tplunetameetup2012

TUMBLR PILIPINAS LUNETA PICNIC MEETUP YEAR II

Eto na yata yung pinaka-nakakapagod but PINAKAMASAYANG MEETUP this 2012 (so far). Sabi nga ni Sy with feelings: “Eto yung meet-up na successful at sobrang nag-enjoy ako.” (Not the exact words.)

ADMINS: Glenn, Jed, Bea, Jackie, JR, Nelle, Christian, Abcel, Michael, Pham, Lois, Me, Vince, Symon, Charmaine, Ice, Joy

Dito ko narealize yung hirap ng pagiging admin. 10am pa lang dapat nandun na kami kahit 3pm pa yung meetup. Madaming preparations. Kailangan magsacrifice. Eto rin yung meetup na nabasa kami sa ulan at hindi kami kumain. Pero, despite nung lahat na yun, MASAYA pala. Masaya kasi naging successful yung meet-up in a sense na lahat nagkaro'n ng time na makipagbond with other people and nandun talaga yung FRIENDSHIP.

Ang dami kong na-meet na bago at mas nakilala ko pa yung mga dating kakilala ko na. And since ako nga yung laging kasama ni Ate Lois sa registration, naaalala ko padin yung mga url’s ng ibang bloggers especially yung iba na hindi first-timer. :)

Isa sa pinaka-nakakapagod na part ay yung naghanap kami ni Erick ng rubber bands at nakaabot pa kami sa UN at nalibot namin ang buong Adamson. HAHA. Yung isa pa ay yung bumili kami sa Robinson’s Ermita ng food for the attendees. At kahit sobrang layo ng nilakad namin, masaya kasi bonding na din. ;)

Ang saya pala maging photographer. Kahit nakakapagod dahil ang demanding ng mga kinukuhaan ng litrato. Hahaha. Thank you ate Kams (marschmalllews) sa camera mo. :)

With Jay-Ar (undistinguished)Bagong admin. :)

Gab (gabbito), Jay-Ar, Me.

Jackie (iamsuperjaki), Gab, JR, Me

Yieee, may picture kami ni GAB! =)))

Mga kasama bumili ng food. Had fun with them: Glenn (shutterlayp), Jackie, Erick (erikuun) and JR! :D Ang galing magpicture ni Glenn at napakabait ni JR. Si Jackie naman, nagkakaintindihan kami suuuper and si Erick, love ko yan dati pa. HAHAHA

Edi si Pham (phampot) na mapayat. :| HAHAHA. Hi Pham! <3

With ate Joy (joyjoygiron), habang nagpipicnic. :)))

Di ko din makakalimutan si STANLEY na dala ni Fe (endlessone-sidedlove).

Nakakatuwa magbilang ng pencils pag madami! YAY scam! :D

Ang gwapo talaga ni Symon (hspy)! :D

Sayang lang wala akong picture with:

  • superchristian - Eto si Beh. Mas maarte pa to sakin. HAHA
  • ohhloisey - Ateng ate to ko to eh. =))
  • abceldavid - Nasa cam ni Ate Kams yung pic natin! :))))
  • aboywhoreads - Wala pa rin tayo picture ever! Hahaha.
  • theunrequited-love - Ate ko din to, ang bait sakin. :)
  • beatriceharpst - Hi! Hahahaha.
  • mistercapslock - Bagong dating sa TPET. =)))
  • icegrrcia - Hi Beh! :p

PS: Antaray ni VINCE (thevncestory) at ng Kabayo dance niya! ANSAVEEEEHHHH.

** Credits to Glenn (shutterlayp) for the pictures. :)

3

Tumblr Pilipinas:Luneta Meetup 

Bago ako pumunta ng Luneta, hinatid ko muna yung mommy ko sa school for the CAT meeting and also nag-usap kami ng iba kong classmates about sa mga trending keme sa school, then mga bandang mga 1PM umalis na ako and nag-LRT ako. Pagdating ko dun sa meetup, familiar faces na yung mga nakikita ko, nakita ko dun syempre si Sy together with the TP Administrators, si Cee, si Kyle at si Gab.

Nagtataka ako kung bakit nagtatanong sila bakit daw ang aga namin, eh 2PM na and akala ko registration na, yun pala medyo nadelay nga daw dahil nabaha sila keme basta. HAHA. 1st time ko lang kasing nakapasok sa Kanlungan ng Sining, edi ayan ako tong napapa"wow" kasi parang rainforest lang ang peg and ayun, nagsimula ng mag-ayos yung mga admins. So ayan, habang nag-aayos sila nakipagkilala ako sa ibang mga bloggers na nandun, nameet ko sina Mau, Joyce, Clint, Terie and many other more. 

1st activity, nagkaroon ng 4 na groups at doon mag-iintroduce. Group “B” ako, nakilala ko yung admin leaders namin na sina Ate Ice at Kuya Erik, super kalog and bait lang nila, kagroup ko si Kevin na jusko napakama-issue ;))) Anyway, back to the story, habang nag-iintro ang lahat, all of a sudden, Sy decided na gumawa ang bawat grupo ng cheer and mag-isip ng group name. Dapat yung name ng group namin, “chenelyn” kaso bigla napansin ni Kuya Erik yung nakasulat sa sahig na “panot” kaya yun, group “panot” yung naging name ng grupo =)) HAHA. Hindi ko na sasabihin yung cheer namin pero super duper EPIC next to the Kabayo Bass nila Vince na nakakaaliw talaga ;)) Naka 3rd place pa kami dahil sa epic na cheer na yon at meron kaming prize na Lipps Candy =)))

Bago mag 2nd activity, kailangan ko ng umalis, so nagpaalam ako kay Sy, akala ko susungitan niya ako pero yun, nagbiruan pa kami, HAHA. Ayaw pa niya akong paalisin kasi nga daw maaga pa pero sabi ko may magtetreat sakin so ayun and babawi na lang ako next time, pinafill up na niya sakin yung mga sheets of paper na may “Icrushyou”, “iwannaknowyoumore”, “iloveyou” at iba pang keme. Nakakatouch nga lang kasi bago ako umalis, Sy told the whole crowd to say goodbye to me and I reaaaaally appreciate that, highlight yun ng araw ko ;) 

Anyway, salamat sa lahat ng nakilala ko nung meetup, pasensya na kasi madali akong makalimot ng mga URL, salamat din sa mga admins and volunteers na talagang nag-effort para maging super duper saya yung Luneta Meetup, once again kudos to you guys. Salamat sa sobrang coooool na freebies ;)) And finally, salamat sa Meg Magazine, Garage Magazine and other sponsors ng Luneta Meetup. 

3/31/12