teledrama

Anu-ano ang mga naaalala mo sa Pinoy soap operas noong dekada nobenta?

Bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang soap opera. Hindi kumpleto ang panonood natin kung walang palabas sa telebisyon na puro iyakan, suntukan, salamangka, pananabik, at kung anu-ano pang emosyon. Dati-rati, iisang estasyon lang ang nagpapalabas ng mga Pinoy soap opera. Pero ngayon, kahit saang local station mo pihitin ang telebisyon, may madaratnan kang lumuluha. Ang tunggalian ng ABS CBN at GMA 7 sa larangan ng drama series ay lalo pang umigting ngayon dahil sa pakikisawsaw ng TV 5 na panlaban ang kanilang “Babaeng Hampaslupa” at “Mga Nagbabagang Bulaklak” (na parehong paborito ng nanay ko dahil simula nang lumipat ang kanyang idol Willie Revillame ay naging Kapatid fan na).

Hindi ko ilalahad dito ang iba’t ibang klase ng soap operas (tulad ng nabasa ko dito noong isang linggo) at lalong hindi ko ikukuwento ang karaniwang mga eksena sa isang tipikal na Pinoy soap opera. Marami nang nakapagkuwento nito at pinapaubaya ko na sa kanila ang mga bagay na ito. Ang kuwento ko ngayon (naks parang Lola Basyang lang) ay tungkol sa mga karaniwang obserbasyon ko sa mga paboritong past time ng mga Pinoy simula pa noong dekada sisenta, ang Pinoy soap operas! <*insert makabagbag-damdaming theme song here*>

Nagsimula ang pamamayagpag ng Pinoy soap operas noon pang taong 1963 kung saan isina-telebisyon ang drama series sa radyo na “Gulong Ng Palad” (na ni-remake ng ABS CBN noong 2006 starring Kristine Hermosa). Nasundan pa ito ng “Bahay Na Bato”, “Liwanag Ng Pag-ibig”, “Prinsipe Amante”, at iba pa. Bagamat matagal nang may soap opera sa telebisyon, s'yempre ikukuwento ko lang dito ‘yung mga naabutan ko na.

Ang serye sa TV ay tinawag na ’soap opera’ dahil noong unang panahon, may mga programa sa radyo na ang karaniwang sponsors at producers ay mga kompanyang gumagawa ng sabon tulad ng Procter And Gamble, Colgate-Palmolive, at iba pa (tunog imbento lang 'yang sinabi ko pero totoo 'yan, ayon kay Wikipedia). Pero sa tingin ko, simula nang ipalabas ang mga tinatawag na panggabing drama series sa ABS CBN ay naging 'teleserye’ na ang dating 'soap opera’. Ilan sa mga popular na panggabing teleserye noon ang “Pangako Sa 'Yo”, “Mula Sa Puso”, at “Esperanza”. (May pa-contest pa nga ang ABS CBN noon na tinawag na “Mula Sa Puso Ni Esperanza”.)

Una akong nakapanood ng mga drama series noong hapon ng dekada nobenta. Sa totoo lang, tuwing hapon lang talaga pinapalabas ang Pinoy soap operas noon. Kadalasan, pagkatapos ng “Eat Bulaga” ay puro soap opera na ang kasunod. Nariyan ang magka-back to back na “Annaluna” at “Aguila”, pagkatapos ay napalitan ng “Valiente” starring Michael De Mesa at Tirso Cruz III. At s'yempre kasama din d'yan ang original na “Mara Clara” (na katatapos lang ipalabas ang remake). Madali lang matandaan ang mga soap operas pagkatapos ng Eat Bulaga dahil si Bossing Vic Sotto ang kadalasang umaawit ng theme song ng mga 'yon. TAPE Inc. din kasi ang nag-produce ng mga 'yon, tulad ng Eat Bulaga.

Nang lumipat sa GMA 7 ang Eat Bulaga, halos wala na rin akong alam na panghapong soap opera sa ABS CBN maliban lang sa Mara Clara. Pagkatapos ng “Marinella” (starring Camille Prats, Shaina Magdayao and Serena Dalrymple), biglang nagpahinga nang matagal ang ABS CBN sa mga panghapong dramahan. Nagbalik lang ulit sila sa panghapon noong early 2000 sa pamamagitan ng “Recuerdo De Amor” starring Diether Ocampo at Carmina Villaroel. At mantakin n'yo, nasubaybayan ko 'yang Recuerdo De Amor na 'yan! Kaya lang, sa lahat ba naman ng puwedeng ma-miss na episode eh 'yung ending pa ang hindi ko napanood. Amps!

