Thank you! And to all batch 2017, congratulations.

The best profile picture ever!

Tila ang sarap pakinggan ng mga katagang “Graduate na ako.” Hindi ko kayang pigilan ang umaapaw kong kasiyahan na nasa loob ng aking katawan kasabay din nun yung luhang nagtatago sa likod ng mga mata ko na tiniis ko sa loob ng limang taon. Oo tama, luha. Luha na dulot ng sobrang tuwa, luha na nagsasabing sa wakas tapos na ang mga paghihirap mo, ito na yung pinapangarap mong degree (well actually hindi ko alam na dito sa kursong ito pala ako magtatapos). Sa wakas makakahanap ka na ng isang maganda at disenteng trabaho na maipagmamalaki mo sa kung kanino. At syempre yung luhang nagsasabi sa loob ko na… “Sa wakas Rayniel, nakaya mo. Lahat ng pagsubok, lahat ng mga mahihirap na exams, quizzes at projects, sige isama mo na rin yung mga seatwork na akala mo quizzes sa sobrang hirap na ultimo utak mo talagang mapipiga at matutuyo.“

Sa totoo lang hindi lang isang beses ang maisipan ko yung fastest way to exit this course which is to quit. Sa limang taon ko sa College of Engineering and Technology, hindi lang isang beses na sinabi ko sa sarili ko na "tama na hindi ko na kaya”. Dumating pa nga yung araw na sinabi ko na mismo sa dean namin na “Sir pwede po bang mag shift nalang po ako sa ibang course pero same lang ng college kasi po sobrang hirap na.” Ilang quizzes na ang iniyakan ko, simulan natin sa first year, yung college algebra na inakala kong makaka uno ako pero nauwi sa 2.25 tapos yung trigo ko na sabi kong basic lang pero 2.25 lang din. Grabe first year palang sinabi ko na sa sarili ko “IMPYERNO ATA TONG PINASOK KONG KURSO”. Nalagpasan ko ang first year ng matiwasay pero pag sapit ng second year, UGH! PHYSICS. YES, kung saan nakakakuha kami ng grades na 26/100 at maswerte kana nyan kapag ganyan ang nakukuha mo dahil kahit papaano tumatama ka ng isang problem out of four problems. Dahil hindi namin alam kung saan kumukuha ng tanong yung prof namin dyan (puro pang out of this world). At iniyakan ko yang subject na yan, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako para sa engineering at kung babagsak man ako, it means ayun na yung sign. After ng semester, nalagpasan ko ang physics at alam mo ang sabi ko sa sarili ko? “Rayniel bakit mo pinasa, dinugtungan mo lang yung buhay mo dito sa impyernong course na to”. Pero believe it or not, nung pinasa ko ang Physics kahit tres lang ang nakuha ko, naging determinado akong lumaban. Akala ko makakaya ko na dahil ayan na third year nako sa ibang course kasi diba pag third year na wala ng problema, yun pala. Simula palang ng kalbaryo ng buhay namin sa Electronics Engineering. Pumasok ang electronics at circuits, aba himala wala akong problema kaso biglang sinabitan ng Differential equations, at muli nanaman akong nawalan ng lakas ng loob at determinasyon. Dyan din yung muntik nako ma-HD at mapalipat dahil sa failed to reach the cut-off. Thanks to that warning-warning-hd rule, dahil isang warning palang ako at pangalawa ko na yun nung bumagsak ako. Nung naisip ko yun sabi ko sa sarili ko, “Kailangan mong lumaban, nandyan kana. Konting tiis nalang oh, konting tumbling nalang.” Kaya after nung sem na yun, oh guess what, 1.86 na ang GWA ko from 2.58. Diba grabe ang batak ko nung sem na yun. After kong bumagsak sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako pwedeng bumagsak at ayoko na. Kaya pinilit ko yung sarili ko, nag aral ako ng mabuti. Laban lang, laban kung laban, puyat kung puyat. At nagpaka-GC ako ng bahagya nun. Alam ng mga classmates ko kung gaano ako nagsusumikap para maging regular muli at para makahabol sa batch namin. Ako na nagsasabi, hindi biro yung pinagdaanan ko sa loob ng dalawang taon, yang fourth year and fifth year life ko. Nandyan yung kulang nalang hatiin ko yung katawan ko dahil sa magkakasabay at magka overlap na sched from regular to irregular subject. Nandyan yung napagsabihan ako ng prof ko na “napaka espesyal mo talagang estudyante Magsino kundi lang ako bilib sayo dahil kinakaya mo hindi kita pagbibigyan”. Lahat yan kinaya ko hanggang sa makarating ako sa kung ano tong kinalalagyan ko ngayon…

