town:payo

Kapag may problema ka at hindi mo na talaga kaya. Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. At kapag hindi mo maisip yung mga bagay na makakapagpasaya sayo. Hayaan mo lang dumaloy ang luha sa iyong mga mata.  Huwag mong itatago ang problema. Ang problema hindi tinatakasan, nilalabanan at nireresolba yan. Kahit gaano man kabilis ang pagtakbo mo sa problema, hahabulin at hahabulin ka pa rin niyan.

Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin ang magagandang bagay na pwede mangyari sayo pagkatapos ng mga pangyayari. Hindi mo kailangan magtanim ng hinanakit at sama ng loob sa taong may gawa sayo ng kasalanan. Tanggapin mo ito na may mga tao talagang ganun. Walang magagawa ang sobrang galit at hinanakit sa kapwa. Matutong magpatawad.

Ipikit mo lang ang iyong mata. Isipin mo na hindi pa huli ang lahat, na isa yung pangyayari na maari kang may mapulot na aral at saka mo ulit gagawin sa iba. Nagagawa tayong iwan dahil sa ayaw na nila tayong lokohin pa, mas mahirap ang magkaroon ng relasyon na hindi ka na pala mahal ng isa. 

Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Ipikot mo lang yan.. Huminga ka ng malalim. At sa oras ng pagmulat nito eh salubungin ang bagong pag-asang naghihintay. Kaya yan. Problema lang yan eh. Napaka onti ng dahilan ng kalungkutan na yan ikumpara sa mga mararanasan mong kasiyahan pagkatapos niyan.

PAANO BA MAKAKAALIS SA FRIENDZONE?
Hindi yan as easy as pagpara sa jeep, abot-bayad and then mamaya papara ka na ulit para bumaba tapos tadaaahhh!! wala ka na sa friendzone.

1. Ayon sa rule, wag mo siyang tititigan in more than 3.01 seconds. Lalo mo lang marerealize na ang perfect talaga ng itsura niya hanggang sa hindi mo namamalayan na naglalaway ka na. At ang rule na yan ay imbento ko lang.

2. Marami dyan sa paligid ang sweet at pa-fall. Kung ayaw mong maging friendzone-material, wag kang masyadong feeling.

3. Pilitin mong humanap ng ika tuturn-off mo ka sa kanya.

4. Kapag maglalakad kayo together, siguraduhing lampas 6 inches ang pagitan niyong dalawa. Makakaramdam ka pa rin ng matinding spark at pagnanasa kapag nagsimulang dumampi ang balikat at dulo ng damit niya sa braso mo.

5. Kapag mamamasyal sa mall, lakad tropa lang dapat at hindi lakad magjowa kung ayaw mong magfeeling jowa.

6. Kapag nag “hi” siya sa txt, sagutin din ito ng “hi” pero wag mo ng dudugtungan ng “musta”?. Masasaktan ka lang sa sagot niyang “sobrang saya besfren, magkasama kase kami kanina:) “

7. Sapat na ang 3 short replies sa mga txt messages niya. Wag lagyan ng kahit anong emoticon para pa-cold ka kunwari. Pag nagtxt pa siya, wag mo ng replyan pa.

8. Kapag nagchat siya sa FB, i-seenzoned mo.

9. Hindi sapat na dahilan yung nafriendzone ka para mang-friendzone din ng iba. Paulit ulit hanggang sa ikaw ulit ang mafriendzone. Karma is a bitch.

10. Huwag mo ng itanong sa kanya ang mga katagang “Ano bang meron tayo?” dahil macoconfuse ka lang kapag sinabi niyang “Masaya na ako na ganito tayo.” I-mindset mo na lang na wala talagang kayo.

