tatagal

ABC ng Pagmomove-on

ACCEPTANCE.

   Tanggapin mo munang wala na. Tapos na. Wala nang kayo. Wala nang siya. puro nalng ikaw. Tanggapin mo na ang taong akala mo mag bibigay ng katuparan sa mga pangarap mo, pangarap nyo. Ay wala na. Na wala na ang Prince-in-shining armor mo na magtatanggol at magpupunas ng luha mo kapag pumapatak ang luha sa mata mo. Isiksik mo sa bawat silid ng utak mo at puso mo na wala na. 

BAWASAN ang pagassume

   Hindi porke’t tinetext ka nya, ay balik-kilig na. Na gusto nyo na ang isa’t- isa ulit. na babalewalain nyo na ang nangyare na parang ganun lang kadali ang lahat. Sa totoo lang, maaring namimiss nyo lang ang feeling ng inlove, ng attach, ng feeling na may magtetext sayo araw-araw at nag aalala. pero wala na. bawasan na ang pagaassume, sa huli, ikaw at ikaw lang nag masasaktan.

CHOOSE wisely.

   Piliin mo, piliin mo ang mga taong pag sasabihan mo. Pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo at pagsasabihan mo ng nangyare. Meron kasing mga tao na nakikiusisa lang sa mga nangyayari at worst-case scenario maging isa to sa maging rason para lalong lumala ang gulo sa pagitan nyong dalawa. Kaya kung maari, mamili ka. Kung hindi mo kaya, mas magandang manatili na lamang ito sa inyong dalawa. :) Respetuhin nyo ang isa’t- isa. :D

DONE.

  Tapos na. Wala nang KAYO. Wala ng SIYA. at nag meron nalang ay IKAW. Kaya dapat sa mga oras na to, natututo ka nang tumayo sa mga sarili mong paa. Tapos na ang mga oras nyo. tapos na ang mga maliligayang sandali nyo na magkasama. tapos na ang mga pangarap nyong magkasamang binuo. tapos na. :)

ENJOY the moment.

  Enjoy-in mo nlang ang oras na single kana. Hindi kaba masaya? wala kana masyadong iisipin? Wala nang magagalit pag hindi ka nakapag text ng good morning o good night. Wala nang magagalit sayo. Pwede ka nang pumunta kung saan saan kasama ang mga kaibigan mo ng walang iniisip kung may magseselos ba o wala. Wala nang limitasyon lahat ng kilos mo, wala ka ng masyadong iisipin. Hindi kaba masaya? Enjoyin mo nalng ang buhay single. :D 

FEELING mo kayo pa?

  TAMA NA ANG PANGUNGULIT SA KANYA. Pakiusap, maawa ka sa kanya. gusto kana nyang kalimutan. at higit sa lahat, maawa ka sa sarili mo. Feeling mo kayo pa? Dapat sa mga oras na to, kinakalimuta mo na ang konseptong ng salitang Kayo. Kasi ang meron nalng ay IKAW at Siya at iniwan ka nya para sa IBA. 

GIVE UP.

  Sumuko ka ng umasa na babalikan ka pa nya. Sumuko ka na umasa na dadating ang isang araw nakakatok sya sa pintuan ng bahay nyo at sasabihin sayong, ikaw pa din ang mahal nya. Tama na. Umalis na sya sa buhay mo at wala nang rason para muli mo syang tanggapin pa. Wala nang rason para umasa ka pa sa mga bahay na alam mo, na walang katuturan at walang patutunguhan. Hindi masamang sumuko kung alam mo naman na wala na talagang pag asa. 

HOPING ka pa kasi.

  Umaasa ka pa din kasi. Dapat magkaroon ka ng solidong desisyon kung gusto mo na talagang mag move on o patuloy ka pa ding mag papakatanga sa kanya. Huwag mo nang patagalin pa ang pagdurusa mo, maawaka sa mga taong nagmamahal sayo, sila ang nasasaktan para sa’yo, higit sa lahat maawa ka sa sarili mo. Sa mga oras na ‘to, hindi masamang mahalin ang sarili, hanapin at yakapin mo ang sarili mo ng mabuong muli ang puso na minsan mong pinagkatiwala sa maling tao.

ITAPON mo

  Itapon mo na lahat ng bagay na nakakapag paalala sayo sa kanya. Itapon mo na ang bigay nya sayong kendi, chocolate, mga pictures nyong magkasama, pictures nyong magkatabi, yung couple ring nyo na binigay nya sayo nung monthsary nyo, yung bouquet ng flowers na binigay nya sayo na kahit tuyo’t na tinatago mo pa din. Tandaan mo, hindi masamang gawin tong mga ito, isa kasi sa hakbang yan para mas madali mo syang makalimutan.

