terminators

3

Last time i checked, muntik na akong umiyak sa sobrang stressed ko sa exams at thesis. Madaming nangyare. Muntik na dn akong hindi matuloy kasi madaming gagawin pero ayun, tinuloy ko dahil may basbas naman ni mama. After ng exam ko mismo mga 2:30 bumyahe na agad ako papunta ng victory pasay e yung bus aalis ng 5. Akala ko talaga di ko na aabutan. Nag uusap n kami na kung di ko aabutan, ala-una na yung sunod n byahe. Tapos pagdating ko ng victory liners pasay, walang bus sa may baguio na lane, akala ko nakaalis na, pag punta ko sa ticketing lane, paparada palang daw so makakasakay ako ng baguio!! 👏👏 sobrang saya ko nun haha.

Tapos 5 nga nakasakay, tapos dumating ako dun ng 1am, tapos nakita ko sya, inaantay ako sa terminal 🙈🙈 kinikilig ako langya. Tapos, kinurot ko na agad pisngi nya. Tapos niyakap sya sabay sabi na, “ang lamig pala dito sa baguio noh?” Nanginginig ako as in. Kwentuhan to the max na kami. Nag plano ng gala para sa umaga.

Tapos yun nung umaga na may pasok daw sya, so hatid ko sya sa may SLU, pero nag breakfast muna kami sa mcdo. Tapos hinatid na sya. Ang cool lang talaga. Tapos suot ko pa yung regalo nya sakin. 😊😊 nag MIneski muna ako para mag laro 1 hour lang nman daw e.

Tapos bumalik sya mga 11:30 na, since busog pa kami parehas di na kami nag lunch. Nag punta kami sa isang cafe, kasama yung dalawa nyang friend. Kumain sila kami hindi kasi busog na nga. Tapos nag decide kaming mag john hay.

Nag camp john hay kami. Ang saya lang dun kasi puro puno, naaappreciate ko yung nature ng sobra, sa siyudad kasi wala masyado. Maalikabok at magulo. Tapos edi nag photoshoot na kami. Grabe dami namin pictures. Tapos nakakita ako ng shed. Dun kami nag stay sandali. Nailabas ko na lahat ng kulit at ng lambing ko dun hahaha. Sumayaw ako. Sinayawan ko sya. Tapos stolen pics haha. Tapos snapchat. Basta ang saya nun.

Tapos umali na dn kami dun, bumalik sa dorm nya para gumawa ng sa radio broadcasting nya, after nun, lumbas kami, nag dinner tapos bumalik ng dorm nya.

Tapos pauwi na ako, sabi ko sabay ba natin sila meg? (Bff nya) , sabi nya, “e pano ko makakapag drama sa taxi, magdradrama pa ako” 🙈🙈 tapos yun nagtaxi na kami kasama sila meg. Nag dradrama na sya dun. “Babe, aalis kana, iiwan mo na ako” (feeling ko talaga iiyak n sya) basta ayun, nAg dradrama sya, todo clingy na dn, narealize nya siguro na aalis n nga talaga ako HAHAHA. Tapos hanggang sa bago sumakay ng bus naka cling sya sakin. I gave her one last hug a tight one, and whispered to her ears, “Iloveyou 😘”

And ayun, sa loob ng halos 48 hours, kasama byhe, naging masaya ako at nakalimot sa gulo ng mundo. Salamat babe! 💕💕 sobrang saya ko talaga nung kasama kita. 😭😭😭 ikaw naman punta dito oh. Haha joke lang. Iloveyou!! Let’s do our best for our future, okay? Aja! @hindichinita