My first greatest achievement to myself and one of the reason why I forced to love this Electronics Engineering is being a licensed Electronics Technician under-graduate of Electronics Engineer. I proved to myself to my professors and colleagues that I belong in this field of engineering. And I’m very proud to say that I am an ECT passer. Yung puyat ko, habang nasa OJT, review everyday, habang nasa bahay kahit pagod sa school basa ng reviewers, habang nasa school kahit hirap balansehin pinipilit kong isingit ang review ko kahit may exams pako sa mga subjects ko, lahat yan nagbunga ng makita ko yung pangalan ko sa results of passers. Sobrang naiyak ako, gusto kong tumalon sa sobrang saya, at sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil alam kong hindi nya ako pinabayaan sa pag-eexam ko.

And other than that, is this, completing this five year program in five years. All I could say is wow, just wow. *teary-eyed*


Rayniel S. Magsino, ECT
12-61-107
Bachelor of Science in Electronics Engineering🎓🎓🎓
Universidad De Manila
Batch 2017

Tula Para Kay Ina

Wala Ka, Wala Ako.

Away, sagutan, walang imikan,
Iyan ang ating naging samahan.
Tila ako'y binabaril sa pagpatak ng salita,
Lahat na lang ng bagay, iyong nakikita.

Tenga'y walang narinig kundi ikaw,
Tila kalabaw sa bukirin kung sumigaw.
Mga mata'y tila tigre sa pagtitig,
Puso'y biglang bumilis ang pintig.

Ngunit maniwala man o hindi,
Ako'y nakinig, iniwasang maging bingi.
Kalakip ay pangaral sa lahat ng binitawan,
Panghabambuhay nito akong sasamahan.

Ina, nanay, mommy, o mother,
Ano man ang tawag, ikaw ang lider.
Hindi lamang iyon, isa ka ring kumander.
Sa bahay ikaw ang reyna at ang madir

Hindi man halata, sana'y maniwala,
Ikaw Ina ay tunay na mahalaga.
Hindi maisip ang buhay na wala ka,
Bahay ay tahimik, hindi ganun kasaya.

Mas gugustuhin ika'y makasama,
Titiisin ano man ang iyong dala.
Iyong hirap para sa pamilya,
Wala na akong mahihiling pa.

Kahit amoy sibuyas o sitaw,
Sa pagluluto, ika'y halimaw
Di maikakahiya ang iyong galing sa kusina.
Dahil sayo, kami'y tumataba.

Ako'y nandito, dahil sa iyo.
Laking tuwa, ikaw naging ina ko.
Ngayon ay araw mo,
Sana'y mapansin ang munting tula ko.
Kung wala ka, wala ako.

Happy Mothers’ Day! 💖

x: lagi siyang nag f-flood likes sakin 
a: ano naman?
x: kinikilig ako
a: luh parang abnormal
x: seryoso kasi kaya nga tuwang tuwa ako 
a: nag f-flood likes yan para gawin mo rin sa kanya. galawang famewhore kaya yan tanga ka. landi landi mo akala mo naman may gusto talaga sayo.
x: ….

Awkward tsamu moment last year.

May nag hug sakin tapos nag hello edi nag hello din ako. Then tuwang tuwa siya kasi finally nagkita na kami pero sa isipan ko “sino kaya ‘to” di ko kasi maalala ganon. Name at url niya hindi ko din alam. Hanggang sa tinanong ko siya after niya ko i-approach. “Ano nga url mo ulit?” Hanggang sa sinabi niya tapos “ay shet ikaw pala yun”. Yun pala friends kami dito huhu medyo di ako matandain sa mukha or name pag unang kita hanep hiya ako ng slight.

so kanina pa may inuman session dito sa bahay. kanina pa rin ako nag iinom. tuwang tuwa mommy ko kasi atleast daw nakikita niya ko nagiinom wtf

“ah so nagpalit ka ng url para lang hindi ko makita? kapag naman sinearch ko old url mo sa search bar makikita ko pa rin yan eh. wag ka na mag effort, rigo”

FUCK HAHAHAHAHAHAHAHAHA IM DEAD :((

tapos nagpaturo siya paano gumamit netong tumblr shit na to edi todo turo si tanga hahaha wala na sige ays lang malaman niya pero tangina eh. lahat ng saloobin ko andito hahahahahaha nakakabaliw. tapos tinatawanan ako ng gago kasi natataranta na ako luh siya tuwang tuwa samantalang ako naeewanan na. ang lakas ng trip ng gago???

