theconfessionsofawriter

Anong sense ng pag-iyak?

10:00am. Nagising ako dahil aalis sila Mama. Mag-eenroll ang kapatid kong lalaki. Walang magbabantay sa comp shop namin. Nag-ayos ako at kumain. Nakita kong naliligo ang bunso kong kapatid na babae. “Hayaan mo siyang magtagal maligo a. Hindi naman namin isasama ‘yan.” sabi ni Mama. Umalis sila Mama at nalaman ni Kelsey. Umiyak siya ng umiyak pero nakaalis na sila Mama at hindi pa din naman siya nagbibihis.

Anong sense ng pag-iyak ng sobra?

Bigla ko lang 'to naisip no'ng nakita kong iyak ng iyak ang kapatid ko. Well, wala na siyang magagawa. Walang magagawa ang iyak niya. So, naisip ko, bakit kapag may mga break ups, bakit iyak pa ng iyak ang mga babae/lalaki? Teka, kapag umiyak ka ba ng umiyak, babalik pa siya sa'yo? Hindi na, dba? So, bakit pa iiyak?

Lahat ng meron tayo, precious. Lahat, bigay ni God. Pati 'yang luha mo. Kaya matuto ka na gamitin 'to ng ayos. 'Wag mong iyakan ang mga hindi naman deserve ang kahit isang patak ng luha mo. Pero, alam ko din naman na nakakagaan ng pakiramdam kapag nailabas mo na lahat. Pero, 'wag naman paulit-ulit. Gaya nga ng sabi ko, babalik pa ba siya kapag umiyak ka? Or masusolusyunan mo ba ang isang problema kapag iniyakan mo lang? Hindi, di ba? So, anong sense ng pag-iyak mo ng sobra? 

Mahal ko si... TUMBLR. ♥

Mahal ko si… TUMBLR. ♥

Alam niyo mga siguro, mga 2 minutes before ko ipost ‘to, dun ko lang narealize na mahal ko talaga si Tumblr. Bakit? Kasi, dati, mapili ako sa pinopost na pic. Ngayon, naadik na ako sa GIF. Ayan tuloy. Kahit anong mukha nalang. Saka parang ang honest ko ba kapag nagttumblr ako. Yie. Kaya, super mahal ko si Tumblr.

MAHAL NIYO DIN BA SI TUMBLR?