JUSTICE.

 Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo, hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, kung bakit ka nya iniwan, bakit bigla syang di nagparamdam, bakit hindi mapanatag ang loob mo. Karapatan mong malaman lahat ng iyan dahil yan ang makakatulong sayong tanggapin ang lahat. Para malaman mo rin kung saan ka nag fail sa relasyon nyo, o talagang malandi lang sya at makati na humanap ng iba. Alamin mo. 

KEEP it up.

  Kung sa tingin mo umaabante ka na. Keep it up! :D Tuloy mo lang yan! Wag mong madaliin ang lahat, tandaan mo na hindi ito, “kung sinong unang magkakaroon ng bf/gf sya ang panalo” dahil ang break-up ay hindi paunahan. kung abutin ka ng buwan, taon, dekada o milenyo pa man yan, ang mahalaga, step-by-step :D at makakasigurado ka na handa ka nang humarap sa panibagong yugto ng buhay mo.

LILIPAS din yan

  Masakit ba? Hayaan mo lilipas din yan. Para lang ding gutom yan, makakaramdam ka ng sakit, pero di tatagal lilipas din, kailangan mo lang tiisin panandalian,at dadating ang sandaling mabubusog ka na nmn ng pag mamahal. :D kaya chin up kapag nasasaktan ka, :) maging mas malakas ka kasi dadating ang sandali sa buhay mo na hindi ka na ulit malilipasan.

MAKE yourself busy

  Gawin mong busy ang sarili mo. Humanap ka ng bagay na makakapagtuonan ng pansin, mag aral kang mag gitara, kumanta o sumayaw. discover something about yourself. Umakyat ka ng sagada, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, umakyat ng bundok, isigaw mo hanggang maamaos ka. Puntahan mo lahat ng simbahan n gusto mong puntahan,magdasal ka. Ang daming pwedeng gawin :D mamili ka kung saan ka mas komportable at magiging masaya :D para mas makalimutan mo sya. 

NOT now.

  HUWAG MONG MADALIIN. Kung pakiramdam mo handa kana.For God’s sake, hindi kapa handa. Siguraduhin mo muna. I-double check mo muna ang istado ng puso mo. Kung handa ka na ba sa mga susunod na mangyayare. Kung handa ka na bang mag tiis ulit sa mga bagay na hindi mo ineexpect? Siguraduhin mo muna ang mga bagay-bagay. dahil kung ang sagot mo ay hindi pa, Hindi pa ito ang oras para diyan. Hayaan mo munang mag hilom ang malalim n sugat na naiwan sayo.

Okay lang maging bitter. 

  Uulitin ko,okay lang maging bitter. Nasaktan ka e. Itapon mo lahat ng bigay nya sa’yo, sabihin mo sa lahat ng couple na makikita nyo sa daan na walang forever! okay lang yan. Magpost ka ng nararamdaman mo. Magstatus ng mga hugot, na hugot na hugot. okay lang yan :D nasaktan ka, kung yan ang bagay na mas makakalimutan mo sya, Go! Suportado ka naming mga sawi. :D 

PRAY.

  Magdasal ka. Ito ang bagay na sigurado akong pinakamakakatulong sa’yo. Guard your heart. sa mga taong sasaktan ka lang ulit, samga taong madaming sinasabi tungkol sayo. Guard your heart. And always take time to pray. God is still writing the best love story for you. :D nasaktan ka man ngaun, malay mo, nasa introduction ka palang :D Tandaan na ang relasyon dapat may tatlong H, : HAPPY, HEALTHY, HOLY. :D 

QUOTA ka na sa drama

  Tama na ang drama. Hindi ka pa ba nag sasawa? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi ka nalang nakasimangot, gusot ang mukha, at nakamukmok kung saan saan :D  Tama na kaka simangot mo :D sobra na, dadagdagang kulubot sa mukha mo at mabilis kang tatanda :D Exercise your zygomaticus major. Smiile. :D

REMEMBER na may someone out there

  na may taong nakalaan para sayo, na madami pang tao jan sa paligid mo, nag aabang. maaring sya ang tiga punas ng luha sa mga mata mo ngayon, maaring sya ang taong laging nanjan para sa’yo even when all the odds are against you, maaring sya ang taong anjan para sayo sa oras na pinapaiyak ka nya, inaantay lang nya na mapansin mo sya. madaming taong nagmamahal sayo, ang kailangan mo lang ay buksan ang mga mata mo at ang puso mo para sa tamang tao.

