tskas

  • Q: Paano mo ba malalaman if it is time to give up? Hindi ko kasi alam kung dadagdagan ko pa ba ng pang intindi or effort o time na para bitawan nalang.
  • Me: Just give all your efforts at kapag hindi niya pa rin na appreciate eh tska ka mag give up. Kaya ko sinabing give all your efforts para sa oras na sumuko ka eh wala kang pagsisisihan. Binigay mo na lahat eh. Hindi tulad nung may natitira pang effort na pinagdadamot mo sa kanya. Kasi pwede mo pang maisip na “What if yung hindi mo binigay na effort yung makakapagpabago sa kanya?” Kaya give all your efforts na makakaya mo para walang pagsisisi sa huli :)

UPDATE:

     first: nag sb kami sa araneta (di gaano special tho nag stay kami ng matagal)
     second: uminom sa morato (from 8 pm to 1 am) nakalimang bucket at nakatulog ako sa apartment nila (kaya sobra sobra hinala ng mga workmates namin) tska ko na rin ikukwento kung paano nangyare yon dahil hindi naman bigdeal sakin hehe.
     third: kumain kami sa maginhawa tapos nag stay sa cubao hanggang 3 am (nagdaldalan lang kami) akala ko after namin kumain uuwi na siya dahil malay ko ba kung ayaw niya mag stay pero nawp, siya nag insist.

     at sa susunod may nahanap na akong place. sinabihan ko na siya last tuesday at sa food truck ata kami sa may kamias. bale next week sabi niya para sabay sa sahod.

     hindi ko pa sinasama dyan yung mga “moment” namin sa office dahil wala akong pake doon. tho lagi ako nagdadala ng breakfast last week hehe. sobrang precious sakin pag magkasama kami dahil kahit ano na napaguusapan namin. so ayun lang, tignan ko ano mangyare pero isa lang sasabihin ko. hindi muna ako magseseryoso mahirap na. :)

     ps: inaabot kami lagi ng madaling araw na puro usap lang hays

pero
       ano
             ba
                ginagawa
                             mo
                                 nakakabaliw??????

13 PA-HUMBLE REPLIES FOR “GANDA MO NAMAN BES!”

Number 1 rule pangkalawakan, kapag nag-upload ka ng selfie at may nag-comment ng “Ang ganda mo naman po.”, “shet. Iba ‘to!”, “how to be you po?”, “notice me senpai.”, wag lang basta i-like ang comment o dedmahin. Sira keyboard mo beh? Galawang pang-celebrity lang yun na may 20,000k followers and above. Yung kahit alas-tres ng madaling araw na sila mag-upload ng selfie, umaabot pa din ng 800 likes ang DP. Ganyan.

Bilang tunay na maganda, dapat may reply para kunware humble. Tska wag puro ‘’Thank you.” Utang na loob mo ba yung ganda mo sa iba? Dapat iba naman.

In example,

#1

Huyyy. Ang ganda mo bes.”

“Wala na bang iba bes? Nakakasawa na.”

#2.

“Ganda mo gurl!”

“Sorry. Napressure ka ba?”

#3.

“Shet ohhhhh. Ang ganda bes!”

“Atin-atin lang yan bes. Wag mo naman ipangalandakan.”

#4.

“Ay iba. Paganda ng paganda.”

“Don’t state the obvious bes.”

#5.

“Ganda mo po.”

“Ayyyy. Ngayon ka lang na-inform?”

#6.

“Paganda ka ng paganda bes.”

“Dapat sinasanay mo na sarili mo bes.”

#7.

“Ang ganda mo talaga.”

“Hayaan mo bes, gaganda ka din.”

#8

“Sobrang ganda mo naman bes!”

“Bes, sapat lang. Wag OA.”

#9

“How to be you po?”

“You can never be me po.”

#10.

“Bes, how to be you po?”

“Vsco filter A6 +1 exposure lang bes tapos 30 degrees paling sa kaliwa bes.”

#11.

“Ganda talagaaaaaa!!!”

“Bes, andaming nakakabasa. Next time sarilinin mo na lang.”

#12.

“Bes! Kahit saang anggulo maganda talaga!”

“Sus. Maliit na bagay.”

#13.

“Ang ganda talaga oh”

“Pag-pasensyahan niyo na. Yan lang ang nakayanan.”


( Applicable only kay bes. )

SA PINAKAMAARTENG MILKSHAKE EVER

“Ang balahura ng nakaisip gumawa nito.”

Reaksyon ko kapag nakakakita ako ng ganito kadungis na milkshake na madaming burloloy. Ang dugyot. Sorry, wala kasi akong sweet tooth.

