themomentofbeingsingle

ANO NGA BANG HINAHANAP NG MGA BABAE SA ISANG LALAKE?

“ano bang hinahanap mo sa isang lalake? yan ang katagang sobrang gasgas na pero lagi paring tinatanong ng mga lalake. Para san? siguro dahil may gusto sila sa babaeng  pinagtatanungan nila at para pilitin narin nila ang kanilang mga sarili para maging ganon pero may mga ibang lalake na humihirit pa ng "ehem ako yun ah” o kaya naman ee “ako yata yang dinedescribe mo ee”

So ano nga ba talaga ang hinahanap ng mga babae sa isang lalake? Sabi ni ate gelyn “Yung magaling mag effort. ♥" at sabe naman ni jon (na hindi ko alam kung bakit sumagot sa tanong ko sa mga babae) "Yung kayang panindigan ang mga sinasabi, sorry bakla ako" actually di to mga pangkaraniwang sagot ng babae katulad ng.. gusto ko yung gwapo, mabait, mayaman na madaling mamatay (haha charot) at kung ano ano pa.


Pero di ba naisip ng mga lalake na lahat naman kasi ng mga positibong bagay eh gusto ng babae? kasi yun naman ang totoo ee pero para saken, gusto ko yung lalakeng parang bestfriend ko na rin. yung kakulitan,kaasaran,kaharutan at kung ano ano pa. Minsan kasi nakakasawa na palagi nalang kayong seryoso at naglalambingan. tapos yung magaling pagdating sa surprise, yun bang hindi nameng mga babaeng iisipin na gagawin mo yun at kung maaari e magaganap eto kung saan madaming taong makakakita kasi kahit di man sabihin ng babae e gusto namen na kinaiinggitan kame ng iba pagdating sa lalakeng meron kame kasi sa panahon ngayon, iilan nalang ang mga lalakeng makakagawa nun.

Ano pa ba? ahh oo nga pala. Yung lalakeng gentleman na im sure endangered na ngayon kasi napapansin ko kahit sa simpleng senaryo katulad ng may babaeng nakatayo at ngawit na ngawit na e dedma parin yung nakaupong lalake. oh diba? nuon hindi ka daw matatawag na lalake pag hindi ka gentleman e ano pa kaya ngayon? so iilan nalang pala ang mga lalake. at ang huli, yung lalakeng proud sayo at kayang magpakilala sa magulang mo para mangakong hinding hindi sya gagawa ng bagay na hindi nila ikatutuwa. may isa pa pala, para mangakong sya lang ang babaeng mamahalin nya at hihintayin sa altar :”>