tryingart

4

Shades within Black and White - Jayb Paule.

Ngayon nagiging libangan ko na ang pagIisketch ng kahit anong magustuhan ko, or kahit anong tumakbo sa isip ko na sa tingin ko ay cool. Ang sarap din sa pakiramdam na dito ko napupull-out yung mga gusto kong gawing experiments, combinations, design, styles, at iba pa. Bukod sa pagsusulat at sa pagbabasa, isa pa ito sa mga kinahihiligan ko talaga.

Aminado ako hindi naman ako ganung kagalingan pero wala namang masama kung susubukan at pagsisikapan. May mga oras nga na ang tagal tagal ko pa gawin ito bago matapos.

Pero aaminin ko sa inyo, hindi pa talaga ito tapos, pero alam nyo yung pakiramdam na parang alam nyong tapos na siya, na kuntento ka na sa kinalabasan, at alam mong mas gaganda siya kung mananatili na lang muna siyang ganito kahit pansamantala.

Pero masaya na ako na may ganito akong nagagawa, at pinagkakaabalahan.