SAY SORRY.

  Manghingi ka ng kapatawaran sa kanya. Siguro ito lang din ang hinihintay nyong dalawa. Mahirap oo, lalo na kung hindi ikaw ang nagkulang, pero alam namn natin na lahat tayo, nagkakamali, nakasakit at nagkulang. Siguro take this chance para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa mo. hayaan mo syang lamunin ng konsyensya nya. 

TANGGAPIN. TIGILAN. TANTANAN.

  Tatlong bagay na sigurado akong mahihirapan ka, pero kailangan mong tanggapin para mas mabilis mo syang makalimutan. Para mas madali ang paghilom ng mga sugat na naiwan sa puso mo. Para hindi na din kayong dalawa mas mahirapan pa sa sitwasyon nyo. Mas mapapadali kung iblock mo sya sa lahat ng social media na meron kayong koneksyong dalawa. Para wala kang nakikitang bakas mula sakanya. 

UNLOVE?

  “How do I Unlove you” - unlove. (ʌnˈlʌv) verb (transitive)archaic, literary, humorous to stop loving.  Sa totoo lang hndi ko alam ang sagot, wala namn sigurong paraan to stop loving someone. Makakalimutan mo sila pero naging parte pa din sila ng buhay mo na minsan sa buhay mo naging masaya ka sa piling nila. 

VICTORY

  Kailan mo ma-cla-claim ang victory? Siguro when you are over him/her. Kapag nakakapunta ka na sa lugar na hindi mo kayang puntahan dati, Kapag nakakain mo na ang paborito nyong ulam? Kapag nkikita mo ang picture nya, kahit may kasama pa syang iba, okay lang sayo. siguro kapag nagagawa mo n ang bagay na dati ay hindi mo kayang gawin ng wala sya. :) kapag nasasabi mo na sa sarili mong nakamove-on kana. Kapag handa ka ng salubungin ang isang umaga ng wala sya. Walang makakapag sabi nyan, kundi ikaw lang :D 

WAIT for the right time.

  Antayin mo ang oras na handa ka na sa lahat ng bagay. Tandaan mo, kapag minamadali ang isang bagay, it will end up messy. it will end up regretful. May oras para sa lahat ng bagay :D matuto tayong tanggapin ang katotohanang ito :D Oras para matuto, Oras para maging masaya, Oras para masaktan at Oras para mag move-on.

X.

  TANGGAPIN MO NA X MO N SYA :D Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Tanggapin mo na wala na sya. Wag kang gagaya sa mga Math professors na panay pinoproblema ang mga X nila. Masyado na silang madami, hayaan mo na sila. Ikaw, mas mag focus ka nalng sa buhay mo ngayon at tandaan mo sya bilang X mo, na minsang naging parte ng buhay mo, minsang nagbigay ng kulay sa malungkot mong mundo, at minsang nakasama mong mangarap. na ngayon ay isang mapait na alaala na lamang.

YOLO.

  You Only Live Once. But if you live it right, once is enough. Mag walwal ka kung gusto mo, enjoyin mo muna ang mga sandaling wala na sya. Life is too short para mag mukmok kapa sa isang tabi. Life is too short para sayangin mo ang luha mo sa mga bagay na wala namng kwenta. Kaya pick-up yourself from being down and smile :D a bright day is coming my friend :) 

Zzzzz. 

 Matulog ka. Ipahinga mo ang sarili mo maingay na mundo. Itigil mo na ang pagluha mo sa unan mong binabasa mo na namn ng luha mo. Lumayo ka muna sandali sa realidad. Lumayo ka mna sandali sa mundong maingay. Madaming tanong kung bakit, paano, anong kwento, at kung ano ano pa. ilayo mo muna ang sarili mo sa lahat ng to. Magpahinga ka. You’ve fought a great fight. Reward yourself. 