Kapag binigyan ako nito, kukuha ako ng maraming maraming tissue at papahidan ko yung buong tagiliran ng garapon para malinis. Ang messy ih. Hindi ako natatakam at nasasarapan sa itsura. Parang pagkaing nabubo sa sahig tapos isinalpak ulit sa hindi hugas na garapon kasi sayang. Nakakadagdag ng stress sa buhay dahil makalat tingnan. Bakit kasi hindi na lang kumuha ng mas malaking garapon at hindi yung kung anu-ano pang ipapahid sa tagiliran para magkasya at hindi tumulo. Hindi ako naaartsy-han. Pang-instagram lang to eh. Tska paano ko to kakainin at iinumin? Kelangan ko himudin yung buong garapon para hindi sayang? 

Ang baboy po.

Tapos eto pa. 

Yung totoo, may balak pa ba silang ipainom yung milkshake sa ginagawa nilang yan? Daming pagsubok bago ka makainom. Tipong mapapaisip ka kung may malaking galit ba sa’yo yung crew kasi ganito yung menu tapos parang tinamad silang maghugas ng pinggan kaya ipinatong na lang yung burger at donut sa ibabaw ng garapon.

“Ser. Para isang hugasin na lang po. hihi.”

Aba teka, may scarcity ng pinggan? Hindi ata makatarungan sa side ko. Sana naiintindihan din nila na araw-araw akong naghuhugas ng pinggan sa bahay namin para may makainan kami pero bakit hindi nila magawa yun para sa’kin. 

Wala lang. Medyo naaawa lang ako sa milkshake. Parang hindi siya masaya. Hindi niya deserve yung ganito. Tska ang gusto ko lang naman ay makainom ng tuloy-tuloy kasi nakakauhaw din pag may time. 

Dito pa din ako sa classic. 

kauwi ko lang ulit galing kami ni mami sa sm tapos alam niyo ba ang saya ko kasi nakita ko best friends ko sa watsons hahahahahahahahahaha may bibilhin kasi si mami tapos ayun sakto andun si jana tska si gelay ala ang sabi agad “ang payat mo gaga nagaadik ka ba” gandang bungad naman mumsh. pero gago miss ko kayo hahahahahahahhahahaa di ko na matandaan last kita namin eh sad di daw kasi ako nagpapakita ala pero ano pupunta sila ata sa bahay sa wed so yas saya 🌸 teka gago bago ko makalimutan ininggit pa ako ni gelay sa ticket niya sa concert ni bieber ano na pakabait ng kaibigan ko

Mga gago, tamang hinala amputa. Di porke nag-reblog, jowa na ha. Mga kupal talaga, taong bundok mga gago. Tska check niyo din mukha niyo pati jowa niyo, baka kamukha ng betlog ko ‘yan, bak kasi sakin yan HAHAHAHHA.

Gusto ko matuto mag vector pero walang time haha tangina pero sa dota madaming time. Pag uwi ko gusto nalang lumamon tska maglaro galing ojt dalawang oras byahe ko sanjuan to qc kingina iiyak kanalang eh.

“THE MATCHA INVASION ( Pero hindi naman matcha-rap duh )”

Oo. Kelangan nating pag-usapan ang ‘Matcha’ dahil lubhang nakakabahala na ang matcha invasion sa daigdig. Out of 7.4 bilyong tao sa mundo, ako lang ang hindi maka-appreciate ng lasa ng matcha. Sapat na dahilan para iwan ako ng mga taong mahal ko.

Akshwally, nakatikim na ako isang beses pero hindi na naulit. Sinubukan kong i-convince ang sarili ko na masarap through meditation ngunit sa pagkakataong iyon, hindi deserving ang matcha para bigyan ng second chance. Kulay pa lang jinudge ko na. Ayoko ng pagkain na kulay berde. Nung isang beses na tumikim ako lasang damo. Parang lasang talahiban. Sa loob ng limang segundo ng buhay ko, naramdaman ko kung paano maging kambing at ayoko ng maulit ‘yon. Lasang joke. Kahit libre di ko susubukan ulit.

Tska yung mga inumin na matcha-flavored tapos kulay green? 

Para akong umiinom ng tubig na tumulo sa alulod ng yero namin. Lasang lumot. Tapos ang lakas pa ng loob lagyan ng kung anu-anong design na kulay puti sa ibabaw na parang may gustong patunayan, akala mo naman maiimpress ako. Pero hindi. Ayoko pa din. Parang sipon ng bata.

Nakakaalarma lang kasi na parang lahaaaaaaaat ng pagkain dito sa mundo may matcha na.