Natatandaan mo pa ba kung paano nagtatapos ang isang karaniwang episode ng soap opera noon? Merong voice-over na nagsasalita sa naka-freeze na eksena ng bida – “Saan hahantong ang tagpong ito? Abangan bukas sa pagpapatuloy ng… <*titulo ng soap opera*>!” At habang tinutugtog ang theme song nito ay nasa background pa rin ng gumagalaw o tumataas na credits o acknowledgements ang naka-freeze na eksena. Espesyal 'yung sa ABS CBN dahil habang umaandar ang credits ay nagbo-voice-over si Peter Musngi at nagsasabi ng “Inyong napanood ang <*titulo ng programa*>. Muling subaybayan ang <*titulo ng programa*> bukas, sa ganito ring oras. Susunod na ang <*titulo ng susunod na programa*> pagkatapos ng ilang paalala.” Grabe. Nami-miss ko tuloy 'yung mga programa ng ABS CBN dati na may voice-over. Tapos pare-pareho pa 'yung fonts nung credits ng lahat ng programa nila! Oo, ultimo fonts eh naalala ko. Ang dami ko talagang napapansin.

Iba na ngayon ang mga soap opera maski sa ending ng bawat episode nito. Bukod pa sa minadali na ang istorya (dahil masuwerte nang umabot ang soap opera nang anim na buwan samantalang noon eh anim na taon na ang nakalipas eh hindi pa rin mahanap 'yung putaragis na diary na 'yan) eh karaniwan nang may preview o pasilip na sa mangyayari sa susunod na episode habang umaandar ang closing credits. Dahil na rin siguro 'to sa kakapusan ng oras (siksikin ba naman ang isang gabi ng puro teleserye eh).

Kung paboritong teleserye naman ang pag-uusapan, kung ako ang tatanungin eh isa sa mga pinakagusto ko ay 'yung “Sa Dulo Ng Walang Hanggan” ni Claudine Barretto noong 2001. Ewan ko ba pero nakakapanindig-balahibo 'yung istorya nito para sa akin dati. Tsaka 'yung tipong 'balik-tanaw’ na elemento eh naroon. Medyo nalula din ako sa ending nun dahil taliwas sa nakasanayang madalas na ending ay namatay ang mga bida (si Claudine kasama ang leading man n'ya na si Carlos Agassi). Nakakatuwa pa dahil pinalabas na kunyari eh lola na si Angeline (Claudine Barretto) at si Simang (Eugene Domingo) naman 'yung apo n'ya. Natawa ako dahil noon ko lang narinig si Eugene Domingo na magsalita na parang bata ang dating! Basta nakakatuwa talaga at ang galing, tatlong gabi ko yatang na-imagine 'yung eksenang 'yon. Ilan pa sa mga paborito ko ay 'yung “May Bukas Pa”, “Pangako Sa 'Yo”, “Recuerdo De Amor”, “Mara Clara” (the original), at iba pa. Hindi halatang mahilig akong manood ng teleserye noon, ano? Ito ang problema kapag ang lahat ng tao dito sa bahay eh panatiko ng mga teleserye noon.

Bahagi na talaga ng mga karaniwang Pilipino ang drama series/soap operas/teleserye at hindi na ito mawawala sa telebisyon. Kung noon eh panghapon lang ang okupado ng mga ito, ngayon eh umo-overtime pa ito sa gabi. Tele-babad talaga! Huwag na siguro tayong magugulat kung paggising natin sa umaga eh ganito na ang line-up ng mga palabas sa ABS CBN (at s'yempre medyo korni ito kaya lagpasan mo na lang ang pagbabasa):

5:00 AM - Kay Gandang Umaga (ni-reformat na ang dating UKG)
8:30 AM - Spongebob Squarepants
9:00 AM - One More Chance (teleserye na ang paboritong movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na inimbento ko lang)
9:30 AM - Esperanza (walang kamatayang remake)
10:00 AM - Magsisimba Kang May Bulak Sa Ilong (actionserye na inimbento ko)
10:30 AM - Halimaw Sa Cyberspace (horrorserye na inimbento ko kaya sobrang korni at baduy ng pamagat)
11:00 AM - Infinity (ika-27,416 na yugto ng “Imortal” na inimbento ko na naman kaya ang korni)
12 NN - S'yempre pahinga muna sa teleserye. Noontime show muna (pero malamang hindi na “Happy Yipee Yehey” dahil malas ang ABS CBN pagdating sa mga noontime show)
3:00 PM to 6:30 PM - walang katapusang teleserye sa maghapon
6:30 PM to 8:00 PM - S'yempre TV Patrol muna para updated kuno sa mga bagay-bagay sa kapaligiran
8:00 PM onwards - Tuloy ang ligaya (o iyakan)!

