tula's

Four of the Most Exciting New Comics From Image Expo 2015

With announcements of big, innovative concepts created by some of the most legendary comics creators working in the industry, this years Image Expo was quite possibly the most exciting one yet. 

If you don’t know, the Image Expo is an annual event where popular publisher Image Comics announces their new creator-owned projects. It’s always fun to watch and see what these creators have schemed up in their sometimes gritty, sometimes goofy, sometimes fever-dream-ish departures from the kinds of comics that we usually see lining the shelves. From the looks of it, this years crop of new books is going to have a ton of hits, but there are a few amazing looking titles that stand out from the rest.

#4: Heartless

From writer Warren Ellis and artist Tula Lotay, this series promises to be a “modern folktale about love, revenge, and the deadly grip of the supernatural,” focusing on a young musician returning to her roots in the countryside of northern England and having to grapple with some enigmatic paranormal forces that aren’t happy to see her back. Not only does this project have an incredible creative team, but it looks to be blending genres in a way that will be a welcome new addition to the comics world, featuring some horror aspects with a more human, emotional element. If their track record is any indication, Ellis and Lotay are going to make this an incredibly memorable story.

Keep reading

Sa iyong pagmamahal,
Ang puso ko ay parang
Nalalaglag na buko—
Hindi takot mahulog
Dahil ikaw ang sasalo.

Ngunit sa iyong pananakit,
Ang puso ko ay parang
Kinakayod na niyog—
Unti-unting nauubos
Bahaging malalambot.

At sa iyong paglisan,
Ang puso ko ay parang
Kinakaskas na bunot—
Walang makatitibag
Anumang bigat ng tapak.

Alam kong mas naging
Matapang na ako ngayon,
At mas naging malakas
Sa paningin ng marami,
Kahit wala na akong buhay.

—  Tatlong Yugto ng Buhay Ko sayo

Caroline “Tula” Cossey, who became the world’s first transgender model to pose for Playboy magazine in 1991, opens up in her first media interview in two decades for the publication.

In the 1970s, the British-born Cossey appeared in issues of Australian Vogue and Harper’s Bazaar before landing a role in the 1981 James Bond film, “For Your Eyes Only.” Shortly after the movie’s release, however, she was outed as transgender by the tabloid News of the World.

Read on here. 

4

Today ZERO concludes with issue #18, and a journey that started back in April 2013 has reached its end… or has it? I could go on and write an essay about my work on the series, but I’ll save that for another time. We still have Volume 4 to look forward to before we close the books. Zero was an amazing ride, for which I have to thank Ales — for trusting me and giving me pretty much carte blanche on the design of his series.

This last issue is drawn – rather stunningly – by Tula Lotay, with Jordie Bellaire killing it on colour art. Clayton Cowles as usual is responsible for letters, Ales wrote it, and I, as always, designed the issue, as well as providing the variant cover which references the cover of issue 1 that never was. A fitting ending to the book I think.

Zero #18 is out now and available at all good comic shops, and digitally from Image Comics and ComiXology (US / UK).

Hindi kita hinanap.
“Kusa” kang dumating.
Ipinaramdam mo sa akin
Ang pagmamahal at
Pagpapahalaga na
Matagal kong hinintay.
Ginawa mo ang lahat
Ng iyong makakaya
Para lang ako'y mapasaya.
Tiniis mo ang hirap
At pasakit na dulot ko.
Tinanggap mo ang buo
Kong pagkatao nang
Buong puso at kaluluwa.
Kaya minahal kita nang sobra,
Halos hindi ako mabuhay
Kapag hindi kita kasama.
‘Pagkat ikaw ang muling gumising
Sa natutulog kong damdamin.
Sining mo akong nilikha
Mula sa mundo ng kawalan.
Ngunit tulad ng iyong pagdating,
“Kusa” ka ring umalis.
“Kusa” kang nagsawa at
“Kusa” kang napagod.
“Kusa” akong nagkaroon
“Kusa” rin akong nawalan.
Ngayon alam ko na
Ang pakiramdam ng
“Kusang masaktan dahil
Sa kusang nagmahal.”
Di bale, hindi naman ako
“Kusang tanga para
kusang magmahal ulit ng
Kusang— tulad mo. ”
—  Ina, Isang pag-alala sa taong may “pagkukusa”

i. May duguang pusong nakahimlay sa gitna ng EDSA, naghihingalo ngunit tumitibok-tibok pa rin. May rumaragasang bus sa ‘di-kalayuan, isang kidlat na humaharurot sa baradong ilog. Hindi ito isang kwento ng pag-ibig. Isa itong litanya para sa mga nakalimutang pangako. Isa itong bukas na liham ng mga lumisan sa kanilang nilisan.

