talambuhay

I'M SAVING A COPY FOR FUTURE USE.

Isa akong tigang na lupa: naghihintay sa ulang kailanma’y ‘di ko mararanasang matikman na siyang papawi sa kauhawang aking nararanasan. Kauhawan sa tunay na pagmamahal ng aking pamilya sa kung sinuman ako.

Isa akong normal na bata, sa aking pagkakaalam, maituturing na biyaya sa mag-asawang WIlfredo at Beverly Paeste. Isinilang ako limampu’t walong taon ang nakalipas pagkapanganak ng dating Pangulong Estrada. Tubong San Manuel, Pangasinan ang aking mga ninuno kaya’t dugong Ilocano ang nananalaytay sa aking mga ugat, doon din ang lugar na aking sinubulan. Dahil dito, alam kong magsalita ng Ilocano. Lumipat kami sa lungsod ng Urdaneta noong ako’y apat na taong gulang sa kadahilanang mas sagana ang trabaho roon. Ito’y para rin sa aming lumalaking pangangailangan at upang mapaghandaan ang isang maganda at makulay kong kinabukasan. Mayroon din akong nakababatang kapatid, isinilang noong ika-17 ng Marso, taong 2000, Wilkey Bjorn ang kanyang ngalan, kakaiba rin gaya ng sa akin. Paborito siya ng aking lolo dahil siya’y mas lalake kaysa sa akin. Paborito siya ng aking lolo kasi mas binibigyan niya ito ng pansin kaysa sa akin. Paborito siya ng aking lolo dahil kahit mas mataas ang ranggo ko sa paaralan, siya pa rin ang mas nakakapagpasaya sa kanya. Mas mahal nga ng lolo ko ang aking kapatid. Hindi ata matatanggap ng aking pamilya ang katotohanang kanilang malalaman pagdating ng panahon. Kinakailangan ko pang itanggi ang aking kalagayan at tunay na nararamdaman kapag tinatanong nila ako ng ‘bakla ka ba?’

Noong ako’y nasa elementarya, ipinasok ako sa isang pribadong paaralan, malayo sa pampublikong paaralang aking pinasukan noong ako’y nasa Nursery, Kinder, at Prep. Hindi ko pa ramdan ang pagbabago ng aking puso’t isip noon. Basta ang alam ko, isa akong bata. Noong ikaapat na baitang, lalake pa nga ang mga kasama ko, ang mga matatalik kong kaibigan. Ngunit iyon ay nag-iba sa paglipas ng panahon. Tila nawili ako sa pagsama sa mga kababaihan. Sila na rin ang nagsilbing bagong matatalik kong kaibigan. Sila ang nagsilbing kasama ko sa mga panahong ako’y nasa baba at sa panahong ramdam ko ang kaligayahan. Dahil din siguro sa kanila, nagtapos ako ng may Pangalawang Dangal na nakasabit sa aking leeg. Alam kong masayang-masaya rin sila para sa akin kahit papaano, ganun din ako at pati na rin siguro ang aking pamilya. Kahit papaano siguro’y ipinagmalaki nila ako noong araw na iyon. Sa ibang dako ng kasiyahan noon gaming pagtatapos, hindi ko maikakailang naramdaman ko rin ang pagkalungkot at pagkabalisa, magkakahiwalay na kami ng mga ‘bestfriends’ ko. Iba-ibang paaralan ang aming papasukan. Malimit na rin siguro kaming makakapagkita at makakapag-usap.

Napasok ako sa isang pampublikong paaralan, Urdaneta City National High School. Nagdaan ako sa mga serye ng pagsusulit kaya’t nahanay ako sa unang seksyon ng Special Science Class, ang paaralang ito lamang ang nag-aalok nito sa buong Urdaneta. Hindi naman maipinta ang aking mukha sa sobrang pagkatuwa, kasama ko rin kasi ang aking tatlong kaklaseng pinalad kagaya ko. Magiging kaklase ko ulit sila, sabi ko sa aking sarili. Masayang-masaya ako noon. Dahil nga’t nasa pinakamataaas akong seksyon, mataas din ang ekspektasyon ng aming mga guro. Kailanma’y hindi ko sila binigo at pinatunayang karapat-dapat ako sa seksyong ito. Nagtapos ako ng may Ikaapat na Karangalang Banggit. Hindi ko inakalang makakamit ko ito sa aking pagtatapos sa hayskul. Binalot ako ng kakaibang saya na noon ko lang naramdaman. Hindi lang ito ang aking nakamit na karangalan noon aming Araw ng Pagtatapos, marami pa. Masaya rin ang mga kaibigan ko at ang aking pamilya.