  sa huli, ikaw pa din ang makakapag dikta kung paanong paraan ka mag momove-on, walang makakapg sabi sayo kung paano, kasi magiging desisyon mo pa din kung paano ka mag momove on. walang makakapag sabi sayo kung ano ang tama at mali, kasi ikaw pa din ang nakakaalam kung anong paraan ang magiging mas maganda at makakatulong sa’yo. Ang mahalaga, kahit matagal, kahit mahirap, kahit ilang up and downs ang maranasan mo, ang pinakamahala ay bumangon ka mula sa pagkakadapa mo at natuto. :D Mahalin ang sarili sa mga oras na ito at wag kalimutang enjoyin ang mga sandaling malaya ka. Lagi ding tatandaang Wag sosobra, dahil lahat ng sobra ay masama. :) 

Tayo lang

Gusto ko doon tayo sa malayo. Sa maraming puno at malapit sa tabing-dagat. Malamig ang simoy ng hangin. Maririning mo ang mga hampas ng alon sa baybayin. Doon sa bahay nating gawa sa punong-kahoy pero matibay. Yung tatagal, yung tatagal talaga. Yung tambayan natin sa duyan at mag-uusap tayo kung ano nasa isip mo at kung ano ang nasa akin. Sasabayan ko ng ugoy ang mga halakhak mo. Sarap sigurong manirahan doon. Walang usok, walang ingay at tahimik. At nagliliwanag pag gabi dahil sa mga bituin at buwan. Doon sa malayo ang gusto ko, tayo lang.

Habang tumatagal, mas marami akong natututuhan sa ‘yo at sa relasyon natin. Habang tumatagal, dumadalang ‘yung ‘I love you,’ ‘miss na kita,’ at marami pang iba. Tumatagal na tayo kaya nagiging ‘gawa’ na ang mga ‘salita.’

Walang tinamad, nasanay lang. Walang hindi nagbago. Magbabago at magbabago ang lahat. At kapag nalampasan ang mga ‘yun, du’n tayo mas lalong tatagal.

Ginising ako ng isang kalabog, isang pakiramdam, isang pagtibok. Naalala kita. Naalala ko yung mga gabing pinilit kong pigilan ang antok para makausap ka. Naalala ko kung paanong sa bawat pagpaparamdam ko ay tila para kang musmos na walang kaalam-alam. Naalala kong sa bawat ngiti at tawa mo, hindi naman ako ang dahilan. Naaalala kita, sa bawat bulaklak, sa bawat lugar, sa bawat kanta. Hanggang kailan ito tatagal? Hanggang kailan ako aasa? Hanggang kailan ako sasandal sa pader na tila ako lang ang nakakakita?
—  // naaalala pa rin kita kahit nakalimot ka na
Pansamantala
— 

Dumating na nga ang kinatatakutan ko
Ang nag iisa akong iwan mo.
Ang umabot na sa dulo ang kapaguran mo, ang sumuko sa pagmamahal ko.

Kahit ilang araw na ang lumipas
Kahit ilang buwan na ang nagdaan
Umaasa pa din ako, na isang araw
babalik ka’t isang araw ako'y mahal pa

Pansamantala lang muna tayong mawawala, pansamantala lang muna
tayong bibitaw sa isa’t isa. Aasa ako na lahat ng sakit na ito ay pansamantala

Titiisin ko, ika'y hihintayin ko
Kahit gaano pa katagal ang pansamantala mo, ako ay maghihintay
kahit ilang buwan pa ang magpakita

Alam ko itong sakit na ito ay pansamantala lamang, alam ko ito'y di tatagal, alam ko, mahal mo pa ako, alam ko may silbi tong paghihintay ko

Kaya kung sakaling hanapin mo ako
Andito lang ako, sa loob ng kwarto
Hinihintay ang pagbukas ng pinto
Hinihintay maski ang anino mo

Na magpasilay, bago man lang ang puso ay humimlay, sa pagmamahal ko sayo na alam kong pang habang buhay
Pero sana ako'y huwag abusuhin

Pero sana huwag naman tagalan ang paghihintay, dahil ako'y napapagod din, tao lang ako na may dulo ang pansamantala ko.

Kaya sana, habang kaya pa
Hanggang kaya ko pa
Bilisan mo ang paglakbay, patungo sa paghanap sa sarili

Kaya sana, kahit lulan mo ang maraming kaguluhan sa isip, maalala mo man lang ako, kahit sa panaginip
Na ako sana'y makita mo, hinihintay ka at ang pagbalik mo.

Nami-miss mo na ba sila?

  

Nami-miss mo na ba silang panooring maglaro?

  

1. ‘Yong tipong kebs kung buwis-buhay ang tumbling at dive nila, basta makuha lang ang bola?

