text pinoy

Gusto kong magpalamig at mag-ikot sa baguio kasama ka.
Gusto kong mag kape at mag bulalo sa tagaytay kasama ka.
Gusto kong mag cebu at sabay na tatalon sa bawat talampas habang magkahawak ang mga kamay.
Gusto kong mag perya at sumigaw sa itaas ng chubibo kasama ka.
Gusto kong mag isaw at sago’t gulaman kila aling bebang kasama ka.
Gusto kong mag roadtrip patungong subic kasama ka.
Gusto kitang dalin sa manaoag at sabay na idarasal ang ating mga hiling.
Gusto kitang ihatid sa trabaho at ipagmaneho kahit saan mo gusto.
Gusto ko kasama kita.
—  Aalis tayo