Sobrang gago kanina talaga nung nangyari samin sa ichiro. After kasi ng seminar rekta kami dun para kumain tapos tuwang tuwa kami nung una kasi sobrang dami namin inorder tapos yung maki woaaah super sarap talaga 2 types ng maki pa naman inorder namin plus may main dish pa hahahaha leche ang baboy tapos ayun nung patapos na kami kumain may pumasok na dalawang batang babae *sa may malapit kami sa door nakapwesto btw*. Nung una nanghihingi lang ng pera, tapos magsasalita palang sana kami bigla inagaw nung bata1 yung chopsticks ni kaiser tapos grabe sapilitan sobrang gangster tapos kinuha nya yung maki at kinagatan, di nya bet so binalik nya sa plate wtf super shookt lang kami non di namin alam irreact tapos medyo lutang na rin kami that time kasi sobrang busog talaga ewan ko ba bat ang tanga rin namin slight hahahaha tapos yung bata2 mas gangster kinamay yung isang maki tapos kinuha sabay takbo sila sabay palabas ng door. Wtf talaga after nila umalis mga 1min kami nagtitigan nila kaiser at elaine tapos shookt face lang kami. Sinabi pa namin sa management yung nangyari tapos parang wala lang sila pakialam, ni hindi man lang sila nagsorry samin dahil sa nangyari at humingi sana ng pasensya kung bakit wala silang guard or bakit walang nagbabantay na staff ganon sobrang gago ng management, nung una sinabi namin yung nangyari sa waiter tapos sabi lang nya “sige po sabihin ko po dun*tapos tinuro nya yung counter*” tapos tumambay pa kami dun ng mga 10mins after that pero wala nman nangyari then before kami umalis may pumasok na parang manager tapos ayon, sinabi namin nangyari tapos sinabi nya samin na may mga ganoong incident na talaga nangyayari dun at problema rin nila yung street children pero bakit ganon wala nman sila ginagawang solusyon eh matagal na pala nila problema yon :((( ewan ko ba nakakainis tapos sobrang inis ko nagrant na ako dito no :((( ahahahha baka mabasa ng may ari ng ichiro sa pnoval to ahahhahahaha medyo tanga ko rin eh pero ayon, anyway….ang summary talaga ay great food sana pero poor management eh. Sobrang lala :((

Bakit?

Bakit ang saya-saya ko kapag kausap at kasama kita?

Bakit kumikislap sa tuwa itong mga mata ko kapag nakikita kita?

Bakit hindi ko maiwasan itong nararamdaman ko para sa'yo?

Siguro nga iba na ito. Bigla na lang umusbong nang hindi ko namamalayan. Akala ko natutuwa lang ako sa'yo kasi napakabait mong tao. Sa kakaunting panahon na tayo ay magkakilala, naramdaman ko na komportable ako sayo, na nag-aalala ka at higit sa lahat, na napapasaya mo ako. Kay sarap isipin na kung mapagbibigyan ako ay masaya akong mapapasaya kita. Subalit ayaw ko munang masira ang ating pagkakaibigan kung ako'y aamin. Makukuntento na lamang sa simpleng pakikipag-usap at pakikipagkulitan sa'yo. Hiling ko lang ay sana huwag kang lumayo sa oras na sasabihin ko ang aking pagtingin. Balang araw ay magkakaroon ako ng tapang na harapin ka at sabihin ang aking nararamdaman. Pasensya ka na, nahulog ako.

Kung isang araw, maisip mo ako at itanong mo sa sarili mo kung minahal nga ba kita, sana mabasa mo ang liham na ito.

Yung unang beses na nagtagpo ang ating mga mata, kasabay ng ngiti, kasabay ng pagbati, kasabay ng walang katapusang mga tanong— kamusta? O kumain ka na ba? At nung sinabi kong, sabi na sayo, hindi ako maganda. Isa yun sa pinaka-hindi ko makakalimutang simula. Dahil alam ko, sa gabing iyon, magsisimula tayo.