I was like,

And that pakingshet matcha was like,


Parang nung nagpasabog ng matcha sa kalawakan, walang taklob lahat ng pagkain. May milktea matcha, matcha cake, matcha ice cream, matcha cookies, matcha donut. Baka dumating ang araw na meron na ding matcha kwek-kwek, matcha lechon at matcha galunggong. Pati yung bagong flavor ng Lucky Me Pansit Canton may matcha seasoning na din tska yung manggang hilaw matcha na yung sawsawan. Baka mangisay na ako. Kung pwede ko nga lang sigawan yung matcha ng “Magmaganda ka ng naaayon sa sarap!”

Hindi katanggap-tanggap.

Sanay naman akong MATCHAktan. Pero please lang, ayoko talaga ng matcha.

*Kung wala ka ng maintindihan….”

nagising ako kanina dahil sa sobrang lamig tska kasi naramdaman ko kiniss ako ni mami sa forehead sweet :-( buti na lang pala nagising ako kasi aalis siya kaya nagpaalam na rin ako na aalis ako mamaya, pumayag naman yas okay tapos kinuha ko jacket ko sa bag kasi taena nangangatog talaga ko tapos ngayon naiinitan naman ako anakanam labo

4

Pamantasan / Limang Dekada

Last na ‘to mga mamsh. Hahaha! All in all nag enjoy ako sa week na ‘to kahit kupal ng ibang prof kasi nag paquiz pa din tska nag papasa ng kung ano-ano, yung tipong tugtugan na tas nag aaral or nakikipag bargain ka pa din sa prof mo sa office lol. Tapos, ang saya din kasi daming booths tas kami din meron, tapos naubos pera ko sa games tska food, nakameet din ako ng new friends. ✨ Lastly, nakapag usap na kami. Naging clear na samin dalawa yung nangyari. Medyo masakit kasi nakakahinayang pero at least, matitigil na me sa pag iisip. Heh, tsaka ano, gusto ko maging friends kami ulit, seryoso 'to walang halong landi. 'Kala niyo ha.

Last time nag away kame pero di dahil sakanya sa sobrang badtrip ko sa bahay nadamay sya nag iinit na talaga ulo ko nun dahil sa stress ko. Nandito kame sa bahay nun sabay sumabay pa yung kapatid kong maliit edi lalong pumutok yung galit ko naibunton ko sa kapatid ko nasigawan at mura ko habang hinihila ko sya dahil ayaw nya makinig saken at ayaw nya umuwi ng bahay tapos biglang naiyak nalang ako sa sobrang stress ko.

Hinihintay ko sya lumabas ng kwarto yung bf ko para approach ako o ano pero wala umiiyak lang ako mag isa sa sala pero wala padin pumasok nako sa kwarto di padin ako pinapansin humiga ako sa kama at umiiyak ako wala padin. Bigla nyang sinabe bat ka umiiyak inaano kaba? Pero stress lang ako diko alam bat ganon ako tapos ayun lalong sumama loob ko feeling ko wala lang sakanya tapos binato ko sya sabi ko bigla mag break na kame na ayoko na pagod nako. Pagod nako sa mga nangyayare tska stress na nararamdaman ko pakiramdam ko walang nakakaintindi saken. Pero di sya umiimik mga dalawang oras na di nya ako pinansin nakatulog ako tapos nakayakap na sya saken tinanong nya ako kung bakit ba daw ano bang nangyayare bat ko sya dinadamay. 

Nahimasmasan ako oo nga naman bat bako nakipag hihiwalay bat ko sya dinadamay sa mga problema ko sa bahay. Niyakap nya ako pag bangon ko tapos naiyak nalang ako sa totoo lang pagod na kase ako sa mga nangyayare din sa bahay namin sobrang stress nadin, Buti laging kalmado yung boyfriend ko kahit abnormal ako kung hindi siguro matagal na kaming hiwalay buti andyan din sya para di ako gumawa ng masama sa sarili ko. Wala lang pakiramdam ko ang swerte ko sakanya, buti andyan lang sya kahit anong mangyare well sana nga di sya magbago saken.