Yakap-yakap siya ng
bisig ng usok ng yosi.
Nakaupo sa gilid ng kalsada.
May hindi maipaliwanag na talinghagang
nakikipaglaro sa kanyang isip.

“May alam ako na hindi mo alam” wika ng Ulap.
“Ako rin naman” sagot ng Bituin.

ii. May dalawang pares ng mga kamay sa terminal. Ang isa’y pilit bumibitiw. Ang isa nama’y pilit kumakapit.  Nakalawit sa may bintana ang unang pares. Ang ikalawa ay nasa labas, kinakalampag nang paulit-ulit ang katawan ng higanteng yerong halimaw .“Itigil nyo ‘to, itigil nyo ‘to” ang alingawngaw ng ikalawang pares ng kamay. Dabog. Hampas. Paulit-ulit. Palakas nang palakas. Ngunit may isa pang kamay sa loob ng bus, ang totoo nga nyan ay maraming kamay. Pero itong isang kamay na ito ay kinabig na ang kambyo, at hindi na matitigil pa sa paglayag ang yerong halimaw.

May pakpak sa pagitan
ng kanyang mga ngipin. Dahan-dahan nya
itong nginunguya: bawat buto, bawat bagwis,
isang nguya sa kada laman ng bumagsak na anghel.
Tutulo ang dugo mula sa bibig nya.
Hindi nya alam kung galing ito
sa gilagid o sa baga nya pero sigurado
syang hindi ito galing sa pakpak na
nginangata nya.

“Magtatagpo rin naman tayo” wika ng Araw.
“Oo naman, sa dapithapon. Sa dapithapon.” sagot ni Buwan.

iii. May mga aninong umiindayog sa init ng aspalto: dalawang pares ng paa. Sa kada isang hakbang pa-abante ng una ay sinusklian ito ng dalawang hakbang palayo ng ikalawa. Hindi ito kwento ng habulan. Ito ay isang kwento ng paglayo sa mga nakagisnan. Ito ay kwento ng pagtakas sa kahapon at pagtakbo papunta sa bukang-liwayway.

Nasa gilid sya ng tulay sa dulo ng bulibard.
Walang saplot sa katawan at walang salitang
namumutawi sa mga labi.
Bakas pa sa rurok ng kanyang likuran
ang sugat. Halatang kani-kanina lang
ay may nakaugat pang kung ano rito.

“Huwag mo na akong sundan ‘pag umalis ako” wika ni Kidlat.
“Pero magkadugtong tayo” sagot ni Kulog.

iv. Dikit-dikit ang mga sasakyan. Wala halos kilos. Sa loob ng mga sasakyan ay mga bibig, nagsasalita, nagsasalitan ng diwa, nagsasalatan ng kaluluwa. Sa loob ng mga sasakyan ay mga mata, kumukurap-kurap, nakikita lamang ang nais makita. Punong-puno ng balat ang mga sasakyan, pero hungkag ang karamihan ng mga ito. Punong-puno ng mga tao, ngunit uhaw naman sa pagpapakatao.

Patuloy lang sa paglalakad
ang mga tumatawid.
‘Di sya inaalintana
maski kahit na anong segundo
ay pwede syang bumulusok
pababa

“Kung lumisan ba ako, susunod ka sa akin?” wika ng Maya
“Oo naman, basta ay pareho tayo ng patutunguhan” sagot ng Kalapati.

v. May humaharurot na bus sa EDSA. Nasa lapag pa rin ang duguang puso. Kasabay ng pagbilis ng yerong halimaw ay ang pagbilis din ng pagtibok ng duguang laman. Diretso ang daloy ng ilog. Humaharurot nang humaharurot. Walang pakundangan hanggang sa magulungan at mapisat ang duguang puso. Walang kamalay-malay ang kamay na may hawak ng kambyo at ang iba pang kamay na nasa bus.  Bubuksan ng unang pares ng kamay ang bintana at magtatapon palabas ng isang pares ng tainga. Sakto itong babagsak sa ngayo’y gutay-gutay nang puso. Maririnig ng tainga ang lahat: ang  papalayong ingay ng bus, ang mga hungkag na bulungan sa mga sasakyan, ang mga paang umiindayog sa aspalto, at ang unti-unting pagtigil ng pagtibok.

Mabilis na ang pag-agos ng ilog,
tuloy-tuloy na ang paglalayag ng
mga yerong halimaw. Patuloy ang
mga walang patutunguhang usapan
sa loob ng mga ito. Hindi nagdulot ng pagbara
sa daloy ang kanyang katawang balot sa
dugo, walang saplot, walang pakpak.

“Lahat naman tayo bumabalik sa pinanggalingan natin” wika ng patak ng ulan.
“Ibahin mo ako” sagot ng patak ng luha.

—  EDSA: Isang Litanyang Urban | (j.d.a)