Ang pagbulaklak ng tunay kong katauhan at paano ko nakikita ang mga bagay-bagay sa aking kapaligiran ay nangyari noong may isang pagkakataong nagkaroon ako ng isang ‘di maipaliwanag na naramdaman sa aking kaklase, isang lalake. Hindi ko pa siya lubos na kilala ngunit ako’y tila nahulog sa kanya. Sa tatlong buwang halos na kami’y magkaklase, hindi pa kami nakakapag-usap ni magkatabi sa upuan, ‘di namin naransan ngunit parang nararamdaman ko na ang ‘sparks’ habang palihim ko siyang tinititigan, akin naman itong binabawa kapag siya’y titingin sa akin. Dito ko naramdaman na may nagbabago na sa aking paniniwala. Dito ko naramdamang muli ang pagkauhaw sa pagmamahal na kalianma’y ‘di ko makakamit. Hindi niya ako kayang mahalin hindi tulad ng aking kayang gawin para sa kanya. Handa kong ialay ang aking buhay para sa kanya ngunit hindi ito maari. Hindi.

Alam ng lahat ng tao sa aming paaralan kung paano ako kumilos, mag-isip, at magsalita maliban na lamang sa mga tao sa loob ng amingbahay. Hindi ko iniisip ang kondisyon ko bilang isang kahinaan o ano pa man. Ginamit ko ito bilang isang instrument upang maging palaban at upang hindi magmukhang mahina at kaawa-awa sa mata ng iba at sa mga mapang-aping nialang na hindi tanggap an gaming uri. Hindi ko naman ginusto ito, nangyari na lamang ito ng biglaan kaya’t hindi ako nakapaghanda. Ngunit gusto ko ng magbago upang maituwid ang aking baluktot na pamumuhay.

Ang nagbibigay ng lakas sa akin at ng pakiramdam na karapatan kong tratuhin bilang isang normal na tao ay ang mga kaiban ko. Tanggap nila ako ng buong-buo. Ang saya nga lang kung iisipin mong hindi mo sila kadugo ngunit tanggap ka, samantalang ang iyong sariling kadugo, hindi ka magawang tanggapin. Alam na alam kong mahal nila ako at ganoon din ako sa kanila. Kaya nga napakahirap na lang sa aming na tanggaping magkakahiwalay-hiwalay na kami.

Noong Hunyo ay naramdaman ko na ang pakiramdam na nasa kolehiyo at ng pakiramdan bilang isang Mapuan. Ito na rin siguro ang pinakamalaking pagsubok na aking kailangan mapagtagumpayan. Naramdaman ko ang pagkawalay sa kanila. Magkakapati na kasi ang turningan naming sa isa’t-isa. Noong inaalala ko, panay ang iyakan at kahigpit ngaming mga yakap sa isa’t-isa, alam kasi naming doon na lamang ulit naming ito magagawa. Napakahirap makibagay sa bagong kapaligiran ko rito sa Maynila. Nahihirapan ako dahil wala na sila, wala na sila upang umalalay sa akin kung may problema ako at wala ng magpapatahan at magpapatigil ng pagpatak ng aking luha kapag ako’y umiiyak, wala na sila upang buun ulit ang aking mundo kapag pakiramdam ko’y gumuguho na ito. Naramdaman ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan na nagsilbing karamay mo sa lungkot at saya.

Ako nga pala si Wilbern Blitz Paeste. Noong makaraang araw lamang ay mayroong nagtanong sa akin kung totoo bang iyan ang pangalan ko. Ako naman ay natawa. Hinango ang pangalan kong Wilbern sa ‘Wil’ ng aking tatay at ‘Bern’ sa kapital ng bansang Switzerland. Ang pangalan kong ‘Blitz’ ay hango naman sa Blitzkrieg ni Adolf Hitler at sa Blitz Chess, isa kasing outstanding chess player sa aming probinsya, nakalaro niya na rin si Eugene Torre, isang tanyag na chess grandmaster. Ewan ko kung bakit European ang tema ng pangalan ko e, Pekinis dapat ang pangalan ko buti na lamang ay may sumanib na espiritu sa aking nanay at inibihan pa niya ito. Napakapakla kasi ng pangalan e.

 Sa kasalukuyan, isa akong mag-aaral ng Mapua Institute of Technology. Kasalukuyang nasa ikalawang termino ng unang taon. Pinagpapatuloy ko pa rin ang pagiging isang regular na mag-aaral ng Mapua upang makatapos ng nasa tamang oras. Kasalukuyan ko pa ring hinihintay ang pagmamahal ng aking pamilya sa kung anuman ako. Hinihintay ko pa rin ang pagtanggap nila sa akin.

g--o--o--d----but---not---b--a--d

Ang NoteBook ni Jhay Ang buhay ko ay nakasulat sa isang makapal na notebook. Siguro mayroong 300 pages na din iyon kung bibilangin. Ang lahat ng sikreto ko ay nakasulat doon. Ngunit sa bawat isang sikretong binubuksan ko ay isa-isa ko rin pinupunit ang bawat pahina nito. Kaya halos wala na itong nilalaman ngayon. Pero kahit papaano ay mababakas pa rin kung ano nga ba ang buhay ko. Hindi pa naman ganoon katagal iyon. Kaya maaalala ko pa rin. Naaalala ko pa pero pinipilit ko lang huwag alalahanin. Dahil baka kagaya ng isang papel magkapunit-punit na naman ako. Marami din akong naidrowing sa notebook na iyon.