  

2. Eh 'yong mga paandar na sets at dump ball ni Jia?

  

 

3. Eh 'yong mga hampas sa bola na akala mo wala nang bukas?

 

 

4. 'Yong mga block na wagas ang tatag at hindi matitibag?

 

  

Nami-miss mo na ba makita ang 'happy fighting’ sa court?

  

5. 'Yong kung mag-celebrate, akala mo, nanalo sa lotto!  

  

 

6. 'Yong nakakahawa ang tawanan at kulitan nila sa court?

  

 

7. Eh 'yong cute na chismisan nila sa gitna ng laro, namimiss mo?

 

  

8. Pati kaya 'yong minsang down na sila pero panay pa rin sila tawanan? HAHA.

  

 

  

Nami-miss mo na bang makita kung gaano sila ka-close as a team?

 

9. 'Yong ang lakas maka-pump up ng high fives nila?

  

  

Sa sobrang hilig nga nila sa high five, pati sa kalaban, nakikipag-apir sila eh. Char lang.

  

  

10. Pati 'yong mga pasimpleng apir nila para i-console ang teammate, lalo na kapag lamang ang kalaban. Aww.

  

  

11. Pati ang yakapan nila as teammates na nakaka-touch panoorin.

  

 

12. Pero ang totoo niyan, minsan si Kiwi, lost sa yakapan. LOL

  

  

13. Pero nakaka-miss din kapag seryoso na sila, di ba? Kapag hindi na maipinta ang mga mukha nila, matakot ka na.

  

  

14. Pati kung paano sila makipaglaban para sa isang point! OUT NGA EH. HINDI, CHECK BALL! AYY, LINE BALL!

  

  

Pero kapag hindi mapakiusapan ang referee, daanin na lang sa tingin. Pak. Makuha ka sa tingin!

  

  

15. Eh kasi naman sila, may simpleng tinginan din. HAHA

  

  

16. Minsan pa, may simpleng choreo din!

  

  

17. Pero minsan din, akala mo mga ballerina!

  

 

18. Pero ang totoo, minsan, nakakamiss lang talagang makita ang bawat galaw nila sa court. Makita sila sa ere, gan'yan.

 

 

19. O kaya makita sila sa court. As in lapag, lagapak. Gan'yan. Chos lang.

 

  

Ang totoo niyan, nakaka-miss lang kasi talaga sila, ang bawat isa sa kanila.

  

Di bale, ilang tulog na lang (mga bente), mapapanood na natin ulit sila.

 

Konting hintay na lang.

Konting kapit.

  

Excited ka na ba?

Ikaw, ano'ng nami-miss mo sa kanila? :)

  

2

Naalala mo pa ba yung mga araw na meron pa “tayo” sa ating dalawa? Naalala mo pa ba yung mga binitawan natin na mga salita. Naalala mo pa ba yung mga panahon na kuntento na tayo sa isa’t isa. 

Sabi mo noon masaya na ako sayo” “andito lang ako palagi sa tuwing kailangan mo ako” “ikaw lang ang mahal ko” “hindi ako katulad nila” mag tatagal tayo” hindi kita i-iwan”. Sobrang sarap sa pakiramdam na mag karoon ng taong katulad mo na para bang, ako na ang pinaka swerte na tao na makaramdam ng pag mamahal na ganon. 

Pero isang araw, nag bago ang ihip ng tadhana sa ating dalawa. Bigla nalang nag bago ang nasa isip mo. Bigla mo akong iniwan at sinabi mo nalang na Ayoko na” Pagod na ako” Hanggang dito nalang tayo” “Tapos na tayo”

Biglang gumuho ang sarili ko sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga ‘to. Dahil akala ko ikaw na, ikaw na ang tao na makapag papatunay saken na hindi ka katulad nila. Pero nag ka-mali ako, katulad ka rin pala nila. 

Akala ko sapat na kung ano meron sa ating dalawa, pero may kulang pa pala. Akala ko ako lang talaga, pero nag hahanap kapa pala ng iba, Akala ko mag ta-tagal tayo, pero pansamantala lang pala. Akala ko hindi mo ako iiwan dahil sabi mo mahal mo ako. Pero ang sabi mo, hanggang dito nalang tayo patawad, mahal ko.

Isang Pagsusuri sa Tipo ng Taong Hindi Minamahal

// 032016

Minsan akong nasabihan na hindi raw ako yung tipo ng tao na minamahal, na hindi raw ako yung tipo ng tao na inaalagaan, na hindi raw ako yung tipo na pangmatagalan.

