thankyou mama and papa

Nung isang gabi nag usap kami ni papa tungkol sa aking pagiging ESEP.

Sabi niya sakin, okay lang daw na maalis ako sa ESEP kasi daw simula pa lang ayaw na niya. Ayaw daw kasi nya nahihirapan ako. Ayaw daw niya na pressure ako sa ginagawa ko kasi daw gusto niya naieenjoy ko ang buhay ko bilang isang high school. Kasi yun daw ang masaya, yung nag eenjoy ka lang sa ginagawa mo at walang hinahabol. Ang mahalaga lang daw sa kanilang dalawa ni mama, makapasa ako at makatapos tsaka makapagtrabaho. Sabi nga nya, wag na daw ako magpakahirap mapasama sa top kasi okay na daw sila sa mga naa-achieve ko ngayon. Sabi pa ni papa, magpapa-outing daw sya pag naalis ako sa ESEP para daw ma-relax ako at hindi ma depressed sa nangyari. :)

I’m so blessed. Alam kong may plano si Lord kung sakaling mademote ako. :))