Biglang naroon ang mga mensaheng pinadala. Ang tsokolate na sa sobrang dami, ipinamigay ko na. Ang manok na tumamis din ang luto dahil siguro naitutulay sa bawat hiwa at bawat buhos ng suka ang tamis na nadarama. Kung paano hindi nagtatapos ang mga paksa na wala naman talagang kabuluhan ngunit walang hanggan nating napag-uusapan dahil sa bawat tawa at bawat nakakatangang bagay na nangyari sa buhay ko— kinakausap kita. Tila ba ang mga parte at estorya na dati ay masakit ay naghihilom, baka dahil sa bawat pagmumura ko, nakikinig ka at nakikinig lang, hindi naghuhusga.

Kung may isang salita na maisasalamin ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, ito ay ang salitang “Masaya” dahil bawat araw na nagtatagpo ang ating mga landas, o nagsasayang tayo ng oras ng magkasama, iyon lang ang nararamdaman ko. Maligaya ako pag nakakatabi kita sa kama— at naroon na naman ang tila hindi nagwawakas at walang katapusang pag-uusap. Tungkol sa akin, tungkol sayo, tungkol sa mga komplikadong bagay na ang gusto natin pero hindi natin makuha, tungkol sa kung gaano kagulo ang mundo, tungkol sa masasakit na nakaraan o sa masasayang pagkakakilala at kung ano pang “kung ano ano lang”. Maligaya ako tuwing kasalo kita sa katahimikan, at titingin lang ako sa maamo mong mukha na tila ba'y namumuong bagyo na nagkukubli lang sa napakatamik na dagat. Alam kong isang araw, pipinsalain mo ako, pero sa mga oras na yun, hinihiling kong sana tumila ka at tuluyang maglaho ang mga takot mo upang maglaho rin ang mga takot kong isang araw, uulan na naman at sasaktan mo ako.

Makahulugan sa akin ang bawat paghawak mo sa aking kamay. At kahit gaano karaming beses man nangyari iyon, isa isa ko paring naaalala ang bawat pagkakataon na nilalapat mo sa palad ko ang palad mo at tinatahak natin ang daan ng magkasama. O kahit nasa sulok lang tayo ng iyong silid, pinapakiramdaman ang tibok ng puso ng bawat isa. Kung inaakala mong hindi ko iyon sinasaulado at itinatago sa isang kahon dito sa aking memorya, nagkakamali ka. Dahil gusto ko ang pakiramdam ng higpit o hapit o bawat pagkapit mo sa akin. At minsan ko ring inakala na ang ibig sabihin nito ay hindi pagbitaw, minsan din akong nangako sa sarili ko na kahit kailan hindi kita iiwanan at hindi kita susukuan kahit dumating man ang oras na itakwil mo na ako palayo at kalimutan nalang. Makahulugan sa aking ang bawat halik na idinadampi mo sa aking balat. Bawat paglalapat ng ating mga labi. Sana naramdaman mo rin na hindi ako ni-minsan napilitan na tanggapin ka at hayaan kang lakbayin ako— sa pinaka malalalim na parte ng pagkatao ko na ikaw lang ang nakakaalam at ikaw palang ang nakarating. At oo, naaalala ko ang lahat. Kahit yung nakaw na halik lang nung gabi na ikaw ay nalasing, sa lahat, iyon ang pinaka hindi ko malilimutan, dahil baka, doon, kahit sa gabing yun lang, naramdaman ko na baka, baka lang naman, may posibilidad na pareho tayo ng nararamdaman.

Naaalala ko ang bawat kwento at bawat salitan na minsan o kadalasan pwede ng gamiting kotasyon. Parang biglang may tumutunog na theme song o sa isang iglap, parang eksena sa pelikula na ikaw at ako ang bida. Yung mga senaryo na hinihiling ng ibang maranasan kasama ang taong mahal nila, nangyayari sa ating dalawa. Perpekto na sana, hanggang sa dumating ang tanong na “ano ba talaga tayo?” At ang mas nakakatawa pa, sa mga oras na iyon, wala akong pakialam. Sumasabay lang ako sa indayog ng kaligayan at iba’t-ibang sensasyon na inihahatid ng pakiramdam kapag kasama kita— masaya. Ni hindi ko na kinailangan ng rason o kung ano mang eksplinasyon kung bakit walang tayo o kung meron man, ano ba. Ni hindi na ako humiling ng kung ano mang estado o kung dapat ba klarado tayo. Hinayaan ko nalang na malaglag ang mga tala na gabi-gabi nating tinitingala at kasabay narin ang mga bagay na hindi ko mabigyan ng tamang katawagan. Sa pagkakataong yun, sapat ng nasisilayan kita at mas higit pa.