Na ang mga mata ko raw ay tila apoy na hindi marunong hindi pumaso. Na ang alam lang ay magliyab habang ang puso ng karamihan ay gawa sa yelo, wala raw tatagal sa piling ko. Matutunaw na lang sila at hindi ko pa mapapansin, hanggang ang puso nila'y maging dagat na lang na hihilahin ako pailalim. Ikalulunod ko raw ito.

Sige, ang mga mata ko ma'y apoy, init naman nito ang bubuhay sa ‘yo. Init nito ang magbabalik ng pakiramdam sa katawan mong nasanay sa ginaw. Sa pag-iwan. Kalamnan mo na ang hahanap ng init, naghahanap ng ibang klase ng pagnginig At ako man ay lunurin ng dagat mong ako rin ang salarin, tandaan mong handa akong kaibiganin ang iyong mga multo, ang lahat ng mga kalansay na iyong binaon sa limot, bawat hampas ng mga alon, lahat ng paghagupit ng bagyo, lahat ng pwedeng ikalunod, lahat ng nalunod na.

Gahaman ako sa pagmamahal, gusto kong malaman ang lahat hindi para masaktan ngunit para maintindihan. Apoy ang laman ng mga mata ko hindi dahil intensyon ko ang makasunog, apoy sila dahil minsan, masyado nang madilim ang mundo. At bakit ko pa ipagkakait ang liwanag at init na dala ng mga mata ko?

Ang mga labi ko raw ay parang lason, lason na unti-unti kang pinapatay. Lasong sa dugo hahalo nang walang kahit anong parte ang iiwang buhay. Mararamdaman mo ako sa lahat, hanggang sa mga tagong sulok mong pilit sinisikreto. Hilig ko ang mga bagay na hindi alam, na hindi naiintindihan. Mararamdaman mo ang mga labi ko kapag naalala mo ang mga bagay na minsan mong sinubukang itago. Mararamdaman mo ako sa lahat.

Maiintindihan mo na ang konsepto ng pagpaparaya at pagtanggap. Pagpaparaya sa ideya na hindi ka karapat-dapat mahalin dahil lang sa dilim na hindi nila kayang tanggapin; at pagtanggap na may mga tulad kong handa kang sagipin.

Ang paghawak sa kamay ko ay para raw pagtawid sa isang tulay na gawa lamang sa kawad at baging, walang kasiguraduhan kung kailan ito bibigay. Kakalas. Bibitaw. Maaari na lang masira bigla, at bangin ang kahuhulugan. Kamatayang hindi damay ang katawan, isang pagkahulog na mabilisan, isang pagkahulog na puso ang puhunan.

Ang puso ko raw ay isang abandonadong simbahan, naghahangad na lamang na maging buo muli, nagpapanggap na lamang na akala mo ay tulad pa rin ito ng dati. Naghahangad muli ng masugid na babalik.

Inaamin ko, ang puso ko’y minsan nang inabandona; ngunit alalahanin mo, na ang ibig sabihin nito ay sa akin ay minsan ring may naniwala. Minsang may nagdasal para sa isang mirakulo, minsang may nakuntento sa payapa na dala ko, minsang may hindi natinag ng kung ano dahil lang alam niya na ang kasangga niya sa lahat ay ako. Minsan ring may nagmahal at nag-alaga, siniguro na ako rin ay kumpleto. Minsang may bumalik, minsang may umalis, minsang may nanatili. Minsang may pumili. Minsan akong pinili.

Kaya para sa mga nagsasabing hindi ako ang tipo ng taong minamahal, siguro nangyari lang na hindi ikaw yung tipo ng taong kayang magmahal sa isang tulad ko. Nangyari lang na hindi ako ang pipiliin mo. Na hindi ang tipo ko ang kaya ring magmahal sa isang tulad mo. Nangyari lang siguro na may mga tipo ng pagkaguho na hindi kaya ng lahat makaligtas. Isa na tayo rito.

Hindi ako madaling mahalin, may mga gabing mas mahal ko ang kalungkutan ko kaysa sa kahit kanino.

Hindi ako madaling mahalin, minsan nakakalimutan kong hindi ako mag-isa. May mga araw na init lang ng araw ang kaya kong madama.

Hindi ako madaling mahalin, mahirap akong intindihin.

Hindi ako madaling mahalin, pilit kitang iintindihin. Kahit ayaw mo na. Kahit hindi ka na sa akin. Lalo na’t pag ayaw mo na sa akin. Iisipin pa rin kita.

