talukap

sa likod ng mga talukap

Kalimitan, kapag hindi ko na alam ang gagawin ko, iiiyak ko na lang. Unli ata ang supply ng luha ko. Minsan, nakakaumay na, pero sige pa rin. Yun na lang eh. Yun na lang ang nakikita kong paraan para hindi naman ako masyado masaya. Kasi kapag itinawa ko nang itinawa baka naman maluka ako, o mapagkamalang luka-luka.

Malimit alam ko kung anong gusto ko, at ginagawan ko ng paraan makuha ko lang ang gusto ko. Pero kapag hindi ko nakuha, ganun ulet. Iyak ulet. Paulet ulet. Kaumay. Umay ka na? Ako rin umay na. Pero nasanay na ang mga talukap ng mata kong nababasa nang bahagya. Nadidiligan kumbaga. Pero patuloy pa rin akong nabubuhay. Minsan nang naisip magpatiwakal, pero hanggang isip lang yun. Kaya pa matuloy, mahal ko ang buhay ko ano. Lalo na ngayon, may asawa’t anak na ako. 

Hindi ko naman talaga gustong umiyak na lang, at iiyak na lang kapag desperado na ako. Minsan, kusa na lang s'yang dumadaloy. Kamusta naman s'ya? Awtomatik eh. Palibhasa alam ng mga mata kong hindi s'ya kayang linlangin ng aking isipan. Kaya sige lang nang sige. Hangga’t may supply ng luha, patuloy ang demand ng pag-iyak.

Sa ngayon, nakapagsulat na naman ako kasi OO stressed-out na naman ata ako. Hindi lang naman kasi pera ang pinoproblema ko, kundi ‘yung mga nagiging problema dahil ng pera ang ikanababahala ko. Alam ko, 'pag nagkatrabaho ako, hindi na ganun kabigat ang problema…baka mas mabigat. :(

Nagiging nega na ata ako. Hindi ako ito. Nasaan na ako?? Yung kahit naiyak, positibo pa rin?? May humiram ba sa akin??? Ibalik mo ako, awa na. Kung hindi, kakainin ako ni Depresyon at Kalungkutan.

Sa mga oras na ginagawa ko ito, hindi ako naiiyak o naluluha man lamang. Out of stock ata ngayon. Pero heto ako, stressed out pa rin.

Hanggang kailan ako magiging ganito.. Mamaya? Bukas? Makalawa? Okay na kaya ako? Ang dami kong hinihintay at inaabangan. Nahihiya na akong humiling pa sa Diyos. Kung ano na lang ibigay niya malugod ko na lamang tatanggapin.

Haayy.

Buti na lamang nandiyan ang asawa at ang anak kong sobrang cute.

Yan naiiyak na ko, pero tears of joy ata ito.