Ngunit naaalala ko rin ang bawat pagpapaalam. Malinaw rin sa aking kaisipan ang bawat hakbang ko palayo na kung maaari ko lang hilingin na tumigil ang oras doon sa panahong nasa tabi lang kita, ginawa ko na. Naaalala ko ang pagkasabik na makita kang muli. Naaalala ko ang pakiramdam ng iyong init tuwing niyayakap kita at ang dahan-dahan na pagpikit ng iyong mga mata tuwing siniil mo ako ng iyong mga halik. Naaalala ko ang tuwa at galak tuwing nasisilayan ko ang iyong mga ngiti o kahit pag hinahayaan mo akong guluhin ka sa kabila ng iyong pagkakaabala. Naaalala ko ang bawat pagtatapos ng araw na ibig sabihin ay kailangan ko na namang umalis ngunit alam kong gugustuhin kong makita kang muli.

At mas masakit ang huli.

Ang detalye ng huli nating pagtatagpo at pag papaalam. Dahil sa araw na iyon, naramdaman kong hindi at walang pag-asang maipaglalaban ko ang nararamdaman dahil alam kong hindi tayo pareho. Ang huling araw ay ang tanging araw na hindi masaya kahit kasama kita. Dahil balot ang puso ko ng pangamba. Ayokong mawala ka ngunit ayoko ring ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman talaga ako gusto.

Kung isang araw, baka sakali lang, maaalala mo ang huling beses na nagkita tayo, nais kong malaman mo na nilingon kita pero wala ka na. At umiyak ako habang tinatahak ko ang daan pauwi ng mag-isa. Batid ko na sa oras na iyon na oras na para sumuko dahil hindi ko kayang ipaglaban ka kasi hindi ka naman akin. Hindi kita kayang panghawakan kasi wala naman akong karapatang pigilan kang maging masaya. Naaalala ko parin ang sakit ng mga sandaling iyon. Dahil iyon ang ating pagtatapos.

Mali, hindi naman kasi talaga tayo nag-umpisa. Paano magtatapos kung hindi naman nag umpisa?

Kung isang araw, maisip mo kung iniisip parin ba kita. Oo, hanggang ngayon, laman ka parin ng bawat buod na ginagawa ko. At nagsusulat parin ako ng mga liham para sayo, ngunit hindi ko ipapadala. Kung isang araw, magtanong ka, kung hinintay ba kita? Oo, hinintay kita kahit ibig sabihin ng paghihintay ay gabi-gabing pagparak at pagluha. Kung magkikita man tayong muli, hiling ko lang, masaya ka. Dahil susubukan kong maging masaya kahit wala ka.

Kung isang araw, maisip mo at itanong mo sa sarili mo, kung minahal kita— Sobra-sobra. Minahal at minamahal pa.

Araw-araw, naiisip ko at tinatanong ko sa sarili ko,
Ikaw ba, minahal mo ba ako?

At “hindi” ang laging sagot ko.

malabo akong tao kasing labo ng mata ko. pwedeng ngayon g ako dito pwedeng next day deins na. pwedeng masaya ako ngayon tas .35 seconds later suicidal na. ang dami kong gusto gawin sa buhay at masaya akong isa isa ko nang nagawa ang mga maliliit na “i wish…” ko gaya nang gumala hanggang alas dose ng gabi i know my limits kaya pag malapit na 12 kahit wala ako samin uuwi nako agad nyan, ano kasi nung nasa samin pako di ako pala gala. strict parents ko as in. kung makakagala man ng late ano dahil may school activity o dahil kasama ko bestfriend ko tas ngayon ako pa lagi pinupush nina ermats na lumabas at gumala nang magkajowa na tangina ma ultimo pagtawid di ko magawa kasi di uso sakin ang tumawid at magbuwis buhay nung andyan pa ko. pero di ko naman sila sinisisi. ano pa ba mga naachieved ko? ah yes mga malilit na yolo shits na grabe abot langit ang tuwa ko nung nagawa ko na.