11. Huwag ka nang umasa sa kanya dahil ang 1% na pag asang meron ka may lead to 100% chance na masaktan ka. Ikaw din.

12. Hindi mo kailangan ng matinding soul-searching para makaiwas sa friendzone, mas mahalin mo lang ang sarili mo para mahalin ka din ng ibang tao.
Kapag magkaaway kayo sa fone...
  • Hindi effective ang pagsasabi ng, “Ikaw na lang lagi tama. Ako laging mali.” Walang self realization na magaganap at that moment. Mauuwi lang yan sa right-minus-wrong.
  • Wag magtaas ng boses. Hindi ka si Regine Velasquez. Ilayo saglit ang fone para singhutin ang lahat ng oxygen sa atmosphere at mag super exhale. Nakakabawas yan ng inis. Pramis.
  • Take your time para pakinggan yung side niya. Wag ka munag sasabat hangga’t hindi pa siya tapos magsalita. Wala kayo sa fliptop battle.
  • Kapag tinrowback na naman niya yung mga past mistakes at pagkakamali mo, ilayo ang fone sa tenga mo atleast 2 inches para hindi mo siya masyadong marinig ng ayos at para alam mo pa rin kung kelan siya titigil. Pero wag na wag mong ibababa.
  • Kapag alam mong galit siya, hayaan mong sabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Wag mong pigilan. Mas mabuting ilabas niya lahat yung totoong nararamdaman niya kesa kimkimin na lang o sa ibang tao siya magsabi. Mahirap na.
  • Kapag alam mong may mali ka at may mali din siya, unahan mo na lang magsorry at wag ng maghintayan pa. Yan yung pride na pwede mong lunukin na hindi bubula ang bibig mo. Mag ‘Chichay Mode’. “Sooorryyy pooooo.”
  • Ang pride, nilalagay lang yan sa damit. Kaya wag sanaying matulog ng magkagalit.
  • May karapatan kang magsabi ng, “Eh di hindi mo na ako mahal?” bilang part ng paglalambing. Wala siyang choice kundi sagutin yan ng “Siyempre mahal pa din.”
Aasa ka ba o Lalayo?

Kung lalayo ka at sa paglayo mo naman eh patuloy ka namang aasa, umasa ka na lang. Sa tingin ko naman walang masama sa umasa eh, syempre pwede ka naman umasa habang nag hihintay din ng bago eh. Yung tipong tatanggapin mo sa sarili mo na medyo malabo na dun sa taong hinihintay o sabihin na nating “taong umaasa ka” habang naghihintay ka ng bagong taong darating sa buhay mo.

Ang mahirap kasi kapag umasa ka sa isang tao, nagbibigay ka ng sarili mong balakid sa buhay, tipong nag aassume ka na meron pa. Minsan dapat tinatanong mo ang sarili mo kung may binigay ba siyang motibo para umasa? O kaya naman kaya mo ba nasabi yun dahil sa mga effort na naibigay mo? Sa tingin mo ba talaga siya yung nagpapa-asa? O sadyang ikaw lang yung umaasa? Yung wala siyang ideya sa mga bagay na gusto mong mangyari. Minsan ganyan talaga ang buhay eh, minsan unfair, minsan fair. Pero dahil nga sa lagi kang umaasa, naiisip mo ang buhay eh madaya sayo. 

Pero hindi mo namamalayan, na napakaraming dumarating sa buhay mo na magaganda na hindi mo napapansin dahil nga sa nakagapos ka sa salitang “umaasa ka pa sa isang tao”. Kaya kapag naisip mong lumayo sa taong inaasahan mo. Huwag ka ng lilingon sa nakaraan. Dirediretso lang at makikita mo rin ang kasiyahan na hinahanap mo. Ngiti lang :) Makakayanan mo rin ang lahat ng yan.

Payong kaibigan : Huwag kang mahiyang makipag usap dito sa tumblr.

Simulan natin sa katotohanang hindi naman masamang makipag-usap. Bakit ka mahihiya? Kasi sa tingin mo istorbo ka? Kasi sa tingin mo hindi ka niya papansinin ? Kasi sa tingin mo hindi kayo “magkalevel” kasi nafafamousan ka sa kanya? Ay putangina pano na yan? Alam mo ganito kasi yun, kaya nga may tumblr ask para makapag-communicate. Mahiya ka kung manggamit ka lang ng blogger para magpapromote at mang-away ng iba. Hangga’t wala kang sinasabing/ginagawa masama bakit ka mahihiya?