O, 'di ba? Pero seryoso, kahit paano ay maituturing din na napakahalaga ng drama series sa buhay natin dahil sa dami ng aral na nakapaloob dito. Gayon pa man, dahil dito eh karapat-dapat na talaga tayong tawagin bilang “Drama Series Capital of the World”! <*insert ending credits here*>

Nga pala, 'yung ikalawang larawan ay logo ng original na Mara Clara. Naaalala ko noong bata pa ako, lagi kong ginagaya o ini-sketch 'yung lettering o logo n'yan pati 'yung buhul-buhol na disenyo sa gitna. Wala lang, pinost ko lang din para masaya. Ito kasi ang “Ina ng Pinoy Soap Opera” ayon sa ABS CBN.

GMA Network official statement on HARAM

HARAM is a story about the love of LUIS (Dingdong Dantes) a soldier who is of Christian faith for a Muslim girl, NADI (Kylie Padilla).

Eventually, the soldier will find out that this love is “haram” (forbidden); this is the reason why Nadi’s family is strictly against their friendship-much more their union.

But because Luis’s love is true, he wants to prove that he only has good intentions for Nadi. This pushes him to convert to Islam, so that his love for Nadi would no longer be forbidden.

This is the story of Haram.

A story, not just of a unique kind of love, but also about a Muslim family (Nadi’s) and how they endeavor and strive to raise their children to be fitting and acceptable for Allah.

It is the show’s intention to make the viewers understand why a relationship between a Muslim girl and a man from outside Islam is forbidden, a doctrine which is also present in other religious beliefs.

At the same time, the show aims to present the beautiful side and the dynamics of the Muslim family life in our contemporary times, and the dynamics of religious and cultural pluralism, with the desire to promote better understanding and mutual respect among people of various faith traditions.

But because of the current tense atmosphere all over the world and in solidarity and in respect to the entire Muslim Community, GMA 7 has decided it is best to shelve Haram for now.

We hope for everyone’s understanding.

2

YES Magazine 100 Most Beautiful People 2015 - Glaiza De Castro

Acting used to be a scary place for Glaiza de Castro, whose parents are musicians and who considers music her first love. 

She begain her showbiz career in 2000 as a part of Teen Stars, the resident vocal group in German Moreno’s TV program, Master Showman. The TV exposure led to acting gigs, from bit parts to minor roles, until she was promoted to second lead in teledramas. But it was only in 2009, when she played the kontrabida in GMA’s Version of the Koreanovela “Stairway to Heaven” , that she embraced her new calling, prompting her to join acting workshops. 

“Doon ko na na-appreciate ang acting” (that’s when I started appreciating acting) she says of those workshops.  “Dapat pala, hindi ko katakutan and emotional scenes” (I realized that I shouldn’t be afraid of emotional scenes)

And so, the once-reluctant actress blossomed into a consummate artist who has brought to life a variety of characters  - winsome leading lady in Grazilda, forsaken daughter in Amaya, scheming best friend in Temptation of wife and now lesbian lover in The Rich Man’s Daughter  - with heart, sensitivity and intrigue.

Day 24 (Jan.24,2013)
  • Pre-midterm sa Business Math
  • Midterm sa Adver
  • Araw ng pag-alis para sa shoot

Aminado akong di ako masyadong nag-aral sa math, kaya medyo nahirapan ako at medyo mababa ang score ko. Tanggap ko yun. Kulang talaga yung atensyon at effort na naibigay ko sa math,pero babawi ako sa abot ng makakaya ko sa midterm. Kakayanin ko.

Kinabahan ako sa exam sa Adver. Madami akong di nabasa, at di alam dun. Karamihan ay puro hula. Eh kasi naman, meron akong ibang nabasa at nareview na nakalimutan ko talaga eh. Kainis!  Pero satisfied naman ako sa score ko. Oo, di ganun ktaas pero pasado. Mahirap ang exam at kinaya ko. Sa tingin ko naman, okay na yun. Hindi naman ako naghahangad ng napakataas na grade eh. Pero hinahanda ko sarili ko para sa next meeting namin. Dahil napkapuchu ng pinasa kong print ad sa kanya, wala na kasi talaga akong maisip at di naman ako marunong maglettering at magdrawing. Nakakainis lang eh. Hayy.

