teooooo

3

Teo

Salamat sa pag-su-supply sakin ng film at pagpapahiram ng kamera. Salamat sa mga free workshop mo sakin lol. Salamat sa pag-impluwensya sakin na kumuha ng pictures gamit ang film.

Hayaan mo, magkakaroon na rin ako ng sarili kong kamera at bibili ng sariling film hahaha pero sayo parin ako mag-papa-scan ha? Lolol :* (patampal sa noo dali! Hahaha)

Before Sunrise-ish

Ano magpapaka-korni na naman ba ako? Alam mo naman na eh. Pero gusto ko lang magpapansin dito bakit ba. Masaya ako kasi andiyan ka yiii oyyy bawal kiligin haha. Hmm masaya ako kasi hanggang ngayon hindi pa din naten ma-imagine kung paano tayo, eto paano nagkaroon ng tayo. Kasi dati magkakasama lang tayo sa gig, magkakaibigan. Di nga kita type diba lol sorry na. Pero nabalewala na yung checklist ko nung mas nakilala pa kita. Gusto ko lang mag-thank you sayo kasi ang komplikado kong tao pero andiyan ka padin, nagpapasaya. Akala ko wala nang taong kaya akong pagpasensyahan sa mga pag-iinarte ko sa buhay. Akala ko matatapos nalang tong taon na to na puro lungkot pero hindi pala.

Sorry kung sobrang lungkot ko padin minsan. Hindi ko alam kasi sobra ata akong nilamon ng lungkot at takot noon. Pero salamat sa effort sa lahat lahat ng effort. Salamat dahil mas inaayos mo pa ang sarili mo para saten well maayos ka naman na talaga ako lang yung magulo at maarte hahaha. Salamat sa mga surprise mo na laging fail. Mahal kita kahit ang korni ko na ngayon. Wala lang, parang sa kanta ng Ang Bandang Shirley. Walang sagot kung bakit di ko rin alam~ Ayun basta masaya ako sa'yo. Alam ko ang hirap bago tayo dumating dito. Sobrang gulo. Kasi nga tropa nga dapat diba walang talo-talo pero wala, hirap pigilan ng umaapaw na feelings eh. Tina-try kong maging positive saten. Alam ko mas malakas na tayo ngayon kahit weak ka bwahaha. I love you @teooooo.

teooooo replied to your post: My Own Film Festivals
 oh and “visitor Q" 

 Thanks sa pag recommend. Yup, matunog din itong visitor Q sa comments section nung article na 25 films that will destroy your faith in humanity. Nakakaintriga tuloy. Ang alam ko may sinuggest ka pang isa o dalawa. Nawawala sa notes ko. Paki send naman ulit. Nalimutan ko iyong title. 

Ito yung araw na nilakad namin simula Ayala Triangle papunta sa Little Tokyo hanggang NOVA gallery. Ang sarap talaga maglakad nang maglakad. Minsan kapag hindi ako okay naglalakad lang ako nang naglalakad kahit paulit-ulit lang yung nilalakaran ko. Lalo na pag madaling araw sa ayala ang sarap maglakad. Tahimik medyo orange yung paligid. Walang katao-tao lalo na sa side ng legaspi village. Lalakarin ko lang tong V.A. Rufino Street minsan hanggang Palanca Street tapos susuyurin ko lang bawat madadaan na kalye.

Ang sarap maglakad, hindi ako mag-isa kasi kasama ko yung anino ko. Minsan mas matangkad ako sa kanya, minsan mas mapayat siya sakin. Tapos nung matakaw pa ako sa yosi hihinto ako saglit uupo sa likod ng building namin magyoyosi at papanoorin yung mga pusang nag-lalambingan. Tara lakad lakad tayo minsan :)

2

Maliit na Mundo

Pangarap ko talaga magkaroon ng sariling kwarto. Bata palang ako sobrang pinagarap ko na siya. Kaso wala eh lol hanggang bed space lang kaya ko haha.

Dinikit ko nalang sa pader ko yung mga pinrint namin ni teo at yung bigay niyang painting saken. Grabe ang husay niyang tao. Gustong-gusto ko talaga yung photo na pinipintahan niya ng mga bahay, upuan, ibon at kung anu-ano. Ang galing niya lang sobra kasi nga fan ako eh. Ang husay! Kumukuha ng photo gamit film, nagdedevelop, nagpiprint sa dark room, nagpepaint lahat na!

Ngayong sabado magkakaroon sila ng group show ( Recto Made ) at kasama yung iilang works niya. Daan ka sa Nova Gallery sa Makati. Tara punta tayo :)