Sa loob ng notebook nabuhay ang mga pangarap ko. Napapasakamay ko ang buhay na ninanais ko kapag gnuguhit ko ang larawan sa bawat pahina nito. Pero nagsawa na akong gumuhit ng isang larawan na hindi totoo, kahit na ba malaking bahagi niyon ay ako. Kung naisulat ko siguro ang bawat pangyayari sa buhay ko. Malamang ang dami-dami na sigurong notebook ang naipon ko. Marami na din kasing nangyari sa akin nung nakaraan. Mga pangyayaring hindi ko akalaing mararanasan ko at malalampasan.

Kapag sumusulat ako sa notebook ko, nawawala ang mga demonyo sa isipan ko. Pero matagal na kasi akong hindi nagsusulat. Kaya marami namang halimaw ang kumakain sa espiritu ko. Ang dami na namang laman ng isipan ko at hindi ko alam kung paano ko isa-isang palalabasin. Nasa madilim na bahagi na naman ako ng buhay ko. Mas gusto kong nasa dilim lang. Dahil nasisilaw talaga ako kapag maliwanag. Madalas masakit ang ulo ko pati na din ang buong pagkatao ko. At animo may mga kumikislap-kislap na bituin na ako lang ang nakakakita. Nagsimulang mangyari ang lahat ng ito nang magsimula ring isa-isang mawala ang mga oportunidad sa buhay ko.

Nangyari na ito noon. Nalampasan ko na kaya malalampasan ko ulit ngayon. Mawawala din ang mga hindi magandang pakiramdam at magugustuhan ko muling lumabas kapag maliwanag. Kaya ko namang magsimula ulit nang hindi na kinakailangan pang pagdaanan ko ang mga nakakahiyang bagay na nagawa ko noon. Hindi na kailangang ikahiya ko ulit ang sarili ko. Napag-zero na ako noon, ano pa'ng ikakatakot ko ngayon? Kahit papaano nakaipon na rin naman ako ng mga magagandang bagay. Nakagawa na rin naman ako ng kabutihan kahit papaano. Kaya kung maraming pintong nagsara.

Hindi lang bintana ang mabubuksan. Alam kong may bagong pintuan pang mapapasukan. Sunud-sunod na masasamang pangyayari lang ito. Pagkatapos nito ay sunud-sunod na magaganda naman. Marami pang notebook sa paligid ang makukuha ko para isulat at iguhit muli ang mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko. Marami pang notebook at hindi ako mauubusan.

-Mr. K-

:)

cambaganda  asked:

Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!

Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)

Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.

Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.

Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.

Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.

Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 

Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  

Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.

Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”

Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.

At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.

Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!


*All photos of book covers belong to their respective owners. 

Inhinyero: Ang Pagtatapos (Part 1)

Ako si Benison. Iresponsableng anak, college drop out, graphic artist, at sapilitang inhinyero.

Noong 2006 ako'y kumuha ng kursong Advertising Arts sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hilig ko ang umukit, humulma, at magdota (noon). Kaya isang taon lang at isang summer ang aking itinagal sa Unibersidad na iyon. Luhaan akong umuwi ng bahay ng mabalitaan kong wala na akong pag asa pang kunin ang kursong Advertising doon. Isang taon akong naging out of school youth o OSY kung gusto mong may bahagyang dignidad ang tawag sa pagiging bum mo sa bahay. Pero di nasayang ang isang taon na iyon. Naging “productive” ako. Natuto ako magskate noon, naging alcoholic, at napagtanto ko na tarantado ako at sinasaktan ko ang mga magulang ko sa aking mga ginagawa. Kaya naman ng inalok akong kumuha ng Multi-media Arts sa STI (Di ko parin alam kung ano ibig sabihin nyan. Siga Training Institute ata.) eh di ko na ito pinalampas.

2 taon “LANG”. Vocational course “LANG”. Oo nabanggit ni bob ong yan sa kanyang librong “ABNKKBSNPLAko?!”. Nung unang araw ko sa panibagong paaralan eh napakataas ng tingin ko sa sarili ko. Pag nagpapakilala ako lagi kong binabanggit na nanggaling ako sa isang “Prestihiyosong” Unibersidad sa Maynila. Masama man kung masama pero napakababa ng tingin ko sa aking mga kaklase noon. Lalo na nung isang araw pagkapasok ko ng silid aralan eh may sumigaw ng “Steve Badiola!”. Tinignan ko sila ng masama at naupo sa pinakaharapan. Oo sa harapan ako dati madalas nauupo dahil panahon iyon ng pagbabago, panahon ng pagkamulat. Makalipas ang ilang linggo napansin ko narin na okay pala dun. Hindi bulok ang sistema ng mga guro, sekyu, ateng seksi sa accounting office, at library. Parang mas okay ang mundo dito. Matapos ang tumataginting na dalawang taon nakapagtapos ako. Bahagya lang akong nag gago at ang pinakamababa kong gradong nakuha ay 1.75 sa subject na Values Formation at 1.25 naman ang pinakamataas sa mga subjects na Communication Arts 4, at Advertising Design (Pinagmamalaki ko nga talaga yan kasi dati pinakamataas na markang nakuha ko eh 2.5).