Sabihin na nating mahiyain ka talaga. Siguro ikaw yung kuntento na sa patingin tingin nalang sa posts at naglilike. Sabihin na nating ayos lang na ganun, pero diba mas ayos yung madevelop yung pakikipagkapwa tao mo? Sabi nga nila social-networking site nadin ang tumblr kaya dapat matuto kang makisalamuha. “PARTICIPATE”. Hindi feeling close yung nangangamusta at nagegreet. Kaya nga may tumblr ask para makipag usap, dinagdagan ng fanmail para mas humaba ang usapan.  Kapag dumating yung point na may gusto ka sabihin at sa tingin mo hindi naman makakasira ng pagkatao ng iba, wag kang mag atubili na magTA.

DITO SA TUMBLR AY PANTAY PANTAY TAYO hindi man sa bilang ng followers pero sa PAGKATAO naman pwede. Mananatili tayong pantay pantay hangga’t hindi mo ibinababa ang sarili mo at hindi ka gumagawa ng ikakababa mo.  

Lover’s Quarrel.

Normal lamang sa isang relasyon ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Minsan kasi, iba tayo ng pinaniniwalaan at kanya kanya rin tayo ng opinyon. Kaya’t kadalasan ay nagkakainitan. Kahit simpleng bagay, pinagaawayan. Ngunit hindi mahalaga ang dami ng away basta ba’t pagkatapos ng away ay wala pa ring hiwalayan.

Paano nga ba ayusin ang isang misunderstanding/quarrel sa isang relasyon? Ito ang ilan sa mga maipapayo ko sa inyo:

  • Panahon - Bigyan mo siya ng pagkakataon para makapag-isip isip lalo na kung siya talaga ang may kasalanan. Bigyan mo siya ng panahon para ma-realize sa sarili nya na dapat ay hindi kayo ganito, hindi dapat kayo nag aaway. Bigyan mo siya ng pagkakataong maalala ang mga masasayang sandali ninyong dalawa na maaaring mabasura dahil sa inyong ‘di pagkakaunawaan.
  • Kalma - Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan. Huwag kayong magpalakasan ng boses at magpataasan ng pride. Magusap kayo nang marahan. 
  • Respeto - Matutong makinig sa eksplanasyon ng bawat isa. Huwag basta basta sisingit habang nagsasalita ang isa para magkaintindihan. Wala dapat bastusan at murahan.
  • Lambing - Ipadama mo sa kanya yung kadalasang pinapadama mo sa kanya sa mga oras na hindi kayo magkagalit. Ipakita mo sa kanyang mahal mo pa rin siya kahit na gaano ka nasaktan sa inyong hindi pagkakaintindihan. Bumanat ka ng korni na jokes minsan kasi kung ano pa yung korni, yun pa yung nakakatawa. 
  • Tapat - Sabihin mo yung kung ano ang tama. Huwag kang magdadagdag ng isang kasinungalingan. Maging tapat ka sa mga sinasabi mo, huwag kang manloko. 
  • Paumanhin - humingi ka ng patawad sa bagay na ginawa mo. Kahit kasalanan nya, akuin mo na pero wag madalas. Dapat mata sa mata ang pagsasabi ng kapatawaran at dapat kapag pinatawad na, huwag nang uulitin pa.

Dadating yung araw na ikaw nalang yung madalas magttext. Dadating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sayo, ngayon hindi na umaabot ng 3 words. Malay mo isang araw, hindi na siya singsweet nung dati. Yung 10x na pagi-iloveyouniya sayo sa isang araw ngayon isang beses na lang, minsan nga hindi na. Yung pagaalala niya na, “Kumain ka na ba?” o kaya naman, “Okay ka lang ba?” Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun. Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait. Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away nalang kayo. Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya. Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi, ikaw nalang yung nage-effort, ikaw nalang yung umaako ng lahat. Dumadating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit, habang siya, bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka niya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo siyang dedmahin kapag nageeffort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya. Iappreciate mo lahat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo. Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang. Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala nalang siya at magsawa na.