huy sobrang pagod ako ngayon kahit half day lang kasi suspended nga diba. wankuba late na ako natulog kagabi kasi hindi ako makahinga ng ayos. oo na ina-asthma na naman ako, fun. tapos sobrang aga ko pa nagising kasi monday lamona mas hassle bumyahe hirap makasakay tapos ano buti na lang nakasakay ako agad tapos mejo magaan yung byahe. 9:29 na dumating prof namin, asadong asado na classmates ko kasi ang sabi hanggang 9:30 lang daw namin hihintayin kung darating siya eh dumating ano na. nag-sw na naman kami tapos ayun nasagutan ko naman lahat, nice. pumunta kaming lib para gumawa ng plate, tapos ayun nga sabi hanggang 12 lang daw gago ang hassle kasi nagddrawing pa lang ako non ng diagram eh bagal ko pa naman gumawa kasi gusto ko malinis tska maayos. nung mga 11:45 bumaba kami sa garden para dun na namin tapusin eh gags tatlo na lang kaming natira sa loob ng school nagmamadali na ako magsulat puqi ngetpa tuloy tapos nilapitan na kami ng guards kasi nga pinapalabas na para daw makauwi agad kasi may strike nga dubuhhhh. pero teka muna wait, di kami agad umuwi. tinawagan ni carlo si mark para tanungin kung asan siya eh asa parañaque pala siya sa bahay nila hapon pa daw klase niya eh sakto suspended kaya swerte pero nung sinabi namin na “tara kain” aba ang qaqo papunta na daw siya, sm daw kita hahahahahahaha basta talaga kain si makoy eh. nag-uber kami pa sm tapos kumain lang kami dun ano na sogbu. kasabay ko si carlo maglakad papuntang terminal tapos sabi niya naaalala niya daw yung ex niya dun sa dinaanan namin kasi dun niya lagi hinahatid hahahahaha pero aalis daw siya bukas yes naman birthday boy, nagbibinata may ka-date bukas hahahahahahahaha power!!!

nga pala, wala akong pasok bukas tska sa wed yes naman 👏🏻

7

Pamantasan / Limang Dekada

A week long celebration pero Battle of the Bands yung pinaka-favorite ko, tska yung Back to School sessions, kaso wala akong pictures nung isa, di ako nag cover kasi sobrang hype!!! Ang sarap sa feeling na nasa gitna ka tas ang ganda ng mga kanta tas okay lang kahit di ka na makahinga tska sobrang tulakan, solid kahit yung baskil mo hanggang bewang na plus, yung buhok ko mukang galing sa ligo after. Sayaaa!! ✨

“ONE REGULAR-SIZE SOFTDRINKS WITH HUGOT PLEASE!”

Sa isang fast-food restaurant na parang hindi naman ata ganun ka-fast,

“Good morning sir. Can i take your order please?”

“Kinuha na nga ang lahat sa’kin pati ba naman order ko. One mushroom swiss burger. ”

“Sir. Hindi po siya available today.”

“Ganun. Yun pa naman gusto ko.”

“Ganun talaga sadya sir. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.”

—-

“Sige. isang double cheese burger na lang tska large fries.”

“Ilalarge na din po ba natin yung drinks?”

“Okay na ‘ko dun. Mahirap kapag sobra, minsan nasasayang lang.”

“Bale 17 riyals po lahat.”

So nag-abot ako ng 20 riyals.

“Sir wala po kayong 2 riyals? Para po bibigyan ko na lang kayo ng buong 5 riyals. ”

“Sobra na nga yung binigay ko kulang pa rin? Yan tayo eh. ”

“Sir. Wala pong tayo.”

“Narinig ko na yan.”

—-

“Anything pa po sir?”

“Wala na.”

 “Kaya lang po mga 5 minutes pa yung drinks. Rerefillan lang po saglit yung machine. Sanay naman ata kayong maghintay?”

“Nakakapagod lang namang maghintay kapag walang assurance na dadating talaga.”

So bumalik ako dun sa inupuan ko kanina. Pero pagbalik ko may iba ng nakaupo. And I was like,

 “Tangina naman oh. Taken na nga, inaagaw pa rin.” 

Pero kasalanan ko rin naman kasi di ko iniwan yung bag ko sa upuan. Hindi ko iningatan kaya naagaw ng iba. Kaya lumipat na lang ako ng ibang table. Pagod na din akong ipaglaban yung dapat sana pwesto ko talaga.

Maya-maya, nagblink na yung hawak ko at bumalik ako ng cashier para kunin yung drinks.

“Sir. Hawakan niyo po ng mabuti ha. Baka mahulog….. yung drinks.”

“Kahit anong hold-on ang gawin mo kung gusto niyang mahulog sa iba, mahuhulog at mahuhulog pa rin yan.”

At bilang minamalas ka nga naman, nabubo nga yung drinks. 

“Baka hindi lang talaga para sa inyo sir.”, sabi ni ateng cashier.


Pero buti na lang naitayo ko agad kaya medyo may natira pang konti.

“Gusto niyo po bang palitan na lang natin sir?”

“Hindi ganun kadali.”



And si lolang nasa likod be like,

*Sarap pagtatampalin ng dalawang ‘to puta.*

nagugustuhan ko na yung la luna sangre hay akala ko kasi korni nung una tapos eh syempre lobo at immortal duh napanuod ko kaya yon ano na peborit tska ang cute kasi nung batang tristan sarap lamutakin hahahahahahahaha