Wala akong pahinga ng makapagtapos sa kursong aking kinuha. Naabsorb kasi kami ng mga kasama ko nung kompanya na pinag trainingan namen. Masaya nung umpisa at napakaresponsable pa namen. 1 oras bago magbukas ang opisina andun na kami sa labas ng gate nagaabang. Ganadong ganado magtrabaho. Ano mang iutos agad na tinatapos. Dumating ang unang swelduhan. Maliit ang aming nakuha pero masaya na kami noong mga panahong iyon dahil pera iyon na pinagpawisan namen. Nakaraan ang lima pang swelduhan at nagiba na ang pagtakbo, at pagkilos namen. Drastic ang change lalo na sa akin. Kung dati rati'y di pa gising ang araw nakaabang na kami sa opisina matapos ang ilang linggo sinisigawan na ako ng araw para pumasok ng opisina. Darating ako ng opisina ng late ng isang oras. Unti unti ng nawala ang sigla sa aking katawan. Lumipas pa ang ilang buwan at nakahalata na kami. Overworked at Underpayed kami. Naging mensahero, tagabuhat, alila, at konting graphic artist kami pero ang sweldo namen mas malaki pa ang kita ng mga barker ng jeep. Lalo akong nakaramdam ng pagkapagod, at pagkawala ng gana. Pumapasok ako na mahigit dalawang oras ng late(ganado pa ako nyan), madalas halfday, sobrang dalas din ng pagpasok na may hangover, at sobrang kapal ng muka ko eh hinihintay ko pang maubos ang yosi ko bago ako maglogin kahit late na late na ako at nakikita ako ng sekretarya at iba pang empleyado ng kompanyang iyon. Nakalipas ang isang madugong taon nagpasya akong umalis. Inaalok pa ako ng boss namen na maging supervisor ng design shop pero naisip ko ang daming responsibilidad nun pero ang sahod ko mas maliit pa kesa sa ordinaryong empleyado sa ibang kompanya. Kaya napagpasya akong itigil ang katarantaduhang ito. Marami na akong nadownload na kanta, at porn.

Magiisang taon na akong walang trabaho. Di ko alam pero siguro hinahanap ko ulit ang sarili ko. Gusto ko magtrabaho pero anong klase? Gusto ko parin maging Graphic Artist pero ayoko ng maging messenger.

Napansin ng magulang ko na ang tagal ko ng nabakante at walang ibang inatupag kundi ang magskate at umattend ng mga piging. Kaya naisipan ng aking magiting na itay na isama ako sa site sa malinta. Naisip ko nun na ayos lang. Sasama lang ako at magchichill. Pinikit ko ang aking mga mata at inimagine. Nakaupo ako, malamig ang klima, maraming chiks na tindera, at painom inom at kain lang ako. Pero nagulo ang aking konsentrasyon ng magulantang ako sa napakalakas na ingay pag mulat ko ay nasa site na kami. Parang gera. Napakaraming tao, mausok, maingay, at balot ng dumi at putik ang mga nagtatrabaho. 

“Hala ka.” yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.

Pagkababang pagkababa namen may utos kagad sa akin si itay. Hanapin si engineer at ipaalam na nakarating na kami. “Yes sir.” at agad kong hinanap ang hinayupak na engineer akyat baba ako sa warzone at limang minuto ko palang itong binabaybay eh parang yari na sa semento ang baga ko. Hindi ko talaga matunton ang lokasyon ni engineer kaya sinubukan kong magtanong. Bawat pagtanungan ko iba iba ang sagot. Pasa pasa lang ang nangyari pero inisip ko na kelangan ko patunayan sa tatay ko na responsable ako. Kaya mga kalahating oras pa akong naghanap. Hindi na talaga ako makahinga at ubo na ako ng ubo kaya nagpasya akong bumalik sa may guard post. Pagbalik ko dun ay tinanong kaagad ako ng aking tatay kung nahanap ko na si engineer yumuko ako at sinabing “Hindi.”. Narinig kami nung guard at nilapitan kami “Si engineer danny ba? Ayun siya oh.” Pagkatingin ko sakanya eh napamura nalang ako. “Putangina kanina pa yan andyan nung pagkadating naten eh.” Tarantado nga. Hinatid na kami ni engineer sa site. Pagkabukas eh kadiliman lang ang bumungad samen. Madilim, mausok, baku bako ang flooring, at pinupugaran ng mga lamok na hayok sa dugo.

