tsssss

Minsan kapag nasaktan ka, naiisip mong mas mabuting di mo nalang siya nakilala. Naisip mong mas marami ka pa sanang nagawa at pinangarap noong di pa naging kayo. Pero kasi kapag nagmahal ka, maraming bagay ang napag-iiwanan ng pansin. May mga bagay na pwedeng ipagsabay sa relasyon mo sa kanya. Pero di lahat ng ‘to mapagsasabay mo. Kaya nga masarap maging single eh. Ikaw yung taong maraming pangarap sa buhay at maraming gustong gawin. Pero dahil nagkaroon ka ng lovelife, di lahat ng bagay susuportahan niya. Alam mo yan. Tapos kapag naghiwalay na kayo, isisisi mo lahat sa kanya kung bakit naging ganyan ka. Isisisi mo sa kanya ang lahat ng pangarap mo at mga bagay na gusto mo gawin pero di nagawa dahil ang tanging ginawa mo lang ay ang mahalin siya.