de para kasi akong birdie na natrap sa cage for two decades na may mga sinusunod na kemerut tas ngayon para akong nakalaya yes masaya sya pero sablay nga lang pagdating sa career na pati parents ko may kinalaman (alam kong ginagawa nila to for my own good) oo nalang ako kasi seryoso nung una wala akong kamuwang muwang kasi di ko pa kabisado tong adulting na to, ayun nagenjoy pero later on parang may “calling” eh parang biglang pota gusto kong gawin to alam ko na gagawin ko sa buhay pero schette lang kasi di ko mabitawan tong career ko ngayon kasi alam kong ma-g-gg sakin ermats ko lowkey nagrebelde ako’t isang linggo akong di pumasok hanggang sa nalaman nina ermats at boom eto na. dito na nagkandaleche leche lahat. thank you dito ma pero ayoko na di ako masaya dito iba sinisigaw ng puso ko gusto ko ng career growth nawindang sina ermats at erpats sabi nila labo ko daw kala nila oks nako dito kasi puro ako “okay lang naman trabaho ma” pero tbh di eh gusto ko lang sabihin yung gusto nilang marinig ayun lang nalulungkot lang ako kasi tangina nahihirapan ako brodie napakawalang kwenta ko nang nilalang naiiyak nako

Ama

I really envy a lot of people who’ll always greet their father such as “I love papa”, “Happy Father’s Day pa”, “Happy Birthday pa” why? Coz i never experience to say every single of those lines. i really don’t know why? Maybe i don’t have any chance to say a word such as “Tatay” “Papa” “Daddy”


Isang intrumento na nagsisilbing pundasyon ng bahay,
Bahay na kayang patibayin at hindi hahayang magiba
Magiba at kayang ayusin at takpan ang mga luha
Luha na hindi ipinapakita at ang tanging binibigay ay tuwa
Tuwa na hindi makakalimutan ng mga anak
Anak na kayang ipagmalaki ang kanyang ama sa tapang
Tapang na hindi nahihigitan ng kahit sino tao sa Mundo
Mundo na kaya niyang ipakita kasabay ng protekta niyo sayo.


Sa lahat ng nagbabasa nito this is the time na yakapin mo ang papa, tatay, daddy, itay, paps, pudra, appa *char* tell him kung gaano kayo ka thankful dahil sa kahit anong problema na hinaharap niya nakatayo parin siya. 

He doesn’t have any cape, but He is the hero of your life 

Inutusan kami ng kapatid ko na bumili ng isang bucket ng chicken sa Jollibee dahil tinamad magluto dito sa bahay. So, ayun bumili kami dalawa. Tas guys alam niyo ba may free cheese burger ako sa Jollibee. Tuwang tuwa naman ako. Kaso naasar ako nung sinabi nung cashier na father’s day daw kaya may free cheese burger. So ano mukha na akong tatay?!!! Hustisya bes! Ako syempre kinuha ko kase gusto ko din naman. Hahahahaha kingina

Everytime naririnig ko ang kantang Michelle (by the beatles) eh lowkey napapawish ako na sana Michelle nalang sana pangalan ko tapos talagang maiiyak ako sa tuwa at kilig pag may makakapag-idea na kantahan ako nito kasi nga kapangalan ko raw tas match daw yung feelings nya at yung kanta ganern lol.

Pero ano uhh ang gusto kong gawin ngayon is lumabas. Yun lang. Pero pinaka gusto ko talaga is umuwi. Hug ko lang kama ko mga 3 days keri na. Because i’m sad huhu even Black Sabbath songs can’t cheer me up.

can’t remember when pero dati, may nadaanan akong mga bata dine na inaasar si danica bec she’s kulot *mej maldita* tapos sabi ko, “sabihin mo okay lang na kulot, maganda naman” tapos odi tuwa sya. tapos kagabi, tumambay ako sa labas ng bahay tapos inaasar nila si danica bec naggupit sya ng bangs na omygahd muntik na mawala hahahahahahaha sobrang ikli. ginawa ko din yun eh hahahahahaha. tas inaasar sya ng lahat ng bata samin bout her bangs. sagot nya lagi “maganda naman” di ko alam kung dapat ba kong matuwa or what haha tapos ayun nga, sabi nung mom ng childhood friend ko “pag si danica, nakapag-asawa ng foreigner, bahala kayo” tapos sabi ng mga bata, “oo nga, parang si madam kilay. pero sya si madam bangs” potek hahahahahaha triggeredt si nene hahahahahaha odi umiyak. tas syempre bilang napakagaling ko nga naman talagang magcomfort *meh* sabi ko sakanya, “puntahan mo ko sa bahay bukas, tutuwidin ko yang buhok mo” tapos tae tuwang tuwa tas lalo pang inokrayan yung mga taga-samin hahahahahaha ge langkwenta