Tapos after Adver, umuwi na ako. Para kunin ang mga bagahe ko. Hanggang linggo kasi kami sa novaliches para sa shoot namin. Ang dami kong dala. Dalawang malaking bag. Di ko kasi kaya umalis/mag-overnight na kulang kulang ang gamit ko.

Late na ako dumating sa TV Prod. Pero okay lang kasi wala naman palang ginagawa. Nag-uusap usap lang para sa teledrama.

After TV Prod, nagbihis na kami ng pang-alis namin habang inaantay ang kotseng magiging service namin papunta sa location. Habang nag-aantay, picture picture muna. As always.

Mahaba-habang byahe ang naganap. Sobrang tagal. Dalawang magkasunod na sasakyan kami. Tapos sa sasakyan namin, umpisa agad ng shoot. Hahaha. nakakatwa lang eh.

Pagkadating sa lugar. creepy. Dulo, liblib, malayo sa kabihasnan, malaki ang bahay pero madaming kababalaghan daw. Mababait naman ang may-ari. Tita kasi ni Ate Jean(kaibigan naming 4th yr) Welcome na welcome naman kami sa bahay nila. At home na at home kami. May dalawa syang anak, Isang 9years old na napakagalang at isang 13 years old na akala mo eh 4th yr highschool na o kaya naman ay college na dahil sa sobrang tangkad, at gwapo sya. Hahaha.

Shoot agad tapos tulog :)) 

Hey this is my husbear and our boyfriend. Do you wanna come get expensive brunch in the Haight so we can judge whether you’re fuckable enough to pull into our warped interpersonal teledrama?

Saturday Thoughts: Looking Through the 70’s-80’s


As a ’90’s kid, I am so blessed to see and experience how adorable the simple life of the adults before as I step in to the new age of technology—I’m a mid-‘90’s kid actually. This 21st century has been the technology era where the good ol’gadgets of yesterday has been fully developed and more spectacular discoveries were made to make our lives more comfortable and easier. Honestly speaking, it really did helped a lot. But, living through the 1970’s-1980’s could have been more fun.

Keep reading

Unseen Nirosha Thalagala hot Photo Collection

Unseen Nirosha Thalagala hot Photo Collection

Nirosha Thalagala hot celebrity is another super hot and Sri Lankan actress who is much popular on Sri Lankan teledrama industry as a Sinhala teledrama actress. She did lead roles on several sinhala tele dramas and mega serials. There are so many young actress introduced to Sri Lankan teledrama and mega serial industry daily and top of the top performer who got the chance to get survive. Nirosha…

View On WordPress

Mientras Segob analiza expulsión de Bozzo, gobierno de Chiapas le auspicia nuevo teledrama

Mientras Segob analiza expulsión de Bozzo, gobierno de Chiapas le auspicia nuevo teledrama

TUXTLA GUTIÉRREZ, Chis., (proceso.com.mx).- Cuando en el ámbito federal se analiza la expulsión del país de la conductora Laura Bozzo, en Chiapas la Procuraduría General de Justicia del Estado (PGJE) le dio todas las facilidades para la producción de uno más de sus teledramas.

Este viernes la conductora y su pareja, Christian Suarez, entraron a las oficinas del procurador Raciel López Salazar,…

View On WordPress

Yureni Noshika hot Sri Lankan Sexy Actress & Model

Yureni Noshika hot Sri Lankan Sexy Actress & Model

Yureni Noshika hot star is another famous Sri Lankan actress who is much recongied in Sri Lankan teledrama and movie sector. She started her entertainment career by participating Miss Sri Lanka competition and later to advertising sector. She is much famous as a fashion model and she is always compete several beauty contest in Sri Lanka. Yureni Noshika represent The Tourism World contest,Miss Sri…

View On WordPress

Thisuri Yuwanika Hot Young Lankan Tele Star

Thisuri Yuwanika Hot Young Lankan Tele Star

Thisuri Yuwanika hot celebrity is one of very popular and attractive celebrity in Sri Lankan tele drama sector. Thisuri Yuwanika crowned as one of the top actress in Sri Lankan teledrama sector and she is use to have a great reputation in the industy as a star. I have already published several article regrading this young lankan beauty and following are some latest picture collection of this…

View On WordPress