Tinignan ako ng tatay ko na parang sinasasabing “Lock and Load.” sabay tugtog ng “Welcome to the Jungle” sa aking munting PSP.

SA KABILA NG LAHAT, alam ko pa rin kung kanino ako tatakbo sa tuwing umaalon ang sakit sa puso ko. Alam ko kung sino ang pwedeng makapagpagaán sa bigat na nararamdaman. Alam ko kung sinong kakalong sa akin sa tuwing pagod na pagod na ako sa paghabol sa sarili kong nagpapaikot-ikot lang sa pagitan ng pagbalik at paglisan.

Kaya nga nakakalungkot minsan kapag may nababalitaan akong nagpakamatay dahil hindi na nakayanan ang sakit, o kaya’y nasiraan ba ng bait dahil sa kaiisip. At ayaw kong mapabilang sa kanila. Sino ba namang may gusto nito? Wala naman. Parang sa mundong ito, parang palaging labanan lang ng katatagan, at wala dapat sa pagpipilian ang pagsuko.

Minsan, hinahayaan ko lang na kausapin ko ang sarili, sinasagot ang mga tanong na hindi dapat ako ang sumasagot. Nagagalit. Nagngingitngit. Pero pagkatapos non, wala na. Tama na. Tuloy na ulit ang buhay. Dahil parati namang may panahon para malungkot. Ang maganda don, mas malaki parati ang tsansang piliin ang magpatuloy kapag mas pinipili kong maging positibo. Biro ng isa kong kaibigan, baka daw lumampas na ako sa langit dahil tatlong beses sa isang linggo ay dumadalo ako sa The Feast. Binato ko ng hugot at ang sabi ko, “Nagmu-move on ako, Kuya.”

Pero walang halong biro, sa mga nasasaktan ngayon, hayaan niyo lang. Maaaring naglalangoy tayo sa sakit ngayon pero huwag nating kalimutang isabay ang pagkapit sa Kanya. Dahil sigurado akong ang mga yapos Niya kailanma’y hinding-hindi magtatapós.

Inhinyero: Kung Walang Knowledge, Tolonges ka (Part 2)

“PUTANGINA ‘san ba nilagay ni JR yung talim! Tolonges talaga yung taong yan o-oh.”

Yan ang tatay ko ng hanapin nya ang mga talim ng barena na itinago ng isa nameng trabahador na parang aso sa kanyang paboritong buto. Hindi na bago ang pagiging mainitin ng ulo sa mga kalalakihan ng aming pamilya. Yan ang pinakamaipapamana ng tatay namen sa aming dalawang lalaki sa pamilya. Ang galit na yan ay sunod lamang sa edukasyon. Lahat ata ng lalaki sa angkan ng mga Go ay may taglay na galit at sadyang may talento pag dating sa emosyong ito. Hindi mabubuhay ang isang lalaking Go kung hindi ito magagalit sa isang araw.

Pasado alas-8 na nang makarating kami sa site. Wala pang naguumpisa kaya naman kami'y nagtaka nang makita namin ang mga trabahador na nakatambay sa labas na parang pumipila para sa libreng bakuna. “Bakit hindi pa kayo pumasok?” sambit ng aking ama. “Eh b-boss yung susi… w-wala.” at dito na nagumpisang magalburoto ang bulkan. “Putangina nakay JR yung susi ah. Bakit hindi sainyo ibinigay?! Lagariin niyo na yang kadena!” Inobserbahan ko ang kilos at pananalita ng aking itay at medyo nagulat ako sa mga reaksyon nya. Signal number 1 lang ang lumabas sa kanyang bibig. Inisip ko na siguro magiging okay ang araw mukha kasing “Good mood” ang tatay ko. Mali pala ako. Pagkapasok ay agad niyang inutusan ang mga trabahador at binigyan ng mga kanya kanyang gawain. At dun na nalaman na nawawala ang talim ng barena. Siya palang ang pangalawang taong narinig kong nagsabi ng salitang “Tolonges” at siya ang pinakahuling taong aasahan kong magsasabi 'non. Ayan na! Naghimutok na ang bagyo. Yari na.

Mahilig magturo ang tatay ko sa kanyang mga trabahador. Yung mga ayos sakanya tuturuan niya at ang mga kawawang mga tolonges ay dinidispatsa. Pag nakita mong nagtuturo ang tatay ko mukang napakabait niya pero ang di mo alam ay ang lait bago ang pagtuturong iyon. Lalaitin niya ang pagkatao mo na kahit siguro si Lucifer ay iiyak. Kaya minsan natatakot narin ako at inaabangan ko na ang mga pinagsasabihan niya baka kasi bigla nalang siyang hampasin ng iskwala sa mukha. Ilang beses ko narin naranasan ito. Siyempre nakakagalit at nakakapanliit. Minsan gusto ko magwalk out pero gumagawa nalang ako ng scenario sa utak ko kung saan sinasagot ko siya ng “Eh hindi ko naman napagaralan yang mga yan kaya wag mo ako sigawan!” Pero sa utak ko lang yan pagkatapos ay ang pagkunot ng noo, paghinga ng malalim, pagpikit at pagbilang ng 1 to 10.

