trabaho mode

THE DIARY OF A 'WALANG SOCIAL-LIFE'

Ang boring ng buhay ko. Para akong robot. Ganito na lang palagi ang ginagawa ko.

0445H: Dapat nag-alarm na ang phone ko. Oras na daw para gumising. Kaya automatic akong babangon. Duty na naman ng 12 hours. Shet lang.

0505H: Dapat nakaligo na ako. Pero maeextend ng another 5 minutes dahil kailangan ko pang ibabad ang papaya soap sa mukha ko for fairer and whiter skin. At yung 5 mins. na yun, it’s either nakatulala lang ako or tulog sa banyo. Depende yun kung kalibog libog yung napanaginipan ko.

0515H: Dapat bihis na ako. Pero magtatagal ako dahil lalagyan ko pa ng wax ang buhok ko at aanggulo sa salamin para sabihing, “Ang itsurang ito ang magliligtas sa sanlibutan. Beng beng!”

0530H:  Tapos na dapat akong mag-almusal. Pero maeextend ito ng 5 mins. dahil hindi ako mahigop ang kape, ang init kasi.

0540H: Mag-aabang na dapat ng jeep sa kanto. Pero babalik ng bahay dahil nakalimutan kong magmano at mag-kiss sa inay bago umalis. “Bilisan mo at late ka na. Yung baon mo ha, ubusin mo.” Pero babalik na naman sa bahay dahil ID naman yung nakalimutan ko.

0550H: Dadating sa paradahan ng shuttle. Sasakay. Uupo malapit sa dulo. Aalisin ang nakatutok na aircon sa ulo. Dudukutin ang phone sa bulsa, magttxt. “tap tap tap tap tap tap tap send”. Isasalpak ang headset. Matutulog hangga’t makarating ang shuttle sa trabaho.

0700H: Dadating sa trabaho. <swipes ID>. Magpapalit ng working clothes habang kinakausap ang sarili, “Kaya mo yan okay?!" sabay pindot ng green button sa ulo. "trabaho-mode-activated”

<trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho…> Nagkaalien invasion, World War 75, nagkabangs na si Pnoy,Kung anu-ano na ang nangyari sa bansa, nagttrabaho pa rin ako.

And after 12 hours, tandadadaahhhhhhh!!!

1930H:  Uwian naaaaaaaaaaaaaaaaaa…… <swipes ID>

—–

Tapos, bukas ulit. Ganun na naman. Parehong set-up. Parehong timeline. Same feels. Ang boring di ba?