tumu8

TUMU2011

Ang araw ng Nobyembre 5, sa taong 2011, ay inaabangan ng karamihan. Ng makita ko ang mga attendees, malamang na maging masaya ang tagpong ito. Lumampas ng mahigit 500. Siguradong isa ito sa mga hindi malilimutan na meet-up. Isang meet-up na napaka organisado, at talaga namang pinaghahandaan ng mga organizers. Malalim na kalkulasyon at sinusubukan lahat na bigyang tsansang maka-punta ng meet-up sa mas madaling paraan at kung saan mas magiging malapit ang loob ng bawat isang myembro. Saludo ako sa naisip na section section effect. Tama nga naman, kesa doon pa mag-grupo grupo mas magulo. Ayos na din na isang bwan bago ang nasabing meet-up ay gumawa ng mga group sa facebook para maging close agad. Para walang “OP” at walang magsasabing ‘di sila belong. Makikita dito sa meet-up na 'to ang pagkakaisa ng bawat section at bawat diskarte ng mga myembro. Kung gaano katindi ang mga naturang prof at mga estudyante nito. Tanging kasiyahan ang hatid ng mga ganitong okasyon. Walang personalan, meet-up lang. 

Mukhang magiging masaya talaga. Section 8 ako, at ang masaya dito, napagpasyahan ng dalawang prof namin na sabay-sabay pumunta sa ATC. Bali dun palang ay magkakaroon na kami ng tinatawag na bonding. Magaling magaling, wala na akong ibang masabi kung hindi mae-enjoy talaga ng lahat ang meet-up na 'to. Presto. 

Hello nga pala sa inyo mga ka-SEX-tion. SEXtion 8 out there!