Gusto ng babae ng Compliments na galing sa Lalake.

Yung mga simpleng salita tulad ng

  • Ganda mo ngayon ah!
  • Ganda naman ng kamay mo.
  • Ganda ng mata mo :)
  • Pumapayat ka yata?
  • Alam mo? Medyo tumataba ka, pero mas bagay sayo yung ngayon kesa dati.
  • Dapat lagi kang nakangiti, maganda kasi ang ngiti mo eh. 
  • Kapag magaling mag drawing, bigyan mo ng oras tignan ang gawa niya. At sabihing maganda ang drawing niya.
  • Kapag malungkot sila, bigyan mo sila ng compliment na mas maganda sila kapag nakangiti kaya huwag silang sisimangot.
  • Galing mo naman kumanta ( Kapag magaling kumanta )
  • Tandaan mo rin na tatandaan na nila yun palagi. Kung ano yung bagay na napansin mo sa kanila, papangalagaan na nila yun at hinding hindi ka nila makakalimutan.
  • At higit sa lahat, pansinin mo sa kanya kung ano yung sa tingin mo ay asset niya. Malay mo hindi niya alam, ikaw pa ang nag paalala o nagpaalam sa kanya.

Eto yung mga simpleng compliments na ma appreciate ng mga kababaihan. Hindi ito araw-araw ginagawa. Occasionally lang. Kapag kasi araw-araw o maya’t maya mo ginagawa eh hindi na compliment ang tawag dito at yun ay pambobola. Dapat alam ng lalake kung kailan siya dapat magsabi nito. Diskarte mo na yan tsong kung kailan mo dapat sila bigyan ng compliment. Kung tutuusin nga lahat naman gusto ng compliment. Pero iba talaga maka appreciate ng compliment ang mga babae.

This is not from someone who is famous.

This is not from someone who is famous because, as much I would like to impress you, I am not part of the circle of fame. This is from someone who has been around for quite a while, learning lessons the unbearably hard way.

Don’t crave for fame. It might look like a shimmering gem that is forever coveted by many, but it is nothing good when you get it. It is like a shiny shell with nothing but fumes inside it, fumes that would choke you to death. Don’t ask for fame because it isn’t the right thing to wish for.

Don’t ask for someone to promote you only to feel bad when the person didn’t do you the favor. Don’t ask someone who isn’t even following you to promote you. If people ought to know about your blog, people will tell to their followers without you having to ask. Gain followers because you deserve them. Then, that’s how you eventually gain friends from followers.

Don’t talk to famous people just for you to be famous. It is not how things work. Yes, it might give you exposure, but in the end, you will realize that you are friends with the person when you’re on the spotlight with him/her. Backstage, there will be backstabbing. Things like that.

Don’t set meetups if your goal is to be famous. That is so not going to work. Set meetups because you want people to meet other bloggers. Also, don’t make your meetups appear like some press conference for the stars. Be responsible in making it a point that Tumblr has these activities because it is good for bloggers to be friends as well.

Don’t hate those famous people because it is the fans that make them famous. After all, while there are some who are actually not making quality posts, there are people who really do well with their craft, the reason why they are loved. Take it as a challenge to do better. However, don’t do well just because you want fame. Do things because you want to do them for those who appreciate your works.

Don’t reblog and reblog and redundantly reblog your posts for notes. Reblog them because you want people to see them. Reblog because you want people who weren’t online the first time you posted it to still see your work. Just don’t reblog your posts a minute after you posted them. That is not advisable.

Don’t blog to be famous. Fame is overrated and it is not fair everywhere. Blog freely and renew your aims for blogging. Blog because you have something to say. Blog because you want to be heard.