Hindi ako madaling mahalin, iisipin ko kung saan ako nagkamali. Kahit pa hindi ako ang nagkamali.

Hindi ako madaling mahalin, marami akong iniisip. Parati akong may iniisip. Marami akong gusto. Marami akong pangarap, hindi ko alam kung paano itali ang sarili ko sa ngayon.

Hindi ako madaling mahalin, minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko.

Hindi ako madaling mahalin, sa iilang bagay lang ako sigurado. Pero pag ako ang nagsiguro, hindi mabilis umatras ang puso ko.

Hindi ako madaling mahalin, mararamdaman mo ang pagpigil ng puso kong umatras, lalapit ako.

Hindi ako madaling mahalin.

Hindi ako madaling mahalin, mabilis akong mahulog, mabilis akong masaktan, pero dapat ko bang ihingi ng tawad ang puso kong marami lang kayang ibigay na pagmamahal?

Hindi ako madaling mahalin.

Hindi ako madaling mahalin, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi rin ako karapat-dapat sa hiling kong pag-ibig.

anonymous asked:

EH PANO KUNG NONE OF THE ABOVE AKO SA NABANGGIT MO. FRIENDS PA RIN BA? 🙈👀

Oo naman hahaha kasi imposible mo naman ako maging crush eh. La kagusto gusto sakin fucked up hahahaha pati friendship lang nag tatagal hahaha

"MERON BANG FOREVER?" ( ULTIMATE RANT NG MGA BITTER KAY FOREVER )

BITTER #1

“Ang kasunod ng November, December. Ang sunod sa December January na ulit… and so on. Lintek. Kalendaryo na ang nagsasabi. Walang forever! Marunong ka pa  kay Julius Cesar. Kung gusto mong magka-forever, gumawa ka ng sarili mong kalendaryo. Palagyan mo ng forever! ”

BITTER #2

“Ang forever ay parang kagandahan mo. Ilusyon lang. Ang ‘forever’ ay isang literal interpretation lamang ng mga taong nakadroga sa pag-ibig.”

BITTER #3

“YumOLO ka na ng YumOLO tapos maniniwala ka sa forever. Shabu pa?!”

BITTER #4

“Walang forever. Lifetime lang. Oh baka naman gusto lang lumandi ng kaluluwa mo hanggang kabilang buhay?”

BITTER #5

“Walang forever. Porn-ever meron. Nuod pa more!”

BITTER #6

“Walang forever. Dinaig mo pa zombie. Umattend ka ng kasal para malaman mong hanggang ‘Til death do us part lang.”

BITTER #7

“Kahit itanong mo sa corned beef na nasa lata. Walang forever. Lahat may expiration date.”

BITTER #8

“Dapat "I will love you 'til we’re 85.” Hanggang 85 lang. Walang forever! Imortal?!“

BITTER #9

"Walang forever. Pero may happy ending. Ano pa bang gusto?”

BITTER #10

“Hooh! Nilagyan pa talaga ng more yung forever. May 'Forever’s not enough’ pang nalalaman,  Patunayan niyo munang aabot ng monthsary.”

KUNWARI HINDI BITTER

“Kung hindi mo naranasan ang forever sa kanya, malay mo sa tamang tao para sa'yo. Kapag sinabi mong walang forever, para mo na ring tinanggap sa sarili mo na walang tatagal sa'yo. Wag mong sirain ang konsepto ng pag-ibig dahil lang sa maling tao ang pinapasok mo sa buhay mo. Kahit anong ingat ang gawin mo, lahat ng bagay ay natatapos. Pero hindi ibig sabihin wala ng forever dun. Ang forever ay sa kung paano niyo na naramdaman sa maikling panahon yung kakaibang saya na “Parang hindi na kayo matatapos”. 

Sa sobrang dami ng problemang dumadating sa buhay mo, sa sobrang lungkot mo, sa sobrang dami mong iniisip, gulong gulo kana sa ngyayari sayo. Minsan iniisip mo, bakit ba ganto yung ngyayari saken? Bakit ganto ako naguguluhan sa mga ngyayari, bakit ang daming problemang dumadating.

Sa panahon ngayon, mabilis dumating ang problema. Andyan lang yan tapos biglang darating. Hindi pwedeng walang problemang dumating kasi dyan tayo tinetest ni God kung hanggang saan natin kayang labanan yung problema. Sabi nga diba, Problema lang yan, Kaya natin yan kasi hindi tayo papabayaan ni God.

