tinuruan

7.19.2016

Tara, tulog tayo. Hayaan nating magunaw ang mundo mula sa ating balintataw. Tumakbo tayo mula sa paggising patungo sa paghimbing. Magkatabi. Hindi natin kailangang makilala ang isa’t isa. Hindi natin kailangan ng pangalan o edad. Ang kailangan lang natin ay ang init ng laman at paglimot kung kaya’t hubarin mo na ang damit. Tanggalin ang pang-itaas. Ibaba ang zipper. Matulog ng walang saplot, walang alinlangan, malayo sa makamundong ginagalawan. At sa lamig ng gabi, ang init lang natin ang magsisilbing hininga mula sa pagkasulasok sa realidad. Ang ating mga dibdib. Ang ating mga kamay. Ang ating mga hita. Lahat sila ay tila mahiya-hiyang nakikipaglaro sa isa’t isa. Naririnig mo ba ang aking hininga? Dahan dahan mong ibukas ang bibig habang dahan dahang naglalapat ang ating mga labi. Hindi naman tayo tinuruan sumayaw ngunit bakit tila nakakasabay tayo sa indak ng isang musikang hindi natin alam? Sino ang nagturo sayong sumunod sa awit ng paglimot? Mapait pa rin pala ang lasa ng bawat salita. Tara, matulog na tayo, at hintayin ang pagkatok ng umaga. Kahit ngayong gabi man lang, tayo ay makalaya.

Ang saya naman pala talagang magdrums lalo nat yung mahal mo yung nagtuturo sayo. Thank you sa biglaang pagjajamming natin. Thank you kasi dalwang beses tayong nagkita ngayong araw. Thankyou kaninang umaga kahit na ako na naman nauana tas kumain na naman tayo sa jabee hihi tas selfie tas yung pagtali mo ng sintas ng sapatos ko tas pagbitbit mo ng racketa ko tas pagintay mo sa jeep na makaalis at pgiging protective mo pa sa pe shirt kong vneck hahaha salamat. Thabk you din kaninang lunch inantay mo ko tas naghanap tayo ng fried rice kasi nagkecrave ako pero ang pinatakan natin yung kwek kwek-an hahaha thank youu tas nakita pa tayo ng dati nating mga teacher sa school jusko tas yun punta na ng jammingan lakad tayo nakapaying syempre mangingitim ako niakbay pa hanbang naglalakad tas yu jamming na tinuruan mo kong maggitara at magdrums tas 1hr tayo basic lang natutunan ko haha tas yun sakay na tayong trike pabalik sa may simbahan tas naghiwalay na tayo pagdating sa kanto.

Salamat bb. Ilysm. 😍💖💯

“Bakit Patuloy Ka Sa Pagkapit Sa COC Cheering Squad.”

Kasi kapag bumitaw ako. Sino na lang yung kakapit? Sino lang yung kakapitan nung iba na nagdadalawang isip? Sino na lang yung huhubog sa mga newbies? Kasi hindi na ako yung baby. May mga panibagong batch na aalagaan. Hindi na ko pwedeng maging sakit ng ulo. Kasi hindi ko kayang ibigay lahat ng responsibilidad sa mga seniors. Kasi hindi pwedeng sila lang magdala ng lahat ng sakit ng squad. Kasi tinuruan ako ng squad na kumapit at higitin pataas yung mga kapatid ko na nalulubog na sa mga sari-sarili nilang mga problema. Kasi pamilya kami sa squad kaya dapat nag tutulungan kami.

Ewan ko pero hindi kasi nila ako hinubog para maging mahina. Kasi pinaghirapan nilang bungkalin ng malalim yung lupang pagtatamnan ko para hindi ako madaling mabuwal. At inalagaan nila ako ng mabuti kaya ko narating kung gaano ako kagaling at kataas ngayon. Kasi gusto ko ipamahagi yung bunga ng pagmamahal nila sa akin. Gusto ko ipakita sa lahat na matamis yung prutas ng squad.