Pag nagbreak kayo...
  • wag kang maglalasing marami ka ng nasayang na pera para sa kanya
  • wag ka magpakamatay para sa kanya, mabuhay ka para sa taong nakalaan sayo
  • iyakan mo pero saglit lang
  • habulin mo pero kung tumatakbo din sya, tumigil ka na
  • mag move on ka pero wag mo isipin na magmu-move on ka
  • pag nakita mo sya, batiin mo sya at ngumiti
  • pag kasama nya yung bago nya, magtago ka baka mainsecure sayo 
  • don’t bring out the worse of you instead be a better person
Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.

Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.

Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.

Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo. 

Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.

Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.

Huwag mong basahin hindi ka matututo.

Madaling magpayo. Madaling magsalita. Madaling makiiyak sa problema ng iba. Masarap tawanan yung kaibigan mong di makamove on sa ex nya. Madaling sabihing, kalimutan mo na sya. At lalong madaling solusyunan ang problema ng iba.

Pero kapag ikaw na? Paano kapag ikaw na umiiyak? Kapag ikaw na ang nalulungkot? Kapag ikaw na ang mismong nasa sitwasyon na tila ka artistang inaapi? Kaya mo pa bang tumawa? Kaya mo pa bang hingan ng payo ang sarili mo? At kaya mo ba talagang kalimutan sya ng sabihin mong “Ayoko na sa kanya”?

Nasaan ang lakas mo? Nasan ang tibay mo? Diskarte ka mo ng kano? Pero asan ka? Umiiyak kasi ang hirap pala. Ang hirap na parang kaning matigas na nilulunok mo lahat ng payo mo dahil ikaw mismo di mo kayang gawin.

Anong silbi ng salita? Masakit mang isipin lahat ng sinabi ko na to, hindi ko rin maisasagawa.

Puro ka rin salita. 

Ang pag-ibig walang pinipiling oras, walng pinipiling Tao, Lugar, Edad o pagkakataon, kusa itong nararamdaman, hindi pinipilit, hindi inaalam.

minsan, darating nalang ito kung kailan hindi natin hindi inaasahan, madalas wrong timing, madalas walang kasiguraduhan, magugulat ka nalang isang araw may nararamdaman ka napala para sa kanya.

masasabi mong mahal mo ang isang tao kung wala kang ibang rason para mahalin ito. ung tipong MAHAL mo lang sya basta. wala ng mahabang paliwanag, wala ng kung ano pa mang dahilan.

di mo din ito masusukat, di mo ito maitatago, kapag nagkaroon ka ng rason kung bakit mo sya mahal, hinid na pag mamahal ang tawag dun.

Ganito makapangyarihan ang tinatawag nilang LOVE, daig pa nito ang isang Epidemya na unti unting lumalason sa buo mong pagkatao. para kang nababaliw, wala ka ng paikelam sa ibang bagay sa paligid mo, kahit bumiyahe ka ng 10 oras makasama mo lang siya gagawin mo, mag kanda ABSENT sa trabaho, Matulog ng LATE, mag paka JOLOGS, KORNY, at kung ano ano pang bagay na dati rati'y tinatawanan mo lang. 

masarap magmahal kung pareho nyo itong nararamdaman, kaya naman hindi ako naniniwala sa LIGAW, hindi ako naniniwala na kailangan kong humingi ng permiso na Mahalin ang isang tao. LOVE is UNIVERSAL, LOVE HAS NO LIMITATION, bakit mo ito kailangan ipag paalam? di ba mas masarap kung ipapadama mo nalang? mas masarap na kusa nyo nalang itong maramadaman?

mas naniniwala ako sa pagakakibigan na natuloy sa pag mamahalan, hindi nasusukat ng Mamahaling Regalo o magarbong DINNER DATE ang pagmamahal ng isang tao, ang mahalaga, kahit sa SOFITEL o sa IHAW IHAW lang kayo nag date; mahal mo ung taong kasama mo.

wag mong takasan ang pagkakataon na meron ka, dadating at dadating ang pagkakataon na magmamahal ka din. kailangan lang handa kang mabaliw, magsakripisyo, magpakatanga kung paminsan minsan at hayaan mo ang puso mo ang magdikta. dapat, isa lang ang rason mo pag dating nito…

“MAHAL mo sya dahil MAHAL mo sya, wala ng ibang dahilan pa. ”

My 2 cents about Relationship.