Ilang linggo narin akong sumasama sa site kaya mas nakikilala ko ang tatay ko. Marami narin akong mga natutunan tungkol sa paggawa ng mga kung ano ano at tawag sa mga kung ano anong bagay.

  • Nalaman ko ang pinagkaiba ng normal na screw drayber at ang tinatawag nilang pilipskru.
  • Pano magsukat at gumamit nung ruler na may bula.
  • Ang mga bakal na binutas ng barena ay mainit.
  • Wag kang hawak ng hawak ng mga bagay na nasa site. Yung iba may AIDS.
  • Kahit matatanda alam ang salitang “Tolonges”
  • Na may mga napakagagandang babae na pagkumanta ng awitin ni Sarah Geronimo at sinamahan pa ng mukha eh kagilagilalas.
  • 9 sa 10 babae ay kumakaripas ang puwet kapag naglalakad. Parang umuukit ng letrang “U” sa kawalan.
  • Di lahat ng maganda ang buhok ay may magandang mukha.
  • Di lang marijuana, shabu, shrooms ang makakapagpahigh sayo.
  • Wag magsuot ng paborito mong pantalon pagpupunta sa site.
  • Di namamatay ang ipis kahit ipako mo ng tatlong beses.
  • Pag wala kang kutsara pwede mong gamitin ang balot ng 3in1 coffee bilang stirrer.
  • Sasakit ang tiyan mo sa mga pagkain ng CVC ang bonus nalang ay ang mga chiks na mapapatanong ka kung bakit doon sila kumakain.
  • May daga sa puregold.
  • Nalaman kong kahit ganong galit at mga salitang mas maanghang pa sa bagong silang na sili ay mahal ko parin ang aking itay.

SIMULAN NATIN SA PAGNGITI, sa paglabas-labas, sa pag-iikot-ikot, sa pagtalon-talon sa iba’t ibang mundo, sa pagtanggap, sa pag-amin, sa pagpapalaya, sa pagbubukas muli ng sarili, sa pagbabalik ng nawalang piraso ng sarili. Simulan natin sa maliliit na bagay. Simulan natin hangga’t may lakas pa. Simulan natin, hanggang sa tuluyan tayong makalaya sa iisang mundong kumulong sa atin sa matagal na panahon. Magpatúloy, pero huwag lumimot.

Ang Kwento ni Mang Rowel.

May nakita ako parang isang anino ng isang bagay sa aking paglalakbay.  Hindi ko mawari kung ano ang pisikal nitong itsura.  Pero naiisip ko na para itong isang tsinelas.  Nagtataka ako kung bakit hindi ko makita ang kanyang pisikal na itsura.  Sinubukan ko itong suotin, parang isang magic na nag kasya sa aking mga paa kahit na mukha itong maliit para sa size 8 kong mga paa.

Habang naglalakad ako sa aking paglalakbay unti-unti itong nagkakaron ng kanyang sariling pisikal na itsura.  Nahiwagaan ako sa nakikita ko at napaisip ako.  Sinubukan kong huminto sa paglalakad napansin ko na huminto rin ang paglitaw ng kanyang itsura. Bigla akong nalungkot sa nangyari kaya ako'y nagpatuloy sa aking paglalakad.

Inabotan ako ng takip silim, napagod at nauhaw hanggang sa nag umaga. Tinignan ko ang aking tsinelas, napansin ko nasisilayan ko na ng medyo malinaw ang kanyang itsura.  Parang bata akong natuwa nung makita ko ito.  Sari-sari ang kulay at lahat ng kulay ay kaaya-aya sa aking mata.  Napamahal na ang suot kong tsinelas.  Sa haba ng panahon kong nakasama ko ang tsinelas na ito maari ko ng matawag na akin ito. 

Isa lang ang masasabi ko aking tsinelas, hindi ako iiwan katulad ng ibang taong tumalikod sa akin.  Katuwang ko ito sa aking paglalakbay.  Ganun nga ang nangyari ngunit sa kay haba-haba ng paglalakbay kong kasama ko ito, may pumukaw ng aking mga mata.

Nag-iiba ang itsura nito.  Minsan nagiging maganda at makulay ito. Minsan naman nagiging pangit yung tipong gusto mo ng palitan at itapon ito.  Kahit ganun ang nagiging itsura nito hindi ko magawang matapon.

Maniniwala ba kayong hanggang sa aking pagtanda ay kasama ko parin ang tsinelas ko? Maniwala man kayo o hindi, kasama ko parin ito at nasusuot ko parin ito.  Hindi na siya yung dating makapal at maganda parin ang kalidad.  Katulad ng ibang tsinelas numinipis din ito at bumababa din ang kalidad nito.

