try lang for sace

Yung saya na nabubuo sa puso ko kapag kasama kita. Yung komportableng hindi mo inaaasahan. Yung mundong tila kayong dalawa lang ang nandoon. Yung mga paro-parong lumilipat sa loob ng tiyan ko. Simpleng ngiti mo lang, parang gugunaw na yung mundong meron ako. Ang saya. Ang gaan sa loob. Parang ayoko na kumawala sa damdaming ganito na iniingat ingatan ko. Dahil matagal ko nang pangarap yung isang araw nasa lugar tayong payapa, walang taong kokontra sa kung anong meron tayo. Na hindi tayo mahihiya ipakita yung kung ano mang pangit sa atin. Yung walang manghuhusga sa pagsasama at pagmamahalan natin. Masaya ako. Masaya ako sa piling mo. Na para bang ayoko nang matapos yung sandaling ito. 

Ikaw ang dahilan sa bawat ngiti na binibitawan ko. Ikaw ang dahilan kung bakit gumaganda ang araw ko. Ikaw lagi ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya. Dahil IKAW LANG. Ikaw lang yung taong minamahal ko at mamahalin ko.