Relationship? It’s not about kapag hindi na lumalaban yung isa eh susuko ka na. Kaya kayo nasa relasyon eh tutulungan niyo ang isa’t-isa. Kapag feel mong may problema yung isa at bibitaw na. Hawakan mo ang kamay niya at sabihing kaya niyo pa. If ever bumitaw siya sa pagkakahawak mo. Then at least ginawa mo na yung part mo. Kesa naman sa hindi mo pinaglaban dahil alam mong wala ng pag-asa.

Kung may tiwala ka sa sarili mo na kaya mong ayusin ang relasyon. Then go for it. Yun naman talaga ang dapat gawin. Hindi perpekto ang relasyon. May flaws ang lahat ng relasyon. At kung isusuko mo ang relasyon na meron kayo. Then kayo na mismo ang titiwalag sa forever niyo. Para sa akin may forever e. Marami na akong nakitang magkakarelasyon na sobrang lugmok na dati pero masaya na ngayon.

May mga taong nagbreak dati na nagkabalikan na nagpatunay na lahat ng tao ay kailangan ng second chance. Bihira ang nabibigyan ng 2nd Chance kaya as much as possible alagaan niyo na ang mga partner niyo. Walang tao ang gusto maging single kapag nakaranas na maging taken. Kailangan lang talaga manaig yung pagkakaintindihan sa isa’t-isa. Isa pang kailangan eh patawarin mo siya if ever hindi naman ganun kabigat ang kasalanan. At kung mabigat ang kasalanan? Try mo siyang pakinggan. At kapag inulit uli niya? Tska mo dun iwan. 

Hindi tayo binuhay ng magulang natin at inalagaan ng ilang taon para lang paglaruan ng ibang tao. Ipakita mo worth mo. Huwag mo hayaang ma taken for granted ka. Do your part. For sure, alam mo yun. Malaki ka na. Nagmamahal ka na e

Ipaglaban mo ang taong mahal mo, hindi yung para kang gago naghihintay sa wala.

Kapag magka aaway kayo, suyuin mo hanggat sa makakaya mo. At kapag matigas talaga ang ulo at ayaw kang batiin nito. Ipakita mo na nagtatampo ka rin. Ipakita mo sa kanya na hindi lang lagi ikaw ang makikisama sa ugali niya.

Hindi na mahalaga kung ano ang sabihin ng tao sa inyong dalawa. Tandaan na mahalaga na kayong dalawa lang naman ang nagkakaintindihan. Hindi na mahalaga ang opinyon ng ibang tao, as long na mahal niyo ang isat-isa.

Isipin mo yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya, huwag mo itanong kung ano ang gusto niya. Subukan mong hulaan ito, o kaya naman magtanong sa mga kaibigan niya. Para sa ganung paraan, masorpresa siya.

Minsan hindi busy ang isang tao. Minsan kulang lang talaga sa effort. May mga tao lang talagang mas binabalingan ng atensyon kesa sayo.

Payong kaibigan : Huwag mong abusuhin ang isang tao.

Hindi dahil hindi yan nagrereklamo ay ibig sabihin nun ayos lang sa kanya yung ginagawa mo. Madalas hindi naman aaminin na napupuno na yan eh, kasi nga mabait, kasi nga mahalaga ka sa kanya, kasi nga willing naman siya mag adjust para sayo. Huwag kang abusado. Wag kang maging tipo ng tao na inabot na nga yung kamay sayo para tulungan ka eh hihilahin mo pa pati yung braso.

Huwag mong hintayin na maubos yung nirereserba niyang pasensiya. Kasi kapag nasagad yan, hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Kapag natauhan na siya maniwala ka saken pagsisisihan mo yun. Kasi ang tao kapag inaabuso at binabalewala natututo yan magbago. Yung pagbabago na para sa sarili niya. Narerealize niyan na kung sino talaga yung dapat pahalagahan. At kung inabuso mo siya, malamang mababawasan yung halaga mo, kasalanan mo yun ginago mo eh.