Sabihin niyo lang sa sarili niyo na “Sige lang po, bigyan niyo lang ako ng problema, mag bigay lang kayo ng mag bigay kasi alam ko namang makakaya ko yon dahil hindi niyo ako papabayaang labanan yon ng mag isa dahil andyan ka.“ Dapat maging matatag at labanan natin lahat ng dumating na problema satin. Kasi doon natin malalaman kung gaano tayo katapang at kalakas para labanan yon. Sa lahat ng problema, may solusyon ika nga nila.

Pwede mong i-iyak yung mga nararamdaman mo, yung pag overthink mo, yung sakit na nararamdaman mo, iiyak mo lang ng iiyak. Oo alam nating manghihina ka pero siguraduhin mong pupunasan mo ang luha mo at mag paka tatag ulit. Wag na wag mong sasabihin na “Hindi ko na kaya”, “Pagod na ako”, “Ayoko na” kasi hindi rason ang mag give up sa isang problema dahil kailangan mo itong tapusin at solusyonan kung pano mo ito matatapos.

Kayanin mo, Kakayanin mo, dahil kailangan mong kayanin para sa sarili mo. Wag kang mawawalan ng pag asa. Kailangan mong maka bangon at maka tayo sa sarili mong mga paa. Tulungan mo ang sarili mo dahil kahit anong anggulo man natin tignan, ikaw parin ang tutulong sa sarili mo. Mag dasal ka lang kapag may problema ka dahil hindi ka papabayaan ng Panginoon.

Paano ba magkaroon ng matatag at matagal na relasyon?

Wala naman talagang “ways” para tumagal at tumatag ang isang relasyon eh. nakadepende kasi ang lahat sainyo ng partner mo. Magtatagal yan kung pareho niyong gustong magtagal. Kung pareho kayong magbibigay ng time & effort sa relasyon niyo at magkasama niyong sinosolve ang bawat problemang dadating sa buhay niyo. Pero kung isa lang sainyo ung may kagustuhang mangyari un, i don’t think na mag tatagal at tatatag yan tulad ng sa iba.

It’s a matter of give and take ika nga. Hindi pwedeng ikaw lang ung give ng give habang siya take ng take lang. Dapat fair. Dapat equal.

I repeat, nakadepende sa dalawang tao ang isang relasyon. Dalawa ha! Hindi isa, hindi tatlo. Dalawa. Ikaw at yung partner mo. Kung ikaw lang ng ikaw, friend mamapagod ka lang at ang end point? Masasaktan. Kung nakikita mong ikaw lang ang gumagawa ng move, pag-usapan niyo na habang maaga pa. Wala namang problema na hindi nadadaan sa matinong usapan diba? :-)

Nawalan na naman ako ng taong mapagkakatiwalaan ko pero alam ko ako rin yung may kasalanan kung bakit ganon ang nangyare. Hindi ko rin naman masisisi ang mga taong dumadaan lang sa buhay ko at bigla rin aalis. May tatagal nga pero habang patagal ng patagal, palaho rin ng palaho. Kaya nakakatakot ng tumanggap ng tumanggap ng tao sa buhay mo eh, dahil lagi na lang nawawala. May mga pumapalit nga, aalis din naman. Ayoko na, sawa na ako.

Akin ka na lang. Isang mga salitang sadyang parang ang daling sabihin pero ang hirap hirap gawin, ang posilibleng mangyare hindi dahil sa hindi mo kaya, hindi dahil sa torpe ka, hindi dahil sa wala kang pagasa, ng dahil na hindi talaga siya ang taong para sayo, o pwede na nating sabihin na hindi ako ang taong para sakanya, for short hindi kami para sa isa’t isa. Ang hirap nu? bigla kang makakaramdan ng isang emosyon, pag-ibig, paghanga sa isang taon siguro minsan ng parte ng buhay mo hanggan sa nagkaroon ng halaga na ng hindi mo namamalayan tapos biglang titibay ng kasing tatag ng kawayan at lalalim ng kasing lalim ng balon, aasahan mong masaya ka at siya sayo, aakalain mo na ang kamay niya ay para sayo, mga matamis na oo na hanggan dulo pero isang araw maiintindihan mo na hanggan dun lang pala yun. Na hanggan dun lang, hindi kayo para sa isa’t-isa dahil hindi yun ang plano na nakalaan para sainyo. Siguro dahil hindi talaga? o dahil sa hindi pa, o baka nga hindi talaga at susunod ang mga katagang sana akin ka na lang.