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang tsinelas.  Ngunit hindi lahat ng tao ay nauunawaan kung ano para sa ating ang tsinelas.  Wala sa haba ng panahon magkasama kayo ng iyong tsinelas. Bagkus ang mahalaga ay kung paano mo pinapahalagahan ang bawat nangyari at naranasan kasama ang iyong tsinelas.

Sa aking pagtanda ko lamang nalaman ang hiwaga sa aking tsinelas.  Mahirap ipaliwanag ang aking natutunan basta ang alam ko naintindihan ko ang lahat.  Sana lang nilubos ko at nagamit ng mabuti ang pinakamamahal kong tsinelas.  Kaya pag nakita kang tsinelas, pag isipan mo ng ilang daang beses kung pano at saan mo ito gagamitin. Maiintindihan mo lahat ng lumalabas sa aking bibig kapag nakita mo na ang tsinelas na para sayo. Isang beses lang tayo mabibigyan ng tsinelas…

-Mang Rowel-

:)

Inhinyero: Yosi Break

Sindi. Hithit. Buga.

Sa site kahit sari saring usok ang iyong nilalanghap nanaisin mo parin ang usok na hinihithit mo sa yosi. Di malabong magkaron ng kung ano anong sakit ang mga trabahador pero parang mas matibay pa ang resistensya nila kesa sa mga sundalong pitong araw ng nagbababad sa ulan. 

Kadalasan pag wala ng magawa magsindi nalang ng yosi ang natatangi mong pwedeng gawin. Kahit nasa loob ka ng isang mall. Kahit ang mga manggagawang nakasalimuha ko ay kahit busy sa pagtatrabaho ay may sinding yosi sa kanilang labi.

Break time. Panahon na para kumain ng banana que na inilalako ni manang sa tapat ng site. Matapos namin pagsaluhan ng aking tatay ang banana que ay nagpasya siya na mauna na dahil napakabagal ko kumain. Busog pero parang may kulang parin kaya tinignan ko kung magkano pa ang pera sa aking bulsa. Sapat pa para bumili ng yosi. Masarap manigarilyo kapag busog. Marami na nagsabi niyan. Pero totoo ngang masarap. Parang hinehele ng malamig na usok ang mga kinain mo sa iyong tiyan. Ayos. Kaso kelangan na bumalik sa trabaho. Pag pasok ko ng gate nangyari ang hindi ko inaasahan. Nagyoyosi pa pala ang aking itay sa labas. Naisip ko kagad patay tayo dyan. Di naman dahil hindi niya alam. Alam niyang naninigarilyo na ako dati pero noon oras na iyon niya lamang ako nakita na naninigarilyo. Yumuko na kagad ako para kunwari nakaramdam ng kahihiyan pero laking gulat ko nang makita ko siyang nakangiti. Pati ako napangiti narin. Paglapit ko ang sinabi lang niya ay “Nagyoyosi ka pala ha.” pero medyo parang natatawa ang tono. Naupo ako sa tabi niya at sinabing “Parang hindi niyo naman alam.” at doon nagsimulang lalong gumanda ang bonding namen ng aking itay. Nagusap kami tungkol sa trabaho at sa buhay. Ang sarap ng pakiramdam na makausap ko ng ganun ang aking itay. Para kasing simula nung bata ako ang pagkakaalam ko lang sakanya ay na siya ang aking ama. Minsan may mga mabubuting dulot rin pala ang pagyoyosi. 

Thirteen Years.

Ngayon ang 13th death anniversary nanay ko. Natamaan sya ng ligaw na bala sa Lipa City. Ganito kasi yun, may isang kotse at jeep yung nanay ko nakasakay doon sa jeep kaso yung pulang kotse ay binabaril ng “riding in tandem” ata yun at dahil duling yung bumabaril natamaan ang nanay ko na nakasakay sa jeepney. 3 years old palang ako ng namatay siya at iniwan niya kaming tatlong magkakapatid. Ang saklap lang kasi hindi ko pa tanda hitsura niya buti na lang nauso ang picture.

Christmas Party '11

Nabitin ako sa Christmas Party namin this year . :| 2 and a half Hour lang kami nagcelebrate eh . Saka di siya gaanong ganun kabongga , parang di ko feel ung activities tapos ung mga pinapatugtog e parang my hlong drama tas may halong Rock . Ayun so ung iniregalo ko for Exchange gift eh ung Album ng SHINee tas ung natanggap ko eh Bag na Heartstrings . ayun , natapos na sa school . Pagkatapos nun nag-aya naman ung niregaluhan ko na gala daw kami sa Clubhouse dito sa Village namin , edi pumayag naman ako dito lang naman eh , Isang oras din kami mahigit nun . Pagkatapos nun umuwi na siya tas bumalik ako ng school para sunduin ung FUCKated ko , kaso maaga pa pala edi nagpunta muna ko sa room nila ayun pinatuloy naman ako , un din naman kasi ung Room ko ung elem pa ako eh . Andun din pala si Denniese , isa din sa mga Bestfriends ko . Actually kasama niya ung Mortal ‘kong Kaaway , buti nalang nahiya siya’t nagpasundo na . Jk ! Pagkauwi niya nagsama na kami ni Den , usap-usap tungkol sa mga bagay tas napagtripan namin ung dalawang bolang nakakalat sa Gym , tig-isa kami tas pinagshoo-shoot namin . Sinulit na namin kasi walang tao , tas nung may pumasok nawalan na kami ng gana kasi parang nakakahiya kaya ayun ginawa naming Bola ng Volleyball ang Bola ng Basketball . Nagserve siya sabay sinalo ko naman eh flat pa naman ung bolang gamit namin , edi parehas namula-mula ung mga braso namin . So ayun inantay ko nalang hanggang sa makauwi sya sabay umuwi nden ako ~ lels . un , Share lungss .

TaLa.

Maaga pa ng lumabas ako ng OJT ‘kaya naisipan kong pumunta muna sa SM para tumambay sa national bukstore at maghanap ng chix. Nais ko sanang ipagpatuloy ang librong binabasa ko sa national bukstore. Dali-dali akong sumakay ng jeep biyaheng SM at yun. Konti lang ang sakay ng mga oras na yun ni manong driver kaya hindi ganoon kasikip. 'Nasulit ko ang sais na bayad ko. 

Pagbaba ko sa SM ay dumeretso agad ako sa National Bukstore. Hinanap ko ang librong binabasa ko at…. Tangina. Hindi ko makita.. Hindi ko makita ung librong binabasa ko. Ang damot ng national busktore. Yan ang bumuong salita sa isip ko. Libre na nga lang, hindi pa ipabasa sa mga taong walang pambili ng libro. OO.! Wala akong pampibili ng libro kaya naasa ako sa libre. 

Hinanap ko siya sa bawat shelves at wala. Maski anino ng librong yun ay hindi ko nakita. Anak ng putaneska. Nagsimula ng magsalubong ang kilay ko at umukit ang bugnot na reaksyon sa mukha ko. Dinayo ko ang SM para lang maghanap ng librong ayaw magpakita. Tangina talaga. Mura!. Mura!. Mura!. OO. Mura ako ng mura sa isip ko. Tangina ulit.

Sa pagkainis ko ay  naisipan kong gawin ang ikalawang dahilan ko kung bakit ako nagpunta ng SM 'ang maghanap ng chix. Lumabas na ko sa national bukstore na may sama ng loob. Naglakad ako sa mall at may nakita naman akong chix. Pero may kasamang bf na hawak na hawak sa kanya. Parang linta kung makadikit. Kayo na magkarelasyon. Ako na single. May ilan ding kasama ang magulang. Nakakalungkot.

Dahil sa pagkadismaya ay naisipan kong umuwi nalang. Naglakad na ko papalayo sa mall habang nakayuko. Biglang umambon ng oras na iyon. Sakto may payong ako.. Kaya masasabi kong mahal pa din ako ng diyos.

Habang nakatayo ako sa antayan ng jeep ay may nakita akong isang babaeng nakasilong sa isang maliit na puno. Kahit nakasilong siya alam kong nababasa parin siya. Kinapalan ko ang mukha ko at lumapit.

Ako: “Miss. Alam mo ba na sa ambon lang ay pwede ng dahilan para ikaw ay magkasakit.”

Siya: “OO. Alam ko.”

Ako: “Eto oh. *inabot ko ang aking payong

Siya: "Oh? Ano ito?”

Ako: “Payong. Kulay itim na payong.”

Siya: *bahagya siyang tumawa* OO. Alam kong payong yan. Pero bakit mo inaabot sakin?“

Ako: "Kasi basa na ung likod mo oh. Magkasakit ka niyan.”

Siya: “Oo nga. Salamat..” *kinuha niya ang payong

Tingin at ngiti na tumagal din ng ilang segundo ang naging sukli niya sa pagpapahiram ko ng payong. Habang nagsusumigaw ang isip ko na 'hindi parin pala ako malas ng araw na iyon. May mabuting dulot din pala ang pagpunta ko ng SM.. Salamat bro..

Siya: “Una na ko uh.. May nakita na kong jeep.”

…………

Siya: “Salamat nga pala..”

Natulala ako. Ang bilis ng nangyari. Bigla siyang nawala at hawak ko na ang payong. Sinundan ko siya ng tingin at iyon lang ang nagawa ko. Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. At naramdaman kong nababasa na pala ko. Shet. 

Sumakay na ko sa jeep. Ang daming sakay. 

Ako: “Ma. Bayad ho.”

Tangina. Upong tres lang ang nagawa ko. 

Siksikan ang jeep.

__________

Paguwi. Nakita kong nanunuod si mama ng willing willie.

OHMYGOD!!